I Saw My Ex-Girlfriend in Class Today

I saw my ex-girlfriend in class today.

Hindi ko sigurado kung anong emosyon ang dapat kong ipakita sa kanya, pero sigurado akong hindi kasali doon ang "takot". Pero sino nga bang hindi kikilabutan kung makikita mo ang kaluluwa ng dati mong kasintahan, nakangiti sa'yo habang kumakaway-kaway pa? I tried to ignore it. Huminga ako nang malalim at umupo---katabi niya. The morning went by in a blur, and I could barely keep up with my lessons. Sa gilid ng aking mga mata, napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Paulit-ulit. Nakakabingi. Nakakasira ng ulo. Habang pilit kong ibinubuhos ang konsentrasyon ko sa guro, paulit-ulit niyang binubulong ang tanong na 'yan. Her voice sent chills down my spine. Nanindig ang balahibo ko sa takot.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"PATAY KA NA!"

Hindi ko na namalayang napasigaw na pala ako dala ng inis at pagkabahala. The room fell silent and it was terrifying. Huminga ako nang malalim, tumulo ang pawis sa mula sa noo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanginginig na rin pala ang mga kamay ko.

Nakatingin na silang lahat sa akin.

Napasimagot si Mr. Rivera sa inasta ko. Umalingawngaw sa silid ang kanyang garalgal na boses, "Pwede mo bang ipaliwanag kung bakit bigla ka na lang sumisigaw sa klase ko, Enzo?"

"K-Kasi..."

Panandalian kong sinilip ang bakanteng upuan sa tabi ko. Bigla na lang naglaho ang kanyang imahe. Huminga ako nang malalim at bumaling kay Mr. Rivera, "...wala po." But I can still hear her faint whispers somewhere in the alcove of my head. I cannot see her, but I know that she is still here... watching me.

Araw-araw.

Araw-araw kong naririnig ang boses niya. It was a creepy experience, having your ex-girlfriend's ghost whispering things in your ear. Sa ilang pagkakataon, parang gusto niya akong yakapin. Madalas naman, parang gusto niya lang akong kulitin. Araw-araw ko siyang nadadatnan sa klase ko, at araw-araw rin siyang naglalaho kapag kinikilabutan na ako.

Most of the time, I can feel her following me home.

Sa sinag ng papalubog na araw, nakikita ko pa rin ang anino niyang naglalakad sa tabi ko. A female shadow walking beside me. A shadow without a corporeal body.

Hanggang sa gabi, siya pa rin ang laman ng mga bangungot ko. She was in every nightmare, every night. Minsan, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Kung ano ang reyalidad sa kathang-isip lamang. Posible nga bang likha ng malikot kong imahinasyon ang pagpaparamdam ng dati kong girlfriend?

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Tinanong niya ulit 'yan habang naglalakad ako pauwi. Dusk painted the horizon with vibrant hues of colors, a mixture of sadness and tragedy tainting the brilliant skies. Huminto ako sa paglalakad at umihip ang malamig na hangin. Nang lingunin ko ang ex-girlfriend ko, nakita kong seryoso na ang kanyang ekspresyon.

Her eyes resembled a marvelous mixture of molten brown, putting even the most expensive chocolates to shame. Ngunit nang titigan kong maigi ang kanyang mga mata, napansin ko ang kawalan ng kinang sa mga ito.

Lungkot ang emosyong nakakubli sa kanyang mga mata. Isang lungkot na ngayon ko lang napansin. Sa kabila nito, naroon ang sakit at pighati.

My ex-girlfriend waited patiently for my response. Nang hindi ako sumagot, inulit niya ang tanong:

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Napabuntong-hininga na lang ako't ngumiti sa kanya.

"Mahal pa rin kita."

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nagulat ako nang dumausdos ang luha mula sa kanyang mga mata. Mas nangingibabaw ngayon ang sakit sa kanyang ekspresyon. She frustratedly wiped her tears and laughed. Her translucent body slowly fading into non-existence.

Those eyes will forever haunt me, even in the afterlife. Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sa'kin at niyapos ang pisngi ko.

"Sana naisip mo 'yan bago mo ako iniwan noong nalaman mong may cancer ako."

I closed my eyes and balled my hands into fists. Bumabalik na naman ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan. Gaano katagal na ba ang lumipas? Ni hindi nga pala ako sumipot noong libing niya. Nang wala na akong maramdaman, nagmulat ako ng mga mata.

Naglaho na siya.

Sa pagkakataong 'to, alam kong hindi na siya muling pagpaparamdam pa. I felt the emptiness inside of me, yearning for what I can no longer have. Normal bang ganito ang maramdaman ko? Hindi ba dapat masaya na ako't hindi na ako gagambalain pa ng multo kong ex-girlfriend?

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Wala nang mga bulong. Wala nang mga anino. Wala nang multo.

She's gone, but she's still haunting me---like the lyrics of a song I can no longer remember.

Hindi ko alam kung sinadya niya bang ipaalala sa'kin ang mapait na nakaraan o karma ko ito dahil sa pagiging duwag. Dadalhin ko na lamang ito hanggang kamatayan. Pero bago pa man ako tuluyang makauwi, ibinulong ko sa hangin ang mga salitang ito:

"You will always be my greatest regret in life."

END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top