Kabanata 15
15
Matapos ang limang araw na burol ni Lauren nandito na kami ngayon sa sementeryo para ihatid siya sa huling hantungan niya.
Habang nag sasalita ako sa harapan ay halos hindi ko na masabi nang maayos 'yung mga sasabihin ko dahil sa sobrang pag iyak ko.
"Lauren, k-kung nasaan ka man ngayon s-sana palagi mong alagaan a-at ingatan ang sarili m-mo." Umiiyak na sabi ko. "A-And sorry dahil napaka walang kwenta kong kaibigan dahil hinayaan kong mangyari sa 'yo 'to." Tuloy ko, agad naman akong nilapitan ni tita ay saka niyakap ako.
"Hani, don't blame yourself. Wala kang kasalanan sa pagka wala ni Lauren, kami ang may kasalanan dahil sa kapabayaan namin." Umiiyak na bulong ni tita habang hinahagod ang likod ko.
Nang mailibing na si Lauren ay nagpa iwan muna ako sa puntod niya.
"Oh? Bakit nandito ka pa? Naghihintay na sa 'yo si Levi sa sasakyan." Kahit na hindi ko lingunin 'yung nag salita ay alam kong si Marcus 'yon.
"Gusto ko munang makasama si Lauren kahit dito man lang." Sagot ko.
"May kinekwento ba sa 'yo si Lauren?" Maya-mayang tanong ko.
"Marami eh," sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Tulad ng?"
"Tulad ng mga pinagsamahan niyo tsaka 'yung mga problema siya sa bahay." Sagot niya.
"Ang daya niya bakit sa 'yo niya lang sinabi?" Mahinang tanong ko.
"Ayaw ka raw kasi niyang mag alala," napatingin naman ako sa kaniya.
"Huwag mag alala? Kaibigan niya ako eh kaya natural lang sa akin na mag alala ako sa kaniya. Tsaka ang pangako namin sa isa't-isa noon, kapag ang problema ng isa ay problema na rin ng isa." Ani ko.
'Nakalimutan mo ba 'yung promise natin na 'yon, Lauren?' Tanong ko sa utak ko habang naka tingin sa puntod niya.
"Halika na, kanina pa nila tayo inaantay." Tumango nalang ako at saka tumayo na.
"Bye Lauren, babalik ako bukas para bisitahin ka, I love you bestfriend ko." Tipid akong ngumiti at saka nag lakad na paalis.
"Hani?" Tawag sa akin ni ate Rochelle.
"Po, ate?" Tanong ko at lumapit sa kaniya.
"Nakita ko nga pala ito sa ilalim ng kama ni Lauren habang nag lilinis ako ng kwarto niya." Aniya at saka binigay sa akin ang scented envelope.
Nagpasalamat nalang ako sa kaniya. Sa bahay ko nalang ito babasahin.
"I'll call you later, okay?" Tumango naman ako. "I love you, butterfly, don't stress yourself a lot." Ani Levi at saka hinalikan ako sa noo.
"Hmm, I love you too my shark boy." Tugon ko at niyakap siya.
"Good, pumasok ka na sa loob." Tumango nalang ako at saka humiwalay na sa yakap at nag lakad na papasok.
Pagpasok ko ng kuwarto ko ay muli na naman akong naiyak dahil naalala ko 'yung mga panahon na nagkukulitan kami rito at 'yung mga panahon na pareho kaming baliw na tumatawa at umiiyak dahil sa pinapanood namin.
Dahan-dahan akong nag lakad palapit sa kama at naupo habang hinahaplos ang pwesto ni Lauren kapag natutulog siya rito.
"I miss you, Lauren. I really really miss you." Ani ko at saka muli na namang umiyak.
Napa pikit nalang ako nang may maramdaman akong malamig sa likuran ko at para bang niyayakap ako.
"Lauren? I know you're here, gusto ko lang malaman mo na kahit na wala ka na sa tabi ko ikaw pa rin ang one and only bestfriend ko. Walang sinuman ang makaka agaw ng posisyon mo." Naka pikit pa rin na sabi ko hanggang sa nawala na 'yung malamig na pakiramdam.
