Kabanata 14
14
Ilang araw, linggo ang lumipas at nakikita kong unti-unti nang nanunumbalik ang sigla at saya sa mga mata ni Lauren.
Akala ko mag tutuloy-tuloy na pero... nagkamali ako, akala ko lang pala 'yon.
Masayang-masayang kami ni Levi habang sine-celebrate namin ang first monthsary namin nang may biglang tumawag sa cellphone ko.
"Sagutin ko muna ito, ha?" Tanong ko, tumango naman siya.
Dumistansya ako nang kaunti bago sagutin ang tawag.
"Hello ate?"
["Hello Hanizen, asaan ka?"]
"Kasama ko po si Levi, bakit po?" Nagtatakang tanong ko.
["S-Si Lauren kasi eh..."] biglang dinamba ng kaba ang dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ni Lauren.
"Bakit po? A-Ano pong nangyari sa kaniya?" Tanong ko.
Pagka baba ko ng tawag ay agad kong nilapitan si Levi.
"Levi, punta tayong hospital, dali. Puntahan natin si Lauren." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Habang nasa sasakyan ay panay ang dasal ko na sana walang masamang nangyari kay Lauren.
At nang makarating kami sa hospital na sinabi ni ate Rochelle ay dali-dali na akong bumaba ng sasakyan at tumakbo sa loob.
"Ate! Nasaan po si Lauren?" Humahangos na tanong ko.
Nanginginig naman niyang itinaas ang kamay niya at itinuro ang papuntang... morgue?
No, hindi totoo 'to, right?
"Ate naman, huwag ka namang mag biro!" Pumiyok na sigaw ko.
Umiling-iling naman siya.
"Hindi ako nagbibiro, wala na... wala na siya," paulit-ulit naman akong umiiling habang may ilang takas na luha sa mata ko.
"What happened?" Tanong ni Levi.
Si ate Rochelle ang sumagot sa tanong ni Levi.
"Gusto mong puntahan natin siya?" Marahang tanong ni Levi.
Tumango nalang ako kahit na labag sa loob ko.
Nasa tapat na kami ngayon ng morgue at hindi ko alam kung papasok ba ako o ano.
Si Levi na ang mismong nag bukas ng pintuan ng morgue nang mapansing wala akong balak buksan 'yon.
"Let's go?" Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ni Lauren.
Pilit kong tinatagan ang sarili ko at dahan-dahan kong inalis ang puting kumot na naka takip kay Lauren. Naka alalay lang sa akin si Levi sa posibleng mangyari sa akin once na maalis ko na ang puting kumot.
At nang tuluyan ko nang maalis ang puting kumot ay bigla nalang bumuhos ang luha ko.
"Oh my God, Lauren. B-Bakit naman umabot sa ganito?" Umiiyak kong tanong habang yakap-yakap ang malamig na katawan ni Lauren.
Naramdaman ko namang hinahagod hagod ni Levi ang likod ko.
"Lev, sabihin mo sa akin na hindi totoo 'to, na panaginip lang 'to. Please Levi... hindi ito totoo." Pagmamakaawa ko pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya.
Niyakap niya ako nang mahigpit at doon ako mas lalong humagulgol.
"Levi, wala na si Lauren... iniwan niya na ako, iniwan na ako ng bestfriend ko..." napa upo nalang ako dahil sa panghihina ng tuhod ko.
Bakit ganito? Ang bata pa ni Lauren eh, marami pa siyang pangarap... marami pa kaming pangarap.
Ang sakit... ang hirap tanggapin na wala na siya.
Ang saya ko lang kanina eh, bakit naman binawi agad? Hindi ko ba deserve sumaya?
Simula noong mawala si Lauren ay parang nawalan ako ng gana sa lahat.
Wala rin akong kinakausap na kahit sino, kahit si Levi. Maging sila mommy at daddy ay hindi ko rin kinakausap. Wala akong gana mag salita.
"Here, kumain ka na muna." Tinitigan ko lang 'yung pagkaing binigay sa akin ni Levi.
