IL9
Brother
I was so devastitated yesterday up until now. Lucky its monday, may pasok. Hindi ko sila makikitang masaya dahil bumalik ang isa pang favorito nila.
I did not know, kung bakit pa siya bumalik. Hindi naman sa ayaw ko pero sa tagal ng panahon bakit ngayon pa? After Kuya Eurion death, he leaved in the Philippines and live in Canada for 14 years. And now his here, having a vacation.
Is there something na gusto niyang balikan or mangyari? Sa mga naiisip ko mas lalo akong kinakabahan sa mga posible ma mangyari. Dahil for sure damay ako dyan hindi pwedeng hindi ako damay.
I'm my familys' black sheep anyway. Kaya there's no reason for being excepted, sa mga pwedeng mangyari.
Pero hindi yun ang dapat kong gawin ngayon. I need to focus on my study, if I'm not. Another reason for them to hate me. At yun ang iniiwasan kong mangyari sa ngayon dahil, another sibling of mine went home yesterday.
Too much presure now in my system. I need to calm kung hindi, baka bumagsak ako.
Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase namin. Next subject na, kung hindi ko pa sila nakitang nagsisi-alisan nako, baka mawalan na naman ako ng upuan sa susunod na klase namin.
Kaya madali akong nagligpit ng gamit ko saka sumunod sa kanila. Nasa may hulihan nila ako, papunta sa third floor kung saan next na klase. I remain silent all the way to our next room, while my classmate was so energetic. Napapagalitan pa nga sila eh.
Habang paakyat kami sa third floor, may nahagip ako ng mata ko. I see my Kuya here at our school. But I'm not sure though it was a fast scene. Nang wala na akong marinig na ingay, saka lang ako natauhan na nakaakyat na sila.
'Patay!' Sigaw ko sa isip ko at nagmadali na umakyat baka sakali may upuan pa. Kinabahan ako ng husto dahil terror ang next subject teacher namin. Buti nalang nakasara pa yung room. May pag asa pa.
Nag antay kami bago dumating yung prof. namin. Bago pa mabuksan yung pinto nakipagsiksikan na kaagad ako, takot na mawalan uli ng upuan.
Nang mabuksan na ito deretso kaagad ako sa dulo. Sa favorite spot ko, para makatulog kung sakali hahahaha.
Inantay na makapasok ang lahat bago magsimula ng klase. Kagaya kanina hirap akong makinig sa prof. dahil sa daming pumapasok sa utak ko na naiimagine kong mangyari. Buti nalang may emergency meeting kaya maagang natapos ang klase namin.
Lunch time, same spot. Nasa may silong uli ako ng punong mangga na tambayan ko. Naka indian seat, nakapikit na dinadama ang sariwang hangin.
Ngunit ng buksan ko ang mga mata ko, isang imahe ng tao ang naaninag ko. 'Kuya!' Gulat kong saad ng makita ko siya sa di kalayuan sa kinauupuan ko. Pero ng kinusot ko ang mga mata ko para mas lalo kong maaninag.
Biglang nawala, di kaya namamalikmata lang ako? Baka nga Devi, aba himala kapag naandito yun.
Epekto ata ito ng walang kinain na almusal tapos kasabay nitong lunch. Napailing na lang ako saka sumandal sa puno.
Bigla naman may mga alaalang pumasok sa isip ko. That place, no!
Bigla akong napatayo dahil sa naalala ko. Nakatulog pala ako sa kinauupuan ko. Lah, malapit ng mag time. Mabilis akong tumakbo papunta sa building next to our building. Sa unang klase namin sa hapon.
Hinihingal akong nakaabot sa may pinto ng room namin. Akala ko start na pero, isang eksina ang nakita ko.
Natulos ako sa kinatatayuan ko, I know wala na sa akin yung nangyari back then. Pero yung sakit andito pa rin. Napakagat labi ako para hindi makapag ingay.
Pero kabaligtaran ng mga ka block mate ko. Their were cheering them, chanting ' Ayieeee!', ' Isa pa', like duh were in the school.
Buti nalang may bumangga sa akin para matauhan ako. Kaagad akong pumunta sa likod kung saan ako nakapwesto. Parang multo na dumaan hindi man lang nakita ng iba. Pero ayos na yun, kisa makita nila ma issue pang hindi pa nakamove on.
