FAQs
Malamang, may mga tanong pa tayo sa buhay kaya ilista natin ang iba rito.
1. Required po bang i-follow si Lena0209 sa Wattpad para makasali rito sa book club?
- Hindi po. Decision po ninyo ang i-follow ako or not. Hindi po ako nangongolekta ng followers.
2. Required po bang basahin ang kahit anong story ni Lena0209 sa Wattpad para makasali rito sa book club?
- Kung sasali po ako, yes. But since ako ang handler nitong club, hindi ako makakasali kaya hindi po ninyo kailangang basahin ang kahit anong gawa ko o i-vote para lang makasali rito. Hindi naman ito para sa akin. Pero kung mapapadaan kayo, why not?
3. May bayad po ba para makasali rito?
- Maliban sa kailangan ninyong magpa-load or kailangang may wi-fi access para makapag-online kayo, wala pong bayad for registration. Kailangan lang ninyong maging active.
4. Paano po kung ongoing ang story?
- Okay lang po kung ongoing. Ilagay na lang sa form ang status and the number of published parts.
5. Paano po kung isang one shot lang ang story ko?
- SA Weekly registration po, may form kayong sasagutan. Doon po ilalagay ang status and published parts ng story.
6. Paano po kung inactive ang ka-pair ko pero ginawa ko naman ang task?
- Kung ang goal po ay makaipon ng weekly badges for the chance to publish your own book, kahit hindi active si ka-pair, may opportunity pa rin pong naghihintay sa inyo. Kung sakaling mapili man kayo, may one-on-one session po kayo sa editor. Uulanin po kayo ng feedback kahit ayaw n'yo.
7. Paano po kung sumali ako sa first week tapos hindi ko nagawa yung task, puwede pa po bang sumali ulit?
- Once lang po puwedeng mag-skip ng week. Kung busy po talaga tayo, naiintindihan po nating lahat iyan dahil abala tayong lahat sa buhay. If sa second week, hindi na naman gumawa ng task, ban na po kayo sa club na ito. If busy talaga nang bongga, huwag po munang sumali kasi unfair po sa ka-pair ninyo. Walang may gustong ma-ghost. At wala ring may gustong ma-ban. Manage your time po muna para masaya ang buhay.
You can drop all your questions here sa comment sections. Baka may nais i-clarify, may gustong i-suggest, o may feedback before mag-start, i-comment po agad. Iu-update natin itong FAQs sa bawat tanong na masasagot.
Angnext update po ng club na ito ay sa January 1 na for the official opening.
See you sa New Year's Day!
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top