Kabanata 11
11
After no'ng nangyari sa rooftop ay hindi na kami bumalik pa sa covered hall.
Lunes na ngayon kaya naman maaga akong nagising dahil maaga akong susunduin ni Levi.
"Good morning, mommy, umalis na po si dad?" Tanong ko matapos kong halikan ang pisngi niya.
"Yes love, maaga siyang umalis dahil may important client siyang I-memeet." Sagot niya, tumango-tango nalang ako saka naupo na sa puwesto ko para kumain.
Binilisan ko ang pagkain ko dahil baka naghihintay na sa labas si Levi.
"Bye mom, pasok na po ako." Sabi ko at saka hinalikan ulit ang pisngi niya.
Pagka labas ko ng bahay ay saktong kadarating lang ni Levi.
"Ang aga mo ah?" Ani niya habang naka sandal sa pintuan ng sasakyan.
"Masamang pinaghihintay ang Hari ng karagatan eh." Sagot ko, natatawa naman niyang binuksan ang pintuan upang makapasok na ako.
Mabilis siyang naka ikot papunta sa driver seat at saka nagmaneho na papuntang school.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami agad sa school at agad na nag Park si Levi.
"Thank you," naka ngiting sabi ko matapos niya akong ipagbuksan ng pinto.
Maglalakad na sana kami papasok nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Wait, tumatawag si Lauren." Ani ko at saka sinagot na ang tawag.
"Hello?"
["Hi Hani, hindi muna ako makakapasok ha?"]
"Why? Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
["Yeah, I'm okay. Masama lang ang pakiramdam ko."]
"Gusto mong puntahan kita riyan mamaya? Magdadala ako ng gamot."
["No, no, okay lang ako. Naka inom na ako ng gamot kaya medyo um-okay na ang pakiramdam ko."]
"Ganoon ba? Mag pagaling ka ha? Ako na ang bahala mag sabi sa mga teachers natin." Ani ko.
["Hmm, thank you Hani."]
"You're always welcome, Lauren." Pagka baba ko ng tawag ay inaya ko nang pumasok si Levi.
"Kita nalang tayo mamayang recess." Sabi ni Levi at saka hinalikan ang noo ko.
"Hmm, bye shark boy." Sabi ko bago pumasok ng classroom.
Tahimik lang akong naka upo sa upuan ko habang iniisip si Lauren. Namiss ko agad siya, sana gumaling na siya para maka pasok na siya.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell at ilang sandali rin ay dumating na rin ang teacher namin.
"Good morning, magkakaroon tayo ng recitation kaya bibigyan ko kayo ng 30 minutes para makapag review." Ani ni ma'am.
Matapos ang oras na binigay ni ma'am para mag review ay nag simula na siyang mag tawag ng pangalan at nag tanong.
Pang lima ako sa tinawag na tatanungin.
"Ms. Abalos, what is typography?" Tanong ni ma'am.
"Typography is the art and technique of arranging the visual component of the written word." Sagot ko.
"Thank you, Ms. Abalos, take your seat." Na upo na ako at hinintay na matapos ang ilan sa mga kaklase ko.
At nang matapos ang recitation namin ay sakto ring tumunog ang bell.
"Wala si Lauren?" Tanong ni Marcus nang makitang wala sa likuran ko si Lauren.
"She's not feeling well, tumawag siya sa akin kanina eh." Sagot ko.
"Ganoon ba? Tara na, gutom na ako eh." Ani Marcus at saka nauna na maglakad.
Habang inaantay ko 'yung dalawa ay tinext ko si Lauren kung kumusta na ang pakiramdam niya at ang sabi niya ay mas okay na raw 'yung pakiramdam niya kaysa kanina.
"Let's eat, sino 'yang kausap mo?" Tanong ni Levi.
"Si Lauren, tinanong ko kung bumaba na ba 'yung lagnat niya." Sagot ko.
"Ano ang sabi niya?" Sabat ni Marcus.
"Mas okay na raw 'yung pakiramdam niya kaysa kanina." Sagot ko, tumango-tango naman siya.
Matapos kaming kumain ay nag paalam si Marcus sa amin na maglalaro raw muna dahil ayaw raw niyang maging third wheel sa amin ni Levi.
