IL44
Trace
Blyst's POV
Napagkasunduan na ng lahat na bukas na gawin ang plano namin. Pinagpahinga muna niya kami. Sumilip na rin si Ma'am sa amin bago kami natapos sa meeting.
Muntik na namin makalimutan na may trabaho pa pala kami. Pinaliwanag namin kay Ma'am ang lahat ng plano namin. Nag agree naman siya, pero nakiusap siyang bigyan din ng oras ang trabaho namin. Kaya nagbago uli ng plano. Tungkol sa oras ng pag hahanap sa kanya.
Nakaschedule ang mga lakad namin. Pero hindi lahat, kailangan may.maiwan sa Cafe. Lima or Anim lang ang pwedeng lumabas sa amin. Ayos lang naman sa amin iyon. Basta mahanap lang siya.
Naiwan sila Kuya Jasthin sa Cafe para magtrabaho since mga regular staff sila. Kaming mga part timer ang pinauwe.
Pagod akong umuwe sa bahay. Pagkapasok ko ng pinto, napahinto ako ng makita sila Mama na nag aabang sa akin sa may Sala. Nag aalala ang mga itsura nila.
Lumapit kaagad sa akin ni Mama.
"Anak, ayos ka lang ba? May balita na ba sa kanya?" Nag aalalang tanong niya sa akin. Mapait akong napangiti kay Mama, saka umiling.
"Hindi po ako okay. Wala pa po kasi kaming balita kung nasaan siya" Malungkot na tono ng boses ko sabi sa kanila. Tumayo naman na si Papa saka tinapik ang balikat ko.
"Its okay, since first day pa lang naman. Mayroon pa naman bukas. You can still find her. Hindi naman kayo susuko diba?" Positive na saad sa akin ni Papa. Muli akong napangiti ng maayos.
"Opo, naman Pa. Hindi namin siya susukuan. Magpapahinga lang po ako. Napagod ako ngayon araw" Pagdadrama ko kila Mama. Biglang sumakit ang mga kaso-kasuan ko. Arghh may salon pass pa kaya ako dyan.
"Ma" Tawag ko sa kanya saka huminto sa pag akyat sa hagdan.
"Bakit?" Sabay silip niya sa may pintuan ng kusina.
"May stock pa tayo ng salon pass?" Tanong ko sa kanya habang nag uunat ng braso. Napaisip siya saka nag senyas na saglit lang. Pumasok niya muli sa loob ng kusina.
Nag intay ako sa pag balik niya. Bigla naman akong napatingin sa taas. Naririnig ko ang pagbaba ng ilang tao. Nagulat ako ng makita kung sino ito.
"Oh andito ka na pala, kanina ka pa namin inaantay!" Malambing na tinig ng kapatid kung babae. Si Ate Fiorella Aysel Devallo, CPA. Siya yung tinutukoy ko dati na CPA na. At Si Kuya Wren Araceli Devallo, isang Science teacher. Sa kanya ako nagpapaturo dati tungkol sa mga subject na may kinalaman sa science.
Ate Fiorella ang panganay, sumunod si Kuya Wren saka ako, tapos kapatid na babae ang sumunod sa akin si Qila (kee-lah) at ang bunso namin si Xanth (zanth). Lima kaming magkakapatid. Sila dalawa humiwalay na sa amin. Because of their profession.
"Oh, bakit parang nastatwa ka dyan?" Natatawang tanong sa akin ni Kuya Wren.
"Mukhang nahihirapan na siya sa pagiging architect student ah. Hmmm, kailangan ba ng tulong sa science?" Mapagbiromg saad ni Ate Fiorella. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. How did she know na Architecture ang course ko.
Malakas naman na napatawa si Kuya Wren. Napalabas niya si Mama sa kusina ng di oras.
"Anong nangyayari dito?" Nagtataka niyang tanong kay Kuya. Napailing si Kuya saka ako tinuro.
"Nothing Ma, binibiro lang namin si Blyst. Namiss namin itong makulit naming kapatid" Sabay akbay sa akin saka ako kiniliti.
"Ano ba Kuya, wag dyan!" Natatawa kung saad.
"Hay nako kayong mga bata na ito. Oh siya, Blyst oh!" Sabay abot ni Mama ng isang box ng salon pass.
"Oh, Baby salon pass ka pa rin Wahahahaha!" Malakas na pang aasar sa akin ni Ate Fiorella.
