Kabanata 04
04
"Shucks? Ka chat mo siya kagabi?" Tumango naman ako sa tanong ni Lauren. Na kwento ko kasi sa kaniya na kausap ko kagabi si Levi.
"After kitang maka usap kagabi nag chat siya sa akin." Kwento ko pa rito.
"Ang haba talaga ng hair ng kaibigan ko!" Parehas naman kaming natawa.
Wala kaming ginawa buong magdamag kundi ang manood ng kung ano-ano. Hindi naman na kami pinuntahan ng mga subject teachers namin dahil halos lahat sila ay nandoon nagbabantay ng mga players.
Boring 'yung pinapanood kaya naman inaya ko si Lauren na lumabas at maglakad lakad.
"Clue about sa crush ko," napatingin naman ako kay Lauren nang bigla siyang magsalita.
"What?" Tanong ko.
"Volleyball player." Sagot niya.
"Ahh, so player din pala crush mo?" Tumango-tango naman siya.
Nang marinig namin ang bell ay dali-dali na kaming pumunta canteen para mag order.
"Ate dalawa pong donut tsaka isang blue lemonade." Sabi ko sa tindera at inabot na sa kaniya 'yung bayad ko.
Pagkakuha ko sa order ko ay sumunod na ako kay Lauren sa table namin.
Habang kumakain kami ni Lauren may dalawang lalaking nakatayo sa gilid namin kaya sabay kaming napatingin sa dalawa. My eyes widened when I saw levi standing by my side. Omo!
"Pwedeng maki share?" He asked.
"A-Ahm, sure.." sabi ko at lumipat sa tabi ni Lauren.
"Diet ba kayo? Bakit 'yan lang kinakain niyo?" Tanong noong isang kasama ni Levi.
"N-No, hindi kami nagdi diet talagang ito lang ang kaya ng tiyan namin." Nahihiyang sagot ni Lauren.
Tahimik lang kaming kumakain ni Lauren samantalang itong dalawang lalaking kaharap namin ay ang daldal.
"Ang tahimik niyo namang dalawa?" Mahina namang tumawa si Levi sa sinabi ni Marcus. "C'mon! Speak, 'wag kayong mahiya sa amin hindi naman kami nangangain eh." Ani pa nito.
"Hindi naman namin pinag uusapan niyo eh paano kami makakasabay?" Nagtinginan naman sila at parehong kumamot sa batok.
"Oh, sorry." Nahihiyang wika niya.
"May naging boyfriend na kayo?" Nagkatinginan naman kami ni Lauren at sabay na umiling.
"No boyfriend since birth kami." Sagot ko.
"Ah, so wala pa kayong experience sa love?" Si Marcus.
"Kaya nga NBSB kami 'di ba?" Pang babara naman ni Lauren.
"Sabi ko nga." Sabi ni Marcus at naiilang na tumawa.
Matapos kaming kumain ay hinatid nila kami papunta sa classroom namin.
"Thank you," sabay na wika namin ni Lauren sa dalawa.
Nang maka alis na sila ay nagulat nalang ako nang impit na tumili si Lauren.
"Hey, are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
"Gosh! Ganito pala 'yung feeling ng parang nasa cloud nine?" Kinikilig na sabi niya.
"Wait, si Marcus 'yung crush na sinasabi mo 'no?" Natigilan naman siya pero agad ding naka recover at tumili ulit. I knew it!
"So siya nga?" Paniniguro ko, tumango-tango naman siya.
Philosophy ang subject namin ngayon and this time pinasukan na kami ng teacher namin.
"Do you know what philosophy means?" Tanong ng teacher namin.
Wala ni isa ang nag taas ng kamay kaya ako na ang nag taas.
"Yes?"
"Love of wisdom po." Sagot ko.
"Okay, very good." Nakangiting sabi nito at nagpatuloy na sa discussion.
Mabilis lumipas ang oras at lunch na namin ngayon.
"Hindi talaga ako makapaniwala kanina na naka sabay natin sila Marcus." Maya-mayang sabi ni Lauren.
"Paano mo siya nagustuhan?" Tanong ko.
"Well, he's kind, gentlemen, may sense of humor, and lastly... pogi." She chuckled.
"Binabara mo nga siya kanina eh." Natatawang sabi ko.
