Kabanata 20
20
Simula noong malaman kong wala na talaga si mamita ay parang nanumbalik na naman sa akin 'yung nararamdaman ko noong nawala si Lauren. Pero mas lumala ngayon dahil pagka galing ko ng school ay dideretso na ako agad sa kuwarto ko para roon magkulong at umiyak nang umiyak.
Tiniis ko rin na huwag kausapin si Levi, lahat ng text at tawag niya ay hindi ko pinapansin. Sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa.
"Are you sure, sasama ka sa amin papuntang California?" Tumango naman ako.
"How about your school?" Tanong naman ni mommy.
"Patapos naman na po ang first sem namin eh," matabang na sagot ko.
"How about the next semester?" Tanong naman ni dad.
"Itutuloy ko nalang po roon," sagot ko.
Napag isipan ko na nang mabuti 'yan kagabi at talagang buo na ang loob kong sa California na ituloy ang pag-aaral ko.
"Alam ba ni Levi 'yang plano mo?" Tanong ni mommy, umiling naman ako.
Bukas ko na siya kaka-usapin tungkol sa plano ko.
"May problema ba? Kanina ka pa tahimik," huminga muna ako nang malalim bago mag salita.
"What? Why?" Naguguluhang tanong niya.
"Basta, gusto ko sanang humingi ng space," ani ko.
"Are you breaking up with me?" Garalgal na tanong niya.
"N-No... not that," iling ko. "Magka-iba naman siguro ang cool off sa break, right?" Tanong ko pero tahimik lang siya.
"So, that is what you want?" Marahan naman akong tumango. "Okay, then... but always remember that I love you very... very much." Aniya at saka tinalikuran ako.
Sa ginawa niyang 'yon ay pakiramdam ko ay parang nawasak ang puso ko. Napakagat nalang ako sa labi ko at pinigilan ang pag hikbi ko.
Sana tama itong desisyon kong ito.
Matapos ang pag-uusap namin ni Levi ay tuluyan na kaming nawalan ng koneksyon sa isa't-isa. Siya rin ang tanong ni Misty kung bakit hindi na kami nagkikita at nagkaka-usap ni Levi. At nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay nanahimik na lamang siya.
"Sure ka na talaga sa desisyon mo?" Tanong ni Misty, tumango naman ako.
"Hindi man lang tayo gagraduate nang magkasama." Mahinang sabi niya kaya naman hinawakan ko ang balikat niya at pilit na ngumiti.
"Babalik din naman ako eh," ani ko.
"Kaso matatagalan nga lang," natawa naman ako sa sagot niya.
"Exactly," ani ko.
---
"Are you ready?" Tanong ni mommy, tumango naman ako.
Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong kwarto ko bago tuluyang isarado ang pinto. Marami rin kaming naiwang magagandang ala-ala rito ni Levi at iyon ang hinding-hindi ko malilimutan.
Mapait nalang ako ngumiti nang maalala ko siya. Kumusta na kaya siya? Sobrang miss ko na siya.
"Hani, halika na at baka maiwan na tayo ng eroplano natin," hindi nalang ako nag salita at nag lakad nalang papasok sa sasakyan.
"Alam ba ni Levi na ngayon ang alis natin?" Tanong ni mommy, umiling naman ako.
"Why?" Tanong naman ni daddy.
"Ayoko po siyang masaktan, dad." Sagot ko.
"Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan sa ginagawa mo ngayon?" Natahimik naman ako.
"You know what, Hani, bago ka gumawa ng desisyon dapat alam niya rin para hindi kayo nasasaktan pareho." Napayuko naman ako sa sinabi ni mommy.
"Gusto mo bang dumaan muna sa bahay nila para makapag paalam ka nang maayos?" Inangat ko naman ang paningin ko kay daddy at marahang tumango.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na agad kami ng bahay nila.
"Go on, kausapin mo na siya." Tumango naman ako at tipid na ngumiti kay mommy bago bumaba ng sasakyan.
