Zhikerry Lyndell's POV
"I'm Kyren Xyrie in RPW." Bigla naman akong napaatras sa sinabi niya.
Ano raw? Siya si Kyren?
"S-Seryoso? Paano?" Tanong ko.
"Anong paano? Ako nga 'yon." Natatawang sagot niya.
"Hala, gagi! Bigla akong nahiya." Ani ko saka nagtakip ng mukha.
"Bakit ka naman mahihiya?" Tanong niya.
"Eh kasi 'yong crush ko sa rpw at crush ko sa real world ay iisa pala." Mahinang sagot ko.
Natatawa naman niyang inalis ang kamay na nakatakip sa mukha ko.
"Huwag ka ngang mahiya sa akin, ako lang 'to." Aniya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nakipagtitigan nalang ako sa kaniya at hindi na sumagot sa sinabi niya.
"Nga pala, 'di ba may girlfriend ka?" Tanong ko.
"Girlfriend? Wala ah," nag deny pa si loko.
"Sinungaling. Eh ano 'yong nakita ko dati na in a relationship keme?" Tanong ko.
"Ah 'yon ba? Drs lang 'yon." Nagtaka naman ako.
"Drs? Ano 'yon?" Tanong ko.
"Display relationship status," sagot niya. "Hindi ko kilala 'yon, I swear, bigla nalang siyang nag chat noon para raw sa act nila." Paliwanag niya.
"So, hindi 'yon 'yong babaeng gusto mo?" Tanong ko, umiling naman siya. "Eh sino?"
"Ikaw," nanlaki naman ang mata ko.
"A-Ako!?" Gulat na tanong ko.
"Oo, ikaw nga." Tumangong sagot niya.
"Tangina.." mahinang mura ko.
Lord, kung panaginip man 'to please lang 'wag niyo na po akong gisingin.
"Hindi ka pa rin naniniwala?" Tanong niya pero tinitigan ko lang siya.
Shuta, hindi ko ini-expect na may magkaka-gusto sa akin na ganito ka-pogi. I mean, maganda naman ako pero putek deserve ko ba 'yong mga katulad niya? Wahh! Super thank you po talaga, Lord.
"Are you okay?" Nabalik naman ako sa ulirat nang magsalita siya.
"A-Ah o-oo, ayos lang ako," utal na sagot ko.
Matapos 'yon ay hinanap na namin sina Davina at mga kaibigan niya.
Nag-aya silang mag samgyupsal at sagot 'yon ng isa sa kaibigan ni Kyren-este Drexter.
"Dito na kami, salamat sa paghatid." Ani ko nang maihatid kami sa sakayan namin.
"Bye Zl, ingat kayo." Ika naman ni Drexter.
"Bye, mag-iingat din kayo." Tugon ko at nginitian siya.
Pagka-alis nila ay siya ring pagsakay namin sa tricycle.
"Kung hindi kita sinama edi hindi mo makikita si Kyren mo." Ani Davi at pabiro akong inirapan.
"Gagi hindi pa rin talaga ako makapaniwala," ani ko.
Inilingan nalang niya ako at nagpaalam na bibili nga pagkain.
"Gusto mo?" Alok niya pero umiling ako. "Edi 'wag, ikaw na nga binibigyan ayaw mo pa."
Ibang klase rin 'to ah.
Nang maka-uwi kami ay saka ko lang in-add si Drexter sa facebook. Pero bago 'yon ay tinignan ko muna lahat ng mga pictures niya.
"Gagstik, kahit anong anggulo ang pogi pa rin niya." Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Sino?" Bulong ni Kuya sa tainga ko kaya naman bigla akong napatayo at agad na in-off ang cellphone ko.
"W-Wala kuya, wala hehe." Ani ko.
"Wala wala ka pa eh nakita ko naman," magtatanong pa eh nakita naman niya pala.
"Sino nga 'yan? Boyfriend mo?" Mabilis naman akong umiling.
"Hindi ko 'yan Boyfriend kuya," magiging boyfriend palang hehe.
"Eh ano mo 'yan?" Tanong pa niya.
"Kaibigan ko lang siya." Sagot ko.
"Siguraduhin mo lang, ZL." Tumango-tango naman ako.
"Pero kuya, kung sakaling liligawan ako nito papayag ka?" Tanong ko.
"Kung seryoso naman siya sa 'yo, bakit hindi?" Sagot niya kaya mahigpit ko siyang niyakap.
"Yie! I love you kuya." Ani ko.
"I love you too, pangit." Napahiwalay naman ako kay kuya at sinimangutan siya.
"Pangit amputek," malakas naman siyang tumawa. "Ang pangit mo talaga ka-bonding." Ani ko at tinalikuran na siya.
"Biro lang, hoy," tumatawang sabi niya pero hindi ko siya pinansin dere-deretso lang ako papuntang kuwarto ko.
Kami lang ulit ni Kuya rito sa bahay dahil tatlong linggo lang ang tinagal nila mama rito. Nakapag-bonding naman kaming apat kahit papaano kaya worth it pa rin 'yong tatlong linggong nandito sila mama.
