Beginning
Sabi nila, every great love story ends in tragedy. Kasi 'di ba, the best way to become immemorial is to cause pain tragic enough to etch a mark for eternity? 'Yong tipong taon na ang nakalilipas, hindi mo pa rin malimutan 'yong nangyari, kasi ramdam mo pa rin 'yong sakit?
Parang sina Isolde at Tristan.
Parang sina Count Vronsky at Anna Karenina.
Parang sina Heathcliff at Cathy.
Parang sina Romeo at Juliet.
Kaya siguro ganoon ang nangyari sa amin ni Benny.
Kaya siguro ganoon kasakit.
Siguro... great love ko siya.
Siguro.
Pero baka naman may better na darating kaya nagkaganito. Iyong tao na magpapa-realize sa akin kung bakit hindi naging kami ni Benny... kasi siya pala talaga.
Na lahat ng nangyari, lahat ng sakit na naramdaman ko, worth it naman pala. Kasi siya pala 'yong kapalit.
Naaalala ko pa tuloy 'yong dati.
Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Benny. Katatapos lang kasi ng university graduation namin kaya nagutom ako. Tatlong oras ba naman kaming nakabilad sa araw tapos ni tubig, nakalimutan ko pang bumili. Ayan tuloy, halos dehydrated na ako nang masabi n'ong speaker iyong huling salita ng speech niya.
But still, Padayon! Laban lang! Ilang taon kong ginapang 'to, ngayon pa ba ako susuko?
"Babe, same order?" tanong sa akin ni Benny habang nakapila siya. He would always volunteer to buy, even the smallest stuff for me. Minsan nga, tinutukso na ako na baldado raw ako kasi lahat na lang, si Benny ang gumagawa. E, hindi ko naman siya pinipilit.
Sabi niya lang, it's his way of spoiling me. Hindi pa raw kasi kaya ngayon. Wala pa raw siyang budget para ma-spoil ako sa materyal na bagay dahil pareho pa kaming nag-aaral... kaya dinadaan niya sa effort.
I nodded. He smiled.
But somehow, something felt weird...
Pagbalik niya sa lamesa, dala niya iyong order namin. Iyong usual pa rin naman. Italian deepdish pizza para sa akin at saka lasagna para sa kanya. Gano'n pa rin naman. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain. Ito pa rin naman 'yong nakagawian namin.
"Congrats, babe!" sabi niya at saka may inabot sa akin.
"Gift again?"
Umiling siya.
"Bigay ni Mama," he said and beamed. "Sobrang sorry daw na hindi siya nakapunta sa grad nating dalawa. Sana pala lagi na lang nakokonsensya si Mama! Ang galante, e!" sabi niya na natatawa pa. Hindi kasi nakarating si Tita dahil hindi na-approve iyong vacation leave niya. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman talaga mahilig magbigay si Tita ng regalo. Kuripot kaya 'yon kahit na head nurse na sa hospital sa Canada. Mag-nanay talaga sila ni Benny. Sobrang maingat sa pera.
Madali kong binuksan iyong box. Itinaas ko iyong susi na nakalagay sa loob.
"Ano 'to?"
Ngumisi lang si Benny.
Wala akong nakuhang sagot, but for some reasons, nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
Parang... may mali.
"Ubusin mo muna 'yan tapos punta tayo after," he said at saka inagaw sa kamay ko iyong susi at saka binalik sa box. Napatungo na lang ako at saka pinagpatuloy iyong pagkain. Pero nawalan na ako ng gana sa pizza ko.
After a few minutes, natapos na rin kami sa pagkain. Hindi ko masyadong nagalaw iyong pagkain. Weird talaga, e, paborito ko naman 'yon.
At saka, may mali sa pakiramdam ko.
Hindi ko masabi kung ano dahil ayoko nang masira iyong mood. Graduation namin, e. Dapat masaya lang kami, kasi ilang taon naming ginapang para makarating kami sa punto na 'to.
Gusto kong kapag inalala namin 'yong nangyari ngayon, masaya ang maaalala namin.
"May mali ba? Iba ba 'yong sauce ng pizza mo?" Benny asked habang kinuha iyong tinidor ko at saka tinikman iyong deepdish ko.
"Okay naman..." I answered, not wanting to make a bigger deal of what I was feeling. Baka ako lang. Baka nasobrahan lang ako sa init.
