Chapter 14: Unknown Threat
🅸︎🅼︎ 🅽︎🅾︎🆃︎ 🅰︎🆂︎🅷︎🅰︎🅼︎🅴︎🅳︎ ✞︎
𝗥𝗔𝗖𝗛𝗘𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Katatapos lang namin mamigay ng Gospel tracts sa may Grade 12 Department; at pabalik na kami ngayon sa mga classroom namin. Kasama ko ngayong naglalakad dito sa aisle sila Stella at Ruth, habang yung mga boys naman ay nasa likuran lang namin.
"Kamusta pala Rach yung estudyante na napigilan nyu magsuicide nong isang araw?" narinig kong tanong ni Rai sa'kin. Nilingon ko naman sya para sagutin.
"Ah, si Zephaniah? ayun.. praise God kasi mula ng masheran namin sya ni Ruth about sa Salvation, nakakapagpatuloy naman sya at pati na rin yung bestfriend nyang si Aimy. Sa Sunday nga, sinabihan nila 'ko na gusto nila umattend sa church. Glory to God!"
Natuwa naman sila ng marinig iyon. "Grabe, Amen. Akalain mo yun noh? mamamatay na sana sya nong araw na yun pero, matindi talaga kumilos ang Lord! Kita mo ngayon, nakakapagpatuloy na ulit syang mabuhay at hindi lang yun! nabubuhay na sya ngayon para sa Panginoon!!" manghang sambit sa'min ni David na sinang-ayunan naman naming lahat. Yes Amen!.. Matindi talaga bumago ng buhay ang Diyos!
"Pero alam nyo guys, kung may isang narealize man ako don sa pangyayaring yun, siguro yun is.. dapat pala talaga handa tayo palagi bilang mga lingkod ng Lord. We should be available always para magpagamit sa Kanya? Kasi kung siguro nong mga time na yun, nanlalalamig ako sa Kanya at etong si Ruth, hindi sana namin maipapagamit yung mga buhay namin para mailigtas ang kaluluwa ng estudyanteng iyon. Kasi.. a broken vessel can't possibly be used by God. Dapat buo ka at hindi sira. Kasi hindi mo maisasalin ang grace at blessing e mula sa Kanya kung ikaw mismo mas may nangangailangan pa nito, diba? Mapupunta lang yun sayo lahat at hindi mo makakayang isalin sa iba. Pero buti na lang talaga kasi ayos naman ang spiritual life namin nong time na yun kaya nagamit Nya kami at nailigtas ang kaluluwang iyon mula sa tiyak na kapahamakan." pahayag ko sa kanila. Napansin ko naman ang iba't ibang reaksyon nila na tila nalungkot sa mga naunang sinabi ko at masaya naman yung iba dahil sa mga nahuling nasabi ko.
"Tama ka dyan, Joy. Salamat at narebuke ako dahil sa sinabi mo." napangiti na lang ako kay Caleb na nagsalita noon.
"It's important talaga na we Christians are always ready to be used. Hais...pero sadly, hindi lahat sa atin is handa talaga. Most of us are bagsak ang spiritual life at ang compromising pa sa mundo." malungkot na sambit naman ni Stella. I can't say anything regarding to what she've said kasi, totoo naman kasi talaga. Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa 'tong mga kailangang-kailangan ng mundo ay sila pa 'tong mga mas nangangailangan pa ng tulong. Hais.
"Pero guys.. nakalimutan na ba natin na we have a Sovereign GOD? Tiwala lang! hindi Nya hahayaan na manatiling ganito ang bawat isa sa atin. Hangga't may isang Christian na patuloy na lumalaban, madadamay na ang lahat ng apoy na ibinibigay sa Kanya Ni God. Hindi papayag ang Lord natin na hindi maipapasa yung apoy na yun sa isa pang kandila. Liliyab yun ng liliyab hanggang sa masindihan na muli ang lahat, at muling magliliwanag. Hindi tayo mga talunan. Tinawag tayo para makabahagi Nya sa walang hanggang katagumpayan. The Cross has finished everything, remember?"
Tila nabalik naman ang mga fire sa puso namin dahil sa matinding encouragement na sinabi na yun ni David. Eto talaga kagandahan ng may mga kasama kang kapwa mo Christian eh... 'pag may isa sa inyo na nanganganib ng bumagsak, may mga kasamahan syang sasalo sa kanya. At pag sya naman yung bumagsak, may mga tutulong rin sa kanya upang tumayo at bumangong muli. Saluhan lang ganun. (Galatians 6:2, Ecclesiastes 4:13)
Nagsimula na rin kaming maghiwa-hiwalay ng daan dahil sa magkakaiba naming section at classroom. Nagpaalam na sila Stella at ang grupo ni Caleb sa'min at dumiretso na sa classrooms nila habang kami namang tatlo nila Ruth at David ay dumiretso na rin sa classroom namin. Sa room 666.