"Hoy! Hindi ko sadya 'yon! Kasalanan ng bibig ko kasi walang preno." Umiling-iling nalang ako at inubos na ang pagkain ko.
Pagka bell ay napag desisyonan namin na tumambay muna sa garden since wala naman daw gagawin sa dalawang subject namin mamaya.
"Punta tayong mall mamaya, ha?" Wika ni Lauren.
"Sure, na miss kong gumala eh." Sabi ko.
Nang mag uwian ay sa sasakyan ako nila Lauren sumakay dahil nga gagala pa kami.
Lakad doon, lakad dito. Bili roon, bili rito.
Ganiyan kami palagi ni Lauren kapag nagpupunta kami sa mall.
"Kain muna tayo, Lauren. Nagutom ako sa paglilibot natin eh." Sabi ko, nag 'okay' naman siya kaya nagpunta kami sa food court nitong mall at bumili na ng makakain.
Matapos kaming kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Malapit nang dumilim at hindi ako nakapag paalam kay mommy.
"Thank you sa paghatid, bye bye." Kumaway muna ako sa kaniya bago ako pumasok sa loob.
Wala si mommy sa sala kaya naman dumiretso na ako paakyat sa kuwarto ko. At after kong magbihis ay humiga muna ako sa kama ko at nag online.
Napanguso nalang ako nang wala ni isang message sa akin si Levi. Hays, nag expect pa naman ako.
Ano ba naman 'yan, Hanizen. Hindi ka naman jowa para maging priority eh.
Nag out nalang ako at nanood nalang sa youtube. Maya-maya pa ay tinawag na ako ni manang para kumain.
Hindi namin kasabay ni mommy si daddy dahil mamayang 12 pa ang uwi niya.
"Bakit parang wala ka yatang gana?" Napa ayos agad ako ng upo at tinignan si mommy.
"Uhm.. kumain na po kasi kami ni Lauren kanina noong nag mall kami." Sagot ko.
Pero ang totoo niyan... hays, nevermind.
Magdamag akong naghintay sa message ni Levi pero wala talaga. Hanggang sa nakatulog na ako sa paghihintay sa wala.
"Hey, okay ka lang?" Tamad ko namang sinulyapan si Lauren at tumango.
"Are you sure? Parang hindi eh." Sabi pa nito.
"Okay lang ako, medyo inaantok lang." Sabi ko at dumokdok sa desk ko.
"Ano ba ginawa mo kagabi?" Tanong niya.
"Nanonood ako ng drama." I lied.
"Bakit? Alam mo naman na may pasok ngayon 'di ba?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya at umiglip na muna. Wala naman kaming klase eh kaya okay lang na matulog.
"Hey, wake up. Lunch na tayo." Pag gising sa akin ni Lauren.
"Ihh! Ikaw na lang mag isa mo, inaantok pa ako eh." Inaantok na sabi ko.
"Kanina pa siyang umaga tulog." Dinig ko sabi ni Lauren. Sino kausap niya?
"Edi hindi pa siya nakakain kanina?" Bigla akong napamulat nang marinig ko ang boses ni Levi.
"Hindi pa, ikaw na muna ang bahala sa kaniya ha? Bibili na muna ako ng lunch namin." Shucks Lauren, 'wag mo akong iwan dito!
"I know you're awake, so face me." Mariin akong napa pikit nang magsalita siya.
Dahan dahan naman ang ginawa kong pag bangon at hinarap siya.
"Bakit ka nagpuyat?" He asked.
"Wala kang pake," napakagat nalang ako ng bibig ko nang ma realized na nasabi ko 'yon sa kaniya. "S-Sorry... I don't mean it,"
"It's okay," nakangiting sabi niya pero alam kong pilit lang 'yon.
Natahimik nalang kami pareho hanggang sa dumating na si Lauren na may dalang pagkain.
"Mabuti naman at gising ka na, let's eat." Nilapag na ni Lauren sa desk ko 'yung pagkain ko at umupo na sa harapan ko.
"Uhmm, una ako ha? Baka hinahanap na nila ako eh." Paalam ni Levi at saka nagmamadaling umalis.
You're so stupid, Hanizen! I'm sure na offend siya kanina sa sinabi ko. Hays!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top