Lesson 3: Book Covers (Images & Font)
Hindi ito usual na isinasama sa mga writing workshop since hindi naman ito part ng writing process mismo, pero kapag kasi ipo-post o ilalabas na ang story ninyo, whether sa Wattpad man, o sa ibang writing platform, sa social media, or sa mismong published book na, importanteng malaman ang tungkol sa copyright and Licensing.
Kapag may ginawa tayo, kunwari na lang isang story, tayo ang may-ari ng copyright n'on. Lahat ng rights n'on, nasa atin as author ng story na iyon. AND YES, author ang tawag sa atin since we own and we create that particular work. Hindi lang tayo basta aspiring, hindi tayo basta wannabe. Even ideas tapos hindi kayo ang nagsulat (Author ka ng isang story pero hindi ikaw ang writer, ibig sabihin, pinasulat mo lang sa iba. Pero gawa mo pa rin iyon since you own the intellectual rights and you just acquire another person to make the concept/idea tangible.)
Aside sa written work, importante rin nating malaman ang intellectual rights ng mga image and font na ginagamit natin.
Back sa topic, kapag tayo ang owner ng rights, tayo rin ang may karapatan kung sino lang ang makakagamit o saan lang natin ilalagay ang particular work na iyon. (You can check sa story details ninyo, may copyright option doon. Doon makikita ang All Rights Reserved, Public Domain, Creative Commons, etc.)
Same sa story, may copyright and licenses ding ginagamit ang ating book covers. Whether for free posting lang sa Wattpad or sa mismong publishing na ng physical book. Hindi ito usual na pinapansin dahil ang reason naman ng iba ay nasa Google kasi, pero may copyright attributes pa rin kahit naroon.
Gaya nito. Sa Google, kapag nag-click kayo ng image, lalabas iyan. Although, downloadable ang ibang images na mase-save as other file, kailangan pa ring i-check kung okay lang bang gamitin ang image aside sa original purpose n'on depende sa license o hindi.
Kapag may nilabag po kayo regarding sa copyright ng isang image, either itu-turn down o aalisin ng Wattpad ang cover ninyo (cover lang, hindi story) at may tag na "stealing" or "stolen content." Posible po kayong makasuhan sa ganito since form din ito ng pagnanakaw kaya kailangang iwasan, lalo na ang pagkuha ng image sa mga online site nang walang permiso ng author gaya ng DevianArt, Pinterest, direktang sa Google Image search lang.
Free sites:
Unsplash
Pexels
Pixabay
Canva (free limited images)
Depositphotos (need ng subscription, but unlimited free stocks once subscribed)
freeimages
pngtree
Flickr
Public Domain Pictures
Magdeleine
1 Million Free Pictures
Realistic Shots
Old Book Illustrations
Deal Jumbo
For fonts:
Deal Jumbo
DaFont
Fontspace
Font Squirrel
Behance
1001freefonts
(check sa freebies since personal use ang karamihan. Bawal po i-commercialize)
Para naman sa mga gustong gumawa ng book mockup pero walang application like Photoshop, you can visit these sites:
Sample po ng mga mockup
from diybookcovers.com (specifically diybookcovers.com/3Dmockups)
from placeit.net (specifically placeit.net/?search=free%20book%20mockups)
Kapag naman gusto ninyong legal na legal ang images at fonts, mag-subscribe po sa:
Deposit Photos
Shutterstock
iStock Photo
Creative Market
NOTE: Please check the license pa rin para sure. Kasi hindi lahat ng images, public domain or under creative commons.
Kapag nagpupunta kayo sa mga site na ito, mero silang mga license na makikita ninyo kadalasan sa ibaba ng mismong website o sa option tabs nila.
Minsan, kapag open si Author/Owner na ipamudmod ang "works" niya, kumukuha o nagbibigay na lang siya ng license para sa mga gustong kumuha ng gawa niya. Bakit may license? Para may limitation lang ang kukuha ng works niya sa kung hanggang saan lang nila puwedeng gamitin ang gawa ni Author/Owner.
Sa next part ng lesson po mababanggit ang mga license na dapat i-consider sa pagkuha ng mga image and kung paano gagawa ng DIY book cover spread ^_^
Please follow I 'n Spire Library Official Facebook page: facebook.com/InspireLibrary2020 for more updates.
Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top