Drexter's POV


"Drex, nag-aaya sila Marco mag bike, sama ka?" Tanong ni Mike.

"Ayoko, wala ako sa mood mag bike." Sagot ko naman.

"Na naman? Noong nakaraan ka pa wala sa mood ah?" Ani naman ni Mark.

"Wala na siguro 'yong nagpapangiti sa 'yo 'no?" Pang-aasar sa akin ni Mike. Tinignan ko lang siya at hindi na pinansin.

He's right, hindi na kami nag- uusap ni Ava simula noong umamin siya sa akin. Noong time na 'yon sobrang saya ko dahil gusto niya rin ako. Hindi ko siya na replyan noon kasi biglang namatay 'yong cellphone dahil lowbat at saktong walang kuryente no'n.

"Sabi na eh, kay Maika ka nalang kasi," ani Mike saka mahinang binunggo ang balikat ko.

"Alam naman natin na wala nang pag-asa si Maika kay Drex eh," saad naman ni Mark.

"Kailan mo ba kasi ipapakilala sa amin 'yon?" Tanong ni Mike.

"Paano ko ipapakilala eh naka deact na nga 'yong account niya." Sagot ko.

"Eh 'di ba alam mo naman 'yong mukha? Edi puntahan mo nalang," ani Mark, binatukan naman siya ni Mike.

"Tanga! Papaano niya pupuntahan eh hindi naman niya alam kung saan 'yon sa Mangatarem nakatira." Ani Mike.

"At hindi ko rin alam kung anong totoong pangalan niya." Gatong ko.

"Punta ulit tayong Mangatarem sa Sabado malay mo makita mo siya roon 'di ba?" Ani Mark.

"Tsaka kapag nakita mo siya 'wag ka nang mag sayang ng oras na lapitan siya at magpakilala." Gatong naman ni Mike.

"Pag-iisipan ko pa, doon na kayo may gagawin pa ako eh panggulo kayo." Taboy ko sa kanila.

Kamot ulo naman silang umalis ng bahay. Sasama ba ako? Sana nga nandoon siya, pero paano kapag wala? Edi nasayang oras ko.

"Hay putcha! Bahala na nga." Inis kong ginulo ang buhok ko.

---

"Ano Drex? Sama ka?" Tanong ni Marco, tumango naman ako.

"Yowwnn! Alam mo ba pinagdasal ko kagabi na sana makita mo ro'n si Ava mo." Taas noong saad ni Mark.

"Ay wow, alam mo pala mag dasal?" Pangbabara naman ni Mike.

"Tarantado! Ano akala mo sa akin demonyo? Oo, palamura ako pero maka Diyos 'to." Pareho nalang kaming napa iling ni Marco.

"Iwan na nga natin 'yang dalawang 'yan, bwisit eh." Saad ni Marco at nauna nang umalis.

Sinulyapan ko pa muna nang isang beses 'yong dalawa bago mag simulang magpadyak.

Ilang oras ang binike namin bago marating ang daang kalikasan.

"Gagi Drex ang daming tao paano mo siya mahahanap niyan?" Tanong ni Marco habang lumilinga-linga sa paligid.

"Tutulungan niyo naman akong maghanap 'di ba?" Ani ko, napatingin naman siya sa akin.

"Oo naman, pero bago 'yon hintayin muna natin 'yong dalawang bugok." Tumango nalang ako at inaya siyang maupo muna sa may lilim.

Ilang minuto ang lumipas bago makarating 'yong dalawa.

"Tangina niyong dalawa, fake friends!" Ungot ni Mike.

"Paanong hindi namin kayo iiwan eh puro kayo away," ani Marco.

"Eh wala wala, fake friends kayo." Sabi naman ni Mark.

Parehas naman silang binatukan ni Marco.

"Hindi bagay sa inyong mag drama kaya magtigil kayo. May misyon pa tayong gagawin mga bugok." Ani Marco.

"Ano?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Oplan hanapin si Ava." Sagot ni Marco.

"Hanapin? Ang dami kayang tao papaanong hahanapin, gago ka ba?" Si Mark.

"Kaya nandoon 'yong word na hanapin 'di ba? Tanga!" Si Marco.

