Uno

    “Come on! Isang gabi lang naman, Solana." Patuloy pa rin sa pangungulit ang kaibigan kong si Pia kahit ilang beses na akong tumanggi.

Gusto kasi niya akong isama sa panonood ng underground boxing. Ayokong pabayaan si Pia na mag-isa doon, but I'm not really a fan of violence.

     "Ayaw ko nga, hindi ko rin naman mae-enjoy 'yon."

Kahit pa sabihin na sport iyon ay ayaw ko pa rin, hindi ko kayang panoorin na magbugbugan ang mga tao sa harapan ko hanggang sa pumutok ang mga labi nila 'no.

     “That is fun!”

Syempre tuwang-tuwa pa ang mga audience na pinagpupustahan sila! And take note! That is an underground boxing, it is like a hundred times more dangerous than the legal ones.

       “No.”

"Twenty three ka na hindi mo pa nararanasan magpakasaya." kantyaw niya habang nag-aayos sa harap ng salamin.

Hindi ko maiwasang mapailing nang makita ko ang cycling nito mula sa maikling niyang dress.

    “If that's your definition of fun, then I'd rather be sad in my room while reading a book.”

"Ang kj mo! Ni hindi ka pa nga nakakainom ng alak! Nakakapunta sa bar! Nakikipagmomol– Ay teka, may first kiss ka na ba?"

Tila umusok ang ilong ko dahil sa pinagsasabi niya,“Wala kang pakialam.”

   "Isang gabi lang naman, Sol! Just one night! Magpakasaya tayo."

     "Hindi!"

Sa huli ay napapayag pa rin ako ni Pia at napag-alaman kong kaya pala niya ako gustong isama ay para gawin lang na third wheel. Mautak rin talaga!

Binigay ng boyfriend ni Pia yung tatlong ticket dun sa bouncer na nakatayo sa may pintuan ng gym. Pagpasok namin sa Gym ay umalingawngaw kaagad ang mga sigawan at ang malakas na musika.

Medyo madilim ang lugar na napaliligiran ng pulang LED lights. Mausok rin dahil may mga nagve-vape at naninigarilyo.

   "Hay nako!" I face palmed when I noticed that Pia and her boyfriend is gone. Kanina lang ay nasa tabi ko pa ang mga iyon, napalingon lang ako saglit ay parang mga bulang naglaho.

   "Saan naman kaya nagsuot ang dalawang yun?" Napabulong nalang ako sa sarili habang nilalaruan sa kamay ko ang lighter na pinahawak ng syota ni Pia sa akin.

Naglakad-lakad ako palayo sa boxing area. Grabe ang boxing area na iyon! Halatang delikado dahil ang mga harang lang ay crowd control barricades, tapos ang sahig ay semento lang.

Kawawa naman ang mga boksingero na maglalaban doon, parang patayan talaga.

Lumabas muna ako sa gym para magpahangin sandali at ipahinga ang nabibingi kong tainga. Tinanggal ko ang hood ng jacket ko upang salubungin ang malamig na simoy ng hangin, grabe kasi sa loob na halo-halo ang usok ng flavor ng vape.

   Pumikit ako at huminga nang malalim.

  "Tang ina! Huwag niyo akong pakialaman!"

Napamulat agad ako nang marinig iyon, saglit akong kinabahan pero nawala iyon nang mapansin ko na may kausap lang pala sa telepono yung lalaking sumigaw.

   "Hindi ko kailangan!"

Halos lumabas ang ugat ng lalaki sa leeg dahil sa pagsigaw niya. Matangkad ang lalaki at matipuno ang pangangatawan, tapos buong kaliwa niyang braso ay halos nababalot ng tattoo. Kitang-kita iyon dahil sando na itim at sweatpants ang suot nito.

    "Uuwi nga ako kung kailan ko gusto at hindi niyo ako mapipilit!"

Napalunok ako at kaagad na nairita dahil sa pagsagot niya sa kausap niya. Sino kaya 'yon? Kung mga magulang niya iyon ay grabe siya! Kung ako 'yan, ay hindi ko pagsasalitaan ng ganiyan ang mommy at daddy ko. Hindi nila ako pinalaking bastos!

Binawi ko kaagad ang tingin ko nang bigla siyang humarap sa akin. Maya-maya ay lumapit ito sa akin, naestatwa tuloy ako sa kinatatayuan ko.

       “Miss?”

Galit ba siya dahil nakinig ako sa usapan nila? “A-Ano 'yun?”

“Puwedeng pasindi?” Inilabas niya sa bulsa ang isang sigarilyo at ngumiti sa akin. He looks gentle when he smiled, far from his attitude earlier.

