Wakas
Wakas
Three years later
Tatlong taon na ang lumipas matapos ang araw na 'yon. At sa tatlong taon na 'yon ay napakaraming nangyari.
May mga masasaya at mayroon ding malungkot, pero lahat nang iyon ay nalampasan ko.
"Babe, let's go."
Ang sabi ko sa sarili ko sa trabaho ko lang ibubuhos ang oras ko pero wala eh, iba rin talaga si tadhana... masyadong mapag-laro.
"Wait, susunod na ako." Sabi ko kay Marcus.
Yes, si Marcus na kaibigan ni Levi ang napangasawa ko at may isa kaming anak na magta-tatlong taon na ngayon.
Hindi ko inaakala na sa tinagal-tagal kong hindi siya nakita ay nandito lang pala siya sa California.
Isa siya sa masayang nangyari sa loob ng tatlong taon. Noong una, kaibigan lang ang turingan namin sa isa't-isa hanggang sa hindi namin namamalayan na nahulog na kami sa isa't-isa.
"Huwag ka nang mag paganda masyado dahil sobra-sobra na ang ganda mo sa paningin ko." Ika ni Marcus saka yumakap sa likuran ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Ito na nga po, tapos na." Natatawang sabi ko.
"Kanina pa naiinip si Zein ang tagal daw kasi ni momma eh," pareho naman kaming natawa.
Tinulungan niya akong ayusin 'yung mga mga gamit ko at nang matapos ay sabay na lumabas ng kwarto.
"Ang baby Zein ko, sorry kung matagal si momma." Sabi ko sa at binuhat siya.
"Momma... alis..." aniya at tinuro ang pintuan.
"Alis na tayo?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Okay po, aalis na tayo." Sagot ko.
"Okay na ba mga gamit natin?" Tanong ko kay Marcus, tumango naman siya.
Napagpasyahan kasi naming unuwi ng Pilipinas at ngayon ang alis namin. Pero bago kami pumunta ng airport ay dadaan muna kami kila mommy para mag paalam.
"Mag iingat kayo sa biyahe ha?" Ani Mommy at bumaling kay Zein. "Bye baby Zein, mamimiss ka ng lola." Ika niya at hinalik-halikan si Zein.
"Bye bye lola, I wabyu.." pareho naman kaming natawa sa sinabi ni Zein.
Ang cute talaga ng baby ko.
"Hindi na ba kayo dadaan sa daddy mo?" Ah oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.
"Buti po pinaalala mo, sabihin ko po kay Marcus." Ani ko, tumango naman siya.
Malapit lang naman ang airport sa pinagtatrabuhan ni daddy kaya dumiretso muna kami.
"Babye lolo, I wabyu.." sabi rin ni Zein kay daddy at hinalikan nito sa pisngi.
"Mag iingat kayo ha?" Sabay naman kaming tumango ni Marcus.
Tuwang-tuwa si Zein nang makasakay kami sa eroplano kaya naman tulog na tulog siya noong makarating kami sa Pilipinas.
"Ayaw mong matulog ah, ano ka ngayon?" Natatawang sabi ni Marcus sa natutulog na si Zein.
10 na ng gabi noong makarating kami sa bahay nila.
Pinalitan ko muna ng diaper si Zein bago ayusin ang pagkakahiga niya.
"Kakain ka pa ba? Mag oorder ako," tanong niya.
"Hmm sige, nagugutom na rin ako eh." Sagot ko.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay humiga sandali ako sa kama at pinagmasdan si Zein. Hinaplos-haplos ko ang makinis niyang pisngi at hinalikan ang buong mukha niya.
"Ang daya, ako ang naghirap pero bakit namana mo lahat sa papa mo?" Reklamo ko.
"May namana rin naman siya sa 'yo ah," agad ko namang nilingon si Marcus.
"Ano?" Tanong ko habang naka taas ang isang kilay.
"Kagandahan.." nakangising sagot niya.
