Kabanata 12
12
Magta tatlong araw nang hindi pa pumapasok si Lauren kaya heto ako ngayon at hindi mapakali sa inuupuan.
Bakit ba ang tagal mag time? Nakaka inis naman!
At nang tumunog ang bell ay dali-dali kong inayos 'yung mga gamit ko at nagmamadaling lumabas.
"Why are you in a hurry? Is there a problem?" Tanong ni Levi.
"Puntahan natin si Lauren sa bahay nila." Ani ko at nagmamadaling pumunta sa parking lot.
"May problema ba?" Tanong ulit niya.
"Hindi pa kasi pumapasok si Lauren eh, nag aalala na ako sa kaniya." Sagog ko.
Hindi na siya nagsalita at nag simula nang paandarin ang sasakyan.
Ilang sandali pa ay narating na rin namin ang bahay nila Lauren kaya agad akong bumaba ng sasakyan at saka agad na nag door bell.
"Oh? Ikaw pala iyan Hanizen." Wika ng isa sa katulong nila.
"Nandiyan po ba si Lauren?" Tanong ko.
"Hay naku, isinugod siya kagabi sa hospital eh." Sagot niya.
"B-Bakit po? Ano pong nangyari sa kaniya?" Tanong ko.
"Nakita namin siyang naka hilata sa sahig at maraming sugat sa pulsuhan niya." Napa takip naman ako ng bibig. Why did you do that, Lauren?
"Saang hospital po siya dinala?" Tanong ko.
Nag pasalamat ako kay Ate Rochelle at saka bumalik na sa sasakyan.
Dali-dali kaming nag punta ni Levi sa hospital na sinabi ni at Rochelle. At nang marating namin 'yung nasabing hospital ay agad akong bumaba ng sasakyan at saka tinakbo ang nurse station para itanong kung saan ang room ni Lauren.
"Room 205 po siya, ma'am." Sagot ng nurse na pinag tanungan ko.
Nag pasalamat nalang ako sa kaniya saka tumakbo ulit papunta sa room na binigay niya.
At nang makarating ako sa room ni Lauren ay agad ko itong binuksan at bumungad sa akin si Lauren na naka upo habang kumakain.
"Oh my God, Lauren." Patakbo akong lumapit kay Lauren at saka niyakap siya nang mahigpit.
"Why did you do that?" Umiiyak na tanong ko.
"I-Im sorry, Hani, I'm so sorry." Umiiyak ding tugon niya.
"Hush now, I'm not at you, okay?" Pagpapatahan ko sa kaniya.
At nang parehas kaming maka recover ay saka na ako nag salita.
"Pwede ka naman mag sabi sa akin ng mga problema mo pero bakit umabot sa ganito?" Marahan kong tanong sa kaniya.
"Sorry, ayoko lang maging abala sa 'yo." Naka yukong sagot niya.
Hinawakan ko naman nang mahigpit ang dalawang kamay niya.
"Lauren, kaibigan mo ako at never kang magiging abala sa akin, hmm? Huwag mong isipin na abala ka lang sa akin dahil hindi, hindi ka kailan man magiging abala sa akin." Sabi ko.
"Huwag mo nang gagawin 'yon, ha?" Tumango naman siya kaya naman niyakap ko ulit siya.
Pareho kaming napa tingin sa pintuan nang may biglang pumasok. Sina Levi at Marcus lang pala.
"How's she?" Tanong sa akin ni Levi.
Lumabas muna kami ni Levi para makapag usap 'yung dalawa.
"Okay na siya," sagot ko.
Napag desisyonan namin ni Levi na bumili muna ng makakain bago bumalik sa kuwarto ni Lauren.
"Alam na ba nila tito ang nangyari sa 'yo?" Tanong ko kay Lauren, umiling naman siya.
"Bakit hindi pa? Wait, tatawagan ko sila." Agad naman akong pinigilan ni Lauren nang akmang ida-dial ko na ang number ni tita.