     “A-Ah, sige.” nanginginig akong sinindihan 'yong sigarilyo niya gamit ang kulay yellow na lighter ng boyfriend ni Pia.

“Thank you!” Sabi nito at pumasok na sa loob ng gym.

   Napahawak  ako sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman. Akala ko kasi talaga'y kung ano nang gagawin sa akin noon! Tsaka naiilang ako dahil hindi naman ako sanay na makakita ng mga lalaking katulad niya.

Maya-maya ay nagpasya na akong muling pumasok sa loob para hanapin si Pia. Paglingon ko ay muli ko na namang nakita ang lalaking nagpasindi sa akin ng sigarilyo.

Wala na itong suot na pang-itaas habang sinusuntok ang isang punching bag, may mga tela na rin na nakabalot sa mga kamao niya. Napatingin ako sa mga mata niya, parang may gusto itong ikwento, parang punong-puno ito ng kung ano.

   Napailing ako dahil kung anu-anong iniisip ko.

    "Sol!" Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan ni Pia ang balikat ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

Inirapan ko siya, "Bigla kasi kayong nawawala!"

   "Sorry na, may ginawa lang." She chuckled.

Minutes passed at nagsimula na ang unang laban ng boxing. Napakunot ang noo ko dahil napansin kong lalaban para sa red side 'yung lalaking may tattoo. Kasing laki niya ang ang kalaban niya at maganda rin ang katawan, mas moreno nga lang ito kaysa sa kaniya.

Pagkapakilala sa maglalaban noong emcee  na kalbo ay kinabahan ako bigla, hindi rin nakatulong ang sigawan ng mga tao sa paligid para kumalma ako. Pati si Pia ay nakikihiyaw kaya naririndi na ang tainga ko.

   "Ladies and Gentlemen, welcome!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao pagsigaw noon ng emcee.

Nagsimula na ang laban ng mga boksingero, unang nagpakawala ng suntok ang morenong lalaki, ngunit dumaplis lang ang asul na gloves nito sa tagiliran dahil nakailag ito.

Napangiti ako nang bahagya habang pinapanood sila, ayaw ko ng ganito pero ngayon ay nasisiyahan ako.

     "Sapol!"
"Oh, tangina mo!" Gatong iyon ng mga audience sa tuwing may tatamang suntok.

Lumakas lalo ang hiyawan noong tumama ang suntok nung lalaking may tattoo, muntikan pang matumba ang kalaban nito. Ang galing naman noon!

    'This is quite entertaining.'

Napahawak ako nang mahigpit sa barricade noong tamaan ng suntok sa mukha ang lalaking may tattoo. Pinaulanan ito ng pwersa noong kalaban niya at halos hindi na makalaban.

Mas lalo akong narindi sa sigawan, kasi nag-cecelebrate na ang iba dahil mukhang may nanalo na. Naawa ako sa lalaki habang pinapanood ito na pilit na lumalaban at iniinda ang bawat suntok na natatanggap.

      "Kaya mo 'yan! Tumayo ka d'yan!Maniwala ka sa sarili mo!" I found myself shouting with the crowd.

Tila narinig naman iyon ng lalaki at agad na bumawi. Napakalakas at sunud-sunod ang mga suntok na pinakawalan niya. Kaya sa huli ang nanalo ang lalaking may tattoo. He knocked out his opponent in the sixth round.

Hindi nasayang ang mga sigaw na ginawa ko para dito, pero nasayang ang pagsama ko dahil iniwanan na naman ako nila Pia. Dapat hindi nalang talaga ako sumama! Idadahilan lang naman kasi talaga ako noon sa mga magulang niya.

Nag-aabang ako ng sasakyan galing sa grab nang mamukhaan ko ang isang lalaki, puno na ng band-aid ang mukha nito at.napansin ko na parang hindi ito makatayo nang maayos.

   Tumigil at nagbusina sa harapan ko ang sasakyan na tinawagan ko pero kasabay noon ang pagkawala ng malay noong lalaki na nakatayo sa may poste.

   "Kuya tulungan niyo po ako!" Agad akong nagpanic at nagpatulong sa grab driver para tulungan isakay ang lalaki.

"Anong bang nangyari sa kaniya?"

     "Hindi ko alam kuya! Basta dalhin na natin siya sa hospital!" Puno na ng nerbiyos ang katawan ko at nanginginig ang mga kamay ko.

Isinakay namin siya sa backseat at tumabi ako sa kaniya, nakahilig siya ngayon sa balikat ko at wala nang kamalay-malay.

"Ano namang gagawin ko sa'yo?!" Nanginginig na bulong ko rito at sinilip ang mga dinaraan ng kotse dahil inip na inip na akong makarating kami sa ospital.

     Kargo pa kasi ng konsensiya ko kung matigok ito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top