Amari's Heart - Part 3
Halos wala akong lakas noong lumabas ako sa opisina ng doktor ko.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay tila lalong bumibigat ang mga paa ko.
"No," mahinang sambit ko at napahawak sa pader 'di kalayuan sa puwesto ko. "No, please," halos ibulong ko na lamang iyon at mariing ipinikit ang mga mata ko.
Ilang minuto pa akong hindi nakagalaw at nakatunganga sa kawalan.
Nakaupo na ako ngayon sa driver's seat ng sasakyan ko at walang balak na umalis sa harapan ng ospital kung saan ako nagpatingin ng kalagayan ko. Nanghihina akong napayuko sa manibela ng sasakyan ko at napamura na lamang.
This can't be happening to me! Ayos na ako. Magaling na ako!
Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo noong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Hinawi ko ang buhok kong tumama mukha ko at tiningnan kung sino ang tumatawag ngayon.
It was Sasa.
Wala sa sarili na lamang akong napamurang muli noong mapagtantong gabi na at paniguradong hinihintay na nila ako ngayon sa mansiyon ng mga Henderson. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Sasa at sinabihang nasa biyahe na ako. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at nagsimula nang magmaneho.
Umabot ng isang oras ang naging biyahe ko pabalik sa mansiyon ng Henderson. Nagmamadali pa ako sa pag-park ng sasakyan ko at noong pinatay ko na ang makina ng sasakyan ay mabilis akong bumaba sa sasayan ko.
Agad kong binati ng guard na nakabantay sa gate ng mansiyon nila Yvana at pinapasok na ako. Nagpasalamat ako dito at dere-deretso nang naglakad papasok sa main door ng mansiyon. Ang sabi ni Sasa sa akin kanina noong tumawag ito ay sa hardin daw nag-set up na inihanda ni Yvana para sa dinner na ito kaya naman ay doon agad ako nagtungo.
Ilang hakbang pa ang layo ko sa hardin ay natigilan na ako sa pagkilos.
Kung tama ang pagkakaalala ko, ang sabi ni Sasa ay nagsisimula na sila. Late na rin kasi at gutom na ang mga bata. Kunot-noo akong naglakad muli hanggang sa tuluyang marating ko ang hardin ng mga Henderson.
"What..." Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin ko noong mamataan ang itsura ng paligid. May isang mahabang mesang naka-set up sa gitna nito ngunit wala sila Sasa roon! Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna. Nagpalinga-linga ako at natigilan na lamang noong biglang namatay ang ilaw sa buong hardin.
"Sasa? Yvana? What is this?" Tawag ko sa dalawa at dahan-dahang inihakbang ang mga paa. Wala akong makitang kahit ano kaya naman ay maingat ang bawat hakbang ko. At noong makaramdam ako ng presensiya sa likuran ko, mabilis akong natigil sa pagkilos.
"You're late," sambit nito at mahinang tumawa sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko narinig at mabilis na bumaling sa gawi nito.
Pilit kong inaaninag ang may-ari ng boses na iyon ngunit wala talaga akong makita! Inangat ko ang kamay ko at marahang iginalaw ito. At noong maramdaman kong may humawak sa kamay ko, napaawang na lamang ang mga labi ko.
"Von?" tanong ko at pinakiramdaman ang kamay na may hawak sa kamay ko. "Ikaw ba iyan?" dagdag ko pa at napapitlag na lamang noong hapitin ako nito papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko at mas lalong akong inilapit sa katawan nito.
"I'm home," bulong nito na siyang mabilis na ikinayakap ko sa kanya. Kahit na hindi ko ito nakikita ngayon, alam kong si Von Sirius ito! Narinig ko ang mahinang pagtawa muli nito at mayamaya lang ay binuksan muli nila ang ilaw kasabay ng ilang tawanan mula sa mga kaibigan ko.
Mabilis akong humiwalay mula sa pagkakayakap kay Von at binalingan sila Sasa. Kita ko ang mga ngisi nila sa akin at naglakad pa palapit sa puwesto naming ni Von Sirius.
"Ang tagal mong bumalik dito." Natatawang sambit ni Yvana at naupo na puwesto niya. "Ang akala ko'y hindi na matutuloy itong inihanda ko para sa'yo!"
"Kaya nga, Amari! Nag-effort pa naman kami nila Ayah dito!" Pahabol naman ni Sasa na siyang ikinatigil ko. Napabaling ako sa anak at namataan ang malawak na ngiti nito.
"Surprise, mommy!" aniya at naglakad papalapit sa amin. "Welcome home, Tito Von!"
"Thank you, pumpkin," ani Von at hinawakan ang kamay ko. "Maupo na tayo para masimulan na itong dinner na pinaghandaan nila Ayah."