Iilan lang ang nakaalam non,pero nakakatakot na malaman ng iba. Baka mabully na naman ako. Tama na ang pagiging outcast ko. Okay na ako doon kisa ang mabully ng paulit-ulit, physically, mentally and verbally.
Buti na lang dumating na yung prof. namin,napigilan ang landiang magaganap live na live dito sa room namin. Buti nga sa kanila hahaha for sure nabitin siya. Buti nalang never kung binigay sa kanya yun. Nakakapansuspect kasi yun time na yun kaya hahaha asa siya.
The discussion was smooth, maaayos na naipaliwanag lahat ni Ma'am sa amin. Sa lahat ng teacher namin, siya lang yung mabait na, magaling pa. Hindi ko naman sinasabing hindi magaling yung iba. What I mean is the way na mag explain sila.
Pero yun ang akala ko, nakakainis nga naman. Tahimik na ako dito sa likod ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. Kumindat pa ang loko, aba akala niya papatulan ko pa siya. Utot niya, inirapan ko lang siya saka diretsong tumingin sa harap.
Kahit anong pag papansin ang gawin niya, never na akong mauuto sa galaw niya. Tsk... matapos siyang makipaghalikan harap-harapan may gana pa siyang lumandi. Aba putakte yan, kapal ng mukha.
Kaya hiniling kong matapos na ang klase na ito. Feel ko kukulitin na naman ako nan. Palibhasa kasi talo siya sa akin. I the winner and he is the loser. Di yata makaget over doon. Napatapak yung ego niya, well I'm npt that stupid ko not think na isang pustahan lang yun.
Gago siya to the highest level. Ako pa talaga eh no hahahaha.
One-Two-Three-Four- and
"Okay class dismiss"
Muntikan pa akong mapasigaw sa sinabi ni Ma'am buti na lang nakapagpigil ako. Madali kong inayos lahat ng gamit ko saka kumaripas ng alis. Mahirap ng maabutan nong loko na yun.
"Ha! ha! ha!" Hingal ko ng tumigil ako sa kabilang building, buti na lang vacant ko. Tsaka hindi ko siya kaklase sa next subject.
Accountancy kasi ako siya naman Business Ad. May mga minor subject kami na magkaklase kami. Buti nalang major sub. nila next class nila. Hahahaha I'm safe from the fuckboi.
Normal uli akong naglakad papunta sa tambayan ko. Magpapalipas ng oras, para sa next subject. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humarang sa akin.
Oh no the bitches queen. Ano naman pakay sa akin ng mga ito. As far as I know, I don't have any busy to talk with them.
Masamang tingin kaagad ang pininukol nila sa akin. Para may ginawa na naman akong kasalanan sa kanila.
"Devi! Devi! the outcast. Alam mo ba kung bakit kami nasa harap mo?" Maarte niyang tanong sa akin.
"Malamang hindi" Bored kong sagot sa kanya. Tsk... kahit bitch ka pa dito sa school isang suntok ko lang tumba na ito. Nanlaki ang mata niya sa sinagot ko. I mentally roll eyes on her. Duh! ngayon lang ba siya naka encounter ng taong sumagot sa kanya ng ganito. Ang weak naman pala ng grupo nila.
"What did you say?" Gulat niyang tanong sa akin. Nako, Belle maganda ka sana pero bingi naman.
"I'm not going to repeat myself, so If you don't have to say. Excuses me, get out of my way. Your blocking me with your retoke face!" Maldita kong sagot sa kanya bago nag flip hair tsaka siya binangga. Ayaw tumabi eh, ang ayaw ko sa lahat yung inaaway ako ng hindi handa.
Kahit ganito ako, I know how to defend myself from ugly creature. Akala niya siya lang pwedeng mag taray dito no way. Hindi porket outcast ako dito, pwede na nila akong tapakan.
Kaya ko din maging masama kung kinakailangan. My other side will out if I'm in the life and death situation. May bad side din ako, at hindi ko yun ikakaila.
Lahat naman tayo may bad side eh, nasa atin na yun kung ilalabas natin o hindi. Depende rin sa sitwasiyon, kung kailngan o hindi.
Pagkalagpas ko sa kanila, mabilis uli akong naglakad. Naka may pagka alien ang babaeng yun, humahaba ang kamay baka maabutan pa ako. Mahirap ng maipit uli sa gulo hahaha pero ako itong gumagawa ng gulo eh, Baliw no!
