Chapter 1

"Nari, gising na..."

Biling.

Ikot sa kama.

Talukbong ng kumot.

"Five minutes pa..."

Ikot ulit.

"Mag-a-apply ka pa ng passport, 'di ba? Gising na at baka 'di ka pa umabot sa appointment mo."

Hinatak ko pabalik iyong kumot.

"Five minutes pa, Benny... Wait lang..."

Ayan. Sa wakas, tumigil na rin siya sa pangungulit. Akala ko, matatahimik na rin ako pero may narinig akong bulungan sa paligid ko. I tried to tune it out but my ears wouldn't let me.

"Ate—"

"Sshh. Natutulog pa ang ate mo."

"Pero—"

"Mamaya na. Puyat 'yan. Hayaan mong matulog muna."

"Umiyak na naman si ate? Ilang buwan na 'yan, Ma..."

"E ewan ko ba r'yan sa ate mo... Ang ayos-ayos ng Kuya Benny mo tapos iiwan. Tapos ngayon, iiyak-iyak. Naku e, napagod na akong subukang intindihin kaya pabayaan na natin ang ate mo."

Kung p'wede lang talagang i-shut off ang tainga, ginawa ko na. Hindi naman kasi 'to tulad ng mga mata na kapag pinikit mo, hindi mo na makikita. Ang tainga, kahit pilitin mo na 'wag marinig, maririnig mo pa rin. Kahit takpan mo ng kamay mo, alam mo na naririnig mo pa rin. Niloloko mo lang ang sarili mo kung sasabihin mo na wala ka talagang naririnig.

Kung sabagay... forte naman yata ng mga tao na lokohin ang sarili nila. To make them feel better.

Pero bakit ako...

Hay naku, Nari. Tama na. Stop na.

Dahil wala na rin naman ako sa mood na matulog, gumising na ako. Naghilamos at toothbrush muna ako bago ako dumiretso sa baba. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko maiwasan na kausapin ang sarili ko. Routine ko na yata 'to kada buwan. Na i-remind ang sarili ko na panindigan ang desisyon ko.

"Okay lang 'yan, Nari. Two months pa lang naman. 'Di ba nga sabi ni Popoy, three months rule? Malay mo, pagkatapos ng isang buwan pa, hindi ka na iiyak kada gabi kasi alam mo 'yon? Stressful. Isa ka ng eyebags na tinubuan ng tao. Paano ka tatanggapin sa trabaho kung mukha kang adik? Paano ka ipapasa ng embassy sa interview kung mukha kang pusher? Kaya stop na, ha? Tama na muna... Kahit one week lang. 'Wag munang umiyak."

Dalawang buwan ko na rin 'tong sinasabi sa sarili ko. Kabisado ko na nga, e. Kulang na lang, isulat ko para script na talaga. Pero sino nga naman ba ang niloloko ko? I miss him. I fucking miss him. Every second of the day, nami-miss ko siya.

Sobrang lala ko na talaga.

Pagbaba ko, kitang-kita ko na nakatingin na agad sa akin sina Mama at Sari. Hindi ko na lang pinansin iyong tingin nila dahil ayoko talaga na kinaaawaan ako. Sawa na ako. No'ng nag-break kami ni Benny, lahat sila, sa akin awang-awa. Wala man lang naawa kay Benny! Ako talaga iyong nawalan! Hindi raw ako kawalan! Mga shet talaga ang mga kaibigan ko!

...pero tama naman sila.

'Di ba? Kasi ang ipokrita ko naman kung sasabihin ko na mali sila.

Kasi tama, e. Sapul na sapul. Miss na miss ko na si Benny.

"Bilisan mo r'yan at baka ma-late ka sa pupuntahan mo," sabi ni Mama habang nilalagyan ng fried rice iyong plato ko.

"Mamaya pa namang alas-dos 'yong appointment ko, Ma," sagot ko tapos naglagay naman ako ng itlog at bacon. "At saka malapit lang naman."

"Naku, ang daming dahilan ng batang 'to. Basta't bilisan mo r'yan at tumungo ka na ro'n. Mas maigi nang maaga ka kaysa late."

At nagsimula na si Mama na manermon. Pinakinggan ko na lang dahil simula nang mawala si Papa, naging hobby niya na talaga na pakialaman ang buhay ko. Nakakaasar, oo, pero mas okay na kaysa naman ma-depress si Mama.

"Ate, pa'no kapag na-approve iyong passport mo? Pupunta ka nga sa ibang bansa?"

"Malamang."

Ilang taon kaya akong gutom para lang makapunta sa ibang bansa.

"Daya naman! Sama mo naman ako!"

"Mag-ipon ka."

"Bakit dati, sinasama n'yo naman—"

Hindi niya natapos iyong sasabihin niya dahil hinampas siya ni Mama. Kasi dati, sinasama namin siya. Close kasi siya kay Benny kaya spoiled. Ngayong wala na si Benny, wala na rin siyang out of town trips. Kaya hindi lang talaga sa akin humiwalay si Benny. Pati sa pamilya ko, nakipag-break siya.

"Aray naman, Ma! Bakit mo ko hinampas?!" sabi ni Sari.

"Kung ano-ano kasi ang sinasabi. Kumain ka na nga lang d'yan."

"Tss. Kaya hindi nakaka-move on 'yang si ate kasi palaging iniiwasan na topic si Kuya Benny. Ano? Taboo na ba pati pangalan ni Kuya Benny? Siya na ba ang pumalit kay Lord Voldy bilang he who must not be named?"

