IL8

Pretend

Puffy eyes welcome my morning while I'm looking at my reflection. What a painful night traces on my face. It's already 6 in the morning but I still here. Wondering things can ease my feeling.

Kailangan ko pang pumasok for sure malalate ako nito, pero paano ko siya haharapin? Eh kung hindi na kaya mo na ako papasok. Kaso ano naman ang idadahilan ko?

"Aishhhh" Inis kong saad sabay sabunot sa buhok ko.

Ilang minuto pa akong nakipagtalo sa sarili ko kung papasok ba ako o hindi. Pero ito ako ngayon tahimik na bumababa, sunday ngayon delikado. Minsan kasi andito lang sila kapag linggo pahinga, minsan out of town.

Pero katulad nito na andito sila, kompleto pa kamo. Nasa sala masayang nagkukuwentuhan. Patuloy lang ako sa pagbaba, kunwari na wala akong nakikita na tao. Hanggang sa makalabas na ako sa bahay.

Hindi ko alam kong anong naging reaksiyon nila kanila. Basta makaalis lang ako sa lugar na yun, ayos na.

Kagaya ng sinabi ko kanina late nga ako. Nasa break na ng dumating ako, shifting na. Kabado pa ako dahil baka makita ko siya pero sa awa ng diyos wala siya.

"Uy bakit ngayon ka lang?" Gulat na tanong sa akin ni Blyst. Papalapit na siya sa akin ng tanungin yon.

Nabigla naman ako sa kanya kala ko magkasama sila ni ano. Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya dahil wala akong maisip na isagot.

"Hoy! kayo ah" Singit sa amin ni Martine sabay akbay kay Blyst. Kaagad naman na tinaggal ni Blyst ang pagkaka-akbay ni Martine.

"Ano ba, monks! Wag kang akbay nang akbay. Ang bigat ng kamay mo!" Inis na reklamo ni Blyst sa kanya.

"Nako, ayaw mo lang paistorbo eh hahaha" Asar sa kanya ni Martine bago ginulo ang buhok tsaka umalis.

Akala ko lusot na ako sa kanya pero takteng tao ito, makulet ang lahi. Hindi niya ako tinantanan, hindi ko din naman siya sinagot. Hmpf bahala siya dyan. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpalit na ng damit.

Nang nakapasok na ako sa C.R bumalik ang kabang naramdaman ko. Pero bakit nga ba ako kinakabahan? Ha? bat kinakabahan ka self? Ano ikaw pa itong may mali ganern?

Arghhh! napaparanoid na naman ako. Hay, yung trabaho mo nalang ang isipin mo, Devi. Tama yun nalang.

Sakto naman pagkalabas ko, siya naman pagpasok niya sa staff room. Napahinto ako saka umiwas ng tingin. Nakagalaw lang ako ng maaninag kong papalapit siya sa akin. Nagmadali naman akong pumunta sa locker ko, para isilid doon ang damit na ginamit ko kanina.

Napahinto naman siya sa paglapit sa akin ng tawagin siya ni Blyst. Kita ko ang pagkadismaya niyang pumunta sa akin. Maybe he want to say something again. Hay! wag na muna ngayon, hindi pa ako makaget over sa sinabi niya kagabi dadagdagan uli niya.

Matamlay kong sinara ang locker ko bago nag antay na mag shift uli. Tahimik akong nag aantay sa usually spot ko, malayo sa iba.

Nang magpalit na uli kaagad akong pumasok, para makapagtrabaho na ng mawala na itong mga bumagabag sa isip ko. Gumana naman ang ginawa ko, inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Pansamantala kong nakalimutan amg lahat ng problemang iniisip ko.

Nakalimutan ko nga ang ilan pero sa tuwing nakikita ko siya, muli ko itong naalala. Kailan ba ako lalayuan ng problema?

Well I guess theirs' no person who does not have problem. We all had but in different situation. Na sa atin lang kung paano lalabanan o lalagpasan.

In my case, ako na ang bahala if I fight or not. Depende nalang sa sitwasiyon.

