Kabanata 18
18
Lumipas ang ilang araw ay pareho na kaming naging busy ni Levi kaya bihira nalang kaming mag kita.
Malapit na ang prelim kaya todo review kami ni Misty.
"Gagsti, ang sakit na ng ulo ko 'te!" Ani Misty habang naka hawak sa ulo niya.
"Wala pa sa kalahati narereview natin," natatawang sabi ko.
"Iyon na nga eh, ta's may report pa mamaya, jusko!" Aniya.
Matapos kaming mag review sa library ay nag hiwalay ulit kami dahil magka-iba ulit ang klase namin.
"Deretso uwi na ako mamaya, sobrang sakit na ng utak ko. Babye Hani!" Kumaway nalang ako sa kaniya at saka nag lakad na papuntang classroom.
Mamaya pa mag sisimula ang klase kaya naman tinext ko muna si Levi na hindi muna kami sabay magl-lunch mamaya.
From Levi:
It's okay, 1 pm ang dismissal namin eh.
To Levi:
Dalhan nalang kita ng lunch, gusto mo?
Pagka send ko noon ay agad din naman siyang nag reply.
From Levi:
Okay sige, thank you butterfly, I love you.
To Levi:
I love you too.
Nang ma send ko 'yon ay agad ko nang itinago ang cellphone ko dahil nasa harapan na pala 'yung professor namin.
Nag discuss lang siya ng mga ipapa exam niya at pagkatapos noon ay nagpa oral recitation siya. Sa sunod naman na subject namin ay ganoon din ang ginawa.
Pagka uwi ko sa condo ko ay nag order nalang ako ng pagkain ko dahil hindi ko na maharap pang mag luto dahil sa sobrang pagod.
["Makaka punta ba kayo ni Levi dito sa bahay?"] Tanong ni mommy.
Anniversary kasi nila ni daddy sa Sabado at hindi ko sure kung makaka punta kami dahil nga pareho kaming busy.
"Try po naming maka punta," sagot ko.
["Okay, have you eaten?"]
"Kumakain pa lang po." Sagot ko.
["Okay, take care, love. Mommy loves you,"]
"I love you too, mommy." Tugon ko at saka pinatay ang tawag.
Matapos akong kumain ay nag half bath muna ako bago gawin ang mga activities ko.
Magti- 12 na pero hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ay biglang nag ring ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Levi pala.
"Hello?"
["Bakit gising ka pa?"] Tanong niya.
"May tinatapos pa ako eh, ikaw ba't gising ka pa?" Balik kong tanong sa kaniya.
["Nandito ako sa labas ng condo mo."] Napa tayo ako bigla sa sinagot niya.
"Anong ginagawa mo rito? Anong oras na ah." Ani ko.
["Buksan mo nalang muna itong pintuan at ang bigat nitong dala ko."] Dali-dali naman akong lumabas ng kuwarto ko binuksan ang pintuan.
"Baliw ka, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at pinatay ang tawag.
"I bought you a midnight snack." Aniya at tinaas ang hawak niyang pagkain.
Tinulungan ko siyang bitbitin 'yung dala niya at pumasok na sa loob.
"So, ulitin ko ulit tanong ko, anong ginagawa mo rito ng dis-oras ng gabi?" Tanong ko.
"Madalang nalang kitang nakikita eh," sagot niya, tinaas ko naman ang isang kilay ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
"I miss you.." naka ngusong sabi niya at saka lumapit sa akin para yakapin ako. "Hindi mo ba ako miss?" Tanong niya.
"Hindi eh," biro ko, humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin.
"Butterfly naman eh..." parang bata niyang sabi kaya napatawa ako.
"Joke lang, of course I miss you too." Ani ko.
Pinagsaluhan namin 'yung dala niyang pagkain habang tinatapos ko ang ginagawa ko.
"You need help?" Umiling naman ako.
"Nah, patapos na rin naman ito eh." Sagot ko.
Nang matapos ako ay tinulungan niya akong ayusin 'yung mga ginamit ko.
"Dito nalang kaya ako matulog? Wala namang pasok bukas eh," malawak ang ngiting sabi niya.
"Oo na, sige na, pero sa sofa ka." Pagka sabi ko noon ay biglang nawala ang ngiti niya.
"Bakit sa sofa?" Reklamo niya.
"Bakit hindi sa sofa?" Balik kong tanong.
"Sabi ko nga sa sofa na." Sabi niya habang kumakamot sa ulo niya. Mahina naman akong tumawa.
Pumasok ako sa kuwarto para manguha ng unan at kumot na gagamitin niya.
"Ito na 'yung unan at kumot mo. Sleep tight shark boy, I love you." Sabi ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Hindi na talaga mag babago isip mo?" Nag papa awang tanong niya.
Umiling naman ako.
"Malawak naman itong sofa kaya sure akong makakatulog ka nang maayos." Sagot ko at saka nag lakad na papasok ng kuwarto ko.
---
"Sure ka, okay na itong isang cake?" Tanong ni Levi.
"Hmm, okay na 'yan. May nabili na rin siguro silang cake kaya idagdag nalang natin ito." Sabi ko at inangat ang hawak kong cake.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na akong bumaba sa sasakyan at saka nag door bell.
Si mommy ang nag bukas ng gate kaya naman nagulat siya nang makita ako.
"I thought hindi kayo makakapunta?" Gulat na tanong niya.
"Pwede po ba 'yon? Today is your anniversary so we don't want to miss it." Sagot ko.
"Pero ang sabi niyo busy kayo?" Ani Mommy.
"Oo nga po, pero gaya ng sabi ni Hani we don't want to miss your special day." Singit naman ni Levi.
Nataranta naman kami pareho ni Levi nang biglang umiyak si mommy.
"Mommy, why are you crying?" Tanong ko.
"I'm crying not because I'm sad, I'm crying because I'm happy. I'm happy that you came even though you're both busy." Niyakap nalang namin pareho ni Levi si mommy.
"Hush now, mom, papangit ka niyan sige ka." Biro ko, natawa naman siya.
"Pasok na nga tayo sa loob." Sabay naman kaming tatlong pumasok sa loob.
Nilagay ko muna 'yung cake sa ref dahil mamaya pa naman mag uumpisa dahil aantayin pa si daddy.
"Kumusta studies niyo?" Tanong ni mommy.
"Stressful po," natatawang sagot ko.
"Hindi ba ang sabi niyo malapit na ang prelim niyo?" Tanong pa niya, sabay naman kaming tumango ni Levi.
"Sa Monday po ang start." Sagot ni Levi.
"Is that so, good luck sa inyo." Sabi naman ni mommy.
Pagkaraan ng ilang oras ay naka uwi na rin si daddy. At gaya kay mommy ay nagulat din siya nang makitang nandito kami ni Levi.
"Change your clothes na nang makakain na tayo at para maagang maka uwi itong dalawang ito." Ani Mommy, tumango naman si daddy at nag lakad na paakyat.
"Sabay niyo pong i-blow 'yung candle." Sabi ko sa kanila habang naka tutok ang camera sa kanila.
Masayang naming pinagsaluhan 'yung mga pagkain at nang matapos ay hinatid na ako ni Levi sa condo.
"Bye, I love you."
"Take care, I love you too." Ani ko at kinawayan siya.
At nang hindi na siya makita ng mata ko ay pumasok na ako sa loob at nag half bath muna bago mag review.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top