Lumipas ang araw, linggo mas naging malapit kami ni Drexter sa isa't-isa. Kung dati ay puro chat lang kami, ngayon ay nagc-call na kami. Pero tuwing gabi lang.
"Kailan mo ipapakila sa akin 'yan?" Nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni Kuya sa harapan ko.
"Ano ba naman 'yan Kuya, ang hilig mong manggulat." Inis na sabi ko sa kaniya.
"Sorry, my false." Tanga.
"My false amputa," napa daing nalang nang pitikin niya ang noo ko.
"Sinadya ko 'yon, 'wag kang magulo." Aniya. "So, kailan mo nga balak ipakilala sa akin 'yan?"
"Ito na nga tinatanong ko na kung kailan ang free time niya." Sagot ko.
"Nanliligaw na sa 'yo?"
"Hindi pa, magpapaalam pa nga raw muna siya sa 'yo." Sagot ko ulit.
"Basta sabihin mo sa akin kung kailan nang maka-usap ko nang masinsinan."
"Nag reply na siya," ani ko
"Ano sabi?"
"Sa Linggo raw," sagot ko.
"Sige, saan?"
"Sa may plaza raw." Sagot ko.
"Sige sige,"
---
Since linggo ngayon, nag simba muna kami ni Kuya bago pumunta sa plaza.
"Nasaan na siya? Ang tagal naman niya," reklamo ni Kuya.
"Maghintay ka nga, napaka mainipin mo talaga." Ani ko.
"Kanina pa tayo rito naghihintay,"
"Malayo ang Urdaneta, kuya ha?" Irap ko sa kaniya. "Iyon na siya oh," turo ko kay Drexter na palinga-linga sa paligid.
"Puntahan mo na," ika ni Kuya.
Tumango naman ako at saka iniwan saglit si kuya para puntahan si Drexter.
"Halika na, kanina naghihintay si kuya sa 'yo." Ani ko.
"Baka ayaw sa akin ng kuya mo ah," mahina ko namang hinampas ang braso niya.
"Makikipagkita ba siya sa 'yo ngayon kung ayaw niya sa 'yo." Ani ko.
"Nandito na siya," sabi ko nang marating namin ang kinaroroonan ni Kuya.
Nag-angat naman si kuya ng tingin at sinalubong ang tingin ko. At parang sinasabi na iwan ko muna silang dalawa kaya nagpaalam muna akong magsi-cr.
Nagliwaliw muna ako sandali bago bumalik kila Kuya.
"Seryoso ka ba talaga sa kapatid ko?" Nahinto ako sa paglapit nang mag salita si kuya.
"Oo, seryosong-seryoso ako." Sagot naman ni Drexter.
"Hindi mo siya papaiyakin?" Tanong pa ni Kuya.
"Hinding-hindi ko siya papaiyakin, pangako 'yan."
"Panghahawakan ko 'yang pangakong 'yan ah,"
Saka lang ako lumapit sa kanila nang parehas silang hindi nagsasalita.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko ha? Payag akong ligawan mo siya pero sa isang kondisyon," ani kuya.
"Anong kondisyon?"
"Ihatid mo siya sa bahay bago mag alas singko ng hapon." Palihim naman akong napangiti.
"Iyon lang pala eh, sure before six." Tinap lang ni kuya ang balikat niya saka umalis.
Nang hindi na namin matanaw si kuya ay napahawak si Drexter sa dibdib niya habang nakatulala sa malayo.
"Hoy, okay ka lang?" Tanong ko.
"Yeah, okay lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na pumayag 'yong kuya mo." Napatawa naman ako.
"Congrats sa 'yo." Ani ko at ginulo ang buhok niya.
Naglibot-libot kami sa buong plaza at nang magtahalian ay pumunta kami ng Jollibee para kumain.
At no'ng 3 ng hapon ay pumunta naman kasi daang kalikasan at inantay naming lumubog ang araw bago niya ako ihatid sa bahay.
"Thanks sa paghatid at thank you rin dahil napasaya mo ako ngayong araw." Ani ko nang makababa sa sasakyan niya.
"Ako nga dapat ang mag thank you sa 'yo eh, thank you sa lahat lahat, ZL." Napangiti naman ako at niyakap siya.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi." Ani ko habang yakap-yakap siya.
Naramdaman ko namang hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya mas naging malawak ang ngiti ko.
Walang katapusan ang pasasalamat ko kay Lord dahil binigay niya sa akin itong gwapong nilalang na 'to.
"Bye ZL, Aku tresna sampeyan." Ha? Ano raw?
"Ano meaning no'n?" Naguguluhang tanong ko.
"Saka mo na malalaman kapag sinagot ko na ako." Sagot niya.
"Edi sagutin na kita ngayon para malaman ko na," biro ko.
"Hindi pwede, nangako ako sa kuya mo." Aniya at ginulo ang buhok ko.
"Uwi na ako ha, bye." Nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa pisngi.
Abnormal talaga.
Tama nga si Davi, nasa rpw nga mahahanap ang magiging icing sa ibabaw ng cupcake ko haha.
Kung sino man 'yong lumikha ng rpw sobrang thank you sa kaniya dahil kung wala ang rpw na 'yan hindi ko makikilala ang tulad ni Drexter.
---end
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top