Napakahabang araw para sa amin itong linggo na ito. Hindi lang dahil sa dami ng customer, dahil din sa ilan lang kaming natira after lunch. Nagpaalam ang iba na aalis dahil may importanteng lakad. Hindi naman sila pinaghigpitan ni Ma'am Elle dahil hindi nila pinapabayaan ang trabaho nila, kaya ang ending kaming mga natira ang sumalo sa trabaho nila.

Kayod-kalabaw kami dito, minsan nagiging si Flash kapag mag titake ng order. Nasa labing dalawa lang kami dito, dalawa nasa counter. Pito ang nasa kitchen at ang natira ay kaming nagseserve at kumukuha ng order at pinagkainan.

Kasama sila Blyst at Marco sa natirang nag aasikaso dito sa loob. Ang akward nga eh, hindi kami ganon nagpapansinan. Ganoon din naman dati, bakit ang big deal sa akin?

Isinintabi ko yun tsaka nagfocus nalang sa trabaho. Time passed by, paunti na nang paunti ang dumadating na customer. Palalim na rin ang gabi kaya paunti na ang dumarating.

Hindi na talaga nakatiis si Blyst at lumapit na sa akin. Kanina ko pa kasi siya namamataan na tingin nang tingin sa amin ni Marco.

"Anong problema niyo?" Pabulong niyang tanong ng mapadaan siya sa gilid ko. Deadma lang siya sa akin, kahit paulit-ulit niyang ulitin, paulit-ulit ko din siyang hindi pinapansin.

Tahimik lang ako kahit pasimple siyang nagtatanong sa akin. Natatawa nalang ako dahil sa kakulitan niya. Baliw talaga ang lalaking ito.

"Anong trip ni Blyst sayo? Bat kanina pa yan lapit ng lapit sayo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Jamyr. Napatingin naman ako sa kanya, ito ata yung first time na kinausap niya ako.

"Ah, may tinatanong lang" Simpleng sagot ko. Mukhang naniniwala siya sa sinagot ko, kaagad kasing umalis.

Pagkalingon ko, nagawi ang tingi ko sa bandang kanan kong nasaan naglilinis ng lamesa si Marco. Seryoso, tahimik at mabagal ang kilos niya.

Sa lahat ng katrabaho ko dito siya lang yung mahirap basahin sa kilos. Napaiwas ako kaagad ng tingin ng mag angat siya ng tingin.

Opss! nahuli ata akong nakatingin. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Hanggang sa oras na ng pagsasara namin.

Medyo maaga ngayon dahil lunes bukas, may pasok. Maaga din kaming pinauwe ni Ma'am dahil ilan lang ang regular na naiwan, karamihan sa amin ay part-timer.

Pagod at masakit ang katawan ng matapos namin ang panghuling gawain namin. Kanya-kanya kaagad ng kuha ng gamit para magpalit.

Sa kamalasan, kaming tatlo ang natira. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin. Walang nagtangkang magsalita, nakikiramdam ang bawat isa.

Ramdam namin, may sasabihin ang kami sa bawat isa, pero nanatiling tahimik hanggang sa kami na yung magpapalit. Nang nakapasok na ako sa C.R naming babae, napasandal kaagad ako sa may pinto.

Pagod at nahihina na sa mga nangyayari. Every day had passed parang pabigat ng pabigat. Parang pinapadanas na sa akin lahat ng bagay pwedeng danasin ng iba't-ibang tao.

Kung saan paunti na ang oras at araw ko, doon pa bumibigat ng lalo. Nakakalungkot lang isipin, yung gusto mo na sumaya sa huling sandali ng buhay mo hindi mo magawa.

Each days passed since I know my condition. Para akong kandila na mapupuyos na ng sindi. Hindi makapaniwala na lumala iyon ng ganoon. Yung akala mo wala na, hindi pa pala.