"Bakit 'di mo naubos? Masarap naman."
I shrugged. Hindi ko rin alam, e. Baka isa ito sa mga unanswerable questions sa buhay ko. Ewan.
Lumabas na kami mula sa resto at saka sumakay sa sasakyan niya. Sobrang excited ni Benny. I kinda felt bad because I couldn't share his excitement. Ang weird ko naman kasi ngayon! Cum Laude naman ako sa Interior Design tapos si Benny, Magna Cum Laude pa sa Civil Engineering! Dapat nga masaya ako ngayon, e!
Anong meron sa araw na 'to?
Benny was humming to his favorite song. Iyong Pangarap Lang Kita ng Parokya ni Edgar. Sugo talaga ni Chito Miranda si Benny.
"Ang saya mo ngayon, 'no?"
He beamed.
"S'yempre naman. After four years, tapos na tayo. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? E halos igapang na natin 'yong last year natin sa UP."
I laughed. Thank God, medyo gumagaan na 'yong pakiramdam ko. Ayoko naman na mahila si Benny sa mood ko.
"Tss. Ako lang 'yong gumapang, Benny. Lumipad ka kaya," I said and then he laughed, too. Dapat kaya five years ang degree niya pero dahil matalino talaga si Benny at suki ng summer class at overload, nasabayan niya akong gumraduate.
"Sinamahan kitang magpuyat, grabe 'to!"
"Clingy ka kasi," I rebutted. "Kahit tapos ka na sa plates mo, nagpupuyat ka pa rin para bantayan ako."
"E baka kasi bigla kang magutom. Sino magluluto ng pagkain mo? Wala ka pa namang kwenta sa kusina," he said and I snarked at him. He just laughed heartily and then kissed my knuckle.
Halos matapos namin iyong album ng PNE nang makarating kami sa isang subdivision. Nagsimulang kumabog iyong puso ko.
"Hi, boss! Siya ba?" tanong n'ong guard na parang close sila. Medyo nagtaka ako since hindi naman taga-rito si Benny. Sure ako na wala rin silang bahay rito kasi alam ko naman lahat ng property nina Benny. Ang tagal na namin, e. Pakiramdam ko, kilalang-kilala ko na siya.
Iyon bang sa sobrang tagal n'yo, pakiramdam mo, mas kilala mo na siya kaysa sa sarili mo?
"Oo, boss. Ganda, 'no?" sabi naman ni Benny. Nag-thumbs up iyong guard at saka kami pinatuloy papasok sa subdivision.
Ewan ko pero napakapit ako sa seatbelt ng inuupuan ko. Maya-maya, huminto kami sa tapat ng isang bahay. Wala pang pintura. Wala pang masyadong nakalagay. Halos skeleton pa nga lang, e.
Pero dahil do'n, sobrang lumakas iyong tibok ng puso ko.
"Benny..."
Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti siya.
"Skeleton pa lang naman 'to kaya kung may gusto ka pang ipabago, p'wede pang baguhin. Ibibigay ko 'yong blue print sa 'yo bukas para makapag-isip ka na rin kung ano ang design na gusto mo para sa bahay. Ideally, siguro five rooms ang kasya rito. Master's bedroom para sa ating dalawa tapos dalawang room naman para sa magiging anak natin. Isang guest room dahil sigurado akong palaging makiki-sleep over dito iyong best friend mo, e mas clingy pa sa akin iyon pagdating sa 'yo. Tapos iyong isa naman, maid's quarter," mahabang paliwanag niya.
"Don't worry, si Mama naman ang magbabayad ng lahat ng gagastusin. Gustong-gusto ka talaga n'on, e! Iyon kaya ang pinakanatuwa no'ng sinabi ko na magpo-propose ako sa 'yo! Kaya nga sa akin ibinigay iyong family heirloom imbes na kay ate, e," sabi niya na natatawa pa.
"Kung hindi rin daw ikaw ang pakakasalan ko, 'di raw siya a-attend. Tingnan mo? Mahal na mahal ka talaga ni Mama."
Parang natuyo bigla ang labi ko. It felt like my whole life flashed in front of me.
Suddenly, I felt afraid.
