I 'n Spire Pairings
For our pairings, magra-run po ito for the whole week.
Once nakapagpa-register every Saturday, Sunday po malalaman kung sino ang ka-pair na babasahin ang story. Every Friday ang expiration ng weekly pairings. Kaya pagdating ng Saturday, kailangan ulit magpa-register kung gusto ninyong tumuloy pa.
Per group po ang pagpili ng pairing.
Sa Group A, under po rito ang mga prose na nasa category ng novelette, novella, and novels.
Sa Group B, under po ito ng mga short story, epistolary, and chat fiction na mabibilis lang basahin.
Daily po kayong magbabasa. If hindi possible ang daily reading, required pa rin pong kompletuhin ang minimum quota ng chapters na kailangang mabasa sa ka-pair.
5 days po ang ibibigay na time para sa lahat ng club members. After 5 days, manghihingi na po kami ng feedback sa inyo sa nabasa ninyo. For Group A, required makabasa at least 5 chapters minimum. For Group B, required makabasa at least 10 chapters minimum. If both pairs ang willing to continue after a week, sila pa rin po ang pair for next week at itutuloy na lang nila ang story na nauna na nilang nabasa. If ang isa sa pair ay nag-stop na, ipe-pair po ulit sila sa panibagong club member.
Lahat po ng makakakompleto ng weekly activities ay magkakaroon ng reading badge.
Lahat po ng magre-register every week sa buong month at magiging active weekly ay magkakaroon writing badge.
At bibigyan po natin ng chance ang active for the whole month of January ng chance to publish their own book under this book club. Kailangan lang po nilang makompleto ang lahat ng badges (reading and writing) sa buong buwan. (Feeling ko, deserve naman nila yung chance kung magiging active sila).
Sa next part po ang FAQs para sa lahat ng may tanong.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top