"Aysel!" Suway sa kanya ni Mama na kaagad din tumahimik.
"Hay nako hayaan niyo na yang kapatid niyo. Magpapahinga pa yan, sige Blyst umakyat ka na at ng makapagpahinga ka na. Tatawagin ka na lang namin mamaya kapag kakain na. Naglulu- nako po ang niluluto!" Aligagang saad ni Mama saka tumakbo pabalik sa kusina.
Napahagikgik naman kaming tatlo dito sa may hagdan.
"Nako, Si Mama talaga. Oh siya akyat ka na doon. Mukhang ka ng adik." Pagtataboy sa akin ni Kuya Wren saka nauna na kay Ate na bumaba. Umakyat na ako para makapagpahinga na.
Napalundag ako sa kama ko ng makarating ako sa kwarto ko. Kita ko naman ang mga sketch ko na napapost sa dingding namin. How I wonder kung ano ang mga artworks ni Devina. I didn't know na artist din pala siya.
Mariin akong napapikit dahil sa mga kaganapan ngayon. Kailan ba ito matatapos? Akala ko tapos na hindi pa pala. Bakit kailangan umabot sa ganito?
Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang mga bagay. Bakit kailangan yung dalawang taong malapit pa sa akin ang mawala? Bakit kailangan sila pa? Sila pa yung taong unang tumanggap sa akin. Bakit sila pa yung unang naniwala sa akin. Bakit?
Ang sakit lang isipin na kailangan nilang mawala sa akin. Kung saan tanggap na ng pamilya ko ang lahat? Bakit kailangan pa nilang mawala?
Hindi ko na napigilang umiyak. Gamit ang braso ko. Itinakip ko ito sa mata ko saka nagpatuloy sa pag iyak.
Noong una si Marco. Ang taong nagturo sa akin kung paano maging matatag. Paano muling komonekta sa ibang tao. He change me into my strogest vision but that Man was gone.
And now, the Person who told me to achieve what I want is missing. And yet soon to be gone, also. Bakit ganon? Ang sakit! sakit! halos ayaw tanggapin ng utak ko ang mga pangyayari. Napakabilis parang kailan lang buo pa kami. Masaya pa kami. Hindi ko aakalain na aabot kami sa ganito.
"Hey!" Narinig ko ang boses ni Dad. Hindi ko tinanggal ang takip sa mukha ko. Ayaw ko siyang makita na ganito ako. All this time I've been independent and strong. Nahihiya akong makita niya ako sa ganitong kalagayan.
Naramdaman ko naman na umupo siya sa gilid ko. Lumubog ang bahagi ng kamang kinalalagyan niya.
Hindi ko pa rin tinanggal ang braso ko sa tapat ng mata ko. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Unti-unti niya itong itinaas para matanggal sa mata ko. Mariin akong pumikit para hindi siya makita.
"Hey, open your eyes. Its okay, you can cry" Malumanay niyang saad sa akin. Napamulat naman ako saka tumingin sa kanya. Hindi ko naman na napigilan na mapaiyak. I seat and hug his side. And I cry loudly. Binuhos ko na ang lahat ng sakit, frustation and inis.
Maging ang mga kapatid ko ay napunta na sa kwarto sa lakas ng pag iyak ko. Nakayuko ako ngayon matapos ang pag iyak ko. Tahimik naman silang nakikiramdam sa akin.
Not until Mom enter the room. Nagulat pa siya naandito kaming lahat sa kwarto ko.
"What happened?" Takang tanong niya sa amin. Yung dalawang nakakabata kung kapatid ang sumagot. Tahimik lang nakatingin sa akin.
"Kuya Blyst crying Mom. And its loud,thats why we here. Looking what happened! I think his having a break up moment" Inosenteng sagot ni Qila. Na sinang ayunan naman ni Xanth.
Napatitig naman sa akin si Mama. Mukhang alam na niya kung anong dahilan. She look at me sadly.
"Mamaya na natin pag usapan yan. Handa na ang hapag kainan. Kumain muna tayo, and later we will having a small talk" Mahinahon na saad ni Mama saka lumabas ng kwarto ko.
Pinauna naman na nila Ate sila Qila at Xanth. Saka sila sumunod. Tumayo naman na si Dad saka ako tinignan.
