Kabanata 01
01
"Hani! Alam mo ba nakita ko crush mo!" kinikilig na sabi sa akin ni Lauren.
"Where?" malapad ang ngiting tanong ko.
She didn’t answer my question and all of a sudden she pulled me over to where Levi was. Huminto kami sa labas ng covered hall at nakita ko si Levi na palabas kasama ang mga kaibigan niya. Ang gwapo talaga niya.
"Katatapos lang nila mag practice eh, sayang hindi tayo nanood." nilingon ko naman si Lauren na nakanguso na ngayon.
"Okay lang 'yan, sira!" sabi ko saka mahinang pinalo ang braso niya.
"Teka nga, bakit parang ako ang affected? Ikaw ang may gusto sa kaniya 'di ba? Bakit ako 'yung nasasayangan at hindi ikaw?" dito na ako tuluyang natawa. May pagka isip bata talaga itong kaibigan ko na 'to eh.
"Aba ewan ko sa'yo." sagot ko. "Tara na nga." mas matangkad ako sa kaniya kaya inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin.
Wala kaming ginagawa ngayon dahil malapit na ang intramurals. Kaya todo ang practice ng mga players namin. Ilang beses na kaming talo kaya kailangan naming bumawi ngayong darating na intrams.
"Doon ulit ako matulog sa inyo ah?" natigil naman ako sandali sa ginagawa ko.
"Nakapagpaalam ka na ba?" tanong ko naman.
"Kahit naman hindi na ako magpaalam eh, sure akong papayagan ako ni daddy." sagot niya.
"How about your mom?" tanong kong muli.
"Si daddy na ang bahala roon." napa iling na lang ako sa sinagot niya.
Lauren and I have been friends since we were kids. Because my daddy and her daddy are friends.
Sanay na sila mommy kapag sa bahay natutulog si Lauren dahil minsan nang nagbakasyon sa bahay si Lauren. Kaya nang mag uwian ay hindi na nagulat si mommy na kasama ko si Lauren.
"Hi tita!" masigla niyang bati kay mommy.
"Oh, hi Lauren." niyakap din pabalik ni mommy si Lauren. "Dito ka ba ulit matutulog?" tanong niya.
"Yes po, tita." malapad ang ngiting sagot niya.
"Did you tell your parents that you are gonna sleep here?" tanong ulit ni mommy.
"Yes po, I already told daddy and he agreed." sagot naman niya.
"Okay, change your clothes now and after no'n bumaba na kayo. May binake akong cookies." sabay kaming nag 'opo' ni Lauren bago umakyat papunta sa kwarto ko.
"Movie marathon ulit?" she asked.
"Sure, wala namang pasok bukas eh." bigla naman siyang pumalakpak sa sinabi ko.
"Ano kaya panonoorin natin?" tanong niya sa sarili niya habang nakatingala at nakalagay ang kaniyang hintuturo sa baba niya.
"You know what?" lumingon naman siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.
"What?" she asked.
"Bibilisan ko na lang ang pagbibihis dahil nag aantay na sa kusina si mommy." sagot ko, mabilis naman siyang bumaba sa kama at nagmamadaling kumuha ng damit niya sa closet ko.
Yes, she already has clothes here so that when she suddenly comes here she won't have to go home to pick up her clothes.
Nang matapos siyang magbihis ay sabay na kaming lumabas ng kuwarto ko at bumaba na para magtungo sa kusina.
"Ang sarap mo talagang gumawa ng cookies, tita." puri niya kay mommy.
"Why? Doesn't your mom know how to make cookies?" takhang tanong ni mommy.
"Marunong naman po kaso bihira lang siya magluto kasi palagi siyang busy sa work." sagot naman niya.
"Edi ikaw ang gumawa ng cookies para sa kaniya." sabat ko.
"Eh? Hindi ko alam mag bake." pareho naman kaming natawa ni mommy.
"Don't worry, tuturuan ka namin. Right, Zenny?" agad naman akong tumango.
"Kailan?" tanong naman niya.
"Bukas, kaya agahan mong gumising." sabi ko.
"Okay.." wika niya.
Pagkatapos naming ubusin 'yung niluto ni mommy ay umakyat na kami sa kwarto ko at doon nagkulong.
"Hani, nakita mo na 'to?" lumapit sa akin si Lauren at ipinakita sa akin ang post ni Levi.
"Wait.." agad kong binuksan ang Facebook app ko at bumungad agad sa akin ang napaka gwapong mukha ni Levi.
Ilang segundo ko muna itong tinitigan bago ako mag react at mag comment. Sa buong buhay ko, never niya akong nareplyan sa bawat comment ko sa posts niya. Ganito ba talaga kapag sikat? Hays.
"Owemji! Nag live siya kanina! Look oh, ano ba naman 'yan..." nakangusong sabi niya, natawa naman ako nang mahina. She's so cute while doing that.
"Umamin ka nga sa akin." kunot noo naman siyang tumingin sa akin.
"Anong aaminin ko?" nagtatakang tanong niya.
"May gusto ka ba kay Levi?" I asked.
"No freaking way! Kung ano ang iyo, iyo lang 'no." sagot niya saka inirapan ako.
"Chill! I'm just asking." natatawang sabi ko. Nag 'tsk' naman siya kaya mas lalo akong tumawa.
"Stop teasing me, Hanizen. You're so annoying." nag cellphone nalang ako habang pinipigilang 'wag tumawa.
Kapwa kami napatingin sa pintuan nang marinig naming kumatok si manang.
"Mga iha, bumaba muna kayo sandali naka handa na ang hapunan." sabi ni manang.
"Yes po, sunod na lang po kami." sagot ko.
Sabay ulit kaming bumaba ni Lauren at nang makarating kami sa kusina ay agad na kaming umupo.
"Kumain kayo nang marami ha? Nang magkalaman naman kayo." napakagat labi nalang ako sa sinabi ni manang. Grabe ah, hindi naman ako sobrang payat eh. Sakto nga lang itong katawan ko.
"May laman po kami ah.." usal ni Lauren.
"Ikaw na bata ka talaga, ang ibig kong sabihin ay kumain kayo nang marami para tumaba rin kayo kahit kaunti." paliwanag sa kaniya ni manang.
"Okay na po ako sa katawan kong 'to, manang. Ang sabi nga po ng ilan sa mga classmates namin ang sexy ko raw eh." wala ng nagawa si manang kun'di ang umiling. Ang hangin niya, jusko!
"So, nakapili ka na ba ng panonoorin natin?" tanong ni Lauren na katatapos lang mag haft bath.
"Mag Thai drama naman tayo. Nakakasawa rin 'yung puro kdrama." sabi ko.
"Okay, sakto may alam akong Thai drama." ani niya.
"Ano?" tanong ko, lumapit siya sa puwesto ko at kinuha sa akin ang laptop.
"Ayan! Nakita ko lang 'yan sa tiktok and I think maganda 'yan." agad namang nalukot ang noo ko nang makita ko ang title.
"My husband in law?" basa ko sa title.
"Ayan na lang, ha?"
"Hmm, sige sige." pagpayag ko.
Sinimulan na naming panoorin 'yon at tumagal ng isa't kalahating oras bago namin matapos 'yon.
"Goodnight, my dear Hanizen. I love you.." ani niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Goodnight too, my dear Lauren. I love you too." gaya ng ginawa niya ay hinalikan ko rin ang kaniyang pisngi bago umayos ng higa at agad nang nilamon ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top