Lesson #1: How to Format Your Manuscript
Since nasa trial period pa lang tayo ng book club, hindi pa ako makakapag-invite ng ibang speaker. For now, magbibigay muna ako ng ilang tips na mas kailangan ng mga writer maliban pa sa basic story technical elements (plot, setting, characters, etc.).
Ang lesson for this week ay tungkol sa pag-fo-format ng manuscript (MS).
Isa ito sa hindi naiko-consider ng maraming aspiring writer sa Wattpad. Ang ginagawa lang kasi ng karamihan, copy-paste from My Works, then pasa sa publisher. Disregarded na ang formatting. And as a senior editor sa isang publication, masakit sa matang makatanggap ng manuscript na masyadong makalat pagdating sa format. Lalo na kapag copy-paste lang.
Isa ito sa basics at must-know na hindi kino-consider ng mga writer kasi hindi sila aware, especially kapag walang background sa tamang pagpapasa ng manuscript. Sa perspective ng editors, sign ito na hindi rin ganoon ka-professional ang writer pagdating sa manuscript niya. Una, pinatatagal mo ang trabaho ng editor sa isang bagay na kaya mo namang gawin. Pangalawa, pinasasakit mo lang din ang mata nila.
Sa book formatting, wala akong masasabing standard talaga na dapat sundin since kada publishing houses, may kanya-kanyang standard format ng manuscript. But as much as possible, kailangang maging malinis pa rin ang MS kasi nagre-reflect din doon ang respeto mo sa ginagawa mo (pagsusulat).
Tips kung paano mag-format ng manuscript:
• Default size na ito ng MS Word, pero dapat naka-letter size (8.5x11 inches) ang paper size at may one-inch margins sa lahat ng side (left, right, top, bottom).
Hindi ito kadalasang nagbabago pero depende kasi kung saan kayo nag-e-edit ng manuscript at kung ano ang default setup ng MS Word ninyo. Sa phone, iba rin ang setup, so make sure na tama ang paper size na ginagamit ninyo.
Personal comment as a manuscript editor: Since customized ang screen ko for editing, A5 and 5x8 ang paper size na ginagamit ko. Isa ito sa standard book size na deretso na sa printing. Mas nakikita ko kasi ang vision ng final output sa ganoong size. Still, binabalik ko pa rin sa client ang gawa niya nang naka-letter size afterward. Depende talaga sa editor ang preference kung minsan.
• Gumamit ng standard font, font size, at font color.
Kadalasang ginagamit sa manuscript ang Times New Roman, 12 pt, black.
Suggested ang TNR (Times New Roman) kaysa Arial or Helvetica since mas madaling makita ang differences ng punctuation marks at readable ang serif kaysa sans serif. I know, thesis leveling ang TNR but this is one of the standard. Huwag munang gumamit ng mga fancy font like scripts or cute fonts, lalo na sa chapter titles, dahil inaayos lang iyan kapag tapos na ang editing at nasa designing na. Iwasan ding lagyan ng colors ang text. Minsan sa heading, nagbabago ang color at nagiging blue, so baguhin na lang iyon at gawing black.
But some publishing houses, nasa option nila ang Arial and Calibri (both are sans serifs). You can use other options na allowed every call for submissions. Pero kapag wala namang required format, standard is TNR.
Personal comment as a manuscript editor: Since masyadong mabigat sa mata ko ang TNR, palagi kong ginagamit ang Garamond, 14 pt. Mas mababasa ko kasi ang manuscript sa ganitong format. Kanya-kanyang preference din kasi para iwas eye strain sa editing. But after this, binabalik ko rin sa TNR 12 pt. kapag tapos na. Unless, naka-advance editing ako, hindi ako nangingialam ng format. Kung makalat ang manuscript, hinahayaan ko lang munang makalat iyon for substance editing pa lang.
• Palaging i-justify ang buong manuscript.
Sobrang daming hindi nag-ju-justify ng MS nila. Ang nangyayari, hindi pantay-pantay ang alignment ng text.
Halimbawa:
Kung mapapansin ninyo, yung right side niya, hindi pantay-pantay dahil sa white spaces.
See next photo for the white spaces (naka-line ng red)
How to justify your MS:
Ctrl + A – Select All
Ctrl + J – Justify
Kapag justified ang text, ganito ang magiging itsura n'on.
Magpapantay siya sa right side and left side. Mas malinis siyang tingnan.
Ang complain ng iba, kapag daw jina-justify, maraming malalaking spaces na nako-consume ang paper.