Sa library kami pumunta ni Levi dahil may long quiz daw sila sa literature kaya kailangan niyang mag review.
Habang nagre review si Levi ay nagbabasa naman ako ng mga fantasy stories na nahanap ko.
Tapos ko nang basahin 'yung librong kinuha ko kaya naman tumayo muna ako para ibalik.
"Oh? Tapos ka na mag review?" Tanong ko kay Levi nang makitang magbabalik na rin ng book.
"Yeah, hatid na kita sa room mo." Tumango nalang ako at saka sabay kaming lumabas ng library.
"Bye, shark boy, good luck sa quiz mo." Sabi ko at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi. "Ayan, lucky charm." I giggled.
"Thank you, butterfly, I'm sure mapeperfect ko 'yung quiz namin." Ani niya.
"Sabi mo 'yan ah? Sige na, pumasok ka na rin sa room niyo." Kumindat muna siya sa akin bago mag lakad paalis.
Filipino ang subject namin ngayon at heto kami ngayon at nag susulat ng napaka rami. Walang katapusang pasulat 'to mga 'te.
Matapos ang Filipino ay sunod naman ang English. Kagaya lang din sa Filipino, nag pasulat din si Ma'am Aquino.
"May good news ako sa 'yo, butterfly." Masayang sabi ni Levi.
"Ano? Naka perfect ka?" Tumango naman siya.
"Omg! Congrats, shark boy ko." Ani ko at niyakap siya.
"Thanks sa binigay mong lucky charm." Sabi niya, natawa naman ako.
"Lunch na tayo." Ani ko at saka humiwalay sa yakap.
Gaya ng lagi niyang ginagawa ay nag oorder na siya ng pagkain naming dalawa habang ako ay nag hihintay sa table namin. Chineck ko ulit si Lauren kung kumusta na ang pakiramdam niya at ang sabi niya ay okay na raw siya at kailangan niya lang ng pahinga.
Nagkwentuhan at nag asaran lang kami ni Levi habang kumakain.
"Kantahan mo rin ako, Lev." Ani ko habang naka higa sa braso niya.
Nandito ulit kami ngayon sa tambayan namin.
"Anong gusto mong kanta?" Napa isip naman ako. Ano kayang maganda?
"Alam mo 'yung line without a hook?" I asked.
"Yep pero 'yung chorus lang." Sagot naman niya.
"Okay na 'yon, game na!" Tumawa muna siya bago mag simulang kumanta.
"Ang ganda ng boses mo, isa pa nga." Sabi ko.
"What song?"
"Enchanted ni Taylor." Sagot ko.
Kagaya noong nauna ay chorus lang din ang kinanta niya dahil iyon lang naman daw ang kabisado niya.
Nag stay pa kami roon ng ilang minuto bago pumasok sa room.
Lumipas ang ilang oras ay sa wakas uwian na rin. Bago kami pumunta ng parking lot ni Levi ay nagpasama muna ako sa kaniyang bumili ng Dutchmill para kay Lauren.
"Marcus!" Tawag ko kay Marcus nang makita siyang naglalakad papunta sa parking lot.
"Pupuntahan mo ba si Lauren?" Tanong ko, tumango naman siya. "Pwede bang paki bigay ito sa kaniya? At paki sabi rin na magpa galing na nang todo para maka pasok na siya dahil marami na siyang na miss na lessons." Mahabang bilin ko.
"Sige, sige, makaka asa ka. Alis na ako, Lev." Tinanguan nalang siya ni Levi at saka umalis na.
"Thank you sa pag hatid, shark boy." Naka ngiting sabi ko.
"Always welcome, butterfly." Ani niya.
Nang maka pasok ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kuwarto ko para mag bihis at pagkatapos ay bumaba na ako para tumulong sa ginagawa ni mommy. At nang matapos 'yon ay kumain na kami.
["Thank you sa dutchmill na bigay mo, Hani!"] Napa ngiti naman ako.
"You're welcome, magpagaling ka na ha? Miss na kita eh." Ani ko.
["Aww, I miss you more, dear Hani."]
"Sige na, magpahinga ka na, okay? Good night, Lauren, I love you mwah!"
["I love you more, Hani, good night."] Aniya saka pinatay na ang tawag.
Nag usap pa muna kami ng Levi nang ilang minuto bago ako matulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top