Kabanata 09

09


"Kapag magiging hayop or bagay ka, ano ka at bakit?" I asked.


"What kind of question is that?" Natatawang tanong niya


"Just answer my question!" Iritadong sabi ko sa kaniya.


"Okay fine, kung magiging hayop ako ang gusto ko ay shark." Sagot niya.


"Why shark?"


"Para ako ang Hari ng karagatan." Proud na sabi niya, napa simangot naman ako.


"Why? Sinagot ko lang naman 'yung tanong mo."  Iniripan ko naman siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa at nag cellphone nalang.


"Yeah, whatever."


"How about you? If ever magiging hayop ka, ano ka at bakit?" Balik na tanong niya sa akin.


"Gusto ko maging butterfly," sabi ko.


"Dahil?"


"Para nakakalipad ako," sagot ko na ikinatawa niya. "Why are you laughing?" Tanong ko.


"Maikli lang ang buhay ng mga paru-paro." Sabi niya.


"I know,"


"Bakit iyon pa ang gusto mo?" He asked.


"Kasi bukod sa magaganda at nakakalipad sila ay may freedom silang ma explore ang mundo. Kahit na maikli lang ang buhay nila atleast nabigyan sila ng chance na masilayan man lang itong mundong ginagalawan natin." Mahabang litanya ko.


"I'm speechless.." mahina ko namang hinampas ang braso niya.


"Kita mo na, ang ayos ng sagot ko tapos ikaw... tch." Umiiling na sabi ko.


"Totoo namang Hari ng karagatan ang mga pating ah." Pamimilit niya.


"Oo nalang, tara na at malapit na mag bell." Sabi ko at kinuha na ang bag ko sa tabi ko at saka tumayo na.


Tumayo na rin siya at mag isang niligpit ang karton at blanket na inupuan namin. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung saan niya nakuha 'yang mga 'yan.


"Saan mo nakuha 'yung mga 'yon?" Tanong ko sa kaniya.


"Kinuha ko lang sa clinic 'yon." Tumatawang sagot niya.


"Sira? Seryoso ka? Baliw!" Sabi ko at natawa na rin.


"Kailan pa na sa iyo 'yon? Buti hindi ka nahuli, baliw ka talaga." Ani ko.


"Magaling yata 'to," ani niya at kinindatan ako.


"See you later, my pretty butterfly." Sabi niya at mabilis akong hinalikan sa noo.


"See you later, shark boy." Natatawang sabi ko at saka pumasok na ng classroom.


"Get one piece sheet of paper, we will have a long quiz." Agad namang nag reklamo ang mga kaklase ko.


"Quiz na naman ma'am? Kailan lang noong nag pa short quiz kayo tapos long quiz naman ngayon?" Reklamo ni Denver.


"Hindi ba at sinabi ko sa inyo noong isang araw na magpapa quiz ako ngayon?" Takang tanong ni ma'am.


"Eh? Wala po kayong sinasabi sa amin, ma'am." Sagot naman ni Allen.


"Oh right! Sorry I forgot, sa Alanis ko nga pala 'yon sinabi. Magdidiscuss muna ako and after noon magsusulat kayo." Ani niya at saka kinonek na ang laptop niya sa TV.


Tahimik naman kaming nakikinig habang nag sasalita si ma'am sa harap. At gaya nga ng sinabi niya ay pinag sulat niya kami pagkatapos niyang mag discuss.


Matapos ang klase namin kay ma'am Aguilera ay sunod naman ay ang Philosophy. Same lang sa naunang subject namin, nag discuss lang si Ma'am at pagkatapos ay nagpasulat din.


"Nakaka pagod ngayong araw, saan mo gusto pumunta?" Tanong sa akin ni Levi.


"Anywhere, basta kasama kita." Sagot ko, nakita ko naman kung paano lumawak ang ngisi niya.


"Saan ka natutong bumabat?" Napataas naman ang isang kilay ko.


"Hindi 'yon banat." Sabi ko.


