Chapter 15: Special Day

🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎

RACHEL'S POV

Ang message na ipinadala sa'kin ay nasundan pa ng ilang mga mensahe in a poetic style sa mga sumunod na araw. Palagi ko itong ibinabalita kay Ruth everytime na nakaka-received ako nito sa cellphone ko. Maging sila Caleb ay nalaman na rin ang patungkol rito.

Honestly, hindi pa rin nawawala yung kaba ko sa tuwing nababasa ko ito, ayaw ko mang i-open na ito ngunit may kung anong nagtutulak sa'kin para buksan at basahin parin ito.

Until now, hindi pa rin namin nalalaman kung sino ang nasa likod ng mga threatening emails na ito. Nagpatulong na rin kami sa kaibigan ni Papa na may alam sa mga hacking-hacking at pagtrace ng mga ganito pero ang nasabi lang nya is matalino raw talaga yung nagpapadala nito sa'kin dahil ang hirap i-trace ng identity nya. Minsan, na-ooverwhelm na kami ng takot dahil rito, pero laging napapaalalahanan kami ng mga pangako ng Lord sa Bibliya... na wala naman talaga kaming rason para magpalamon sa takot, dahil mas malaki at mas malakas ang Diyos na meron kami. At yun na lang ang pinanghahawakan ko sa mga pagkakataong ito upang mapawi ang kaba rito sa loob ko.

Lumipas ang mga araw at linggo at namalayan ko na lang na magsa-siyam na buwan na pala 'ko sa paaralan na pinasukan ko. Malapit na rin kaming mag-Moving-up. At nakaka-lula lang isipin na naka-abot pa talaga ako sa puntong ito. Andami ng nangyari at nagbago sa buhay ko magmula ng pumasok ako rito. Mas lalong nahubog, lumago at maraming bagay pang mga natutunan. Pinagpapasalamat ko sa Diyos ang buhay ng mga kabataang nakilala ko sa loob ng paaralang ito. Hindi lang sila ang mga natulungan kong mabago ang buhay, kundi binago rin nila pati mismo ang buhay ko.

Ruth made me realize na dapat pala na maging mabuting ehemplo ako para sa mga kapwa ko Kristyano na mahina ang kalooban at naduduwag na ipaglaban kung ano ang totoo... Sa kanya ko natutunan na intindihin yung side ng mga gaya nya at magkaroon ng wisdom para i-handle at tulungan sila sa pag-cope sa mga takot at hiya nila.

Mas lumakas yung loob ko para tayuan ang faith ko kahit pa minsan nabibiktima rin ako ng kaba. Kasi nalaman ko na dahil pala ron sa simpleng pagkilos ko lang na yun, ay mayroong mga silent na Kristyano na nakikita ako at nagkakaroon din ng lakas at tapang ng loob para tayuan at ipaglaban rin yung pananampalataya nila.

Si David, sya yung kauna-unahang lalaki na na-win ko para sa Panginoon. Lahat kasi ng mga nadadala ko sa Panginoon ay mga kababaihan, at kung may lalaki man, for sure mga bata iyon... ngunit di ren naman talaga ako ang nakaka-win dahil assistant lang ako ng leader ng Kid's ministry which is ang ate Sara ko.

David is my breath of fresh air. Sa tuwing nakikita ko kasi sya na patuloy na lumalago sa Lord, daig ko pa ang bagong panganak na nanay. Ansarap sa pakiramdam na makitang may isang kaluluwang nabago ang nabuhay at tumalikod na sa dati nyang pamumuhay. Para bang may isang bagong sanggol ang ipinanganak sa mundo! At ang cute-cute nitong pagmasdan, nakakawala ng stress at nakakagaan ng pakiramdam. David thought to me how priceless is the joy of seeing a one dead lost soul being revived again by it's own Creator.

Si Caleb, ang ikalawang lalaki na natulungan kong makabalik sa Panginoon. He's no ordinary. Hindi gaya ng dalawang unang nabanggit ko ang isang 'to. Ang akala ko nga nong una, mabilis akong susuko sa kanya. His heart was hard. Puno ng galit ang laman nito at doon ako pinaka-nahirapan. But the Lord surprised me! Isang araw, namalayan ko na lang unti-unti ng lumalambot ito at nagiging posible na ang mga bagay na naiisip ko. God used Caleb's life to remind me na... hindi nga pala 'ko dapat tumingin sa mga bagay lang na magagawa ko, kasi magiging imposible talaga iyon. Bagkus, I must turn my sight into what HE can do. Kung sino Siya. And I was reminded that HE IS THE MASTER OF THE IMPOSSIBLE THINGS! The God of all flesh and the Creator of human hearts! At walang kahit na anong pusong matigas para sa Kanya.

