Kabanata 16
16
"Hi Lauren in heaven, kumusta ka na riyan? Sorry kung ngayon lanv ulit ako naka dalaw sa 'yo ha?" Ani ko habang tinatanggalan ng dahon ang lapida niya at saka naupo na sa damuhan.
Mag-isa lang akong bumisita ngayon dahil nasa bakasyon pa si Levi at sa susunod na araw pa ang uwi.
"Naging busy kasi ako nitong nakaraang araw dahil nagpasa ako ng mga requirements for enrollment." Pagkekwento ko. "At bukas ko na malalaman kung pasado ba or hindi, wish me luck." Ani ko at mahinang tumawa.
Nag stay ako roon ng ilang minuto hanggang sa mag paalam na ako sa kaniya.
"Punta ulit ako rito kapag wala akong masyadong ginagawa, ha? I love you and I miss you." Sabi ko at saka nag lakad na paalis.
Pagka uwi ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Levi.
"Kumusta ka riyan?" Tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos.
["I'm fine, ikaw? How are you?"] Tanong niya pabalik.
"Okay lang din, kaka uwi ko lang galing sementeryo." Ani ko.
["I miss you.."] Aniya, napa ngiti naman ako.
"I miss you too, shark boy." Sagot ko.
["Gusto ko nang umuwi para mayakap na kita."]
"Baliw! Mag enjoy ka nalang diyan kasama mga relatives niyo." Sabi ko.
["Mas mag eenjoy sana ako kung kasama kita rito."]
"Eh hindi nga pwede 'tsaka nahihiya ako sa mga kamag-anak niyo." Ibinaba ko muna 'yung cellphone ko sa kama para makapag bihis ako ng damit ko. Ni-loud speaker ko 'yon para marinig ko siya.
["Bakit ka mahihiya eh gusto ka nga nilang makilala."] Dinig kong sabi niya.
"Basta nahihiya ako, saka nalang siguro." Ani ko.
Matapos akong mag bihis ay kinuha ko na ulit 'yung cellphone ko at nahiga na sa kama.
Dalawang oras ang tinagal naming magka usap dahil ang dami niyang kinewento sa akin.
---
Matapos ang ilang buwang bakasyon ay sa wakas pasukan na.
Sobrang aga kong nagising ngayon dahil first day ko ngayon sa dream school namin ni Lauren.
Fried rice and omelette with pancake ang niluto kong almusal ko.
Habang kumakain ako ay bigla nalang ako napa isip. What if hindi 'yon ginawa ni Lauren, edi sana kasama ko siya ngayon dito sa condo at kasabay ko siyang kumakain ngayon.
Umiling-iling nalang ako at tinapos na ang pagkain ko dahil baka maiyak na naman ako at baka ma late ako.
Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay nag tungo na ako sa banyo para maligo. After 30 minutes ay natapos na akong maligo kaya agad na akong nag bihis ng uniform.
Nang masiguro kong wala na akong nalimutan ay lumabas na ako ng condo at ni-lock bago umalis.
"Salamat po," ani ko matapos maibigay kay manong 'yung bayad ko.
Pagpasok ko sa loob ay binati ako ng guard kaya binati ko rin siya pabalik.
Habang nag lalakad ako papuntang dean's office ay may tumawag ng pangalan ko at nang paglingon ko ay nagulat nalang ako dahil nandito rin si Levi.
"D-Dito ka rin?" Tanong ko.
"Yeah, hindi ko nga alam na dito ka rin mag aaral edi sana nasundo kita." Aniya. "Where you going?" Tanong niya.
"Dean's office, kukunin ko 'yung schedule ko." Sagot ko.
"Let's go, doon din ang punta ko." Tumango nalang ako at sumabay sa kaniyang mag lakad.
"How's your vacation?" Maya-mayang tanong ko.
"Masaya naman," sagot niya.
Nang makarating kami sa dean's office ay kinuha na agad namin 'yung schedule namin at umalis na.
"Kita nalang tayo mamayang lunch." Tumango nalang ako at nginitian siya.