"Lets go" Sabay lahad ng kamay sa akin. Matamlay ko itong tinanggap. Hinila naman niya ako patayo at napasandal sa kanya. Nakasandal ako sa kanya hanggang sa marakating kami sa hapag kainan.
Masaya ang mga kapatid kong bata sa akin dahil sa niluto ni Mama. Yung specialty niya kasing Calderata ang ulam ngayon. Well sabagay kompleto kami.
We did a short prayer before we eat. Halos ma stress si Mama sa kila Qila. Nag uunahan kasi sa pagkuha ng ulam. Habang kami nila Ate, Kuya At Dad. Tahimik lang kaming kumakain.
"Blurrrppp!" Malakas na dighay ni Xanth. Napatakip siya ng bibig siya saka tumatawang humingi ng despensa.
"Hay nako, Oh siya umakyat na kayo at magtoothbrush na." Utos sa kanila ni Mama. Nag unahan naman silang makarating sa taas.
"HUWAG KAYONG TUMAKBO, KATATAPOS NIYO LANG KUMAIN!" Inis na suway sa kanila ni Mama. Tumawa lang ang mga ito.
At ng natira kaming lima dito. Napatingin kaagad sa akin si Mama.
"Its her right?" Mahinang tanong niya sa akin. Kahit hindi ko sagutin alam naman niya kung sino.
"I guess I'm right. Blyst, you can share the problem to us. And baka may magawa kaming tulong!" Halos magmakaawang saad sa akin ni Papa.
Napakagat labi ako sa sinabi niya. Bumalik muli ang mga luha sa mata ko. Inabutan naman ako ni Kuya ng tissue.
"She's leave us, Dad!" Umiiyak na sambit ko sa kanya. "And we don't know where she is" Pahabol kong saad saka yumuko. Hindi sapat ang panyo para punasan ang mga luha ko.kaya kamay ko na ang ginamit ko.
"She's the one who leave why you acting like that? Are you inlove with that Girl that Mom talking about?" Pagtatanong sa akin ni Ate Fiorella.
Napatingin ako sa kanya. Kahit medyo blur na ang paningin ko dahil sa mga luha nagawa ko pa siyang tignan ng mabuti.
"You can't understand, Ate. I'm not into her. She's like my Ate when your not here. Kaya please don't accuse her like that. She's important hindi lang sa akin. Kung hindi sa iba pang nagmamahal sa kanya." May inis na saad ko sa kanya. Napatahimik naman siya sa sinabi ko.
"Bakit ba kasi anak? Anong mayroon bakit nagkakaganyan ka sa kanya? Hindi ko na kayang makita kang nagiging ganyan. Noong nawala ang matalik mong kaibigan halos hindi ka na namin makausap. Tapos ngayon, ano ba? Ipaintindi mo sa amin anak. Kung umalis siya ng hindi nagpapaalam sa inyo bakit niyo siya hahanapin?" May halong inis na tanong sa amin ni Mama. Hindi ata nagustuhan ang pagsagot ko kay Ate.
"Cause she's dying! Palala ng palala ang kondisyon niya Mom." Mataas na boses kung sigaw sa kanya."Kaya namin siya hinahanap. Kailangan niya kami Mom, kailangan niya ng karamay. Ng tutulong siya kanya. She's suffering from unknown kind of cancer. Na kanina lang namin nalaman and worst sarili na niya ang kalaban niya. Kaya hindi namin pwedeng pabayaan siya. We finding her because she lost he track Mom. At tsaka tutulungan pa namin siya sa bucket list bago siya mawala. Kahit yun lang magawa namin habang nabubuhay pa siya!" Palungkot ng palungkot kong sagot kay Mama.
Nagulat naman sila sa sagot ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Saka inatras ang upuan ko para tumayo.
"Magpapahinga na po ako" Nakayuko kong paalam sa kanila bago sila iniwan sa hapag kainan.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kailangan gawin yun sa kanila. Nadala lang ako ng emosyon ko pero hindi tama yun. Hay, I am so exhausted kailangan ko na talagang magpahinga.
I'm too much drain from this day. Kailangan ko pang agahan bukas dahil after work dadaan kami sa bahay niya mismo. Ichecheck kung nagawa niya na yung number 1, 3, 4 at 5.
Hinayaan kong matumba ang katawan ko sa higaan ko. Saglit lang ay unti-unti ng hinihila ng antok ang ulirat ko.