I am really amazed on how He moved in Caleb's life. Sobrang saya sa feeling na makitang maka-uwi ulit yung tupang matagal na panahon ding naligaw sa kagubatan. At isang malaking honor yun para sa'kin na maging instrument Nya upang mangyari yun. It's my crown of rejoicing.

Marami pang kabataan ang ipinagpapasalamat ko na idinaan Nya sa buhay ko. Kasama na run sila Stella at ang buong Music Club na ngayon ay nadala na rin namin sa Kanya. Pati sila Rai, at ang mga estudyanteng naging bunga ng evangelism namin sa buong school. Ang mga classmates ko sa Room 666, at sila Aimy, Aaron at Zephaniah. Lahat sila naging importanteng bahagi na ng buhay ko. Buhay ko na inialay ko na sa Lord para lang sa paglilingkod...

---

"Uy! congrats! Sabi na nga ba ikaw ang Top 1 natin eh!" namula bigla ang pisngi ko dahil sa sinabing iyon ni Faith--na classmate ko--sa'kin. Nakatayo kami ngayon rito sa tapat ng malaking Bulletin board sa may labas ng classroom, at tinitingnan ang papel na kaka-post lang ni Ma'am Veronica na naglalaman ng listahan ng mga estudyanteng pasok sa Awarding.

Napatingin naman ako rito para siguraduhin kung totoo nga ba yong sinabi ni Faith at nakumpirma kong tama nga sya. Ako nga ang top 1 ng section namin.

"Yiiiiiieehhh!!! Congrats Rach!!! Ang galing talaga ng bespen kooo!!!!" nagtiti-tiling niyakap naman ako ni Ruth na halatang tuwang-tuwa.

"Ano ka ba! Glory to God! Hindi ko to kakayanin ng ako lang noh," nahihiyang sabi ko nalang. Mas lalong lumawak naman ang ngiti nya at saka mas niyakap pa ako.

"Ops! ops! ops! Anong kaguluhan to ha?!" sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita non at saka napatawa ng makita namin ang bagong dating lang na si David.

"Announcement day na 'tol. Biglaan nga rin lang eh na inannounce ni Ma'am." paliwanag sa kanya ni Kiefer na kaibigan nya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya after marinig ito.

"Patingin nga.. kasali ba'ko?"

Ayaw namin sya i-spoil kaya wala sa'ming sumagot.

Nang makalapit na sya sa may board, napangiti nalang ako ng makita ang saya sa mukha nya.

"Thank You, Lord!" mahinang sigaw nya at saka nag-air fist.

"Congrats bro!" narinig kong nagsi-bati na ang iba naming mga kaklase.

Top 2 si David. Nagulat nga 'ko kasi parang nagkapalitan kami. Sya dapat ang ang top 1 at 2nd or less lang ako. Pero thanks God parin kasi kahit di ko naman to hiniling, eh nilagay Nya parin ako rito. Hais. Panigurado matutuwa nito sila Papa.

"Congrats din sayo Ruth! Naks, tatlo tayong pasok! Celebrate na'tooo!!!" bati ni David kay Ruth na nakakuha ng place sa top 5. Natawa naman kami sa huling sinabi nya.

"Hahaha praise God, Vid! Buti nga pinalad pa'ko eh. Naabutan ko pa ang moving-up.."

We just replied Amen sa sinabing iyon ni Ruth.

Sya nga pala, good news!! Ruth has now been declared to be a cancer survivor! Oo, nawala na ang kanser sa baga nya! Gumaling sya sa di maipaliwanag ng mga doktor na dahilan, and it happened exactly the day na kung kailan dapat mamamatay na sya...

Nasa bahay lang nya kaming lahat nun kasama nila Stella at ng buong barkada pati na sila Papa para samahan sya sa huling araw nya. Nagkaroon kami ng malaking salo-salo, mga palaro at kwentuhan. Para na ngang birthday nya eh hahaha. Then yun, it's eleven pm ng i-akyat namin sya sa kwarto nya dahil sa bigla nalang syang nakaramdam ng pagod at panghihina. Sumasakit raw yung ulo nya at sumisikip ang dibdib. Isang oras namin syang binantayan that time and that's one of the most panicking hours I've experienced in my life dahil paulit-ulit syang umiinda ng sakit sa amin at sinasabing hindi na nya kaya...

But when the clock turned into twelve, at lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng doktor sa kanya, tila huminto ang lahat sa pagkilos at napatitig sa kinahihigaan nya. Buhay na buhay pa rin sya! At bigla na lang kumalma at natigil sa pag-inda sa sakit nya!!!

Tunay na napaka-dakila at makapangyarihan ng Diyos dahil narinig Nya ang mga panalangin namin at pinagaling Nya si Ruth mula sa sakit nya! Sobrang nagpapasalamat kami dahil sa nangyare.