Napamulat nalang ako ng mata ko nang maalala ko 'yung sulat na binigay ni ate Rochelle. Bumangon ako saglit para kuhanin sa shoulder bag kong nasa study table ko.
Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan 'yung sulat. Panibagong iyak na naman 'to panigurado.
To: hanibabes
Hi Hani! How are you? I hope you are doing well. Uhm, sorry nga pala kasi hindi ko na matutupad 'yung mga sinabi ko sa 'yo na kasama mo ako sa pag abot ng mga pangarap natin, sorry pag iwan sa 'yo. Hindi ko intensyong iwan ka, I swear. So 'yon na nga kahit na wala na ako sa tabi mo, palagi naman kitang babantayan, akoo ang magiging guardian angel mo. Sorry rin kasi hindi ako nag oopen sa 'yo, ayoko kasing mag alala ka sa akin eh. 'Tsaka kung sinisisi mo 'yung sarili mo, please don't! Dahil wala ka namang kasalanan. Basta 'yon stay strong sa inyo ni Levi ha? Kapag niloko ka niya sabihin mo sa akin at mumultuhin ko 'yon haha. 'Tsaka paki sabi kay Marcus na sorry and I love you hehe. I love you always my dear bestfriend, enjoy your journey without me.
-love, Lauren.
Matapos kong basahin 'yon ay wala na namang tigil ang luha ko sa pag bagsak. Humiga ulit ako at saka nagtalukbong ng unan at doon umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.
---
"Guys, practice na raw." Sabi ng president namin kaya naman mabilis kaming nag ayos ng mga gamit namin at nang matapos ay lumabas na para mag tungo sa covered hall.
Ngayon ang start ng practice namin para sa graduation. Napangiti nalang ako nang mapait dahil gagraduate ako nang hindi kasama si Lauren.
Kinalabit ako ni Francine nang tawagin na ang apilyedo ko.
"Dalawang beses na tinawag apilyedo mo, bilis na." Aniya kaya naman dali-dali na akong tumayo at patakbong pumunta sa stage.
"Lumilipad na naman isip mo, naiisip mo na naman si Lauren 'no?" Tanong sa akin ni Levi, tumango naman ako.
"Sayang kasi hindi man lang siya naka graduate." Ani ko.
"Gagraduate ka naman eh kaya sure akong masaya 'yon ngayon." Tipid ko nalang siyang ngitian at saka inubos nalang ang pagkain ko.
Matapos kaming mag recess ay bumalik na ulit kami sa covered hall at doon naghintay hanggang sa mag umpisa ulit ang practice.
---
"Congratulations, miss beautiful." Nagulat ako nang biglang bumulong si Levi.
Humarap ako sa kaniya at saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Congrats too, shark boy."
"Gusto mong puntahan natin si Lauren?" Mabilis naman akong tumango.
"Game! Hindi ako naka punta kahapon eh." Ani ko.
"Kiss muna," sabi niya at saka ngumuso.
Napasimangot naman ako.
"Dali na," bumuntong-hininga naman ako at saka mabilis siyang hinalikan sa labi.
Malawak naman siyang ngumiti at saka hinawakan na ang kamay ko at hinila na papunta sa sasakyan.
Bago kami pumunta ng sementeryo ay dumaan muna kami sa flower shop para bumili ng bulaklak ni Lauren.
"Hi Lauren in heaven, kumusta ka na?" Tanong ko saka ibinaba na ang binili naming bulaklak.
Hindi na ako nagulat nang makitang may isang bulaklak ang nandoon. Kagagaling lang din siguro ni Marcus dito.
"Graduate na ako, Lauren, sana masaya ka ngayon para sa akin." Ani ko at saka hindi ko namamalayan na may tumulo na namang luha sa pisngi ko.
"Pangako, mag aaral akong mabuti para maabot ko 'yung pangarap nating maging isang fashion designer." Ani ko at hinaplos ang lapida niya.
Nag stay pa kami roon ng ilang minuto ni Levi hanggang sa magpaalam na kami kay Lauren na uuwi na.
Pero bago pa kami makarating sa sasakyan ay may nararamdaman na naman akong malamig na hanging yumayakap sa akin, napangiti nalang ako at dinama iyon.
I love you too, Lauren.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top