Magmula ng magkaroon ng class evangelism rito ay tila nagbago na rin ang ihip ng hangin sa buong loob. Nabawasan na ang mga pasaway sa klase at naging mga masayahin na rin ang mga classmates namin.
Sa tulong Ni Lord, na-lead namin sila sa mabuting landas at sa daan ng pagbabago. Naging isa itong challenge para sa'min nila David dahil mahirap rin talaga na mag-lead ng mga kapwa kabataan sa Panginoon. May mga times na mapapagod ka at gugustuhing sumuko na lang, pero dahil sa mahal mo sila at mahal sila Ni Lord, pipilitin mong magpatuloy sa kabila ng lahat. Sakripisyo talaga ang mukha ng pag-ibig. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi ka naman marunong magsakripisyo para sa kanya. Ika nga, sacrificing is loving, and loving is sacrificing.
Saktong pagka-upo namin sa mga upuan namin ay ang syang pagpasok naman ng subject teacher namin mula sa pintuan. Bumati kami sa kanya at saka kalaunan ay nagsimula na rin syang mag-lecture.
Mabilis namang lumipas ang oras at namalayan ko na lang, dismissal na.
"Uy guys, mauna na kayo ah. May hihiramin pa kasi ako sa Library para sa assignment sa'tin ni Sir kanina," paalam sa'min ni David ng makatayo na kami sa mga upuan namin.
Tumango nalang naman kami sa kanya bilang tugon.
So ang ending, kami lang dalawa ni Ruth ang magkasabay na uuwi. Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng pinto habang nagkekwentuhan.
Maraming estudyante kaming nakakasabay at nakakasalubong, marahil ay uwian na. Last subject na kasi yung subject kanina.
Pagkarating namin sa may tapat ng locker room, tumigil muna kami saglit para may kunin. Binutbot ko yung susi ng locker ko sa'king bulsa at saka binuksan iyong sa akin.
Locker 88.
Kinuha ko roon ang personal Bible ko na maliit lang at saka itinago ko iyon sa ilalim ng palda ko. Ito lagi ang diskarte ko kada papasok ako rito sa school. Para maipuslit ko sa loob yung Bible ko, itinago ko ito rito sa loob ng skirt ko para ligtas mula sa checkpoint o pangangapa ng guard sa gate. Buti na nga lang kasi puro lalaki yung mga security guards dito sa school e, kaya effective yung diskarte ko.
Actually malaki talaga yung totoong personal Bible ko, pero dahil nga sa mga rules dito sa school, sinuggest ni Papa na yung maliit nalang na Bible ang dalhin ko para madaling itago. At ayun, totoo nga naman. By God's grace, until now wala paring nagrereport laban sa'kin.
"Rach, ano? okay ka na?" bungad sa'kin ni Ruth pagkagaling nya sa locker area nya. Ngumiti lang naman ako rito as a reply at saka isinara na ulit yung locker ko. "Tara,"
Sabay na kaming naglakad palabas habang sinisiguradong nakatago na talaga yung Bible ko sa palda ko. Mahirap na, baka kasi bigla na lang mahulog sa daan habang naglalakad.
Malapit na kami sa pintuan ng bigla na lang bumalik sa gunita ko ang mga nangyare noon sa'kin dito sa lugar na'to.
First day pa lang nagkaroon na agad ng aberya sa pamamalagi ko rito. At hindi ko malilimutan yung araw na yun kung kailan muntikan na'kong mapatalsik agad sa loob ng paaralang ito.
Yun lang naman yung araw kung kailan nakabanggaan ko ang may-ari netong school na'to. Si Mr. Robert Faustino.
Sa kakamadali ko, di ko namalayang asa harapan ko na pala sya at nagkasalpukan kami. Nabitawan ko yung Bible ko sa sahig at tiyak na nakita nya iyon dahil sa bakas ng gulat na nakita ko sa mukha nya. Pero ang ipinagtataka ko lang hanggang ngayon ay kung bakit hindi nya ako sinigawan o pinagalitan man lang dahil roon. Tila wala syang nakita dahil sa mga sumunod na araw na walang nangyare sa'king masama.
I expected that I'm gonna be doomed matapos nun, but it didn't. Naging mapayapa pa nga ang naging journey ko sa loob ng school na ito matapos nung araw na yon.