I was 21. I just got out of college. I wanted to explore the world. I wanted to go to the US and to experience being lost in Europe. And maybe live in Thailand for a year or two. Tapos kumain ng mga exotic food. I wanted to work three jobs at a time. I wanted to live in a crappy apartment. I wanted to adopt a dog and complain because I couldn't take care of it.
I wanted to do so many things in my life.
Ang dami pa.
"Benny..."
Tiningnan niya ako. Parang hindi ko masabi iyong mga gusto kong sabihin. Paano ko sasaktan ang lalaki na 'to? He had done nothing but to love me.
Pero...
Paano kung hindi pa ako handa?
Paano naman 'yong gusto ko?
"Hmm? Ayaw mo ba sa bahay? Plan pa lang naman 'to. P'wede mo pang baguhin, promise. Ako naman ang engineer dito. Alam mo naman na ikaw palagi ang sinusunod ko," sabi niya tapos kinurot niya ang pisngi ko.
Kinagat ko iyong ibabang labi ko. I sighed. Napansin niya nang seryoso ako.
"Babe..."
I looked at him. My insides were churning.
"Benny..."
Paulit-ulit ko lang sinasabi iyong pangalan niya. Iyon lang kasi ang kaya kong sabihin. I couldn't verbalize the thoughts in my head. I didn't want to verbalize those. Ayaw ko kasing saktan siya...
I knew he felt it, too. Ramdam niya na may mali. But instead of shouting at me, he held my hand.
"Iyong kanina, alam ko na 'yong mali."
"Iyong alin?"
"Iyong sa pizza... Alam ko na 'yong mali."
Tiningnan niya ako na parang naguguluhan sa mga sinasabi ko.
"Iyong pizza, iyon pa rin naman 'yong kinakain ko. Nasanay na ako roon. Masarap naman. Pero Benny... Nakakasawa rin pala. Na kahit paborito ko siya, darating iyong araw na magsasawa rin ako. Gusto ko ng bagong flavor. Baka hindi ko na pala gusto iyong Italian... Baka maanghang na pala iyong gusto ko pero hindi ko lang alam dahil nasanay na ako na iyon lang ang palaging order ko."
Humigpit iyong hawak niya sa kamay ko.
"Gusto mo ng ibang flavor?" sabi niya at saka binuksan iyong makina ng sasakyan. "Tara, balik tayo sa resto."
Hinawakan ko iyong kamay niya.
Ramdam ko 'yong panlalamig.
It was like he knew.
Ayaw niya lang paniwalaan.
"Benny naman..."
Sumikip iyong dibdib ko nang makita kong nangingilid iyong luha sa mga mata niya.
"Ikakasal na tayo. 'Di ba iyon 'yong plano? Pagkatapos ng graduation, magpapagawa muna tayo ng bahay tapos magpapakasal na tayo? Tapos sabay tayong magtatrabaho hanggang makaipon kasi gusto nating financially stable tayo bago magkapamilya? 'Di ba 'yon ang plano?"
I nodded.
"Bakit mo ginagawa 'to?" he asked. Namumula 'yong mata niya. Ayoko siyang tingnan. Ayoko na ganyan siya. Pero ayoko rin na magsinungaling tungkol sa nararamdaman ko.
Ang bilis.
Sobrang bilis.
Tumulo na rin 'yong luha ko.
"Hindi naman sa gano'n, Benny... Gusto ko rin naman iyong iniisip mo. I want that big house, too. Gusto ko rin iyong dalawang anak natin sa future. Gusto ko rin naman... pero hindi pa sa ngayon. Ang dami ko pang gustong gawin..."
"Hindi naman kita pinipigilan, 'di ba? Supportive naman ako sa lahat ng gusto mong gawin."
I nodded.
"E bakit ganito? Bakit mo tayo ginaganito?"
I smiled at him.
"Hindi pa ako ready, Benny..."
That was all I said. Because that was the only answer I could offer.
Hinubad ko iyong singsing ko. Inabot ko sa kanya iyon. And then I hugged him as he cried. I cried for us, too. I cried because I wasn't ready yet...
Still, I asked him to wait. That maybe after a year or two, we could talk about it again. It was selfish of me, alam ko... Pero baka kasi sa panahon na 'yon, nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin. Tapos p'wede na kami.
But two years, seven days, three hours, five minutes, and thirty seconds later, I was in a church.
I watched him get married to someone else.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top