Tsk... hindi rin masama maging masama total bilang naman na ang oras ko, pagbigyan ko naman ang sarili ko diba? Speaking of, may ginawa nga pala akong bucket list bago mamatay. Yieeee so common but duh! walang basagan ng trip.
Kaagad ko itong nilabas pagkadating ko sa tambayan ko. Color gray plain notebook ang nilabas ko. Dito nakasulat lahat ng gagawin ko bago tuluyan mawala.
"Mess with the bitches, check" Bulong ko sarili ng nakita ko ito. Isa pa lang ang nagagawa ko, may 39 pa na gagawin pa lang.
Kaya ko pa naman eh, so lahat ng ito magagawa ko pa. I check again my list, kung ano yung pwede ko pang gawin para sa araw na ito. Pero mukhang wala na dahil one out of forty nagawa ko. The rest, baka sa ibang araw na.
"Hay!"
Ilang minuto din akong nakaupo sa tambayan ko bago tumayo para punta sa susunod kong subject. Habang palakad papunta sa kabilang building, napahinto ako dahil may nakita na naman ako.
I saw my Kuya walking pass by, but when I follow him where he go. Wala akong nakita, pangalawang beses na ito. Ano bang nangyayari sa akin?
Binaliwala ko nalang saka dumeretso na sa assignated room namin. As usual nasa likod na naman ako. Dumating na yung prof. namin at kaagad na nag umpisang mag discuss.
The discussion went well, may kaunting quiz. Buti nalang nakinig ako kahit madaming bumabagabag sa akin. Isa na doon ang imahe ng kuya ko. Nakikita ko siya pero, kapag susundan ko na nawawala.
Hallucination lang ba yun o ano? Mahirap na ito, kapag nalilipasan talaga ng pagkain oh. Di bale makakain din ako mamaya. I heard sa labas sila kakain, so its mean I own the whole house. Pero kailangan mag ingat sa mga yaya, baka magsumbong itago yun pagkain sa ref.
Uuwe muna ako bago pumunta sa Cafe, para hindi ako mapano. Baka maover fatigue ako o mahilo. Mahirap na baka dahil nila ako sa hospital malaman pa nila ang sakit ko.
Ngayon na nasa bahay na ako, ramdam mo ang paligid. Na ako lang talaga na ang dito, except sa mga maid namin.
Kahit na ang dito sila wala naman silang paki eh. They just like a robot control by the manipulator.
Pumunta muna ako sa kusina bago umakyat sa kwarto ko. Buti naman at hindi nila pinatago yung mga pagkain. Makakain na rin ako sa wakas ng matino. I cook my own food. Habang inaantay itong maluto, I Suddenly feel someone eyeing on me.
'Ay nako Devi, baka isa na namang imahenasiyon mo yan. Katulad kanina sa school' Pangaral ko sa sarili ko
Kaya hindi ko na nilingon kung sino man o totoo ang nararamdaman ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pag aantay sa niluluto ko.
Nang maluto na kaagad kong sinalin sa mangkok, tsaka nanguha ng plato't kutsara, tinidor. May inumin naman ako sa taas. Nang makuha ko na ang lahat tsaka ako pumanhik sa kwarto ko.
Pero bago ako makalabas ng kusina, may naaninag akong anino na paalis. Baka mga yaya lang namin yun, hindi ko na pinansin at magdiretso-diretso na.
Habang paakyat ako feel ko talaga may magmamasid sa akin. Huminto ako at hindi na napigilang lingunin. Pero sa paglingon ko wala naman akong nakita na tao. Weird bat ganon tsk, gutom lang yan Devi.
Hindi ko na lang uli pinansin at diretso na sa kwarto ko. Kailangan kong magmadali baka malate ako sa trabaho ko.
Inayos ko muna ang gamit ko saka ko nilantakan yung pagkain na niluto ko.
Pagkatapos kong kumain, nagpahinga muna ako saka nag ayos para sa part time ko. Nilagay ko na dapat na dalhin, tsaka chineck ito.
"Mamaya ko na ibaba ito" Saad ko habang nakatingin sa mga pinagkainan ko. Liligpitin ko muna bago ko isauli, baka magalit pa mga yaya kung hindi ko nilinisan.