"Pssh.." irap ko, natawa naman siya.
"Halika na, nakahanda na ang pagkain." Hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sa kaniya palabas.
---
Isang linggo na simula nang makabalik kami rito sa Pilipinas. Ipinasyal namin si Zein sa amusement park, mall, at sa pineapple farm namin.
"Hay nako, bagsak na naman ang Zein namin," ani Marcus at inihiga na si Zein sa kama.
"Paanong hindi mapapagod 'yan eh laro nang laro," sabi ko.
"Nga pala, hindi pa pala natin nabibisita si Lauren." Aniya.
"Oo nga pala, bukas nalang." Sagot ko, tumango naman siya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal namin. Fried rice at sunny side up ang niluto ko na dinagdagan ko pa ng bacon at tocino.
"Good morning, babe." Bulong ni Marcus sa tainga ko at yumakap sa bewang ko.
"Good morning, where's Zein?" Tanong ko.
"Tulog pa siya eh," sagot naman niya.
"Okay, pakihanda nalang 'yung mga plato para makakain na tayo." Utos ko.
Matapos kaming kumain ay si Marcus na ang nag hugas ng pinagkainan namin dahil gising na si Zein at umiiyak na.
Bago pumunta sa kuwarto ay tinimplahan ko muna siya ng gatas at nang matapos ay nagmadali akong umaktyat papuntang kuwarto.
"Hush now baby, momma's here na... here's your milk, tahan na." Agad ko siyang binuhat at hinele.
Nang tumahan siya ay ibinalik ko siya sa pagkakahiga dahil nangangalay na akong buhatin siya. Sobrang bigat na niya, partida wala pa siyang 3 years old.
Matapos dumede ni Zein ay pinaliguan ko na siya at binihisan.
"Maligo ka na rin, ako na muna ang bahala sa kaniya." Tumango nalang ako at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa upuan.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin akong naligo kaya naman pinasunod ko na ring maligo si Marcus.
"Hello Lauren in heaven, sorry kung sa tinatagal-tagal ng panahon ay ngayon lang kami naka dalaw sa 'yo." Sabi ko matapos mag sindi ng kandila.
"By the way, meet Zein Maryem, our daughter." Kinuha ko naman si Zein mula kay Marcus. "Zein, say hi to your tita Lauren." Ani ko.
"Hewow tita Wrowren," natawa naman kami pareho ni Marcus.
"Baby, it's Lauren not Wrowren," natatawang sabi ni Marcus. "Gayahin mo si Daddy, okay?" Tumango naman si Zein.
"Lau..." si Marcus.
"Wro..." si Zein.
"No, it's Lau.. ren.."
"Wrowren..." natawa nalang ako habang tinitignan sila.
"Hayaan mo na kung ayan ang gusto niya," ani ko.
Nag stay pa kami roon nang ilang oras bago magpaalam kay Lauren.
"Pangako Lauren, aalagaan ko sila at mamahalin habang buhay na hindi ko nagawa sa 'yo noon." Ani Marcus.
Magdidilim na noong maka uwi kami sa bahay dahil ipinasyal pa muna namin si Zein.
"Tulog na siya?" Tanong ni Marcus nang maka pasok siya sa kuwarto.
"Oo, kanina pa," sagot ko naman.
"Babe," agad ko namang nilingon si Marcus.
"Malaki naman na si Zein, 'di ba?" Tanong niya.
"Oh tapos?"
"Alam mo na," ika niya habang suot ang nakakalokong ngiti.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
Imipit naman akong napasigaw nang hilain niya ako pahiga sa kama at agad siyang pumaibabaw sa akin.
"Sundan na natin siya, lalaki naman na this time." Sabi niya at sinunggaban agad ako ng halik.
Napangiti nalang ako at sinabayan ang paghalik niya.
Iba talaga mag plano si Tadhana.
Akalain mo 'yon, 'yung kaibigan mo lang dati asawa mo na ngayon at may bonus pang cute na Zein.
---end
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top