Toxic

Dinala namin kaagad ang lalaki sa E.R., tapos tinanong ako ng nurse doon kung kaano-ano ko raw ito. Natigilan pa ako noong una at hindi nakasagot agad dahil sa kaba, kaya kailangan niya pang ulitin ang tanong niya.

Sinabi ko naman na 'di ko talaga kilala at tinulungan ko lang ito dahil nawalan ng malay sa tabing kalsada. Kawawa naman kasi.

    "Baka may wallet naman siya diyan sa bulsa niya?" Suhestiyon ko para malaman namin ang pagkakakilanlan nito.

Wala pa rin kasi siyang malay hanggang ngayon.

"Bakit puro sugat ang mukha niya?" tanong ng nurse.

     "Ah, sumali kasi siya sa underground boxing." Sinabi ko ulit ang totoo dahil wala namang dahilan para magsinungaling.

“'Di mo ba talaga kilala?”

    "Tsk! Mga kabataan talaga," saad noong isang may edad na babae na napadaan lang naman sa gawi namin.

Bigla ko tuloy naalala si Mommy, palagi niya kasing sinasabi 'yan sa tuwing may mababalitaan siya sa T.V. na kabataan na gumawa ng kalokohan.

      "Ah Miss, baka pwede ko na siyang iwan? Hindi ko naman siya kilala at kailangan ko nang umuwi." Nanginginig na ang boses ko.

11pm na kasi at sigurado akong hinahanap na ako nila Mommy at Daddy. Hindi na naman nila ako iimikin sa ilang araw dahil sa galit nilam Nakakadala iyon at hindi ko sila kayang tiisin katulad ng pagtitiis nila sa akin.

Natatakot na tuloy ako! Alam kong hindi na ako teen, pero magulang ko pa rin naman sila kaya kailangan ay 'di ko sila ma-dissapoint.

       "Please, Miss." I begged again.

"Sigurado ka?"

"Oo."

Sakto na tumawag sa akin si Mommy tapos ipinakita ko 'yon sa nurse bilang pruweba. "Hinahanap na kasi ako ng Mommy."

Tumango ang nurse kaya nagmamadali akong lumabas sa E.R. ng hospital at sinagot ang call ni Mommy.

"H-Hello Ma?"

      "Nasaan ka? Bakit 'di ka pa umuuwi?" I can hear the disappointment in her voice.

"Sorry po, pauwi na po ako."

Binabaan niya ako ng tawag kaya kabadong-kabado ako habang naghihintay ng sasakyan. Nagtext pa ulit si Mommy at sinabi pa niya na i-text ko nalang siya kapag nakauwi na ako, huwag raw akong kakatok sa gate.

Ginawa ko nga iyon pagdating ko, dahan-dahan at tahimik niyang binuksan ang gate hanggang sa makapasok na ako. Dahan-dahan niya rin na isinara iyon, ni hindi man lang binuksan ni Mommy ang ilaw sa terrace. Ganito kasi siya, ayaw niyang makikita ng mga kapitbahay na gabi na akong nauwi.

Ayaw niyang may makakapuna sa amin na iba, pero hilig niya iyon gawin. Hilig niyang mamuna ng buhay ng iba.

    "Uwi ba ng matinong babae ang alas dose ng madaling araw?" Pagalit na sabi niya pagpasok namin sa loob ng bahay.

Hindi ako sumagot, sanay na akong makinig na lamang sa mga pangaral niya sa tuwing may pagkakamali akong nagagawa.

    "Nagkulang ba kami sa pagpapalaki namin sa'yo, Solana? Bakit ganiyan ka?"

Bakit, ano na ba ako? Lahat naman ng gusto nila ay ginagawa ko, ngayon na lang naman ako na late ng uwi at hindi ko naman ito sinadya.

     "Uminom ka ba o lumandi? Ano? Nagpo-pokpok ka na ngayon? Sabi ko naman sa'yo huwag ka nang sasama doon sa anak ni Loida! Suwail ang batang 'yon at hindi siya magandang impluwensiya sa'yo!"

Mabait si Pia at wala naman kaming ginawang masama. Gaya ng sinabi ni Pia, nagpakasaya lang naman kami. At hindi ko nga akalain na mae-entertain din pala ako sa mga bagay na ganoon.

"Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita ka nilang ganitong oras umuuwi ha? Nagpapariwara ka na ba?!"

I gritted my teeth and clenched my fists. I should be immune to this by now because this always happens. Pero hindi ko kinakaya dahil may nagbabara na sa lalamunan ko at nararamdaman ko na ang init sa gilid ng mga mata ko. Habang sinusubukan kong labanan ang pagtulo ng mga luha ko ay lalo lang itong nag-aalpasan.

    Bumabalik lahat sa tuwing nauulit ang mga pangyayari na ganito. Parang punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko ang sinasabi niya. Her words are making me question myself.

Napapatanong ako sa sarili ko kung kulang pa ba lahat? Kulang pa ba lahat ng ginagawa ko para maging isang mabuting anak? Wala na akong ibang ginawa kundi subukan na maging isang perpektong anak.