"Sabi ko nga, so saan tayo?" Ulit na tanong niya.


"Park? Tapos kain tayo ng street foods." Masayang usal ko.


"Date? Game, let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang parking lot.


Pagkarating namin sa park ay maraming tao ang nandoon at puro mga mag asawa ang mag jowa.


"Tama bang dito tayo pumunta?" Wala sa sariling tanong ko.


"Nandito na tayo eh, let's go may nakita akong nagtitinda ng street foods doon." Ani niya at hinila ako. Nawiwili na siyang hila-hilain ako ah.


Unang binili namin ni Levi ay 'yung squid ball. Sunod naman ay 'yung kwekwek at fishball.


"Alam mo bang favorite na favorite ko itong kwekwek?" I asked.


"Hindi eh," sagot niya at saka pa inosenteng sumubo ng isang fishball. Agad ko naman siya tinignan nang masama.


"Epal mo." Sabi ko at inirapan siya, natawa naman siya.


"Ang cute mo." Sabi niya saka tumawa.


"Cute your face!" Singhal ko at hindi siya pinansin.


"May period ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo?" Tanong niya.


"Wala kang pake." Sabi ko at pinagpatuloy ko nalang ang pag kain sa kwekwek ko.


"Aww, nagtatampo ang paru-paro ko." He said while pouting.


"Itigil mo 'yan, hindi bagay sa 'yo." Pagsusungit ko.


Matapos kaming kumain ay nag-aya siyang mag lakad-lakad. Kahit na nagtatampo ako sa kaniya ay hinawakan ko pa rin ang kamay niya para siguradong walang makaka agaw sa kaniya.


Inabot kami ng alas sais dahil inantay pa namin 'yung fireworks display.


"Thank you, napasaya mo na naman ako." Naka ngiting sabi ko.


"I told you, hinding-hindi ako mapapagod na pasayahin ka." Sabi niya at saka niyakap ako. "Pumasok ka na sa loob, bye, butterfly."


"Bye, shark boy." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.


Kumaway muna ako bago pumasok sa loob.


"Ginabi ka yata?" Tanong ni mommy nang makita niya akong pumasok.


"Pumunta po kaming park ni Levi." Sagot ko at saka lumapit sa kaniya para halikan siya sa pisngi.


"Do you have fun?" Tumango naman ako.


"Bihis po muna ako." Paalam ko.


"Bumaba ka kaagad, okay?" Tumango nalang ako saka patakbong umakyat ng kuwarto ko.


Pagpasok ko sa kuwarto ay agad ko nang binaba ang gamit ko at saka nag bihis na ng damit. Bago ako lumabas ng kuwarto ko ay chineck ko muna kung may message si Levi, at mayroon nga. Nireplyan ko muna siya bago ako lumabas.


"So, kailan mo siya balak sagutin?" Tanong ni mommy habang niluluto 'yung dumplings.


"Hindi ko pa po alam eh, pero malapit na po." Sagot ko.


After maluto ni mommy 'yung dumplings ay kumain na kami. Hindi namin kasabay si daddy dahil bukas pa ang uwi niya galing Italy.


Matapos akong kumain ay nag paalam na ako kay mommy at agad na umakyat papuntang kuwarto ko para mag toothbrush at mag half bath.


Pag lipas ng ilang minuto ay natapos na rin ako kaya agad na akong nagbihis ng pang tulog. At pagkatapos ay nahiga na sa kama ko.


"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Levi.


["Have you eaten?"]


"Yep, how about you?" Tanong ko pabalik.


["I'm done too, anong ginagawa mo?"]


"Wala naman, naka higa lang tapos kausap ka." Sagot ko.


Dalawang oras kaming nag usap ni Levi hanggang sa parehas na kaming magpaalam sa isa't-isa.


["Good night, my butterfly. I'll pick you up tomorrow, okay?"]


"Okay, okay bye shark boy. Sweet dreams." Sabi ko inend na ang tawag.


I prayed first before going to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top