"Come on, Zen, kagabi ka pa hindi kumakain. Magagalit si Lauren sa 'yo once na malaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo." Ani nito.
Nanubig na naman ang mata ko nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi talaga ko talaga matanggap na wala na siya eh.
Parang kahapon lang ang saya-saya pa namin habang sabay na inuubos 'yung ice cream niya. Parang kahapon lang namin ginawa 'yung bestfriend date namin.
Kung alam ko lang na mangyayari ito edi sana mas nilubos ko pa 'yung mga oras na kasama ko siya.
"Please butterfly, kumain ka na kahit kaunti lang nang magka laman 'yang tiyan mo." Hindi ako umimik at niyakap nalang si Levi.
Doon ako umiyak nang umiyak hanggang sa mahimasmasan na ako.
"Kumain ka na or baka gusto mong subuan kita?" Tipid ko namang nginitian si Levi at saka kinuha sa kaniya 'yung kutsara.
"Ako na magsusubo sa sarili ko." Ani ko.
"Okay, papanoorin nalang kitang kumain." Naka ngiting sabi niya.
Hinayaan ko nalang siyang titigan ako hanggang sa matapos kong ubusin ang pagkain ko.
"Very good ang butterfly ko ah," wika ni Levi at saka ginulo ang buhok ko.
Sinundan ko siya ng tingin habang papunta ng kusina para hugasan 'yung pinag kainan ko.
Habang hinihintay ko siyang matapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at inopen ang gallery ko.
"I miss you already, Lauren, balik ka na please... balik ka na kasi wala na akong kasama manonood ng mga bagong kdrama." Umiiyak na bulong ko habang hinahaplos ang picture niya.
"Umiiyak ka na naman?" Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.
"Hays, halika may ipapakita ako and I'm sure matutuwa ka." Ani niya at hinawakan ang kamay ko at hinila palabas.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa bahay," sagot naman niya kaya nagtaka ako.
"Anong gagawin natin doon?" Tanong ko.
"Basta, may ipapakita ako." Sagot niya, hindi nalang ako nag salita hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
"Ano ipapakita mo sa akin?" Tanong ko ulit nang makapasok kami sa bahay nila.
"Tara sa kuwarto ko," Napa atras naman ako dahil sa sinabi niya.
Mahina naman siyang natawa.
"Nandoon sa kuwarto ko 'yung ipapakita ko sa 'yo, ano nasa isip mo?" Natatawang tanong niya.
Mabilis naman akong umiling.
"W-Wala, tara na," ani ko at sabay kaming umakyat papunta sa kuwarto niya.
"Close your eyes." kumunot naman ang noo ko.
"Bakit?"
"Basta, just close your eyes." Kahit na nagtataka pa rin ay ginawa ko ang sinabi niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan at saka naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko para alalayan akong mag lakad.
"Buksan mo na mga mata mo." Dinig kong sabi niya kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at namangha ako nang makita kong puno ng painting ang kuwarto niya.
"Ikaw ang gumawa nito lahat?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Hindi ko alam na bukod sa basketball ay magaling ka rin palang mag paint?" Sabi ko habang isa-isang tinitignan ang mga painting.
"Actually, libangan ko lang ang pagpi paint eh," ani niya. "By the way, may ipapakita pa ako sa 'yo wait ka lang diyan." Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin papunta sa closet niya.
May kinuha siya roon na isa pang painting at nagulat nalang ako nang mukha ko ang naka lagay roon.
"Ang g-ganda ko rito," manghang wika ko.
"Mas maganda ka sa personal." Ani niya.
Ibinaba ko saglit 'yung painting sa kama at saka niyakap siya.
"Thank you, Levi, thank you dahil napa saya mo ako ngayon." Sabi ko at mas hinigpitan ang pagkaka yakap sa kaniya.
"Anything for my beautiful butterfly." Napa ngiti naman ako sa sinabi niya.
Thank you Lord, thank you for giving me a man like him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top