Well, ganun siguro talaga kapag may Lord ka sa buhay. Lagi kang protektado at hindi ka maaano ng masama. Trully, He is our Refuge and peace.
Pero nasagi rin sa isip ko na... baka kaya dahil pakiramdam ko parang walang nangyayareng masama at parang tahimik ang kalaban ay dahil naghahanda lang ito ng maigi para sa matinding pagkilos nya sa bandang huli? Ika nga nila, wag tayong magtitiwala sa katahimikan ng paligid, dahil minsan ang ibig sabihin ng katahimikan ay may paparating at nagbabadyang kapahamakan. Mas matakot tayo 'pag silent ang kalaban...
Nasa hallway na kami ni Ruth palabas ng gate ng bigla na lang nag-beep ang cellphone ko, senyales na may nagnotif.
Binagalan ko ang paglakad at kaagad na kinuha iyon sa bulsa ko. Napahinto rin saglit si Ruth at saka pinanood ako. Ini-open ko yung phone ko at saka clinick yong notification na bumungad rito...
Unknown Sender
You don't know me but I know you
Maybe you hate me but I more hate you
I know all you have done, and honestly, I consider it all just a waste of time
How far can your faith will go?
Can you still fight for the God you know?
I beg you won't, you weak little girl
Death is your fate, I'm sure it will
The victory is mine, you better give up
All the worthless you do, decide it to stop
Joy is for me! and ofcourse the last laugh
You poor little girl, you've entered my trap
Tila napako ang mga paa ko sa semento pagkatapos mabasa ang mga ito. Napansin ni Ruth ang weird na di pagkilos ko kaya agad nyang kinuha sa'kin yung cellphone ko at binasa rin ang nakasulat rito.
"Rach, ano 'to?" tanong nya matapos itong mabasa.
"Kanino 'to galing? kilala mo ba?" dagdag pa nya.
Wala naman akong kibo dahil wala rin akong maisagot sa kanya.
Hindi ko alam.
Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganoong klaseng email. I can't explain the feeling. Hindi naman dapat, pero nakakaramdam ako ng takot at pangamba.
"Sa tingin mo? sino naman kaya ang maglalakas-loob na sendan ako ng ganyan?" balik kong tanong kay Ruth na ikinatigil naman nya. Tila napa-isip sya saglit.
"I don't know, pero baka isa sa mga persecutors nyo sa church?"
Napa-iling ako. Hindi maaari. Edi sana sila Papa ang sinendan at hindi ako.
At saka base ron sa mga salita nong nag-send, parang kilalang-kilala nya talaga ako. Marami syang alam sa bawat kinikilos ko at nakamasid sya sa'kin palagi.
Naramdaman ko ang paglapat bigla ng mga palad ni Ruth sa likuran ko at di kalaunan ay niyakap nya ako.
"Wag kang matakot, Rach. Kaya mo'to. Kaya nyo'to Ni Lord!" bulong nya sa tenga ko habang hinahagod ang likuran ko. "That's just a human. May Lord tayo, remember? Walang magagawang kahit na ano ang mga tao laban sa atin. He is with us, so nothing can be against us." pagpapalakas nya ng loob ko.
"Salamat, Ruth." tumikal kami sa pagkakayakap at saka inayos muli yung mga sarili namin.
"Let's pray for that." sabi pa nya habang nakatingin sa cellphone na hawak ko. She's referring to the message sender. "Kung sino man sya, I'm sure our God know who s/he is. At Sya na ang bahala na kumilos sa buhay nya. But rest assured, We--and especially you--are safe in His great and mighty arms." kahit papano'y nabawasan ang bigat at kaba sa dibdib ko dahil sa mga sinabi na yun ni Ruth.
Yes, tama sya. Wala naman talagang dapat na ikatakot ang mga anak ng Diyos sa mundong ito. Dahil pinangako sa kanila ng kanilang Dakilang Ama na hindi Nya sila iiwan ni pababayaan man. Sya ang lalaban para sa kanila. At walang kahit na anong bagay ang makapaghihiwalay sa kanila mula sa pag-ibig Nya. Ni ang kamatayan man.
Nagsimula na ulit kaming maglakad papalabas ng gate matapos kong ibulsa yuong phone ko. Hindi naman na ito muling tumunog pa, kaya nakampante na'ko.
Ngunit sa gitna ng mga paghahaka-haka ko patungkol sa nagbigay ng mensaheng iyon, tila may isang pangalang biglang sumulpot sa naguguluhang isipan ko....
Hindi ko alam pero,
Posibleng kayang si Mr. Faustino ang nagpadala ng sulat na iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top