Tumango na lamang ako at naupo na sa bakanteng upuan sa pagitan nila Von at Ayah. Napabaling ako sa gawi ni Sasa at Xavi at napangiti na lamang noong mamataang abala na ang dalawa sa pagpapakain sa anak nilang si Elias.
Mayamaya lang ay natigilan ako noong maramdaman ang paghawak ni Von Sirius sa kamay ko. Napabaling ako sa kanya at namataan ang seryosong titig nito.
"You okay?" marahang tanong nito na siyang ikinatango ko. "Nagbababad ka ba sa trabaho mo, Destiny Amari? Na kahit kanina ay may inasikaso ka pa?"
"Uhm, tinapos ko lang iyong isang pending kong appointment." Pagsisinungaling ko dito at tipid na ngumiti.
"Kakausapin ko ulit si Tito Dennis tungkol sa merging proposal ko. Makakatulong iyon sa'yo kung hahawakan ko na rin ang kompanya niyo. You don't need to work like this, Destiny."
"Ano ka ba. Ayos lang ako. At isa pa, nag-eenjoy ako sa trabaho."
"Sigurado ka? Paano si Ayah?" marahang tanong nito habang nilalaro ang mga daliri ko. Napatingin ako sa mga kamay namin at tipid na napangiting muli.
"Ayah will be fine. Nasanay na rin ito sa bagong apartment namin."
Hindi na nagsalitang muli si Von Sirius sa tabi ko at hinawakan na lamang nang mabuti ang mga kamay ko. Napatingin naman ako kay Yvana noong magtanong ito sa akin at kaswal ko naman itong sinagot.
Napuno ng tawanan ang buong gabi namin at nakalimutan ko na ang probemang kinaharap ko kanina bago pa man ako pumunta dito sa mansiyon ng mga Henderson. Palihim ko na lamang tiningnan si Von Sirius sa tabi ko at tahimik na nagpasalamat sa pagbabalik nito.
Dahil sa pagod ay nakatulog na si Ayah. Minabuti ko na lang na magpalipas ng gabi nito sa bahay nila Von. Medyo nahihilo na rin kasi ako sa nainom na alak kanina. Mas makakabuti sa amin ni Ayah na huwag na lang muna umuwi at bukas na lamang. Wala rin naman itong pasok kaya hindi kami magagahol sa oras kung sakali.
Maingat na inilapag ni Von si Ayah sa kama at kinumutan na ito. Pinagmasdan ko lang ang dalawa at napaayos na lamang nang pagkakatayo noong bumaling sa gawi ko si Von Sirius. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at matamang tiningnan ako.
"Dito ka rin ba matutulog sa silid na ito?" tanong niyo na siyang ikinatango ko. "Kung maliit ang kama sa silid na ito, available iyong katabi na silid nito. Pinalinis na rin iyon ni Yvana kanina."
"Ayos na ako dito, Von," marahang sambit ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "Uhm-"
"Kanina ko pa ito napapansin sa'yo. May sasabihin ka ba sa akin?" tanong ni Von na siyang ikinangiwi ko. "Kilala kita, Destiny Amari. Now, tell me. What's bothering you? May problema ba kay Ayah?"
Mabilis akong umiling kay Von at napabuntong-hininga na lamang. Muli kong tiningnan si Von sa mga mata nito at tipid na nginitian.
"I'm just glad that you're back."
"You missed me?" May ngiting tanong nito na siyang ikinailing ko sa kanya. "Sa yakap mo kanina sa akin, alam kong na-missed mo rin ako, Destiny Amari."
"Imahinasyon mo lang iyon, Von Sirius."
Natawa si Von sa sinabi ko kaya naman ay mabilis ko itong sinuway. Binalingan ko ang puwesto ni Ayah at mabilis na inilingan ito.
"Come on. Huwag tayo dito mag-usap. Magigising pa si Ayah sa tawa mo," wika ko at tinalikuran na ito. Lumabas na ako sa silid at sumunod naman si Von sa akin. Dere-deretso ang lakad ko palayo sa silid na kinaroroonan ng anak at naisipang sa may hardin na lang ulit kami mag-usap ni Von ngunit bago pa man ako makarating sa may hagdan, mabilis na hinawakan ni Von ang kamay ko.
Gulat akong napabaling sa gawi niya at noong magsasalita na sana akong muli, mabilis niya akong hinila at binuksan ang pinto ng silid na malapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at napatanga na lamang noong hinila na niya ako papasok doon sa silid.
"Von-"
Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin noong marahan akong isinandal ni Von sa pintong kakasara pa lang niya. Napako ako sa kinatatayuan at napaawang na lamang ang mga labi noong mabilis nitong inilapit ang mukha sa akin.
