Chapter 6: Broken Friendship

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎

𝗥𝗔𝗖𝗛𝗘𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Kasalukuyan ako ngayong kinakantahan nila ate. Katatapos lang naming magsalo-salo para sa kaarawan ko. At narito na kami sa sala nila mama para sa isa raw espesyal na regalo na ibibigay nila.

"Oh ayan, ginandahan ko pa boses ko ah, ewan ko na lang kung di mo pa yun nagustuhan." sabi sa'kin ni ate Sara na agad na niyakap ko naman.

"Wushu, naman ate, gustong-gusto ko kaya! salamaaat," naluluhang sambit ko.

Kinantahan nya kasi ako ng Still, eh yon pa naman ang favorite worship song ko.

"Oh sya sya, tama na yang drama, at ako naman ang magsasalita." sabi ni papa na ikinatawa ko na lang.

Bumalik ulit ako sa may sofa na inuupuan ko at saka nakinig na lang sa kanya.

"At dahil birthday ngayon ng isa sa limang magagandang anghel sa buhay ko.." tumingin sya kila Lea, ate Sara, ate Rebecca, sakin at kay mama. "Anak, para sa'yo to."

Tumayo sya saka may kinuhang malaking box sa likod ng sofa. Lumapit sya sa'kin at saka ito nakangiting iniabot.

"Happy 18th birthday 'nak. Gift namin 'to ng Heavenly Father mo sa'yo." parang kinurot naman ang puso ko dahil sa sinabi na yun ni papa. Huhu naiiyak ako.

"Thank you, pa."

"Buksan mo na."

"Sige po."

Dahan-dahan kong tinanggal ang balot nito at saka tumingin muna sa kanila bago ko ito tuluyang tingnan kung ano.

Napangiti naman ako ng malawak ng makita ko rito ang isang kulay pink na gitara.

"Woa, salamat po papa!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Thanks to Him, anak. Alam Nya kasi na pangarap mo rin na magkaroon ng sarili mong gitara, that's why He gave that to you."

Napa-pout na lang ako dahil sa saya at tuwa. Thank You Lord! ... sa wakas may pangworship na rin ako.. mas masasamba ko pa Kayo dahil may sariling instrument na ako hindi gaya ng dati na umaasa lang ako sa music na mula sa cellphone ko.

Haist. I take delight in the Lord, and now, He gave me the desires of my heart. (Psalm 37:4) Grabe!

Ganon pala yon noh.. na once na pinili mong maging satisfied at masaya na sa Kanya, as in yong kontento kana sa Kanya . . . kahit di mo hingiin, yung mga bagay na gusto mo, basta ba kalooban Nya, ibibigay Nya yun sa'yo!

"Oh sige! binyagan mo na yan!" biro pa ni ate Rebecca na ang tinutukoy ay yung bago kong gitara. Kaya naman sinimulan ko ng kapain ang strings nito.

"Anong song gusto nyu?" tanong ko pa sa kanila.

"Seek." nakangiting suhestyon ni Lea.

"Ano na lang, yung Fire Burns." sabi naman ni kuya Joshua.

"Wag yun! Broken vessels na lang, Rach." apela pa ni ate Sara.

Tss. Ano ba talaga mga kapatid?

"Hay nako, mabuti pa.. ikaw na lang ang pumili anak." pagtatapos ni mama ng usapan. Kaya napangiti na lang ako at saka bumuntong hininga.

Haist.

Sige, Million Little Miracles na lang.

Nagsimula na'kong magstrum ng gitara kaya napapikit na sila. Solemn lang kasi itong song na'to e.

I welcome the presence of God here in this place.

We worship You, Lord. Be with us this night po.

𝘈𝘭𝘭 𝘮𝘺 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘐'𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘤𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘨𝘳𝘢𝘤𝘦
𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘢𝘴𝘬 𝘮𝘦 𝘩𝘰𝘸 '𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘦𝘹𝘱𝘭𝘢𝘪𝘯
𝘐𝘵'𝘴 𝘯𝘰𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘩𝘰𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘢 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦 I'm 𝘩𝘦𝘳𝘦

𝘐'𝘷𝘦 𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘣𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘥𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦
𝘐'𝘷𝘦 𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘴 𝘣𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘩𝘰𝘸 𝘺𝘰𝘶 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯
𝘐𝘵'𝘴 𝘯𝘰𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘩𝘰𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘢 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦 I'm 𝘩𝘦𝘳𝘦
𝘐 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬 𝘪𝘵 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘵 𝘥𝘰𝘦𝘴𝘯'𝘵 add 𝘶𝘱
𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘪𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘣𝘰𝘷𝘦

Napatingin ako sa pamilya ko na kasama ko ngayong nagwoworship. Di ko mapigilang maluha dahil sobrang nakikita ko ang kabutihan Ng Diyos sa buhay ko.

