Kabanata 10

10


"Gosh! Excited na ako sa prom night natin!" Nag tatalon na sabi ni Lauren.


Me too, excited na rin ako sa darating na prom night namin. Sino bang hindi, 'di ba?


Bukas ang start ng practice kaya maghapon kaming walang klase.


"Sasabihin ko sa teachers natin na tayo ang magka partner bukas." Dinig kong sabi ni Marcus kay Lauren.


"Hindi yata pwede 'yon eh." Pagsingit ko.


"Edi gawan ng paraan, 'di ba Lev?" Tanong ni Marcus kay Levi at tumango naman siya.


"I want you to be my prom date. Ayoko sa iba, gusto ko sa 'yo lang." Agad naman akong namula sa sinabi ni Levi kaya mahina kong pinalo ang braso niya.


"Ehem! Baka nakakalimutan niyong nandito pa kami ni Lauren." Wika ni Marcus na may halong pang aasar.


"Ay shucks! May ipapasa pa pala ako kay Ma'am Allejo, samahan mo ako Marcus." Ani Lauren at hinila patayo si Marcus.


"Iwan muna namin kayo rito, ha? Let's go, Marc." Sabay silang nag lakad paalis kaya naman kaming dalawa lang ni Levi ang naiwan dito sa table namin.


Matapos kaming kumain ni Levi ay pumunta na naman kami sa usual spot namin, sa rooftop.


"Marunong kang kumanta, butterfly?" Maya-mayang tanong niya sa akin.


"Medyo?" Alanganing sagot ko.


"Kantahan mo ako, butterfly." Ani niya saka nahiga sa kandungan ko.


"Anong kanta ba?" Tanong ko.


"'Yung favorite song mo." Sagot naman niya.


"Marami akong favorite songs eh," sagot ko.


"'Yung pinaka favorite mo. Dali na butterfly, kantahan mo na ako." Pag pupumilit niya.


Bumuntong-hininga muna ako bago magsimulang kumanta. Best part ang kinanta ko dahil sobra kong paborito itong kantang ito.


Matapos akong kumanta ay napatingin ako kay Levi na naka pikit at natutulog yata.


"Hey Lev, tulog ka ba?" Tanong ko habang tinatapik nang mahina ang pisngi niya.


At nang wala akong makuhang response ay napagtanto kong tulog nga talaga siya. Hinayaan ko nalang siyang matulog sa kandungan ko at pinaglaruan ang malambot niyang buhok.


Mamaya ko nalang siya gigisingin.


Noong malapit nang mag bell ay saka ko lang siya ginising.


"Sorry, naka tulog ako." Ani niya habang nagliligpit ng ginamit namin.


"Okay lang, ano ka ba?" Sabi ko.


Paulit-ulit lang ang nangyayari, ihahatid niya ako sa room at susunduin pagkatapos ng dalawang klase at ihahatid kapag uwian.


"Bye, shark boy." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.


"Bye, butterfly." Sabi niya habang may malawak na ngiti sa mga labi.


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si mommy na pababa ng hagdan kaya tumakbo ako palapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.


"Mommy, may prom night po kami." Sabi ko saka sumubo.


"Kailan? Nang masabihan ko 'yung mga kakilala kong make up artists." Tanong niya.


"Next next Friday po." Sagot ko.


"Okay, noted." Naka ngiting wika niya.


---


Ngayon na ang start ng practice namin kaya lahat kami ay nasa covered hall. Nasa tabi ko si Levi dahil siya ang magiging partner ko at ganoon din kay Lauren. Nagtataka nga kami ni Lauren kung paano nila napa payag 'yung mga teachers eh. Pero okay na rin 'yon, ayaw ko rin namang ma partner sa iba eh haha.


Nang sabihin ng mga teachers na mag uumpisa na ang practice ay nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Levi ang bewang ko.


"Galingan mo ha?" Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.


"I should be the one to say that." Natatawang sabi ko.


Nang I play na nila 'yung music ay nagsimula na kami turuan noong mga dance instructor na magtuturo sa amin.


May kadalian lang 'yung step kaya naman mabilis lang naming nakabisado. Pero may iba rin ang nahihirapan sa step kaya pinaiwan muna sila roon para maturuan sila nang maayos.


"Ang dali ng step nahihirapan pa sila?" Ani Marcus.


"May mga ganoon talaga. Madali para sa atin pero pag dating sa kanila ay mahirap." Sabi naman si Levi.


"Sabagay," sabi niya at nag kibit-balikat.


Matapos ang 20 minutes break namin ay bumalik na agad kami sa covered hall dahil may practice pa kami.


Maghapon kaming nagpa practice at masasabi kong sobrang haggard dahil dere-deretso ang practice namin tapos ang init pa.


"May extra t-shirt ka?" Tanong sa akin ni Levi.


"Oo, meron." Sagot ko.


"Mag palit ka na muna, basang-basa ka na ng pawis." Aniya.


"Okay, magpapasama muna ako kay Lauren." Tumango naman siya kaya naman agad na akong lumapit kay Lauren para magpasama.


"How are you?" Nagulat naman siya sa tinanong ko.


"U-Uh... I'm o-okay, how about you?" Balik na tanong niya sa akin.


