Chapter 4 : Spark?
Pagkatapos ng gabing yon ay naging magaan ang pakiramdam ko dahil narin sa pakikinig nito sakin at pati narin pagpapayo di ko nga inaasahan na ang isang tulad pa nya ang magpapayo sakin
At dahil weekend ngayon ay nasa bahay lang ako at kahit na magaalas dose na ay tulog parin ako pero naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko kaya tamad akong bumangon at pinagbuksan ito
" Ma'am may naghahanap po sainyo na lalake "
" Susunod na ako"
Pagkasara ko ng pinto ay agad akong kumuha ng mga damit para makaligo na at nung matapos ako ay agad kong kinuha yung phone ko atsaka bumaba na pero muntik na akong mahulog sa hagdan nung madatnan ko si Ryle na naghihintay at nakaupo sa may sofa
" Anong ginagawa mo dito? "
" Ano pa edi sinusundo ka "
" Bakit San ba tayo pupunta ?"
" Amusement park "
" Ok sige "
Kahit na ayoko ay sumama parin ako ako sakanya tutal wala naman akong masyadong gagawin dito sa bahay.
Nung nasa amusement park na kami kung saan saan naman ako nito hinatak para lang masakyan namin lahat ng rides dun pero tila ba tumigil ang mundo ko ng hawakan ako nito sa kamay para hindi ako mabigla sa rides , tila ba may kuryente nung hawakan ako nito maya agad akong napabitaw sakanya na naging dahilan upang lingonin nya ako
" May problema ba? "
" Ahh wala " agad na sagot ko atsaka yumuko
Bat ganon tila naging Isa syang kpop artist sya sa paningin ko ? . Ang itim nitong buhok ay hinahangin ang mga mata nito ay di na makita pa dahil sa sobrang pagkakangiti nya ang ilong nito na hindi gaano katangos ngunit nakakadagdag ng appeal nya at pati narin ang pisngi nito na ang sarap kurutin pag pinanggigigilan sya lalo na ang labi nito na ngayoy nakangiti kaya lumalabas ang kakyutan nya
Ngayon ko lang napansin na di lang pala ito kyut kundi gwapo rin, pero teka ano ba tong naiisip ko nahihibang na ata ako nasobrahan na ata ako sa kakapanood ng mga love story
" Hey, are you okay? "
" Oo naman "
" Tara kumain muna tayo "
" Mabuti pa nga "
Agad kaming nakahanap ng resto. na kakainan kaya naman agad namin itong pinuntahan at nung nasa nasa resto na kami ay ipinaghila ako nito ng upuan na sya namang ikinapula ng pisngi ko
***********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top