1st Weekly Pairings
Start na po ng ating weekly activity, yey!
Simple lamang po ang gagawin ng mga kasama sa pairing.
Para sa mga nasa Group A, kailangan po ninyong magbasa at least 5 chapters ng story ng inyong ka-pair.
Para sa mga nasa Group B, kailangan po ninyong magbasa at least 5 parts ng story ng inyong ka-pair o kung gaano karami ang story parts ng inyong ka-partner base sa pairing.
Sa Friday, January 8, 2021, ang deadline ng pagbibigay ng comment sa nabasa ninyong story. Ilalagay po sa next update nito ang comments regarding sa nabasa ninyo. Ang format po ng comment ay:
Title:
Author:
Strength:
Weakness:
Personal Opinion:
Sample comment -
Title: Where Love Lies
Author: Anon_000
Strength: Relatable ang mga character. Maganda ang story description. Okay ang title . . .
Weakness: Hindi maayos ang punctuation marks. Maraming maling spelling. Hindi okay ang grammar . . .
Personal Opinion: Maganda naman ang story at may potential, pero for me, kailangan pa ng improvement. Marami pa kasing mali pagdating sa technicalities . . .
Ganito po ang magiging format natin para ma-exercise ang ating critical and analytical thinking sa pagbabasa ng gawa ng iba at pagbibigay ng puna sa mga binabasa natin. May five days po tayo para basahin ang lima o sampung chapters ng ka-pair natin.
Questions:
1. Paano po kung ongoing at hindi pa umabot ng 5 chapters o kaya 10 chapters ang ka-pair ko?
- Magbibigay po kami ng limit sa parts na babasahin, at si ka-pair na ang bahala kung itutuloy pa rin ba niya ang pagbabasa o hindi na.
2. Kailangan po bang i-follow ang ka-pair?
- Kayo po ang bahala kung nais ninyo. Hindi po iyon required dito sa book club.
3. Kailangan po bang i-vote ang chapters ng story ng ka-pair?
- Kayo po ang bahala kung nais ninyo. Hindi po iyon required dito sa book club.
4. Kailangan po bang mag-comment sa story ng ka-pair?
- Kayo po ang bahala kung nais ninyo basta po mag-iiwan kayo ng comment dito sa book club mismo dahil dito po imo-monitor ang gumagawa ng task nila.
5. Puwede po bang mag-comment na kahit wala pang Friday?
- Yes po. Kung natapos na po ninyo agad, okay na pong mag-iwan ng comments sa susunod na post.
6. Bakit po 5 chapters lang?
- Dahil decision na po ng ka-pair ninyo kung patatapusin nila ang gawa ninyo o hindi. Five chapters or ten parts lang po ay enough na para makapag-set ng expectations sa isang kuwento. It is your make-or-break moment para sa lahat ng klase ng reader. At mahaba na ang five days para makatapos ng lima hanggang sampung published parts ng posted story dito sa Wattpad.
** At kapag odd po ang numbers ng mga sumali, isa po si Lena0209 sa magiging ka-pair ng mga magbabasa ng story dito.
Ito na po ang pairings natin for Week 1:
Pair 1
Title: A Killer's Point of View
Title: Curse of the Stranger's Gift
Pair 2
Title: Breaking Hearts
Title: Until We meet Again
Pair 3
Title: Midnight Smile
Title: Always You
Pair 4
Title: I Can See The Future
Title: Within the Myths
Pair 5
Title: Conquerors of the New World
Title: Angel By Your Side
Pair 6
Title: After the Rain
Title: Please, Don't Wake Me Up
Pair 7
Title: The Night We Met
Title: Duke Zachary
Pair 8
Title: Sub Rosa
Title: Sleeping Memoir
Pair 9
Title: Deleterious of the Carousel
Title: Losing to Win
Pair 10
Title: Shorty Short Tales (2 parts only)
Title: Sa Susunod na Pagkikita ( 2 parts only)
Pair 11
Title: In Between
Title: Contract with Mr. Phillips
Puwede po ninyong i-check ang Wattpad account ng ka-pair ninyo para makita ang story nila, o pumunta sa Facebook page ng I 'n Spire Library sa facebook.com/InspireLibrary2020 para po sa direct links ng mga story na narito if nahihirapang hanapin ang story ng inyong ka-pair.
Kung may katanungan po, mangyaring i-drop lamang sa comments section para po masagot agad. Good luck and enjoy reading sa mga kasali sa Week 1.
Maraming salamat po sa pagsali!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top