*
I wake up late 7 o'clock today kaya kumaripas ako ng galaw. Dahil sa puyat, pagod at stress ito. Mabilis ako sa pag aayos ng sarili ko dahil late na ako sa trabaho ko. Total Bakasyon naman na namin halos araw-araw na kaming kompleto- ay hindi pala kulang na kami ng dalawa.
Nasalubong ko naman si Ate sa pagbaba ko ng hagdan. Nagkatinginan naman kami. Bigla kong naalala yung hindi magandang pagsagot ko sa kanya. Huminto ako ng nagkatapat na kami.
"Hm, Ate sorry nga pala kagabi. I didn't mean it!" Nakayukong pagsosorry ko sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko saka ngumiti at sinabing...
"Ano ka ba wala yun no. But your words strike this" Sabay turo niya sa tapat ng puso niya. "But thats nothing to me now. In fact your right. The whole time that Mom and Dad treat you cold. I just ignored my responsibility from you. I'm sorry to brother. Maybe that girl was amazing. She do my duty as your Elder sister. Nakakaingit dahil mas close kayo kisa sa akin na tunay mong Ate" Malungkot niyang saad sa akin. Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya.
"Pero don't worry after niyong mahanap siya. Babawi ako sa iyo, promise" Nakangiti niyang saad sa akin. Tipid na ngiti ang iginawad ko saka tumango.
Nagpaalam siya na aakyat na siya at malalate na raw siya. Bumalik naman ako sa realidad saka mabilis na nagtungo sa pintuan.
"Hindi ka na ba kakain?" Tanong sa akin ni Mama na nagpatigil sa pagbukas ko ng pintuan.
"Hindi na po late na ako!" Nagmamadali kong sagot saka tuluyan ng lumabas. May kalayuan pa naman ang Cafe dito sa amin.
20 minutes kung lakarin ko yun. Pero nagiging 10-15 minutes na lang kapag lakad-takbo ang gawa ko.
Bigla naman akong napatigil ng nakaabot ako sa pangatlong kanto papunta sa Cafe na pinagtatrabahuhan ko.
Dito kami madalas magkatagpo-tagpong tatlo. Sila unang nagkikita saka ako. Ngayon araw isa ko na lang naglalakad. Nakakalungkot pero kailangan kung kayanin.
Hindi lungkot ang magpapatumba sa akin sa problemang ito. Kailangan naming kalabanin ang lungkot na nadarama namin ngayon. Imbis na magdrama pa ako nagmadali pa ako dahil takte lang na talaga ako.
I was half running para makarating na kaagad sa Cafe. Success naman ang pag jojog ko nakaabot ako within 12 minutes. Pagkapasok ko sa backdoor. Tahimik hanggang sa makarating ako sa locker namin. Kukunti lang ang naratnan ko.
"Oh late ka rin" Patawa na saad ni Geff. Mukhang late din siya. Sabog pa ang buhok niya eh.
"Eh ikaw bagong gising!" Sabay turo ko sa buhok ko. Napa angat tingin naman siya doon saka hinawakan ng dalawang kamay niya.
"No, hindi kasi ako naghelmet eh kaya ayan sabog, mapahangin pa man din sa labas!" Paliwanag niya habang nag aayos ng necktie niya.
"Pasok na ko, kulang sila eh. Ikaw din magbihis ka na. Kailangan tayo ngayon" Pagpapaalam niya sa akin. Kaagad naman akong nagpalit ng damit para makatrabaho na.
Kami nga pala nila Geff, Loucas, Jamyr at Martine ang magkakasamang pupunta sa bahay nila mamaya.
Maayos ko namang inayos ang damit ko sa harap ng salamin bago confident ma lumabas. Pagkapasok ko sa main cafe. Halos manlaki ang mata ko sa dami ng customer.
Kung hindi pa ako tinawag ni Kuya Osgood nakatunganga lang ako sa kanila. Naging busy naman kami sa nagdaang oras. Kunting break tapos kaagad na bumalik. Bawat oras padami ng padami ang customer.
Hanggang sa nagfive na, nagpaalam na kami. Naiwan naman sila Kuya Jasthin muli. Sa isang sabado pa sila aalis para hanapin kung saan pwedeng maglagi si Devina.
"Mag iingat kayo ha!" Paalala sa amin ni Kuya Jasthin ng paalis na kami. Naghiwalay naman na kami ng landas nila Clion ng matapat kami sa village nila.
