Ina Ng Katipunan


"Hija! Hija!" 

Tila ba nagising ang aking natutulog na diwa sa malakas na tapik na iyon sa balikat ko. Nang buksan ko ang aking mga mata ay agaran akong pinanlambutan ng tuhod dahil tumambad sa harap ko ang ilang lalaking sugatan habang nakasandal sa kawayang haligi ng lumang bahay. Bakas sa mukha nila ang daing ng pagod at hapdi ng mga sugat sa kanilang katawan. Nagkalat naman sa sahig ang ilang piraso ng Tela na duguan at mga damit na punit-punit.

Hindi ko mawari kung bakit at anong nangyayari dahil ang tanging natatandaan ko lamang ay nasa byahe kami ni Mama papuntang Ospital para ihatid ang pagkain ni Lola.


"Hija! Makikisuyo nga ng Maligamgam na tubig na nasa Kusina, magmadali ka!" Narinig kong sigaw ng may edad na babaeng tumapik sa akin kanina. Nakaluhod ito sa harapan ng isang lalaki na isa din na duguan. Nanlalambot man ang kapwa tuhod ko at pilit inaalala kung paano ako napunta sa ganitong lugar ay wala sa isip kong tinakbo ang kusina at doon ko nga nakita ang Lumang Takureng nakasalang pa sa lutuan na ginagamitan ng kahoy. Matapos kong maihalo ang mainit sa tubig sa plangganita ay bumalik ako sa loob at doon inalapag ang bitbit ko sa gilid nung babae. Sa plangganang iyon ay doon niya binasa ang malinis na puting tela na pinang-linis sa sugat ng lalaki. Matiim lang akong nanonood sa paraan nya ng paglilinis ng sugat.


"Hindi ba uso Alcohol or Betadine dito?" Nagtataka kong bulong habang pinagmamasdan yung babae.


 Abala akong nanonood sa kanya ng Ilang saglit pa ay may dumating na lalaki na hingal na hingal. Sabay pa kaming napalingon sa kanya ng magsalita ito.

"Tandang Sora, May paparating pang ilang sugatan mula sa karatig bayan. Maari ba silang tumuloy rito?"


Agad agad nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko.


"Tandang Sora?" TANDANG SORA? as in MELCHORA AQUINO?" Bulong ko sa sarili ko habang nanlalaki ang mga mata kong dahan dahan na nilingon yung Matandang Babae. 

OMG! Wag' nyong sabihing- Agad naman akong napatakip bibig ko dahil sa reyalisasyon. Kaya pala nagtataka ako sa suot nya at suot ng mga lalaking sugatan kanina, maging suot ko ay naiiba rin!


"Oo, Ihatid mo sila rito ka-Reneng ng malapatan natin ng lunas ang kanilang mga sugat." Mahinahon nyang sagot at muling ibinalik ang atensyon sa paglilinis ng sugat ng lalaki.

Matapos nyang magamot ang mga taong kanina lang ay namimilipit sa sakit ay tinawag ako nito sa kusina para tumulong sa paghahanda ng makakain.

"Hindi ho ba kayo napapagod?" Hindi ko mapigilan na hindi magtanong habang nagbabalat ng sibuyas. Ilang sugatan din kasi ang ginamot nya at sya lang mag isang gumagawa noon.  Bakas man sa mukha nya ang pagod ay hindi nya iniinda iyon. Medyo curious lang din ako. 

As if  kada araw ako nagkakaroon ng pagkakataon makausap ang isang Tandang Sora no?

Agad gumuhit ang wrinkles sa gilid ng mga mata nya sa pag-ngiti nya. 

"Hija, Kailanman ay hindi nakakapagod kapag tumutulong ka ng bukal sa puso mo. Isa pa, mga kababayan natin iyan na lumalaban para atin. Sila, Nagbubuwis ng buhay. Nag-aalay ng buhay para sa ating bayan. Ano ba naman na ilaan natin ang ating oras para tumulong din sa kanila sa pamamagitan ng ginagawa natin ngayon, hindi ba?"

"Bakit nga po pala hindi kayo lumalaban tulad ng ginagawa nila?"


"Ang ibig mo bang sabihin ay makakaya ko pang magdala ng itak?" Tanong nito sakin na natatawa na iwinasiwas pa ang maliit na kutsilyong hawak-hawak nya. 

Natawa naman ako sa ginawa nya. Oo nga naman. Joker din si Nanay Sora!

Matapos mailuto ang pagkain ay nasaksihan ko ang ginagawang nyang sakripisyo.  Dahil maliban sa panggagamot ay nagpapakain din ito ng mga tao.  Ang sakripisyo nga naman ng isang Ina, di matatawaran.


"Nak, Dito ka muna saglit sa lobby ah? Bawal daw kasi yung madaming bisita sa taas." Mula sa Tila echo na tunog ay unti-unting naging malinaw ang pandinig maging ang paningin ko na tila ba nawala ng ilang minuto ng sabihin iyon ni Mama. Inikot ko ang paningin ko at doon ko napagtanto na nakabalik na ako sa panahon ko.

Mula sa lobby na kinaroroonan ko ay halos tanaw ko ang emergency room kung saan dinig ko ang sigaw ng batang lalaki na namimilipit sa sakit dahil sa sugat sa kamay nitong nagdurugo. Habang pinagmamasdan ang pagamot sa kanya ay hindi ko maiwasan na hindi maalala si Tandang Sora. Sobrang napakalayo ng pamamaraan ng panggagamot noon. Marahil dahil kulang sila sa kagamitan noon at kumpleto at advance ngayon. Noon, ang tanging sandata ni Tandang Sora para lumaban ay ang pagmamahal nya, pagmamalasakit sa kapwa Pilipino, oras at sakripisyo nya na hindi matatawaran ng kahit anong salapi.


Salamat sa pagpapasilip sa nakaraan Nanay Sora! Napangiti akong sinasabi sa isip ko iyon na isinandal ang likod ko at hinintay nalang ang pagbabalik ni Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top