Halimbawa ganito:
Palagi pong i-check ang paragraph form ng text at alisin ang mga text wrapping (yung mga arrow). Kapag nagka-copy-paste kayo ng text mula sa ibang application at nililipat sa MS Word, parati po iyong may ganoon. At para hindi makalat gaya ng halimbawa ang MS ninyo, magtiyagang i-check ang paragraphs palagi.
Itong pong arrows sa end ng sentences ang tinatawag na text wrap. Sasakupin ng text ang buong line kaya ang daming spaces in between. Dapat po rito, binubura natin at pinapalitan ng normal spacing lang (enter key).
Paano makikita ang paragraph checker?
Iyan po yung nakabaligtad na letter P
NOTE: Please check for indent (paragraph tab) din yung lower right arrow sa ibaba ng encircled P.
• Format your line spacing.
Depende ito since dalawa ang ginagamit namin for line spacing:
1.5
2.0 (double space)
Suggested ang double space kahit na mukha itong thesis kapag ginawa kasi breathing spaces iyon ng editor na magbabasa ng MS. Para hindi crowded ang buong page, at hindi rin nakaka-eye strain kung single spacing lang. 1.5 naman ang preferred ng iba.
Differences ng spacing:
• Palaging gumamit ng tamang indent at ruler.
Iwasan pong gumamit ng maraming spaces for indent. Iwasan din pong gagamit ng tab for indent. Kasi nawawala po iyan sa format kapag isinalin sa ibang application.
Makikita po ang indent sa Page Layout tab.
Nalalaman po ng editor kung spaces ang gamit ninyo o hindi.
Halimbawa ng indent na gawa ng spaces:
Yung mga tuldok, ang ibig sabihin po niyan ay space bar ang ginamit ninyong pang-indent.
Halimbawa ng indent na gawa ng tab key:
Yung arrow sa left side ng first sentence, ang ibig sabihin po niyan ay tab key (yung key na katabi ng Q sa keyboard) ang ginamit ninyong pang-indent.
Halimbawa ng indent na gawa ng proper indent:
Kung mapapansin ninyo, walang kahit anong sign (dot or arrow) sa umpisa ng sentence, kasi nga po gumamit tayo ng proper indent.
Saan po makikita ang indent? Check po ninyo yung maliit na arrow sa ilalim ng mirrored P. Lalabas po roon itong paragraph tab.
Sa Special, piliin ang first line. At By 0.5 na option. May preview rin na lalabas para malaman ninyo ang magiging itsura ng bawat option.
Personal comment as a manuscript editor: Since matrabaho ang page layout, ruler ang ginagamit ko for indentation.
• Iwasan pong maglagay ng author's note sa mansucript, lalo na sa bawat chapters.
• Header or footer po ang gamiting page number, hindi mag-manual type ng page number sa ibaba ng paper.
Ang iba, ang ginagawa rito ay manual na tina-type ang page number sa ibaba. Sa Insert tab, may header and footer option po roon. Or para mabilis, double click lang sa lowest part ng page para automatic na lalabas ang header and footer.
• Gumamit po ng page break.
Ano po ang gamit ng page break?
Para hindi puro enter lang kayo kapag marami pang spaces na natitira sa isang page.
Ganito po ang itsura kapag puro kayo spaces.
Ganito naman ang itsura kapag gumamit kayo ng page break. Automatic po itong lahat.
• Gawin ang tamang format for title page.
Hinuli ko na ito kahit dapat nasa unahan ito para madali ang retention sa last part.
Karamihan ng natatanggap kong manuscript, walang title page. Walang title, walang author's name. And this is very unprofessional sa perspective ko. Wala akong idea sa kung kanino ang file na hinahawakan ko plus, prone din kayo sa plagiarism since walang indicated owner ang file.
► Dapat mas malaki ang font ng title. Enough na yung 16 or 18 pt.
► Suggested na maglagay ng genre para ma-identify kung ano ang category ng inyong MS na ipinasa.
► Ilagay po ang pangalan ninyo (pseudonym, pen name)
► May word counter naman sa MS pero ilagay pa rin po ang total word count dahil counted sa word counter ang content ng nasa title page. Minsan, approximated word count lang ang inilalagay rito like 20,000 words or 50,000 words, etc.
► Contact information sa lower part of the title page. Email, phone number (included ang address, but since online na ang karamihan ng transaction, bihira ang nakikita kong nanghihingi ng address, unless for sending copy na ng contract)
Maging masinop po tayo sa pagpapasa ng manuscript, lalo na sa traditional publishing.
Kung may tanong po kayo, please drop your comments here, or follow I 'n Spire Library on Facebook for detailed lessons since may limit ang images dito sa Wattpad.
facebook.com/InspireLibrary2020
Open po ulit ang weekly registration sa Saturday. Sana po may mga makasali ulit.
Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top