"Okay, see you." Sabi ko at pumasok na sa room.
Magka-iba ang oras ng recess namin ni Levi at lunch lang ang same kami kaya tuwing lunch lang namin makikita ang isa't-isa.
Ilang sandali pa ay nag simula nang mag klase ang professor namin kaya lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kaniya.
Matapos unang dalawang klase namin ay pinalabas na kami para mag recess.
"Hi? Can we be friends?" Natigil ako sa pag aayos ng gamit ko nang kausapin ako ng katabi ko.
"Hello, sure, why not." Naka ngiting sabi ko.
"Omg, thank you!" Mapait naman akong ngumiti, naalala ko na naman siya.
"Hello? Are you okay?" Nabalik ako sa huwisyo nang hawakan niya ang balikat ko.
"Y-Yeah, may naalala lang." Sagot ko.
"Okay, what's your name?" Tanong niya.
"Hanizen, but you can call me Hani." Sagot ko.
"Nice to meet you Hani, I'm Misty." Nakipag kamay ako sa kaniya at saka inaya na siyang pumuntang cafeteria.
"Sobrang laki nitong school 'no? Big time siguro may ari nito." Aniya habang inililibot ang tingin sa buong paligid.
"Alam mo ba, dream school namin ito ng bestfriend ko." Sabi ko.
"Weh? Eh nasaan siya ngayon?" Tanong niya.
"She's in heaven now," napakurap naman siya nang dalawang beses.
"H-Hala, sorry! Ang daldal ko na naman." Nakangusong sabi niya kaya natawa ako.
"It's okay, order na tayo?" Tumango nalang siya bilang sagot.
Tawanan at kwentuhan ang ginawa namin habang kumakain. Sobrang gaan ng loob ko habang kausap ko si Misty. Minsan nga napapa isip ako baka reincarnation siya ni Lauren kasi ang dami nilang pagkaka parehas.
"So, nandito rin 'yung boyfriend mo?" Tanong ko.
"Yeps, civil engineering siya. Iyong sa 'yo ba?" She asked.
"Hindi ko alam eh, pero ang alam ko engineering din siya." Sagot ko.
Sa sumunod na klase ay hindi kami parehas ni Misty kaya naman mag-isa ko ngayon dito sa classroom.
Gaya kanina ay tahimik lang ako habang nakikinig sa professor.
"That's for today, good bye class." Nag 'good bye' kaming lahat bago lumabas ng classroom.
"Hello, beautiful." Salubong sa akin ni Levi nang maka labas ako ng room.
"Hi, handsome." Bawi ko.
"Let's go?" Tumango nalang ako at humawak na sa braso niya.
"Ano gusto mo?" Tanong niya.
"Chicken curry nalang," sagot ko, tumango naman siya.
"May new friend na ako rito," masayang balita ko sa kaniya.
"Well, good for you. May makakasama ka na tuwing recess." Aniya. "Nasaan siya?" Tanong niya.
"Hindi ko alam eh, baka kasama niya rin ngayon boyfriend niya." Sagot ko naman.
"Ah babae? Buti naman.." sabi niya pero 'yung huli ay hindi ko na narinig.
"Ano 'yung huli?" Tanong ko.
"Anong huli?" Tanong naman niya pabalik.
"Iyong huli mong sinabi, ano 'yon?" Tanong ko ulit.
"Nothing, kain na tayo." Napa nguso nalang ako at wala nang nagawa kundi ang ubusin ang pagkain ko.
Matapos kaming kumain ay hinatid niya na ako sa next class ko.
Pagka uwi ko sa condo ay pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama dahil sa sobrang pagod. Grabe, first day palang nakakapagod na. Paano nalang kapag last sem na? Hays.
Nag commute lang ako pa uwi dahil mamayang 6 pa ang uwi nila Levi.
Nag bihis muna ako ng pam bahay bago lumabas ng kuwarto para mag luto.
At nang matapos akong makapag luto ay ginawa ko naman ang mga activities na binigay sa amin kanina.
At pagkatapos ay nag inat-inat ako saka napagpasyahang umiglip muna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top