Mahigpit sila pagdating sa akin, pero syempre sa mga kapatid ko hindi no. Habang pababa ako yung nararamdaman ko kanina, nararamdaman ko uli ngayon. Pinangingilabutan ako sa naiisip ko.
Wala namang multo dito sa bahay namin. Lagi naman may tao, para pamuhayan ng mga ligaw na kaluluwa. Tsaka imposible yun no.
Ay nako kung saan-saan na umaabot yung imagination ko. Pati mga multo nadamay. Kagaya kanina deadma ko ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang sa makalabas na ako sa village namin. Ganoon parin ang nararamdaman ko. Pero this time may sumusunod naman sa akin. Teka bat naman ako susundan eh hindi naman ako ganoon kayaman, sila lang yun.
Dahil sa nararamdaman ko hindi ko namalayan na, naging mabilis ang paglalakad ko kaya umabot ako ng mabilis sa, Zena Cafe. Nagulat na lang ako dahil hindi ko namalayan na andito na pala ako.
Lumingon muna ako uli bago nagdesisyong pumasok na sa may back door. Nawala na yung kakaibang pakiramdam ko. Siguro nga ay guni-guni ko lang yun.
"Oh bat ngayon ka lang?"Kaagad na tanong sa akin ni Blyst na kapapasok lang sa staff room. Napataas naman ako ng kilay, bat nagtatanong ito na dati naman hindi. Mapang asar lang ngayon kinukulit na ako.
"Bakit, may problema ba? Hinahanap na ako?" Sunod-sunod kung tanong sa kanya habang nilalagay yung gamit ko sa locker.
"Hindi naman" Mahina niyang sagot. Napalingon ako sa gawi niya, tamad siyang tinignan.
"Ah ganoon naman pala, bat parang may iba sa sagot mo?" Tanong ko sa kanya bago sinara ang locker. Biglang sumingkit ang mata ko habang kinikilatis siyang mag iwas ng tingin.
"May tinatago ka no?" Nahihimigan kong tanong sa kanya habang nakahalukipkip sa tabi ng locker ko.
"Ahhhh, sige papasok na ko sa loob" Nagmamadali niyang sabi sabay takbo paalis sa harap ko. Bat parang nakakita ng multo yun, bigla-bigla na lang umaalis.
Nako ang lalaki talagang yun may sapak sa ulo. Tsk, makapagbihis nalang nga.
"Huh?" Gulat kong saad ng may anino uli akong namataan biglang umalis dikalayuan sa pwesto ko. Niyakap ko ng mahigpit ang Cafe uniform ko bago pinuntahan yung pinuntahan ng anino.
Dahan-dahan akong naglakad papunta doon para tignan kong sino yun. Pero ng makarating ako, wala naman ni isang tao. Neh? nakakain naman na ako, nasa kondisyon na ang katawan ko. Bakit nakakakita parin ako ng anino, pero wala naman akong makitang tao? Imposible namang multo yun. Malinaw kasing anino ng isang tao yun, feeling ko lalaki. Sa tindig at kilos halata mong lalaki eh. Sino naman kayang sunod nang sunod sa akin? As far as I know, wala akong manliligaw at walang maiisip na mang- stalk sa akin no.
"AY!" Napasigaw ako ng pagkalingon ko may tao na sa likod ko. Jusko po, biglang tumalon sa kaba yung puso ko. Nakakagulat naman itong lalaki na ito.
"Anong tinitignan mo dyan?" Walang emosiyon niyang tanong sa akin. Napalunok naman ako sa way niya ng pagtatanong. Nakakakilabot talaga itong si Kuya Land. Cold na nga less emotion pa yung mukha niya. Hindi ko tuloy matukoy kong galit ba o hindi.
"Ay a-ano kasi may ti-tini-tinitigan lang" Utal-utal kong sagot sa kanya. Tinignan lang niya ako ng diretso bago walang sabi-sabing umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag, ano ba ayan bigla-bigla kasing sumusulpot eh. Nakanguso kong reklamo. Makapagbihis nalang nga talaga.
Badtrip akong pumasok sa C.R., para magbihis ng uniform namin. Hanggang sa palabas na ako sa loob ng cafe. Hindi naman ganon kadami ang customer ngayon dahil may pasok na uli. Matumal kami kapag Monday to Thursday. Friday to Sunday, doon madaming customer. Katulad ngayon mangilan-ngilan lang ang customer. Kaya uunti rim kaming part-timer na ang dito.
