I 'n Spire Season 1: Closing


Magandang araw po sa lahat!

Nagtapos na ang unang season ng I 'n Spire Book club at maraming salamat sa mga nag-participate sa ating weekly task na read to read, at maraming salamat din sa mga sumali sa ating weekly registration.

May mga hindi nakagawa ng kanilang task, at maiintindihan natin kung hindi talaga naisingit sa kanilang mga schedule ang pagbabasa.

Magpapatuloy ang posting ng featured writer at featured stories daily sa buong buwan ng February mula sa mga nag-participate sa buwan ng January. Magpapatuloy ang pagbibigay ng weekly lesson (maliban ngayon linggo dahil nag-finalize ng ilang mga bagay na related sa book club). Ang kaibahan lang po, magre-resume ang book club pairings by April pa ulit.

Sa lahat ng nag-participate mula week 2 hanggang week 4, alam kong may mga natutunan din naman kayo sa feedback ng inyong mga ka-pair kaya maraming salamat pa rin sa pagtambay rito sa book club!


At gaya ng naipangako, lahat ng nagtiyagang mag-register weekly at gumawa ng read-to-read task since week 1–day 1 ay mabibigyan ng pagkakataong makatanggap ng offer na i-publish ang kanilang sariling aklat in paperback copy (book or booklet).

Ito ang requirement para sa kanila:

Isang novelette , novella, compilations of short stories, or poem compilations consisting ng 5,000 to 20,000 words ang tatanggapin para sa offer.

Hindi po maaaring humigit o kumulang diyan ang aming hihingin.

Since hindi po namin kukunin ang copyright ng story, ita-tag po itong under self-publishing offer at mananatili kay author ang intellectual rights ng work niya sa kanya. Magiging collaborative partner lang po ang team na hahawak sa kanilang manuscript.

Makukuha po ni author ang soft copy ng edited manuscript niya once natapos na ang huling proseso. Ang iba pang detalye ukol dito ay mababasa lamang sa email.

Ito ang listahan ng mga author na mabibigyan ng pagkakataong i-publish ang kanilang akda:

CriSnickers

droyales

Geksxx

hikariwanders

loveisnotrude

mi_michiah

NCFINNYX

Primostic

StheAdventurer

Thartzo9

VimLights


Lahat ng nasa yellow highlight ang nakapag-register since Week 1 at nakatapos ng task hanggang Week 4.


General instruction:

Magbibigay lamang po kami ng limang araw for email confirmation. I-send po thru private message kay Lena0209 dito sa Wattpad ang inyong email address para sa initial agreement kung desididong tanggapin ang offer na ito. Ang deadline ng pagse-send ng email sa PM ay magsisimula sa January 30, 2021 at ang deadline ay sa February 4, 2021, 12 noon.

Questions:

1. Paano po kung hindi nakaabot ang PM ng email add sa February 4?

Pasensiya na po pero cut-off ng lineup ang February 4. Hindi po kami magbibigay ng consideration sa late passer dahil masisira po ang schedule ng team na hahawak.

2. Paano po kung walang novelette, novella, compilations ng poems o short stories?

Magbibigay po kami ng deadline to provide a file. Kung hindi aabot doon, pasensiya na po, kailangan po namin kayong alisin sa lineup. So, much better po na may naka-ready na kayong document right away. Hindi po kami maaaring mag-extend kasi masisira po ang deadline ng team.

3. Paano po kung may story naman kami pero lampas sa 20,000 words?

Either you trim your story para maging 20,000 words at gawing per parts or volume na lang ang pag-release or turn our offer down. Maaari po kaming tanggihan sa offer na ito dahil karapatan po ninyo iyon.

4. May gagastusin po ba kami sa offer na ito?

Exclusive po ang detalye sa mga author na tatanggap ng agreement. Pero sa buong serbisyo, paniguradong wala.


Abangan ang mga susunod na post para sa featured writers or stories of the day!

Maraming salamat po sa lahat ng nag-participate!


___

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top