"I missed you. So much," mahinang sambit nito at hinaplos ang mukha ko. Napakurap-kurap ako at noong mas inilapit pa nito ang mukha sa akin, halos kumawala na ang puso ko sa dibdib ko. "Can I kiss you, love?"
"Von-"
"Please say yes," ulit nito at marahang hinaplos ang labi ko gamit ang hinalalaki niya.
"Y-yes-"
Mabilis akong napasinghap noong hinalikan na ako ni Von Sirius. Mas inilapit nito ang katawan niya sa akin at mas pina-ilalim ang halik nito. Napapikit ako at mabilis ipinulupot ang kamay sa leeg nito. Gumanti ako sa mapusok na halik ni Von sa akin at mayamaya lang ay naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko.
"Von-"
"Don't worry. This is my room, love," sambit niya habang hinahalikan pa rin ako at dahan-dahang naglakad habang buhat-buhat ako. Hindi na ako nakapagsalita pa. Mas ipinulupot ko kay Von ang mga kamay ko at noong maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama nito, napamulat ako ng mga mata ko. Tumigil si Von sa paghalik sa akin at matamang tiningnan ako habang nasa ibabaw ko ito.
Halos hindi ako makagalaw sa intensidad ng mga titig ni Von. Kita ko ang tuwa at pagkasabik dito kaya naman ay marahan kong inalis sa pagkakayakap sa leeg nito ang kamay ko at marahang hinaplos ang mukha nito.
"I missed you too, Von Sirius. So much," nakangiting sambit ko dito. "Akala ko'y hindi ka na babalik pa dito."
"Hindi ko magagawa iyon, Destiny Amari. You are my home, remember? Sa'yo at sa'yo pa rin ako babalik," napapaos na sambit nito na siyang lalong ikinangiti ko.
"I'm ready now, love," marahang sambit ko na siyang ikinatigil ni Von. Kita ko ang gulat sa mga mata nito kaya naman ako na mismo ang lumapit sa mukha niya at hinalikan ito. "I'm all yours now."
"Destiny Amari-"
"Let's get married, shall we?"
Nakita ko ang ngisi sa labi ni Von at mabilis na hinalikan muli ako.
"No, love. Hindi mo dapat sinasabi iyan habang nandito tayo sa kuwarto ko," aniya at sinimulang ilakbay ang mga labi sa leeg ko. "At isa pa," aniya at tumigil sa paghalik sa akin. "Ako dapat ang nagsasabi niyan. Ginawa mo na iyan noon kaya naman dapat ako naman ang magsasabi niyan sa'yo."
Bumalik sa labi ko ang mga labi ni Von at mas pinailalim ang mga halik nito. Mayamaya lang ay tumigil sa paghalik si Von at matamang tiningnan ako.
"Let's get married, love. Shall we?" pag-uulit nito sa tanong ko na siyang mabilis na ikinatango ko. Ngumiti si Von sa akin at muling hinalikan ako.
"I love you," sambit ko sa pagitan ng mga halik nito at muling ibinalik ang mga kamay sa leeg nito.
Von Sirius owns me. Heart, body and soul. At kung may gusto man akong makasama hanggang sa huling pagtibok ng puso ko, si Von ang nanaisin kong nasa tabi ko.
I'm done finding myself. I'm done feeling empty all over again.
Von Sirius Henderson is the missing piece that I've been looking for. Siya lamang ang bubuo sa akin. Siya at wala ng iba pa.
"I love you, Destiny Amari," ani Von at inalis na ang huling saplot na mayroon ang katawan ko. "Sundan na agad natin si Ayah, love," anito na siyang ikinatawa ko na lamang.
That's a good idea, Von Sirius. Ayah will surely love to have a little brother and sister!
"Sure thing, love," sambit ko at dinama ang muling pag-iisa namin ng taong pinakamamahal ko, ang taong nagmamay-ari ng puso simula noong malaman ko kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal.
---
THE END
---
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA, LOVIES!
THIS IS THE END OF VON AND AMARI'S STORY PO. HAHAHA YES, HAPPY ENDING PO ITO. AND YES, MAY SPECIAL CHAPTERS TAYO KAYA ABANGAN! DOON KO NA LANG ILALAGAY IYONG NOT SO HAPPY ENDING NA SINASABI KO SA LADYARIESXX NA FB PAGE HAHAHAHA
I LOVE YOU ALL! MAMAHALIN KO KAYO HANGGANG SA HULING PAGTIBOK NG PUSO KO! CHAAAR! HAHAHA HUGS! STAY SAFE ALWAYS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top