Kaagad na akong nagsimula sa trabaho dahil late na rin ako. Nakailang serve na ako ng order, nakalinis ng table pero may isang tao akong hindi ko pa nakikita sa ngayon.
"Si Marco ba?" Biglang sulpot ni Martine sa likod ko. Nakangiting akong nakatingin sa akin. Para siyang timang, kala mo naman puti ang ngipin.
"Tsk!"
"Nako, ayan na naman siya. Being mataray queen again. Si Marco po ang hanap niyo, madam. Nagpaalam kanina na aalis siya ng mga ilang araw. May pupuntahan importanteng bagay. Kung ano man yun hindi ko na alam" Pahayag niya habang may gesture na ginagawa, parang bakla tuloy siyang tignan.
Hindi ko siya inimikan, hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya.Pero bago siya tuluyang umalis.
"At tsaka nga pala, wala siyang sinabi kung kailan siya babalik. Babosh!" Pahabol niya saka umalis na. Naiwan naman akong nakatanga dito sa nililinisan kong table.
Gulat sa mga nalaman ko, kaya pala siguro ganoon si Blyst kanina. Hindi ko parin madigest yung mga information na sinabi ni Martine.
"Hoy, Sobrang kintab na niyan" Sita sa akin ni Kuya Jasthin. Napatingin naman ako sa table na pinupunasan ko. Oo nga no, ito pa ata yung pinupunasan ko kanina.
"Absent minded ka ata ngayon" Puna niya sa akin habang nakatingin ng diretso. Napababa naman ako ng tingin dahil tama siya.
"Ahmm pasensya na, madami lang iniisip" Sagot habang nakatingin parin sa baba. Narinig ko naman siyang humagikgik ng kunti.
"Ayos lang yun, ano ka ba. Concern lang ako, kanina pa kita napapasin na wala sa sarili mo eh. May problema ba?" Nag aalala niyang tanong. Napailing nalang ako sa tinanong niya. Hindi naman ganoon kabigat yung iniisip ko eh. Sadyang nagulat lang ako sa mga nangyayari.
"Kung ganoon maiwan na muna kita dyan. Ay nga pala, may lalaki kanina na pumunta dito" Saad niya habang nakahawak sa baba ng naalala yun. Bigla naman akong sinilyaban ng kaba sa sinabi niya.
"Anong itsura?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. No, mali ang iniisip ko. Paano niya nalaman ang tungkol dito?
"Ahmm kung hindi ako nagkakamali. Matangkad siya na maputi. Katamtaman ang laki ng katawan. Mukhang nasa mid 30's na. Gwapo, medyo mahaba ang buhok, kulay ash brown. May kakulay na mata tulad ng sayo tsaka medyo hawig mo ng kunti. Nagulat nga ako kanina eh, nang lumapit sa akin. Akala ko kaharap ko ang male version mo" Tuluyan na akong tinakasan ng dugo sa sinabi niya. Base sa paglalarawan niya walang duda siya nga yung tinutukoy niya.
"Sino ba yun? Kilala mo?" Curious niyang tanong sa akin. Napalunok naman ako ng laway ko. Dahil sa tanong niya at dahil na rin sa inaabangan niya kung ano ang isasagot ko.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Pero naghihintay siya ng isasagot ko eh, kaya no choice. Wala naman sigurong masama kong sasabihin ko sa kanya.
Huminga muna ako ng malamin bago sinagot ang katanungan niya.
"That guy who asked you about me earlier was, my Older brother, Connor Preston" I seriously answer him. Saying his full name was a nightmare to me. I told myself to forgot it but my heart against to it.
"Ah so you have a brother, nice ang astig magka-kuya. May tuda-rescue ka, taga-pagtanggol at katropa" Masaya niyang sabi habang naiimagine yun. Bigla naman akong kinalibutan sa mga sinasabi niya. For the other siguro ganoon. Pero iba ang sa akin. How I wish my Brother had that kind of trait but I was dreaming again. Isang napakalaking parangap ang mangyari ang ganyan bagay sa akin.
~~~~~~~
Enjoy reading medyo mahaba-haba muna ang ud for now. Sana magustuhan niyo. Lovelots, Royalties
PrincessNalics
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top