Chapter 7: Alive again

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎

𝗗𝗔𝗩𝗜𝗗'𝗦 𝗣𝗢𝗩

"Rachel, kain na." pagkuha ko sa atensyon ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Nasa canteen na kami ngayon at kumakain.

Sumulyap lang naman sya sa'kin at saka tipid lang na ngumiti. Ginalaw nya yung plato nya na may gulay at kanin at saka wala sa sariling sumubo.

Malungkot na pinagmasdan ko sya.

Sa totoo lang, nag-aalala na talaga 'ko tungkol sa kanya. Parati na lang syang ganito. Wala sa sarili, madalas tulala. Ibang-iba na mula sa Rachel Joy na nakilala ko noon.

"Kung may gusto kang sabihin, just remember, andito lang ako ah." I gaze upon her and gently held her hand.

Tumingin lang naman sya ulit sa'kin at saka pilit na ngumiti. "Thank you, David."

Gumaan naman na ang loob ko dahil ron, kahit konti.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa tumunog na ang bell. As usual, sabay ulit kami sa pagbalik sa room for the afternoon classes. But this time, it's different and unusual. Magmula kasi ng maging distant si Ruth kay Rachel, kami na lang lagi ang nakikita ng lahat na magkasama.

Yea, andyan naman minsan sila Stella, yong clubmates nya, pero dahil nga nasa ibang section sila, bihira lang ren na makasama namin sila.

Honestly, I'll admit it, na magmula nong naging madalas na nagkakasama kami, parang ang araw-araw sa'kin ay tila paganda ng paganda. Rachel brings me this unique kind of joy na lagi kong hinahanap-hanap sa kanya na wala sa iba. At di ko alam, pero para talaga syang magnet eh, na kung saan lahat na lang taong mapapalapit sa kanya, ay hindi na gugustuhing humiwalay pa.

Gaya ko.

Nong first day of school pa lang, na-attract na'ko sa kanya. Bukod kasi sa maputi sya at maganda, may something interesting din sa kanya na makikita mo palang sa simpleng pagkilos at pagsasalita nya.

She's very modest. At nong araw na yon--ng makita ko syang nakatayo sa may pintuan--it feels like para akong nakakita ng bride. Nakasuot ng puting-puting dress at nagliliwanag ang mukha sa kagandahan.

That's why I approached her. Ayoko ng may mauna sa'kin na ibang lalaki.

That attraction continues day to day, to the point na pati sa pagtulog, e naiisip ko sya. Ewan ko ba, ang lakas talaga ng tama ko sa kanya. Pano ba kasi, sya lang itong tanging babae na nagparamdam sa'kin ng ganito. Yung pakiramdam na parang ang saya-saya mo kapag nakikita mo sya. Yung kahit makita mo lang syang sumulyap sa'yo, para ka nang mamamatay. Ganun! Ganun katindi.

But what I like more about it, is that.. hindi lang 'kilig' yung naibibigay nya sa'kin. Kasi.. may mas matindi pa! From the name herself, Rachel Joy---kakaibang joy ang pumupuno sa'kin kapag kasama ko sya. Kausap. Kakwentuhan. At Kakulitan.

Joy na ngayon ko lang naramdaman.

Magmula nung naglakas-loob ako na sumabay sa kanila ni Ruth sa paglunch sa canteen, don ko yun simulang naramdaman.

I discovered that pareho lang pala silang Christian. They are both close to God, specifically. At sa totoo lang, nakaramdam ako ng peace sa sarili ko dahil sa nalaman kong yun. 'Cause I know I'm with the safe people.

They talk and talk with me about their lives as a Christian at kung paano silang iniligtas Ng Diyos mula sa kadiliman.

Nong una, naguguluhan pa'ko dahil di ko magawang maniwala sa sinasabi nila na dati nga silang mga ganon. Makasalanan. Kasi ibang-iba sa nakikita ko eh, para na talaga silang mga anghel.

Pero as they explain it further, naconvince na rin naman ako. Yep, grabe.. ang galing lang nila magsalita. Nalaman ko na, we are all sinners. Walang tao ang hindi nagkasala. At dahil don, mapupunta tayo sa impyerno kung saan masusunog ang mga kaluluwa natin. But because of the mercy and great grace of God, niligtas Nya tayo. Namatay Si Jesus para sa mga kasalanan natin at upang ilipat tayo sa langit mula sa impyerno.

Honestly, that day was epic. Gusto kong maiyak kaso lang nireserve ko na sa bahay dahil nahihiya akong makita nila Rachel (haha)

Mula nong araw na yun, dumating ang maraming blessings sa buhay ko. Naging okay na kami ng daddy ko na matagal na panahon ko ring iniwasan dahil sa panloloko nya kay mama. Naging maayos na ang relasyon ko sa mga tao sa bahay, nawala na rin ang galit at hinanakit dito sa puso ko at higit sa lahat, natutunan ko ng magpatawad.

Sa tulong nila Rachel, naging malapit na rin ako sa Diyos, at nong mga panahon na yun, don ko talaga naexperience yung matinding pakiramdam na hindi ko pala kay Rachel naramdaman kundi sa Kanya.

She's just a channel of God's love . . . at lahat ng naiibigay na saya sa'kin ni Rachel ay nagmumula pala talaga sa Kanya.

That joy that I've experienced from Him is the best joy of all. Pinupunan nito yung mga pagkukulang ng mga taong nasa paligid ko... at hindi ito nauubos. Laging may supply, hindi gaya ng sa mundo na may limit lang.

I also learned how to be true dahil sa Kanya. Dati kasi, ako yung David na sobrang mapagpanggap. Ngumingiti kahit sobrang wasak na. Tumatawa kahit sobrang durog na.

I realized that God doesn't enjoy watching me like that. He hates lies. He only wants the TRUTH.

Kaya yun, isang gabi, iniyak ko sa Kanya lahat-lahat ng inipon kong sakit dito sa sarili ko. I let it go and let Him take all of it. At magmula non, para akong nakahinga ng maluwag dahil parang may mabigat na bato ang naaalis sa akin.

He guided me, and lead me after that night, at ayun, by His grace only---I have been restored.

Natutunan ko ng maging totoo sa sarili ko, at sa mga taong nakakakita sa akin. Nagkaroon na rin ako ng puso para sa kanila, at ginampanan ang tungkulin ko bilang isang responsableng class leader.

That's how the Awesome God changed my life! At hinding-hindi ko pagsisisihan na nakilala at tinanggap ko Sya sa buhay ko.

I am dead, but then He came . . . I become alive again.

-----

"David!" narinig kong sigaw ni Rachel sa'kin. Ngayon ko lang namalayan na nasa harapan na pala kami ng classroom ngayon at nasa loob na sya. Ako na lang ang nasa labas at nakatunganga roon.

Napapakamot sa batok na pumasok na ren ako sa loob. Hayss.. daydream pa David. Tsk tsk.

Nahuli ko namang napangiti si Rachel ng makita ang naging itsura ko.

♡︎-♡︎

'Wow Lord, ang saya naman makita nun.' bumibilis ang tibok ng pusong panalangin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top