Chapter 25

Maverick P.O.V

Kaya naman alam na nila Maverick kung san nagtatago ang mga Dark.

"Hindi tayo pwede magmadali." sabat ni Tata Karding.

"Pero kailangan ako ni Athena." sagot pa ni Maverick.

"Kailangan nating pagplanuhan tuh, lalo na at isang Dark si Inna  at kapag napasama siya sa mga kalahi niya maaaring magbagong anyo siya at kalabanin tayo." Pagkontra ni Tata Karding dito.

"Tata Karding hindi ko po yun magagawa." sabat agad ni Inna.

"Diyan ka nagkakamali at hindi mo alam ang sinasabi mo. May isa pang paraan para makontrol natin ito."

"Ano yun Tata Karding?"

"Kailangan na sipsipin ni Maverick ang pagiging isang Dark mo at nang sa ganun maging Ganap na meyembro ka ng Light, Pero hindi kana magiging mortal kundi magiging isang ganap ka ng din na Bampira." 

"Papayag ako Tata Karding, Maverick..." Walang pagdadalawang isip na desisyon ni Inna.

"Pero Inna gusto ko magpaalam ka sa tatay mo." sabi pa ni Maverick.

"Hindi na kailangan. Desisyon ko na maging bampira at gantihan ang pumatay sa nanay ko." Seryusong na sagot nito.

Kaya naman dahan dahan lumapit si Maverick sakanyang leeg at  kinagat ito saka sinipsip ang masamang dugo at pinalitan ng dugo nilang mga Light.

Maya-maya pa biglang  namilipit sa sakit si Inna habang nanginginig at pawis na pawis ang buong katawan at makikita sakanyang mga Mukha na nahihirapan siya pero nilalabanan niya kung ano man ang kanyang nararamdaman sa kaloob looban niya.

"Anong nangyayare!?" Biglang tanong ni Maverick.

"Natural lang yan sapagkat naglalaban ang dugo sakanyang katawan kung kaya't siya'y namamawis at namimilipit sa sakit nito." sagot pa ni Tata Karding.

Nang ilang segundo pa ay tumirik ang mata ni Inna  at biglang namula saka matalim na tinignan si Maverick.

"Inna are you okey..."

Ngunit seryosong seryoso si  ang mukha ni Inna at bigla itong ngumiti.

"Isa naba akong Light?"  Maligalig pa niyang tanong sakanila.

"Oo Inna."

Kaya naman tuwang-tuwa ang dalaga na malaman na nagtagumpay sila sa prosesong sinagawa.

"Halika na iligtas na natin ang kaibigan ko."

Pagpapaalala pani Inna kay Maverick bahagya naman tumango si Tata Karding sakanila.

"Mag iingat kayu, At iuwi niyong ligtas si Athena."

"Salamat po Tata Karding..."

Saka sila mabilis na umalis na parang Hangin na napadaan lang.

***

Athena P.O.V

Sakabilang Banda walang tigil na sumisigaw si Athena.

"Tulong!" paulit-ulit na sigaw niya.

"Manahimik ka!!" biglang sulpot ni Merna at sinampal siya.

"-Kahit anong sigaw mo walang makakarinig sayu!" sabay labas ng pangil nito.

"I-ikaw! Ikaw ang pumatay kay Yana at sa Mama ko!!" Galit na sabi ni Athena sakanya.

"Inaamin kona, Oo ako ang sumipsip sa lasang lupang dugo ng mama mo! pero sa kapatid mo hindi ako." Nakangiting demunyong pagtatapat pa nito.

"Sinungaling ka! Nakasalubong kita sa Araw ng pagkamatay ni Yana!"

"Nasa sayu kung paniniwalaan mong ako ang pumatay." Aalis na sana si Mern ng biglang

Pinigilan siya ni Athena.

"Sandali! kung hindi ikaw ang pumatay kay Yana. Sino?" Nagtatakang tanong pa niya.

"Sino pa kundi ang pinaka-mamahal mong kaibigan walang iba kundi, SI INNA."

Si Inna...

Si Inna...

S-si Inna pumatay sa k-kapatid ko...

"Nagbibiro k-kalang Diba? I-isang Bampira ang pumatay kay Yana at hindi isang tao! At K-k-kaibigan k-ko!!!" naiiyak na pagtatanggol ni Athena at nalilito din sa mga sinabi ni Merna.

"Ha! Hindi ako ang tipong nagbibiro at Gumising kasa katotohanan! Nagkalat ang bampira sa mundo. Hindi mo alam na ang mga taong nakakasalumuha ay mortal o isang immortal, Athena. Dahil kaming mga bampira magaling mag balat kayo at maglinlang ng isang kagaya mong mortal." Nakangising paliwanag ni Merna.

"Sinungaling ka! hindi bampira si Inna. Matagal na kaming mag kakilala at Alam Kong Kahit maging isang Bampira man siya hindi niya yun magagawa!" Bahagyang naluluhang sagot ni Athena ayaw parin niyang paniwalaan ang sinabi nito.

"Kilala mo na ba ang totoong pagkatao ng kaibigan mo?"

Bahagya naman napatigil si Athena dahil sa TANONG niya...Kilala niya na nga ba ng lubusan ang kaibigan niya na naging Kapatid na ang turingan nila.

Umiling iling pasiya upang iwaksi ang sinabi ni Merna.

"Merna." Biglang dating pa ni Wilfred.

"Pinuno."

"Masyado pang maaga para ipaalam mo kay Athena lahat, at wag mo akong papangunahan at baka hindi mo magustuhan ang magawa ko saiyo." May bakas pa ng pagbabanta sa tono nito. 

"P-paumanhin, Pinuno." Yumuko lang lamang si Merna at mababakas ang takot nito.