Inangilan siya ni Mama.

"Okay na nga ako."

"Paanong okay, ate? Umiiyak ka gabi-gabi. At 'wag mong i-deny dahil naririnig ko. Manipis lang ang dingding, for your info."

"Masama bang umiyak? Anong gusto mo? Kimkimin ko hanggang sa sumabog ako?"

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kapag tahimik ako, pinipilit akong magsalita para sabihin ang problema ko... Kapag naman umiiyak ako, may masasabi pa rin sila. Ano bang dapat kong gawin? Sabihin nila sa akin para naman may clue ako kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam... Para akong baby na dinala sa gitna ng gubat. I was forced to fend for myself. I was forced to become independent.

Siguro nga kasalanan ni Benny 'to. Sinanay niya ako na lahat ng kailangan ko, siya ang gagawa.

Tapos...

Biglang wala.

Poof.

Sige, tama 'yan, Nari. Isisi natin lahat kay Benny. Baka mabawasan 'yang kirot sa puso mo. Hindi naman niya malalaman na siya ang sinisisi mo, e.

"Ay, kayong dalawa naman talaga, oo! Siya na. Ikaw, Nari, maligo na at umalis na. Ikaw naman, Sari, 'wag mo ngang pakialaman ang ate mo at mag-aral ka ng bata ka! Kapag ako'y nakakita na naman ng palakol sa card mo, e malilintikan ka talagang bata ka!"

***

Kapag nga naman minamalas ka, oo! Bakit ba traffic sa 'Pinas?! Bakit?! At bakit hindi ako nakinig kay Mama kanina?! E 'di sana, hindi ako stressed ngayon! Hindi ako p'wedeng ma-late kasi kapag hindi ko napuntahan iyong appointment ko, after six months pa ulit iyong available na appointment sa DFA!

"Taxi!"

Kanina pa ako sigaw nang sigaw pero walang humihintong taxi.

"Magdadagdag ako ng fifty pesos, isakay n'yo lang ako, please!"

Siguro mukha na akong tanga. Kung nandito si Benny, malamang sinundo pa ako n'on sa bahay tapos dadaan muna kami sa drive thru para may pagkain ako. Thoughtful kasi 'yon. Ayaw na nagugutom ako kaya nga palaging backpack ang bag n'on no'ng college. Aakalain mo na gamit sa school ang laman pero sa totoo lang, puro pagkain para sa akin.

'Sige, reminisce pa, Nari. Kaya 'di makausad, e,' sabi ng isip ko.

Tss. Paano mo nga ba , iyong tao na ang daming binigay na ala-ala sa 'yo? E ultimo sidewalk nga e naaalala ko si Benny. Kahit fishball ay may memories kami. Ultimo tissue, kaya ko siyang i-connect. Kaya paano?!

Paano ba mag-move on?! Wala akong clue!

"Miss, sa'n kayo?"

Oh, my goodness!

"Manong, sa may ano—"

"Asian Hospital." Aba't!

"Excuse me?" taas-kilay na tanong ko roon sa lalaki na biglang humarang at kinausap iyong driver. "Nauna po ako, kuya!" sabi ko. Magalang ako kahit na naiinis na ako. Halos one hour na akong nasa ilalim ng initan kahihintay ng sasakyan tapos bigla akong aagawan ng Pontio Pilato na 'to?!

"Emergency lang, miss," sabi niya.

"Emergency rin ako, kuya," sabi ko at saka inagaw sa kanya iyong pinto ng taxi. "Kuya, sa Galle po."

"I'll add five hundred, manong. Just please take me to St. Luke's," sabi ni kuya.

"Hala siya! Don't use money to influence manong, kuya! Fight fair and square naman!"

Ano ba, Lord? Alam ko naman na super tanga ko no'ng pinakawalan ko iyong perfect guy pero kailangan pa ba ng extra na parusa? Hindi ba p'wede na matiwasay na makarating ako sa DFA? Na ma-approve iyong application ko for passport at baka nasa ibang bansa talaga ang peace of mind na iniisip ko?

"Miss, pasensya na, hano?" sabi ni manong. "Medyo gipit lang din."

At saka pumasok na iyong lalaki sa loob ng taxi. Sinubukan ko na kumatok, pero tiningnan lang ako at kinunutan ng noo! Aba nga naman!

At hindi pa natinag si kuya! Talagang sumenyas pa kay manong na mag-drive na! Talaga namang napaawang na lang ang labi ko sa mga nangyari!

"Wow," I uttered to myself.

Anong year na pero bakit may mga tao pa rin na walang manners? Hindi na ba 'yon tinuturo sa school? Masyado na bang extinct?

"Makakarma ka rin," sabi ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan. Nagsimula na akong maglakad para maghanap ng mas magandang pwesto para kumuha ng taxi pero kapag sinuswerte ka nga naman!

"Manners naman!" sigaw ko sa sasakyan na humarurot at dumaan sa puddle kaya naman basang sisiw ang bagsak ko!

Ugh! 'Wag lang talaga kaming magkita ulit n'ong mang-aagaw ng taxi na 'yon dahil sinasabi ko! Lintik lang ang walang ganti dahil hindi ako makakaabot sa appointment ko dahil sa kanya! 'Wag na talaga siyang magpakita! Ugh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top