"Okay lang din naman. You know what, namiss ko na lumabas kasama ka." Sabi ko.


"Gala tayo bukas or mamayang uwian." Sabi naman niya.


"Ay bet ko 'yan! Wait, bihis muna ako." Ani ko at pumasok na sa isang cubicle para mag bihis ng damit.


Bumalik na kami agad ng covered hall matapos akong makapag bihis.


At gaya ng sabi ni Lauren ay gumala kami after ng practice. Muntik pang hindi pumayag 'yung dalawa na kami lang dalawa ni Lauren pero sa huli ay napapayag din namin.


Noong mga sumunod na araw ay puro practice lang ang ginawa namin hanggang sa unti-unti na naming napeperfect 'yung steps. Nakakasabay na rin 'yung mga dating tinuruan kaya medyo maganda nang tignan dahil malapit na kaming mag sabay-sabay.


"You're so gorgeous, my love." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy nang makita niya akong pababa ng hagdan. While Levi, ayon tulala at naka awang ang labi niyang naka tingin sa akin.


Mabilis akong naka baba at tumabi kay mommy at Levi.


"Tulo na laway mo." Natatawang sabi ko kay Levi.


"Aalis na po kami." Paalam ni Levi kay mommy.


"Mag iingat kayo, ha?" Pareho naman kaming tumango ni Levi.


Nang makapag park na kami ay agad na umikot si Levi para ipagbuksan ako ng pintuan at para tulungan akong bumaba.


Papasok na sana kami sa loob nang may humintong sasakyan sa tabi ng sasakyan namin, sila Lauren at Marcus pala.


"Ang ganda mo!" Ani Lauren habang naka angkla ang braso sa akin.


"Ang ganda natin." Pag tatama ko.


Nang maka pasok kami sa covered hall ay marami-rami na ang mga estudyanteng naroon. At lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na rin ang event.


Bago kami mag umpisa sa sayaw ay gagawin muna namin 'yung grand entrance namin. Magka hawak ang kamay namin ni Levi sa ere habang nag lalakad papunta sa puwesto namin.


At nang maka puwesto na kaming lahat at sinimulan na nilang patugtugin 'yung sasayawin namin.


"Thank you students for that wonderful dance!" Sabi noong emcee.


Matapos 'yung sayaw namin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming upuan upang makakain na.


Sina Levi at Marcus na ang tumayo para kuhanan kami ni Lauren ng pagkain.


"Why are you smiling?" Nagtatakang tanong ko kay Lauren.


"Uhm, nothing, I'm just... happy." Sagot naman niya.


Magtatanong pa sana ako kaso dumating na 'yung dalawa na may dalang mga pagkain.


"Here's your food, butterfly." Nginitian ko nalang si Levi at nagpasalamat.


Habang kumakain kami ay wala ni isa ang nagsasalita sa amin kaya naman ako na ang nag adjust.


"Ang sarap ng pagkain nila rito 'no?" Tatlo naman silang napa tingin sa akin.


"Hmm, you want some more? Kuhanan pa kita." Umiling naman ako.


"Ah hindi na, busog na ako eh." Sagot ko.


"Hani, Levi, excuse us for a while, may pupuntahan muna kami." Paalam ni Marcus.


"Okay sige, balik din kayo kaagad dito ha?" Sabi ko, pareho naman silang tumango.


So, kaming dalawa nalang ni Levi ang naiwan dito sa table namin at parehas kaming walang imikan.


"Gusto mong sumayaw?" He asked. Finally, nagsalita rin siya.


"Okay," sagot ko saka iniabot sa kaniya ang kamay ko.


Magkayakap kami ni Levi habang dahan-dahang sumasayaw. Feeling ko safe ako palagi kapag lagi siyang nasa tabi ko.


Matapos kaming sumayaw ay inaya niya akong pumunta sa rooftop kung saan palagi kaming tumatambay.


"Anong gagawin natin doon sa rooftop?" Tanong ko pero hindi siya nagsasalita.


Napanguso nalang ako at hindi na muling nagtanong pa.


At nang makarating kami sa rooftop ay namangha nalang ako nang makitang punong-puno ito ng mga magagandang ilaw.


Nakita ko rin doon sina Lauren at Marcus. Anong ginagawa nila rito? Akala ko ba may pupuntahan sila?


"A-Anong mayroon at may ganito?" Tanong ko.


Humarap naman sa akin si Levi at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko kaya ganoon din ang ginawa ko.


"Zen, you know how much I love you, right?" Tumango naman ako. "I think this is the right time to ask you." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.


"W-What do you mean?" Tanong ko.


I gasped as he knelt in front of me.


"L-Levi..."


"Hanizen Abalos, can you be mine?" Bigla namang may tumulong luha galing sa mga mata ko at dahan-dahang tumango.


"Yes Levi, yes!" Mabilis naman siyang tumayo at saka niyakap ako.


"Thank you, butterfly. I promise, ikaw lang ang babaeng mahal at mamahalin ko sa buong buhay ko. I love you, butterfly." Sabi niya habang naka yakap pa rin sa akin.


"I love you too, my shark boy." Tugon ko.


Pangako, ikaw lang din ang lalaking mahal at mamahalin ko sa buong buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top