"Alis!"

Pagka-utos niya biglang pagkalaho naman ni Merna sa harapan Nila.

"Wilfred anong sinasabi ng babaeng yun?" 

Nagtatakang tanong pani Athena Kay Wilfred ngunit Hinawakan lang lamang siya nito sa pisngi saka marahan na inamoy ang dugo na kay Bango.

"Bakit mahal ko?"  Pagtatanong pabalik ni Wilfred sakanya sa tono ng paglalambing.

"Ano ba bitawan mo ako! ano bang balak mo sakin Ha!" Nagpupumiglas pang sabat ni Athena.

"Balak kitang gawin na maging Reyna ko."

"Hah! Asa kapa hindi yun mangyayare Wilfred!"

Bigla siyang hinawakan ni Wilfred ng marahas sa panga.

"Kapag gusto ko nakukuha ko! Tandaan mo yan Athena—"

*Booooooshshhshshshhshs*

*Booooooggsshshhs*

*BooooOoMmmm*

Biglang nagkakagulo na sa labas ng kampo ng mga Dark.

"Pinuno.."

Nagsisigawan na ang  iba niyang kasamahan.

"Pinuno mawalang galang na sa pagputol ng pag-uusap niyo pero nandito sila Maverick." Pagpaalam pani Merna at naglaho uli.

Agad tinanggal ni Wilfred ang tali ni Athena at tinutukan ng punyal.

"Paanong nangyari yun?" Bahagyang tanong pani Wilfred sa sarili saka lumapit kay Athena.

"Wag kang gagawa ng ano mang ikakagalit ko Mahal ko. Kundi patay ka." bulong ni Wilfred kay Athena.

***


Inna P.O.V

Hinarangan ni Merna si Inna sa gagawing paglusob nito sa loob.

"Saan ka pupunta."

"Nasan si Athena?!" Tanong pani Inna ngunit imbes na sagutin nginisihan lamang siya nito.

"Isa kana palang ganap na Bampira. Congrats."

"Huli kana sa balita Gurl at sabi pa nga nila na ang bagong bampira ay mas malakas pa kesa sa Old ones." Pamimilosopa pa ni Inna at ngumisi.

"Makaluma man ako pero alam mo rin ba na ang mga bagong bampira ay tinatakwil na ng kanilang mortal na kaibigan." Sagot pa ni Merna na may demunyong ngiti bahagyang nawala naman ang ngisis ni Inna sa labi.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtataka na tanong ni Inna.

"Bakit dimo sabihin sa kanya na ikaw ang sumipsip sa 
mabangong dugo ng kapatid niya." Dagdag pa ni Merna.

Sumugod bigla si Inna at nakalmot si Merna sa mukha.

"Hindi yan totoo! ang sabi ni Tata Karding  alas dose ng hating-gabi hanggang alas tres lang ako nagiging masamang Bampira, Namatay si Yana ng hapon at nakasalubong ka mismo ni Athena, wag mong ibibintang sakin ang kapangahasan  at kagagawan mo!"

"HAHAHAHA.."

Tinawanan lamang siya ni  Merna saka naglaho at biglang sa isang iglap lang nasakal na siya nito.

"Maaring alas dose hanggang alas tres ang bisa ng pagiging Bampira mo. Pero habang tumatagal na naghihinog rin ang dugong dumadaloy sayu at nung araw na yun pupunta ako dun para sana kunin si Athena pero iba ang nadatnan ko nakita kitang sumisipsip sa katawan ng Kapatid niya hinayaan kong gawin mo yun at pinalabas sa lahat na ako ang pumatay sa kapatid niya pero ikaw ang yun Inna ang pumatay sa Kapatid ng kaibigan mo!"

Nakangising pang saad ni Merna, Kaya naman parang nanghina si Inna sa narinig. Bumilis din ang tibok ng puso niya sa kaba at sa galit saka pagkasuklam na matatanggap niya mula kay Athena.

Kaya naman nagkaroon ng pagkakataong si Merna na saksakin si Inna .

Ngunit  agad siyang naligtas ni Maverick bago pa siya masaksak ng punyal kundi patay na siya sa mga oras na yun.

"Inna ano ba!?" Tawag ni Maverick sakanya.

"M-maverick, A-a-ako..." sabi lang ni Inna na parang hinahabol ang paghinga habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Siya ang pumatay sa kapatid ni Athena." sabat ni Merna.

"Manahimik ka!" sigaw ni Maverick at agad itong sinakal ng pagkalakas.

"P-pinu....no..."  Hinding makahinga na sabi ni Merna

Namumula ang mata ni Maverick sa galit.

Maya maya ay tuluyan na ngang nawalan ng malay si Merna dahil sa pagkasakal nito hindi niya alam kung patay naba ito o hindi.

Saka niya nilapitan si Inna na nakatulala lang sa gilid Hindi ito kumikilos pero patuloy lamang sa pagdaloy ang kanyang mga luha sa Maya nito.

"Inna hanapin na natin si Athena."

"P-pano kung, A-ako nga ang pumatay kay Y-yana?"

"Inna. Maiintindihan ka ni Athena."

"H-h-hindi eh.. hindi.. galit at sinusumpa na niya ang mga Bampira at isa na ako dun."

"Kung ganun dito ka muna.. hahanapin ko si Athena, Alam kong maiintindihan ka niya Inna dahil kaibigan ka niya at importanteng tao sa buhay niya."

Pagpalakas loob pani Maverick sakanya saka tinap pa siya nito ng bahagya sa balikat.

Iniwan na siya muna ni Maverick at naglaho nalang ito na parang Bola.







A/N: The End






Charing don't forget to vote mga kabhebheluvs and also Happy 900+ followers♡(> ਊ <)♡

Power!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top