Chapter 30

Maverick P.O.V

Ilang araw walang pasok dahil sa pagsalakay ng mga Dark sa school nila.

"Mommy bakit diko nakikita si daddy?" Tanong ni Maverick na naglakas loob na kausapin ang Mommy niya.

"Anak.." yun lang lamang ang nausal nito.

"Asan si Daddy maski bakas ng paa niya diko naaamoy."

"Bihag siya ng mga Dark, Hawak ni Wilfred ang Daddy mo." Pag-amin ng kanyang Ina.

"Ano!? Yan na nga ba ang sinasabi ko sino isusunod niya? Si Daddy...Hindi ako papayag." Galit na sabi ni Maverick.

"Di niya gagalawin ang Daddy mo ana...nangako sya sakin na...Basta.." Nahihirapang tugon ni Queen Lucinda sa Anak.

"Ano ma?"

"Ibigay mo ang Virtude pati na ang trono sa kanya."

"Diko yun gagawin." Mariin na sagot ni Maverick.

"Buhay ng Daddy mo ang nakataya dito.."

"Pero marami ang mamamatay pag binigay ko sa kanya lahat!"

"Nasa sayo parin ang desisyon."

"Aalis ako Mommy." Walang reaksiyon na sagot ni Maverick.

"San ka pupunta?"

"Kila Athena." Sagot nitong nakatalikod sa Ina, saka naglaho.

***

At pagdating niya sa Bahay ni Tata Karding.

"Maverick bakit parang mainit ang ulo mo?" Bungad na tanong agad ni Athena na hinihintay ang kanyang pagdating.

"Sinigurado ko lang na ligtas ka, Mahal."

"Bakit ano bang meron? nag kakagulo na naman ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Athena dahil sa kilos ni Maverick na balisa.

"Hawak nila ang Daddy ko, Pumunta ako dito para siguraduhin na di ka kukunin ng mga Dark lalo na ni Wilfred."

"Huwag kang mag-alala, Mahal hindi ako papabayaan ni Tata Karding." Pagpapagaan pani Athena sa pag-aalala niya na ikina-aliwalas ng reaksiyon ng mukha ni Maverick.

"Athena huwag mo papabayaan ang sarili mo. Di ko alam kung makakabalik paba ako dito ng buhay malay mo ito na ang unat huli nating pagkikita." sabi pa ni Maverick na mahigpit na niyakap si Athena saka hinalikan sa noo.

"Wag ka ngang magsasalita ng ganyan alam kong babalik ka. Babalikan moko." Naluluha pang sabi ni Athena.

"Aalis na Ako."

"Maverick mag ingat ka... mamahalin pa kita." sabi pa ni Athena na niyakap na rin si Maverick at dinamdam ang mga yakap nila sa oras na iyon at ng makuntento na hinawakan siya ni Maverick ang pisngi ni Athena.

"Hindi koman maipapangako sayo. pero gagawin ko ang lahat para balikan ka, Athena." Hinalikan na niya si Athena sa labi Pagkatapos niya masabi iyon saka ito biglang nawala.



Athena P.O.V

"Athena."

"Tata karding paano kung mapapahamak si Maverick?"

"Wag mo isipin yan, Halika pumasok ka at maghanda na baka tama si Maverick, na salakayin tayo dito."

Agad naman tumango si Athena at isinantabi ang kanyang pag-aalala at  pumasok saka sila nagkandado ng pinto.

Maya maya pa ay nagkalampugan na ang mga dingding at bubong sa kubo.

"T-Tata Karding!" natatakot na tawag ni Athena, Binigay naman ni Tata Karding ang kuwintas na bawang sakanya upang hindi siya malapitan ng mga bampirang Dark. Habang hawak naman ni Tata Karding ang holy water na naka stock sa cabinet niya.

"Tata Karding saan ka po pupunta?" bulong ni Athena ng mapansin na paalis ang matanda.

"Pag nakuha ko na ang atensyon nila pakiusap humingi kana ng tulong, Athena." sabi pa ni Tata Karding kung saan ay balak nitong maging pa-in para makasaklolo si Athena at mabuhay.