Sa ngayon ay maayos na ulit ang kalusugan ni Ruth at unti-unti na ring bumabalik ang mga nalagas na mga buhok nya. She also now commited her life to the Lord at dinala na nya ang buong pamilya nya sa simbahan at sama-sama na sila rung naglilingkod ng buong puso para sa Kanya.

Nakakamangha lang isipin ng ginawa lahat ng ito ng Panginoon. Napakatindi at napakabuti Nya sa buhay ng kaibigan ko. At isang napakagandang testimonya ang nangyaring ito sa kanya para ibahagi at ipalaganap sa buong mundo kung gaano katotoo at kabuti ang Diyos na sinasampalatayaan nya.

---

Nagulat ako ng bigla na lang kaming inakbayan ni David habang pabalik na kami sa may loob ng classroom. Wala naman halos reaksyon si Ruth at tila normal lang ang ginawa nito.

Sumingit kasi si David sa pagitan naming dalawa at saka iyon ginawa. Tss. Medyo awkward sa pakiramdam.

"Celebrate tayo guys. San nyo gusto?" masayang sabi nya sa'min na agad namang sinagot ni Ruth.

"Kahit saan! basta ba libre edi game ako!!" natawa si David sa sinabi nya. Kiming tumawa lang naman ako.

"Ikaw Chel? Where do you want?" baling nya sa'kin. Napatigil naman ako saglit.

"U-Uh, kayo bahala, kung san kayo 'di dun na din ako," sabi ko na lang na mas ikinangiti naman nya.

"Hahaha di ka parin talaga nagbabago," he slightly laughed.

Para namang nakiliti ang dibdib ko matapos marinig ang tawa nyang yun.

A-Ang pogi.

Aish! Rachel! Ano bang mga pinagsasasabi mo??

Sinuway ko ang sarili ko at saka diniretso na lang ang tingin sa may unahan. Nang makarating na kami sa loob, nakahinga narin ako ng maluwag dahil kumalas na rin sa pagkaka-akbay si David sa balikat namin.

Hayss salamat.

Inayos ko yung uniform ko na medyo nagusot at saka dali-daling tumungo sa upuan naming dalawa ni Ruth.

"Oy Rach, okay ka lang?" biglang puna sa'kin ni Ruth na paniguradong napansin ang pagmamadali ko. Pilit na ngumiti ako sa kanya.

"U-Uh oo, ayos lang ako.." pagsisingunaling ko. Argh! Sorry Lord..

Tumango na lang naman sya bilang tugon at saka sabay na kaming naupo sa may silya namin.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa unahan kung saan naroroon at nakaupo ngayon si David katabi ng mga lalaking kaibigan nya. Hindi ko alam pero... ang weird ng mga nararamdaman ko ngayon. Feeling ko... N-nagkakagusto na ata ako sa kanya.

Hindi maaari!

Baka niloloko lang ako ng emosyon ko... Baka ganun lang siguro talaga sya makitungo sa mga nagiging kaibigan nya. Masyadong close at... sweet.

Yung mga nangyare kasing pag-akbay nya kanina sa'min, ngayon nya lang yun ginawa. At inaamin ko, bigla akong kinabahan dahil roon. My heart raced fast at alam kong hindi normal iyon.

Psh! Baka naman dahil lang yun sa pagiging babae ko?! Normal magrereact talaga ako kasi lalaki sya eh...

Pero... bakit naman si Ruth, hindi?

Haiz! Mapa-praning na ata ako!!


Lumipas ang mga oras at lutang lang ako buong klase. Nagdismiss si Ma'am Veronica ng konti lang ang nate-take note ko.

Haiz. Eto talaga problema sa mga lovelife-lovelife eh! Dahil dyaan, nawawala tuloy sa focus ang mga estudyante...

Humungko na lang ako sa armchair ko dahil sa sakit ng ulo. Nahihilo ako. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko para sa lunch ngunit ako ay nagpa-iwan. Sinabi ko na lang kay Ruth na dalhan nalang nya'ko ng pagkain rito sa room. Ayokong makasabay silang dalawa sa canteen. Lalo na si David.

Maya-maya pa, napa-angat na lang ako ng ulo ng biglang nag-beep ang cellphone ko, meaning may nagnotif. Kinuha ko ito agad sa bulsa ko at saka ito binuksan.

Bumungad sa'kin ang isang email. Biglang naglaho ang pagkahilo ko pagkakita ko rito.

Kunot-noong clinick ko iyon at saka bumungad sa'kin ang isang message...









Death is near, miss poor little girl
Cries and agony I now hear it well
Prepare for yourself for that special day
My devils are longing, excited for you to get slay


Bigla akong napa-hinto.

A-Ano na naman ito??!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top