"Tama na nga 'yan, puro kayo mura ang daming taong nakakarinig sa inyo, oh." Awat ko sa kanila.

"Davi, mag hintay ka nga! Bwisit ka talaga, sana hindi nalang kita sinamahan dito eh." Bigla akong natigilan sa narinig ko.

"Hindi na tayo maghahanap," napatingin naman silang tatlo sa akin.

"Susuko ka na? Hindi pa nga tayo nag uumpisa eh," ani Marco.

"Sino sabing sumusuko ako? Hindi na tayo maghahanap dahil alam ko na kung nasaan siya." Sagot ko habang nakatingin kay Ava.

Sure akong si Ava 'yon dahil minsan ko nang narinig ang boses niya.

"Oh nasaan?" Tanong naman ni Mike.

"Tara puntahan na natin." Aya ko sa kanila.

Nasa likod na nila kami ngayon at naghahanap ako ng tiyempo para kausapin siya.

"Hindi mo pa ba kakausapin? Nandiyan na nga siya oh," bulong ni Mark.

"Oo nga Drex, ang hina mo talaga kahit kailan." Pang gagatong naman ni Mike.

"Manahimik nga kayong dalawa, kanina pa ako naririndi sa inyo eh," reklamo ni Marco.

Nahinto kaming apat sa paglalakad nang biglang humarap 'yong babaeng kasama ni Ava.

"Kami ba pinag-uusapan niyo?" Tanong niya habang naka taas ang isang kilay.

Nanlaki naman ang mata ni Ava nang magsalubong ang mga mata namin. Tipid akong ngumiti sa kaniya samantalang umiwas naman siya ng tingin.

"Kung kaming dalawa nga, sorry pero taken na ako. Pero itong kaibigan ko single 'yan, free na free jowain at walang magagalit bukod sa kuya niya." Litanya no'ng babae.

"Kung ganoon, pwede bang ireto mo nalang 'yang kaibigan mo sa kaibigan namin?" Tanong ni Mark.

"Aba, pwedeng-pwede! Gusto mo ba?" Tanong naman niya kay Ava.

"H-Hindi ko alam," mahinang tugon ni Ava.

"Bakit hindi mo alam, miss? Pogi naman si Drexter ah," sabi naman ni Mike.

"Ah ano... pwedeng iwan muna namin kayo? May sasabihin lang ako sa kaniya." Paalam ni Ava.

"Yeah sure, basta 'wag niyo kaming tatakasan ha?" Tanong ni Marco.

"Hindi namin kayo tatakasan," sagot naman no'ng kasama ni Ava.

"Saan doon 'yong Ava?" Tanong sa akin ni Marco.

"'Yong nagpaalam." Sagot ko.

"Gagi p're, ang ganda niya." Ani Mark.

Naghintay kami ng ilang segundo bago bumalik sila Ava.

"Gagi, ikaw pala 'yong kinekwento niya sa akin ba cru—aray ko naman!" Daing noong babae.

"Ang daldal mo, lintek ka." Dinig kong bulong ni Ava sa kasama.

"Ahmm, pwede ko bang hiramin saglit 'yong kaibigan mo? May sasabihin lang ako," paalam ko.

"Payag ka? Hiramin ka lang daw saglit," tanong naman noong babae.

"Sure,  ano bang sasabihin mo?" Tanong naman ni Ava.

"Okay lang ba kung tayong dalawa lang?" Tanong ko.

"O-Okay sige, saan ba?" Tanong naman niya.

"Kahit saan," sagot ko naman.

"Iwan na nga muna namin kayo nang makapag-usap na kayo." Saad ni Marco saka hinila 'yong dalawa, sumunod din naman 'yong babaeng kasama ni Ava.

"Ahmm, a-ano 'yong sasabihin mo?" Tanong niya nang hindi na namin matanaw 'yong apat.

"Bago 'yon gusto ko munang mag pakilala sa 'yo. I'm Drexter Riam Gomez, and you are?" Tanong ko.

"Zhikerry Lyndell Cervantes, ZL for short." Nakangiting sagot niya saka nakipag-kamay sa akin. "So, ano na sasabihin mo?"

"I'm Kyren Xyrie in RPW."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top