"No need, hindi na nila kailangan malaman." Malamig na sabi ni Lauren.
"Why not?" I asked.
"Just don't tell them what happened to me." Pumayag nalang ako sa gusto niya kahit pa labag ito sa loob ko.
Pasado alas sais na ng gabi kaya naman nagpa alam na kami ni Levi na uuwi na.
"Mag iingat kayo, ha?" Tinanguan ko naman si Lauren.
"Ikaw na ang bahala sa kaniya, ha?" Bilin ko kay Marcus.
"Yeah, ingat kayong dalawa." Pareho naman kaming tumango ni Levi.
Niyakap ko pa muna nang isang beses si Lauren bago kami tuluyang umalis ni Levi.
Tahimik lang kaming dalawa ni Levi hanggang sa maihatid niya ako sa bahay.
"Thanks," sabi ko at saka pilit na ngumiti.
Papasok na sana ako sa loob nang maramdaman ko ang kamay ni Levi sa braso ko.
"Don't be sad, hmm? Okay na si Lauren." Sabi niya.
"Hindi 'yon," ani ko.
"What?"
"I wonder why Lauren doesn’t want to tell her parents what happened to her." Sagot ko.
"Maybe she have a reason why."
"So anong rason niya?" Tanong ko.
"I-I don't know." Sagot niya.
"Bye na, I love you sharkboy." Sabi ko at saka hinalikan siya sa pisngi.
"I love you more, butterfly. Don't stress your self, okay?" Tumango ako saka nginitian siya.
"Hi, mommy!" Bati ko nang makita ko siya sa sala.
"Oh, hi love how's your day?" Tanong ni mommy.
"Okay lang naman po." Tugon ko.
"That's good. Btw, bakit hindi na bumibisita si Lauren?" Tanong niya.
"She's in the hospital right now." Sagot ko.
"Why? What happened?"
"She hurt her self." Napa singhap naman si Mommy.
"Why did she do that? Alam ba ito ng parents niya?" Tanong pa niya, umiling naman ako.
"Ayaw niya pong ipasabi kila tita." Sagot ko.
"Bakit naman? Jusko talagang bata 'yon." Ani Mommy habang sapo ang kaniyang noo.
"Ayan po ang tinanong ko sa kaniya kanina pero hindi po niya sinabi kung anong dahilan eh." Sagot ko.
"Is that so?" Tumango naman ako.
"Akyat po muna ako." Paalam ko kay mommy.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay nag bihis na agad ako at tinawagan si Marcus.
["Natutulog na siya ngayon."]
"Salamat sa pag babantay sa kaniya, ha?"
["Wala 'yon, ibababa ko na ha? Bibili muna ako ng pagkain niya baka magising na siya mamaya eh."]
"Sige, salamat ulit." Ani ko pinatay na ang tawag.
Kinabukasan ay pinuntahan ulit namin ni Levi si Lauren sa hospital dahil ngayon na siya uuwi.
"Magpahinga ka na, nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ko kay Lauren habang inaayos ang kumot niya.
"Thank you talaga Hani, ha?" Nginitian ko naman siya.
"Don't mention it, magpahinga ka na dahil bukas magdi date tayong dalawa." Ani ko.
"Date? Bakit?" Takhang tanong niya.
"Kasi wala na tayong time sa isa't-isa simula noong dumating 'yung dalawa eh." Sagot ko.
"Alam na ba nila?" Tanong niya.
"Ako nang bahalang mag sabi sa kanila and I'm sure papayag 'yung mga 'yon. Magpahinga ka na, baka naman gusto mo pang basahan kita ng bed time stories para maka tulog ka?" Pagbibiro ko.
"Oo na, magpapahinga na." Aniya at saka ipinikit na ang mata.
Simula ngayon palagi na akong nasa tabi mo. Hinding-hindi ko na hahayaang maulit pa 'yung nangyari sa 'yo, Lauren. Pangako 'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top