Wrong

    Tinawanan lang niya ang pang-aakusa ko sa kaniya na isa siyang mandurukot.

“Ha? Hindi ah? Nakita ko lang sa sahig habang namimili ako. Diyan ko na rin pala kinuha 'yong pambayad kanina sa mga pinamili mo. Kunwari lang sa akin nanggaling, para mukha akong mabait.” Humalakhak siya.

  Akala ko pa naman napakabait niyang tao dahil sa biglang pagtulong niya sa akin kanina na bayaran ang groceries ko! It turns out na sa akin rin pala 'yong pera na 'yon!

Hinablot ko sa kaniya ang groceries at ang wallet. Kung kanina ay sobrang nagpapasalamat ako, ngayon ay naiinis na ako sa kaniya.

    “Pasalamat ka nga ibinalik ko pa, baka good boy 'to.” Mahangin pa rin ang aura niya at ipinamumukha sa akin na parang utang na loob ko ito.

     “Pakitang tao kamo!”

Nagbuntong-hininga siya at humalukipkip bago tumingin sa mga nagdaraanang sasakyan sa kalsada.

“Marami talagang judgmental sa mundo.” saad niya.

      “Sinasabi mo bang judgmental ako?”

“Ikaw ang nagsabi niyan.” Tumitig siya sa akin at ngumisi.

“Hindi ako ganoon!”

Pinaningkitan niya ako, “Sino nga ulit 'yong pinagbibintangan niyong dumukot sa wallet mo kanina?”

  Natigilan ako at naalala kung paano ako nagsumbong sa mga tao doon na binangga ako noong binatilyo at sinabing iyon ang dumukot sa wallet ko. Nakakakonsensiya nga ang pagbibintang ko kanina. Pero natural na reaksyon naman yata 'yon ng isang tao?

  “Malay ko ba! B-Baka nga magkasabwat pa kayo at talagang dinukot niyo ang wallet ko!”

“Alam mo, Solana. Sa susunod, ingatan mo ang mga bagay na mahalaga sa'yo para hindi mo isisi sa iba kapag nawala. Kawawa naman ang mga inosente, napupurwisyo pa sa kapabayaan ng iba.”

“Huwag mo nga akong pangaralan!” I glared at him.

     “Mabait ka dapat.” Kininadatan niya ako bago umalis.

Ang kapal ng mukha niyang pag-usapan ang tungkol sa pagiging mabait. Hindi nga niya ako pinalampas sa kalokohan niya para lang magmukha siyang mabuti sa harap ng mga tao sa supermarket kanina!
      
     Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon dahil sa sinabi niya. Nakakainis, pero mukhang may punto naman siya. He was implying that I was judgmental.

   Totoo ba? Kasi ang alam ko si Mommy, ganoon talaga siya at iyon nga ang minsan ayaw ko sa ugali niya. Lagi siyang may say sa ibang tao kahit hindi naman hinihingi ang opinyon niya. Katulad niya ba ako?

    “'Yung anak ni Gloria, parang buntis.” Sabi ni Mommy habang naghihiwa ng sibuyas, ka tsismisan niya ngayon ang tita ko na kapitbahay namin.

“Kaya nga, mukhang 'yong adik pa sa kanto ang ama!” Gumatong pa si Tita Flor.

   “Hindi naman sa nangengealam ako 'no?  Pero hindi kasi maganda ang pagpapalaki ni Gloria sa mga anak niya, puro babae pa naman!”

Tumungo ako sa kalan para ihanda ang kawali na paggigisahan, habang nakatalikod ako ay tsaka ako umirap sa hangin. Kada-Linggo ay hindi sila nagmimintis sa pag-attend sa mga misa ng simbahan. Kapag Sabado naman, gaya ngayon ay hindi sila nagmimintis sa pagtsitismisan.

Akala yata nila ay nabubura lahat ng mga kasalanan nila kapag ganoon? I don't think so, because they are spreading gossip instead of gospel. Nakakakot tuloy, dahil baka nga totoo 'yung sinabi noong lalaki na judgmental ako?

   Baka sa pagtanda ko ay maging katulad nila ako na hobby ang pagpiyestahan ang buhay ng iba.

     “Ah!” Nadanggi ko ang kawali kaya bumagsak iyon sa sahig at lumikha ng malakas na tunog.

   “Ano ba 'yan Solana?! Nagdadabog ka ba?” Salubong ang kilay ni Mommy.

Nadali ko lang naman iyon. Sino ba namang tao ang sasadyain na ibagsak iyon? At tsaka para saan ako magdadabog?

“Umalis ka na nga diyan! Wala ka namang silbi dito sa kusina!”

