Chapter 8 : This is the last

Maaga akong nagising ngayon dahil narin sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko pero imbis na mairita ay nagawa ko pang ngumiti atsaka ko kinapa yung phone ko sa may drawer pero ng buksan ko ito ay wala man lang text na bumungan sakin kaya tuloy tamad akong napabangon sa kama para maligo na at makakain

Siguro busy lang sya I said to myself

Matapos ang ilang oras ay natapos nadin ako sa pagkain at pagligo kaya nagmadali ako na umalis para daanan si Luigi sa dorm nya , nang nakarating ako sa tapat ng dorm nya ay papasok na sana ako pero natigilan ako ng makita ang Isang babae na sa palagay ko ay syang nagpapaupa ng dorm kaya lumapit ako dito para nagtaanong

" Ate nandyan pa po ba si Ryle? "

" Ikaw ba yung girlfriend nya?"

" Opo "

" Wala na kase si Ryle dito kakaalis nya lang kanina , heto nga pala pinapabigay nya . abot sakin nito nung letter "

Na agad ko namang kinuha kahit na di parin ako makapaniwala , inabot ako ng ilang oras bago ako magpasya na bumalik nalang sa dorm at hindi na muna pumasok .

Nang makabalik ako ay agad akong naupo sa couch atsaka binuksan yung letter na inabot sakin nung ale kanina

Dear ,

      Alam ko na kung mababasa mo man to ngayon ang ibig sabihin non ay umalis na ako , sorry kung hindi ako nakapagpaalamn sayo at sorry din kung di ko masabi sayo ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis .

Alam mo na sobrang mahal kita at ayaw ko na nasasaktan ka pero kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti nating dalawa , palagi ka sanang magiingat at wag mo din sanang pababayaan ang sarili mo.... I'm breaking up with you

                                                  Yours truly
                                                        Ryle

Isa Isang tumulo ang aking mga luha at tila naninikip ang aking dibdib ni hindi ko maigalaw ang aking mga paa at kamay at ang tanging maririnig lamang sa condo ko ngayon ay ang aking paghikbi ng walang tigil . Lumipas ang araw na yon na tanging pagiyak lang ang ginawa ko hanggang sa makatulog ako

Kinabukasan ay panibagong araw nanaman pero para sakin ito ay magdadala lang ng panibagong sakit kaya minabuti ko na hindi na muna pumasok dahil hindi ko pa kaya...

Hindi ko pa kayang magpatuloy ng wala sya

masyado din kaseng biglaan ang nangyare kaya nahihirapan akong tanggapin ito

Lumipas ang ilang araw at nanatiling ganon ang sitwasyon ko hanggang sa Isang araw tinawagan ako nung principal ng school na pinapasukan ko
kaya wala akong nagawa kundi pumasok nalang kahit na ayaw ko hindi ko naman kakayanin na pati yung studies ko eh mapabayaan ko na.

Nanatili na ganon  ,  sa umaga ay nagpapanggap ako na masaya at para bang walang problema pero  kapag gabi naman ay dobleng sakit ang aking nadaram. Hanggang sa makilala ko si mika na katulad ko ding college at dahil  sa kakulitan nya ay naging magkaibigan kaming dalawa at nagkaroon ako ng pagasa na muling  mabuhay pa .

**********

I hope you guys like it 🙂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top