Masaya na eh, pero kagaya nga ng sabi nila. After ng kasiyahan, kalungkutan na. Ayaw kong magpatalo sa kalungkutan na iyon, pero ang tanong ko sa sarili ko paano? Gayon ni isa walang dumadamay sa akin. Lahat iniiwasan, nilalayuan. Kung meron man parang naawa lang ata sa akin.

Sa tagal ko sa loob ng C.R., pagkalabas ko ako na lang ang natitira. Kaya nagmadali na akong kumilos dahil naiwan na pala ako, hindi ko pa alam.

Nang naayos ko na ang mga gamit ko, kaagad akong lumabas sa likod para umuwe na. Pero napahinto ako aa nakita ko pagkalabas ko.

Nakatayo siya sa may gilid ng pinto, nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya. Taimtim na nakatingin sa akin. Nailang naman ako sa kilos niya, buti nalang kahit hindi siya umimik alam ko na ang gagawin. Nauna siyang naglakad palayo sa Cafe', sumunod naman ako kaagad.

Gaya ng dati were silent while walking home. Nakadalawang kanto na kami bago siya nagsalita.

"Ayos ka lang?" Kalmado niyang tanong sa akin.

"Oo"

Narinig ko naman ang hindi niya oag sang ayon sa sagot ko. Nag antay ako ng sasabihin niya pero natahimik uli kami. Hanggang sa panghuling kanto na kami bago makarating sa village namin.

Ang bilis halos hindi ko namalayan. Palihim akong sumusulyap sa kanya, para kasing may gusto pa siyang sabihin. Hindi lang niya ginagawa.

Hanggang sa nakadating na rin kami sa tapat ng village ko. Huminto kaming dalawa, kapwa nangangapa ng sasabihin.

Aalis na sana ako ng bigla siyang nag salita.

"Stop pretending! Its not suit for you. You look obvious, kahit anong tago mo. Ramdam ko ang pagkailang mo sa akin" Pagsisita niya sa akin. Napahinto ako sa sinabi niya, nahiya din dahil obvious pala ako.

Nangapa naman ako ng isasagot ko sa kanya, pero pagkalingon ko nakatalikod na siya handa ng umalis.

"Kung magpapanggap ka lang naman, ayusin mo. Masyado kang halata" Pangaral niya bago tuluyang umalis.

Natameme naman ako, well ang sakit tagos sa puso. Muli akong napaisip, ganon ba talaga ako kahalata?

Kung ganon dapat pala mas lalo kong pag-igihan. Patuloy ko yung inisip habang nagkakalakad papuntang bahay.

Nakailang hinto ako at pangaral sa sarili bago nakaabot sa bahay. Nakakapagtaka dahil mag aalas onse na bukas pa ang mga ilaw. Anong meron? Baka may mga bisita na naman, yari ako.

Kaya nagmadali akong pumasok sa gate saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Sinilip ko muna kung may tao sa sala pero tanging liwanag lang ng ilaw ang nakikita ko.

Nang makasigurado ako kaagad akong pumasok. Tingkayad na tumakbo papuntang hagdanan. Paakyat na sana ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

Napahinto ako sa pag akyat, pinakinggan ko uli baka nagkakamali lang ako. Pero hindi, base sa tono ng boses niya kilalang kilala ko na.

Kinabahan kaagad ako sa pwedeng mangyari. Kailan pa siya dumating? Bakit wala man lang nag sabi sa akin. Asa ka naman Devi, sino ka ba dito sa bahay na ito. Multo diba? isang kang multo dito.

Masayang tawanan ang umaalingawngaw sa buong kabahayan. Masaya silang dumating na siya pero ako ito, nanginginig na sa mga naiisip kong senaryo.

Aalis na sana ako sa pwesto ko para umakyat ng narinig ko ang boses nilang papalapit na. Nagmadali akong umakyat para makapagtago ng hindi nila makita.

Buti nalang nakatago na ako, bago sila nakadating sa sala. Mula dito sa may halaman sa gilid ng hagdan. Kita ko sila, halos hindi nagbago ang itsura niya. Tanging tindig, kilos at pananamit lang ang nagbago.