    I was a consistent honor student and I barely go out or party with people. Kung may mga kaibigan akong ayaw nila ay nilalayuan ko. Lahat ng gusto nila ay sinusunod ko, kahit ang kurso ko nga noong college ay sila pa rin ang pumili.

   Nagpapasalamat ako sa kanila kaya nga hinayaan ko sila na magpasya para sa akin. May tiwala ako sa kanila at lagi naman nilang sinasabi sa akin na para rin sa ikabubuti ko rin ang mga desisyon nila. Pero tao lang rin naman ako, may pakiramdam rin ako.

     Napapagod rin ako na magpanggap, napapagagod rin akong abutin ang mga pamantayan nila.

     "Sorry po." Tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko kaagad ang pisngi ko.

"Alam mo namang para sa'yo rin 'to kaya nagagalit ako 'di ba?"

    Tumango-tango ako at binigyan siya ng pekeng ngiti. I feel pathetic. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag, hindi man lang niya tinanong kung ano ba talagang dahilan kung bakit na-late ako ng uwi.

"Opo, papasok na ako sa kwarto." Umalis ako sa harapan niya na mayroong mabigat na pakiramdam.

     Pero medyo nagpapasalamat ako ngayon dahil mukhang nasa trabaho si Daddy. Alam ko rin kasi na sesermonan rin ako noon at ipapaalala niya sa akin lahat ng pagsasakripisyo niya.

   He would always remind me that he would've achieved more if he didn't need to provide for me. And I'll always feel guilty everytime he brings that up. Minsan nga hinihiling ko na sana pala ay hindi na lang ako dumating sa buhay nila kung pahirap lang ang tingin nila sa akin.

    Kinabukasan ay nag-text sa akin si Pia, nabasa ko ito habang naggo-grocery ako dito sa supermarket. Inutusan kasi ako ni Mommy. Mabait na ulit siya at kung umasta siya ay parang walang nangyari kagabi.

"Pinagalitan ka?" That was Pia's text.

    Napairap na lang ako, kasi para namang hindi niya kilala ang mga magulang ko. Since high school ay magkaibigan na kami ni Pia 'no!

    Tumigil ako sa pagtulak ng cart at nag-type ng reply, "Pia, walang himala!"

May bumunggo sa akin na lalaki pero ako pa ang nag-sorry, tapos nagmamadali pa siyang umalis. Napailing tuloy ako at nagpuluntong-hininga.

Mga tao talaga!

Tinuloy ko ang pamimili ko at pumila na sa counter pagkatapos, nakatingin ako sa presyo ng mga pinamili ko at ilalabas ko na sana ang wallet ko pero nang kapain ko ito sa likod na bulsa ko ay wala na ito doon.

"Ma'am, two thousand and seven hundred pesos po lahat."

    Napalunok ako at naramdaman ko kaagad ang panghihina ng mga tuhod ko, 'yung mga kasunod ko pa sa pila ay nakatingin na rin sa akin.

"Ma'am?"

     "Ate, nawawala 'yung wallet ko."

Nagsimulang maglingunan ang lahat tapos naalala ko 'yung binatilyong bumangga sa akin kanina.

      Baka iyon ang kumuha!

"Ha, Paano 'yan?" tanong cashier.

     Natataranta na ako. "M-May bumangga kasi sa akin kanina, baka dinukot niya."

Lumapit sa akin 'yung guard, "Ma'am 'yung payatot ba na binatilyo? Nako, madalas nga 'yon."

   Madalas pala eh bakit 'di pa nila bina-ban?!

   "Babayaran ko na ang mga pinamili niya." Napalingon kaming lahat sa papalapit na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko dahil namukhaan ko agad ito. Sigurado akong siya 'yung lalaking dinala ko sa hospital kagabi!

   Nakataas pa ang kaliwa niyang kamay na puno ng tattoo dahil sa pagpiprisinta niya na bayaran ang groceries ko. Malawak rin ang ngiti niya habang papalapit sa amin. Tumabi siya sa akin at nag-abot siya ng three thousand sa cashier nang makita niya ang presyo ng babayaran ko.

  Natulala lang ako habang binabalot na ng bagger ang mga iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya tahimik lang ako walang ekspresyon sa mukha. Pagkatapos mabalot lahat ng pinamili ko ay siya pa ang nagbuhat ng mga ito palabas sa super market.

    Napatingin ako sa kaniya habang nag-iintay kami ng jeep sa highway.

   Ang bait naman niya!

Totoo nga ang kasabihan na, "Don't judge a book by it's cover" kasi siya nga'y kahit mukhang basagulero at puno ng tattoo ang braso ay mabait pala.

"Ah, salamat..."

     "Uno ang pangalan ko."

"Ako si Solana," ngumiti ako at inalok ang libre niyang kamay na makipag shake hands pero hindi niya tinanggap 'yun

    "Alam ko na ang pangalan mo, nakita ko sa I.D. mo." May inilabas siya sa bulsa niya at iniabot sa akin.

    Halos umusok ang butas ng tainga at ilong ko nang mapagtanto ko na iyon ang nawawala kong pink na wallet.

    "Sa akin 'to ah?!"

Nakuha pa niyang tumawa, “Sinabi ko bang akin?”

      “Isusumbong kita! Mandurukot!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top