Kabanata 13

13


Today is Saturday at gaya ng pinangako ko kay Lauren ay ngayon ang date naming dalawa. Mabilis ko lang napapayag 'yung dalawa kahapon dahil siguro alam nilang hindi na kami masyadong nakakapag bonding ni Lauren.


"Okay lang ba itong suot ko?" Tanong niya habang tinitignan ang sarili sa salamin.


"Yeah, okay lang naman. Wait, iyan ba 'yung niregalo ko sa 'yo?" Tanong ko, tumango naman siya.


Saka ko lang na realize na suot ko rin pala 'yung top na binigay niya sa akin.


"Suot mo rin pala 'yung binigay ko eh." Aniya.


"Tara na, okay na 'yan." Sabi ko at saka inakbayan siya. "Ganda natin." Sabi ko pareho naman kaming natawa.


Nang makarating kami sa mall ay una naming pinuntahan ay ang miniso. Namili kami ng mga damit, skin care products, at iba pa.

Matapos naming mabayaran 'yung mga binili namin ay sunod naman naming pinuntahan ay ang time zone.


"Challenge kita, kapag nakuha mo 'yon sasagutin ko na si Marcus ngayon." Turo ni Lauren sa panda na stuff toy.


"Sige ba, wait ka lang diyan." Sabi ko at saka nag hulog na ng isang token.


Naka dalawang hulog na ako ng token pero hindi ko pa rin nakukuha 'yung panda.


"Last na 'yan ha, kapag hindi mo pa nakuha 'yon, game over na." Ani niya.


"Oo na, this time makukuha ko na 'yan." Sabi ko.


Nag focus talaga ako roon sa panda hanggang sa tuluyan ko nang makuha 'yon.


"Omg! Nakuha ko!" Tuwang-tuwang sabi ko. "Call him now," sabi ko habang naka ngisi.


"I-Ito na nga, eh." Ani niya.


"Loud speaker mo ha?" Tumango naman siya.


["Hello, Lauren? May problema ba?"]


"N-No, walang problema. Ano uhmm..." kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagtawa.


["Ano? Sabihin mo na Lauren, kinakabahan ako sa 'yo eh."]


"Ano uhmm... tigil ka na sa panliligaw sa akin." Sagot ni Lauren, natahimik naman si Marcus.


["Bakit? Ayaw mo na ba sa akin?"] Lumayo ako nang kaunti kay Lauren para pakawalan ang tawa ko.


"Hindi sa ganoon, tigil ka na kasi..." pang bibitin ni Lauren.


["Kasi ano?"]


"Kasi sinasagot na kita." Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Lauren.


["Gagi? T-Totoo? Hindi ka nagjo joke?"]


"Do I like joking?"


["Tsngina. Thank you, Lauren, thank you so much. I love you, Laurie."]


"I love you too, Marc. Bye na muna ha? Call you later."


["Okay, bye."]


Pagka baba niya ng tawag ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit.


"Yiee! Hindi na siya single." Ani ko habang yakap-yakap siya.


Pagkatapos namin sa time zone ay naglibot-libot muna kami saglit at pagkatapos ay pumunta na kami sa Jollibee para kumain.


"Thanks for this day, Hani, sobra akong nag enjoy." Masayang sabi ni Lauren.


"I'm glad you enjoyed this day." Naka ngiti kong sabi sa kaniya.


Kinabukasan naman ay nag simba ulit kami nila mommy at syempre kasama ulit si Levi.


Double date ang ginawa naming apat matapos ang misa.


At matapos kaming kumain sa favorite restaurant ni Daddy ay ipinaalam ulit ako ni Levi.


"Thank you for making my day happy." Naka ngiting sabi ko kay Levi.


"Anything for my butterfly, pumasok ka na sa loob. Good night, butterfly, I love you." Ani nito at saka hinalikan ako sa gilid ng labi ko.


"I love you too, shark boy." Tugon ko at saka mabilis siyang hinalikan sa labi. Ang gara kasi eh, hahalik na nga lang hindi pa sinakto.


Mahina akong tumawa nang makita siyang nakatulala dahil sa ginawa ko.


"Pasok na ako, babye!" Nang tinap ko ang balikat niya ay saka lang siya natauhan.


"B-Bye, I'll call you later." Tumango nalang ako at saka pumasok na sa loob.


---


Dalawang linggo na simula noong maka pasok na ulit si Lauren at gaya dati ay palagi kaming mag kasama habang 'yung dalawa ay naka sunod lang sa amin.


Nakaka habol na rin siya sa mga lessons namin.


"Punta tayong mall mamaya after class?" Ani Lauren.


"Kasama kami?" Tanong naman ni Marcus.


"Of course! Tayo nga eh, so ano? G?" Sabay naman kaming tumango ni Levi.


"Nice!" Pumalakpak na sabi ni Lauren.


Mabilis natapos ang klase at heto kaming apat ngayon sa iisang sasakyan. Kaming dalawa ni Lauren sa back seat samantalang nasa passenger seat naman si Marcus at si Levi ang magd-drive.


Pagkarating namin sa mall ay dumiretso agad kami sa time zone.


"Doon tayo." Turo ni Lauren sa basketball.


"By partner tayo ha? Partner tayo Marc then partner silang dalawa." Nag tinginan naman kami ni Levi.


"Game!" Sabay naming wika ni Levi.


Nang makuha na namin ang token ay nag simula na kaming mag laro. Tumagal ng ilang minuto ang laro namin at syempre kami ni Levi ang panalo.


"Paano ba 'yan, anong prize namin?" Naka ngising tanong ko.


"Wala naman akong sinabing may prize ah," sagot ni Lauren.


"Madaya dapat may prize kami eh." Ani ko.


"Hep! Huwag na kayong mag talong dalawa, kami nalang ang mag bibigay ng prize niyo." Singit ni Marcus.


"So, saan gusto niyong pumunta?" Tanong naman ni Levi.


"Kain tayo ice cream.." masayang wika ni Lauren.


Tumagal kami ng ilang minuto sa ice cream parlor dahil ang tagal kumain ni Lauren.


"Tulungan na nga kitang ubusin 'yan." Ani ko at saka umisang subo sa ice cream niya.


Nang matapos naming ubusin ni Lauren 'yung ice cream ay umuwi na rin kami. Una naming hinatid si Marcus, sunod naman ay si Lauren.


"Gusto mong pumasok muna sa loob? Miss ka na raw ni mommy eh," ani ko, natawa naman siya.


"Next time na, paki sabi nalang kay tita miss ko na rin siya." Sagot naman niya.


Tumango nalang ako at saka nag lakad na papasok sa loob.


"W-Wait lang.." pigil sa akin ni Levi.


"Why?"


"Kiss ko?" Nahihiyang sabi niya.


Natatawa naman akong lumapit sa kaniya at tumingkayad upang halikan siya sa pisngi.


"Okay na?" Tanong ko, hindi naman siya umimik.


"Hoy, shark boy, okay na?" Pag uulit ko pero wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kaniya.


Bumuntong-hininga naman siya saka lumapit sa akin at walang pasabing hinalikan ako sa labi.


"Ayan, okay na, babye butterfly. I love you." Ngiting asong ani nito at saka pumasok na sa sasakyan niya.


Napa irap nalang ako sa kawalan at saka pumasok na sa loob.


Iyon pala ang gusto kaya hindi umiimik, hays.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top