Napakatagal na rin pala ng panahon simula ng umalis siya dito. At ngayo'y andito na uli siya, anong mangyayari?

Nanatili ako sa pwesto ko atat na nalaman kung anong pakay niya. Masama ang kutob ko sa mga mangyayari sa mga susunod na araw. Sana huwag naman.

Ilang batian, kwentuhan pa ang naganap bago dumating sa puntong pinakahihintay ko.

"Ano bang gagawin mo dito, hijo?" Masiglang tanong ni Daddy kita mo talaga na masaya. Yan ang never kong nakita tuwing kaharap ko siya.

"Oo nga naman, Kuya?" Pasegundang tanong ni Ate Ridget. Nakangiti naman silang nag antay sa sasabihin niya.

Ngumiti muna siya bago nagsalita, "Dito ako magbabakasiyon" May ngiti sa labi niyang sagot. Bigla naman akong pinanlamigan, natulos sa kinatataguan ko.

'Hindi, hindi maaari. Bakit ngayon pa?' Tanong ko habang mabilis na tumitibok ang puso ko sa kaba.

Hindi ko na nasundan pa ang ilang pinag usapan nila. Naiwan ako sa sinabi niya kanina. Natauhan lang ako ng natahimik sila. Akala ko wala na sila yun pala, paakyat na.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya mas siniksik ko sarili ko sa gilid para hindi nila ako makita. Hindi parin mabura sa mga itsura nila ang tuwang na andito na siya. Bagay naman na ikinakabahala ko.

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Halos nalagutan na ako ng hininga sa kaba. Pinatagal ko muna bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Wala na akong boses na marinig, marahil nasa kanya-kanya ng kwarto sa second floor. Nakakaingit lang dahil lahat sila doon samantala ako sa third floor, sa may atic pa.

Dahan-dahan akong naglakad papunga uling hagdan patungo sa third floor. Pero bago pa ako makaabot ay nakasalubong ko na si Ate Velvet. Mataray niya akong tinignan saka nilagpasan.

Aalis na din sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ready yourself, b*tch!" Banta niya sa akin bago tuluyang umalis.

Kahit kabado na, gaya ng sinabi ni Marco kanina galingan ko sa pagkukunwari. Kunwaring hindi kinakabahan, pero sa kaloob-looban ko halos nabuwal na ang katawan ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at dire-diretso ng umakyat sa third floor. Habang palapit ako nang palapit sa kwarto ko, unti-unti na kong pinanglalabutan ng tuhod.

Kakaibang engkwentro ang naganap ngayon. Lalo't pa na tatlong buwan nalang eh bakasyon na. Tuluyan na akong nanghina ng nakapasok na ako sa kwarto ko.

Kahit ano talagang pilit na itago ko, mahahalata talaga at mabubuking. Ang magpanggap ay madali pero kung ikaw ang magpapangap luge.

Baka nga talaga kailangan ko ng kontrolin ang sarili ko na magpanggap ng hindi halata. Pero paano? kung ngayon pa lang nahihirapan na akong gawin.

Saan ko sisimulan? Paano ba ang tamang pangkukunwari? Mukhang mahihirapan ako dahil hindi ko yun nagawa, sa tanang ng buhay ko. I just silent person but not a great pretender.

Halos sasabog na ang utak ko sa kaiisip. Maraming mga alaala ang bumabalik sa isip ko. Ang mga alaalang pilit kong tinatago at iniisip.

Sa harap ng iba mahirap akong mag panggap, pero sa alaalang pilit na kumakawala sa nakaraan ko kayang-kaya kong mag panggap na nakalimutan ko na.

Being a pretender is easy, but pretend to other people is not. Because their is a person, whenever you tried to pretend. The more chance they see it. And it will be your downfall if that person is your enemy.

Pretending is a choice. Choice to forget, to ignored and to do. So i'd choice to pretend this night did not happen.

******

So this is it, I hope you enjoy the update. For thank you for reading. Lovelots guys 😘

~PrincessNalics

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top