Napalabi ako pero hindi ko iyon pinakita, hindi nalang ako umimik at umalis na. Naiiyak ako at nahihiya kay tita, lagi pa man din akong kinukumpara ni Mommy sa anak niya. Kesyo mas maasahan at mas matalino raw ang pinsan ko kaysa sa akin, bakit hindi ko raw magaya iyon.

   “Huy! Salamat pala sa pamangkin ko, kasi tinulungan niyang makapasok 'yang si Solana sa kompanya nila.” Biglang bumait ang tono niya noong ang tiyahin ko na ang kausap.

“Nako wala 'yun, sino pa bang magtutulungan kung hindi tayong pamilya? 'Di naman kasi tayo tulad ng ibang pamilya diyan na nag aaway-away dahil sa lupa!”

    “Oonga, alam mo ba...” At heto na, simula na naman sila. 

Gaya noong dati lang ang nangyari kahapon ng Linggo. Nagsimba ulit sila mommy at Tita Flor. Kumpleto ang damit nila at may dala pang rosaryo, parang walang inulam na tsismis noong Sabado.

Ngayon ang unang araw ng pagpasok ko sa opisina. I am assigned as a customer service associate on the company who owns the leading online shopping application in the country. Medyo nakaka-pressure pero kayang-kaya ko naman 'to, nagawa ko naman nang maayos noong training.

Tsaka ipinagdasal raw ako nila Mommy na maging maayos ang lahat ngayon, ang thoughtful nga nila sa part na iyon.

   “Good morning, Miss De Jesus!” Binati agad ako ng manager ko na si Sir Harold.

Ipinatong ko muna ang frappe ko sa lamesa sa tabi ko at kinamayan si Sir Harold.

      “Good morning din po!”

“Nako, drop the 'po' dahil mukha namang hindi tayo nagkakalayo ng edad.” Hinawi niya papunta sa likod ng tainga niya ang kaniyang imaginary na mahabang buhok bago humalakhak.

  Sayang naman si Sir Harold, mukhang baluktos. Ang gwapo pa naman niya!

“Sinabi ko na nga 'di ba?!”

   Natigilan kami sa pag-uusap nang biglang dumaan ang lalaking naka business attire. May katawagan iyon sa telepono niya at wala siyang pakealam kahit marinig pa iyon ng ibang empleyado na kasama namin dito.

           “Nako, badtrip na naman ang 'Hmm'.” Bulong ni Sir Harold sa kasamahan ko.

Nagsalubong tuloy ang kilay ko at mas tinitigan pa ang lalaking nakatalikod ngayon. Mukhang pamilyar kasi ang tindig niya at ang boses niya.

    Siya ba ito? Parang imposible naman 'yun?

Biglang humarap ang lalaki at nagtama ang mga titig namin, doon ko nakumpirma na si Uno nga ito. Noong una ay nakasimangot siya pero napalitan kaagad 'yon ng ngisi. Nakataas ang isang gilid ng mga labi niya at nilaro ang kulay itim na cross niyang hikaw sa tainga.

Nagpatay  malisya nalang ako at tinalikuran siya, nagkunwari akong busy at dinampot ang frappe ko.

      “Solana?” Nasa tabi ko na kaagad siya.

Bakit ba kasi lagi nalang siyang sumusulpot na parang kabute kung saan-saan?!

  “Bakit nandito ka na naman? Stalker ka yata!” Medyo napalakas ang pagkakasabi ko nito kaya ako na mismo ang nahiya para sa kaniya.

Tumawa lang siya at bumulong sa akin, “Judgmental ka pa rin?”

       “Hindi nga sinabi ako gano'n!”

“Magbago ka na.” Bulong niya ulit bago umalis, nakahinga na ako nang maluwag noon pero bigla siyang bumalik at napanganga ako sa sinabi niya.

     “Siya nga pala, hindi ako stalker. Ako ang boss mo.”

Paano nangyaring naging boss ko siya? Eh? Mukhang pakikipagbasag-ulo lang naman ang alam niyang gawin?! Baka nagbibiro lang 'yun?

    “Sir Harold, totoo ba 'yun?” Tanong ko kaagad noong makalayo na ng tuluyan sa amin si Uno.

“Yeah, anak rin siya ng may-ari ng kompanya.”

    “Akala ko si Helios lang?” Ang alam ko'y iisa lang ang anak nu'n.

    “He's the illegitimate son of Mr. Acosta. Hindi ka ba nanonood ng balita o nakiki-tsismis sa internet?”

Umiling ako at nanatiling lutang ang isipan sa nalaman. Hindi ko alam, kasi 'di ako masyadong pala tsismis, puro ganoon na nga kasi sa bahay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top