"H-hindi po T-t-tata Karding. Marami pa pong paraan please huwag niyo itong gawin.." Naiiyak na sagot ni Athena.

Pag lumabas si Tata Karding ay alam na ang madadatnan nito, Anong laban ng isang matanda sa mga Dark Vampire na uhaw na uhaw sa mga dugo nilang mortal?

Pero lakas loob paring hinarap ni Tata Karding ang mga ito, gustong gusto man tumulong ni Athena pero mas nauunahan siya ng takot at kaba sakanyang dibdib.

Habang nakikita niya na unti-unti ng pinagtutulungan ng mga Dark vampire si tata Karding, hanggang nangyare na ang kinatatakutan niya.

Katulad kay Yana at sa mama niya ay tuluyan ng nalanta ang katawan nito.

Galit na lumabas si Athena ang kanyang tinuring na isang tunay na ama si Tata Karding mula ng iwanan sila ng walang kuwenta niyang ama.

"T-t-tata K-karding..." humihikbi na pagsabi pani Athena. Habang ang mga Dark Vampire ay paunti-unting lumalapit sa kanya 

Pero hindi agad makalapit ang mga ito dahil sa bawang na kuwintas na suot ni Athena.

"Mga hayop kayo! inubos niyo lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ko! Sinong isusunod niyo ha!!? Ako. Sige sipsipin niyo narin ang dugo ko total ako naman ang Gusto niyo diba!"

Sabi pani Athena at hinubad ang bawang na kuwentas at ng maglapitan ang mga Dark vampire ay biglang humangin ng malakas lumayo din naman ang mga ito dahil sa lakas ng hangin.

"Inna?" Sambit pani Athena.

"Di ako papayag na sipsipin nila ang dugo mo ni hindi mo pa nga ako pinapatawad mawawala kana, Best friend." sabi pa ni lnna na namula ang mata at sumugod sa mga Dark.

Limang Dark laban sa isang Light.

Alam ni Athena na di patas ang laban kaya naman dali-dali niyang kinuha ang Kuwintas na bawang saka binaklas ang mga ito isa-isa sa pagkatali at kinuha ang natitirang holy water ni Tata Karding.

Habang busy si Inna sa pakikipag laban sa tatlong Dark. Ang dalawang Dark naman ay papunta na kay Athena binato niya ito ng bawang kasabay ng holy water at naglaho ang mga ito kaya naman tumulong siya kaagad kay Inna.

Nang matalo pa nila ang tatlo ay nanghina na si Inna dahil sa ilang galos kaya natumba ito agad naman siyang sinalo ni Athena.

"Inna ayos kalang ba?" alalang tanong pa niya sa kaibigan.

"Athena ang tapang mo kung hindi mo ako tinulungan baka patay na ako." sabi ni Inna na pinipilit pa ang sarili na tumayo.

"No, Kung hindi dahil sayo baka nagaya na ko kay Tata Karding, Inna."

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Inna.." Sambit pani Athena sa pangalan ng kaibigan at bahagyang pumikit at umiling.  "Hindi madaling magpatawad lalo na kong kapatid ko yung nawala dahil sayo."

Sagot ni Athena na ikinayuko ni Inna at tumango saka tumingin ulit sa kaibigan saka hinawakan ang palad nito at marahan na hinimas.

"Naiintindihan kita Athena ... sana may pagkakataong mapakinggan mo yung side ko." Sabi ni Inna at kinatango ni Athena.

"Inna saka na tayo mag usap tungkol dito.  S-si Maverick. Tulungan natin siya p-please...."

"Sige pero magpapahinga muna ako saglit."

"Take your time, at salamat Inna....."

Saka naman bahayang pinatong ni Athena ang kamay niya sa palad niya na hawak ni Inna at bahagyang ngumiti.

END OF CHAPTER 30~







Authors Note: So hello mga Kabhebheluvs After a Year nakapag update nadin Ng Isang Chapters hehhehehe...thank you sa walang SAWA na naghintay Ng update Love you all! & Happy New Year!🎉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top