Huminga muna ako nang malalim bago pindutin ang doorbell. Dalawang beses kong pinindot 'yung doorbell pero walang lumabas para mag bukas pero noong pipindutin ko ulit ay biglang bumukas ang gate at parehas kaming nagulat ni Levi sa isa't-isa.
"W-What are you doing here?" Gulat na tanong niya.
"Ahm... gusto ko lang sanang kausapin ka," sagot ko.
"About saan? Sa pag-alis mo?" Napakagat nalang ako sa labi ko.
"Gusto ko lang sanang magpa-alam nang maayos sa 'yo at tsaka gusto kong mag sorry dahil hindi ko nasabi sa 'yo itong balak ko." Naka yukong sabi ko.
"It's okay, I understand." Sagot naman niya.
"C-Can... can I hug you?" Tanong ko, tumango naman siya kaya naman mabilis akong yumakap sa kaniya.
"I promise, babalik ako... babalikan kita." Umiiyak kong sabi habang yakap ko siya.
"Hihintayin kita kahit gaano man katagal," napapikit naman ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
"Good bye for now, my shark boy, I love you always." Sabi ko at humiwalay sa yakap para halikan siya.
"I love you too, butterfly, mag iingat ka roon ha?" Tumango-tango naman ako.
Humalik pa muna ako nang isa beses sa pisngi niya bago umalis.
"Text me kung nandoon ka na." Naka ngiti naman akong tumango.
"Okay na ba ang lahat?" Daddy asked.
"Yes po," sagot ko.
Tumango naman siya bago i-start ang makina at nagmaneho na papuntang airport.
---
Nang maka landing ang eroplano namin sa California ay naghintay pa muna kami ng ilang minuto para hintayin ang susundo sa amin.
"Harrieth!" Dinig naming sigaw ni Tita Heidi, kapatid ni mommy.
Agad naman kaming lumapit sa kinaroroonan niya kasama ang panganay na anak niyang si kuya Kevin.
Sinalubong agad ni mommy si Tita ng napaka higpit na yakap.
"Si mommy, ate, wala na ang mommy," hagulgol na sabi ni mommy kay tita. Lumapit naman si daddy para hagudin ang likod ni mommy.
Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak. Napatingin nalang ako kay kuya Kevin nang abutan niya ako ng panyo. Tinanggap ko naman 'yon at nagpasalamat.
Nang mahimasmasan kami ay kinuha na namin 'yung mga bagahe namin at pumunta na sa sasakyan.
Mga ilang oras ang binyahe namin bago makarating sa bahay.
Pagka-baba namin ng sasakyan ay tumakbo na agad si mommy sa loob, sinundan ko naman agad siya.
"Mom, why did you leave us? Kailan lang noong naka-usap kita... at ang lakas-lakas mo pa noon, tapos malalaman ko nalang wala ka na?" Hagulgol ni mommy.
"M-Mommy, calm down, mamita will be sad when she sees you like that." Pagpapatahan ko kay mommy.
"How can I calm down, huh? Your grandmother left me, us. So tell me how can i calm down?!" Napapikit nalang ako nang sigawan ako ni mommy.
This is the first time she shouted at me. Pero imbis na sumama ang loob ko ay niyakap ko nalang siya at pinatahan.
Alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya.
"Hush now, mom, everything will be okay." Ani ko habang yakap siya.
Kailangan kong maging malakas ngayon dahil kailangan ni mommy ngayon ng masasandalan.
Nataranta ako nang biglang mahimatay si mommy kaya naman agad kong tinawag si daddy.
"How's mommy?" Tanong ko kay daddy nang makalabas siya sa kwarto nila.
"She's okay now, kailangan niya lang pahinga." Tumango-tango naman ako at nagpaalam na pupunta muna sa kuwarto ko.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay agad kong binagsak ang sarili ko at saka pumikit.
Mamita, kung nasaan ka man ngayon sana po masaya ka na. At saka paki kumusta na rin ako kay Lauren kapag nag kita kayo.
Naglabas muna ako ng malalim na buntong-hininga bago tumayo at ayusin ang mga gamit ko.
At nang matapos akong mag-ayos ay nag text muna ako kay Levi bago umiglip saglit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top