A complete family. Maayos na tirahan. Nakakakain sa buong araw. Nakakapag-aral. Walang sakit. Sobra-sobra pa ang blessings na binibigay Nya sa amin.

Kung ito'y bibilangin, hindi rin kakayanin dahil sobrang dami talaga. Milyon-milyon.

𝘐'𝘷𝘦 𝘨𝘰𝘵 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴 𝘰𝘯 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴
𝘈 𝘮𝘪𝘭𝘭𝘪𝘰𝘯 𝘭𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴
𝘔𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴 𝘰𝘯 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴, 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘮𝘪𝘳𝘢𝘤𝘭𝘦𝘴,
1-2-3-4 oh 𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 them 𝘢𝘭𝘭

Sa totoo lang, lahat naman talaga tayo mapalad. Walang malas... kasi... may Diyos tayo na sobrang wagas kung magmahal.

May mga blessings sa buhay natin na hindi lang natin nakikita kasi nabubulag tayo.
Tulad ng pamilya. Mapalad ka kung may pamilya ka. It's a big blessing from above na dapat nating ipinapagpasalamat.
Kasi yung ibang tao, wala nyan. Gustuhin man nila pero wala e, wala talaga. Pero ikaw, meron ka! kaso lang dahil mas nakafocus ang isip mo sa iba pang mga problema, hindi mo yun nakikita at nawawalan ito sa'yo ng halaga.

Kaya importante talaga na wag tayong magfofocus sa mga problema eh, kundi sa Diyos lang. Dahil 'pag sa Kanya mo inilagay ang buong atensyon mo, puro kabutihan Nya lang at mga pagpapala ang makikita mo sa buhay mo. Instead of complaining to Him, you will learn thanking Him.

Tinapos namin ang worship sa sala sa isang panalangin bilang pamilya. Ramdam namin ang presence Ni Lord kaya ang iba sa ami'y naluha pa. Then after non, nagsimula na rin kaming magsipasok sa'ming mga kwarto dahil nagcountdown na si papa.

Haist. Salamat po Lord sa napakasayang araw na ito. I appreciate all of Your works po at ang mga pagkilos Nyo sa buhay ko at ng mga tao pong saaki'y Inyong ineregalo.

Salamat, Lord.

You are my most favorite gift, above all . . .

______________________________

School | 6:45 am.

"Good morning, Ruth!" masiglang bati ko sa kapapasok lang ng classroom na si Ruth. Namiss ko 'tong isang 'to.

"Hi, Rachel." tipid na bati nya sa'kin at saka dumiretso na sa upuan nya.

"Kamusta?" masigla pa ring tanong ko habang nakatingin sa kanya. Sumulyap lang naman sya sa'kin at saka.. pilit na ngumiti.

"Ok lang. Ikaw kamusta birthday mo?" sabi nya kaya nagsimula naman na'kong magkwento. Kinwento ko sa kanya yung mga naganap sa school kahapon nong wala sya, pati yung kakulitan ni Caleb at ang espesyal na celebration sa bahay.

Nakangiti naman sya habang pinapakinggan ito kaso lang.. para talagang may mali eh. May something wrong sa Ruth na kausap ko ngayon.

"Oh! grabe praise God! masaya 'ko na masaya ang bespren ko." nakangiting sabi nya pero ramdam ko na may halong sakit sa kanyang pagkakasabi nito.

Naisipan kong hawakan ang kaliwang kamay nya. Napatingin naman sya sa'kin at saka napakunot ang noo.

"M-May problema ba, Rach?" tanong nya sa'kin.

"Diba dapat ako ang nagtatanong nyan? may problema ka ba, Ruth?"

As I let that heavy question out of my mouth, para bang bigla syang naging mailap.

"W-Wala ah. Ba't mo naman natanong? Ok lang ako."

"But you don't look like you're okay." I confronted her.

"Rach, okay nga lang ako. Napuyat lang siguro 'ko kahapon." umiwas sya ng tingin sa'kin.

"Bakit? ano bang nangyare kahapon? hanggang ngayon wala ka pa ring sinasabi sa'kin tungkol ron. Ruth, ano ba talagang ginawa nyo sa ospital?"

My heart get broke ng mas lalo syang umiwas ng tingin sa'kin. Hindi ko alam, I really don't know kung bakit umaakto sya ng ganito. Gulong-gulo na'ko.

Nagsimula ng mag-ayos ang lahat ng dumating na ang teacher namin, kaya naputol na rin ang usapan namin na yun ni Ruth.

Magmula nang araw na yun, dun na rin nagsimula ang panlalamig ng pagkakaibigan namin. Hindi ko na sya nakakausap ng matagal gaya noon, at kung minsan pa'y hindi na rin sya sumasabay sa'kin sa pagkain sa canteen. Madalas si David na lang o di kaya sila Stella ang nakakasama ko. Sobrang nasasaktan na ako.

Ruth, ano ba talagang nangyayare sa'yo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top