Naalala ko tuloy ang mga oras na hinhatid ko siya dito.
"Tara na Blyst" Sabag tapik ni Loucas sa balikat ko. Tumango naman ako saka naglakad na patungo sa kabilang direksyon. Kung saan ang bahay niya mismo.
Nakasalubong naman namin ang mga nag aalaga sa kanya dito. Sila Nay Ebang, Aling Senayda at Aling Dilya.
Nagpaalam mo na kami kung pwede ba kaming pumasok sa bahay at kwarto ni Devina. Alam na rin nila kung anong nangyayari sa alaga nila.
"Ayos lang mga hijo. Mabuti pa nga ng ganoon ay makatulong sa paghahanap ninyo sa kanya. Nag aalala na kami ng lubos sa kalagayan niya" Malungkot na pagpapayag sa amin ni Nay Ebang. Bakas rin sa mukha ng dalawa pa niyang kasama ang lungkot sa mga nagdaang pangyayari.
"Sige po, maraming salamat!" May sigla na sagot ko sa kanila saka nila.kami sinabayan na nagtungo sa bahay ni Devina. Memories flash in my mind. Yung panahon na nag overnight kami dito dahil nahospital siya saka pumasok pero hindi nagpakita.
Yung mga masasayang araw na iyon biglang nagbalik sa isip ko. Hanggang sa nakatapak na ako sa loob ng sala nila. The whisper of our laugh and teasing I heard. Maging ang mga kasama ko napatigil ng nasa sala kami.
"Parang kailan lang nag over night tayo dito pero ngayon. Andito tayo para maghanap ng bakas na nagawa niya na yung nasa death bucket list niya" Malungkot na pahayag ni Loucas.
"Tama ka, kaya huwag na tayong magdrama at maghanap na tayo" Pag iiba ng topic ni Jamyr saka naunang nagtungo sa kwarto nito.
Sumilil muna kami bago tuluyang pumasok. It was clean after all. Dahil siguro kila Nay Ebang. They maintain the cleanliness of this room.
Nagsimula na kaming maghanap bg nasa death bucket list niya. Isa-isa namin tinignan ang bawat sulok ng kwarto niya. Drawer, Bed and even his C.R.
"Guys!" Pagtatawag sa amin ni Geff. Nasa may drawer siya ni Devina. May nakita siya dito kaya niya kami tinawag. Pagkalapit namin doon, pinikita niya kung anong nahanap niya.
"Isang pass book. May savings account siya. Check mo nga baka may laman pa" Utos ko sa kanya. Binuklat niya iyon hanggang sa umabot siya sa dulo.
"Mayroon pero mukhang nagamit niya ng husto dahil sa dami ng withdrawal niya. Mukhang nagawa niya yung number 1!" Malungkot na saad ni Geff. Napaupo naman ako sa may kama niya.
"28 na nagawa niya!" Halos nakatulalang saad ni Jamyr.
"29 na kamo!" Seryosong saad ni Martine. Napalingon kami kaagad sa kanya. Saad turo niya sa amin sa likuran niya.
Doon namin nakita ang mga nakadisplay na book niya. Nakaayos ito.
"Number five is check" Halos maiyak kung saad. Halos walang nangahas na magsalita sa amin. Dahil sa mga nakikita namin.
"3 at 4 na lang. Nahanap kaya nila sa bahay nila Senator?" Takang tanong ni Martine. Napakibit balikat naman kami.
"I message niya na sa kanila. Sa Gc na lang para mainform ang lahat!" Utos ko sa kanila. Kaagad naman ginawa ni Geff. Nakatanggap din kami ng chat galing sa kabilang gropu. Natapos na raw ni Devina at 3 at 4.
"So 31 na ang nagawa niya. Yung sa last part na lang ang gagawin niya." Nakatulala kung saad.
"Oo, at mukhang ng iwan siya ng bakas." Masayang saad ni Jamyr. Saka niya tinaas ang isang papel.
"Ano yan?" Takang tanong namin.
"Listahan!" Masigla niyang sagot.
"And?" Tanong uli namin sa gusto niyang iparating.
"This piece of paper will help us to trace her where she is. Nakasaad din dito ang mga posible na lugar na balak niyang puntahan." Pagpapaliwanag niya. Saka tinignan muli ang nakasulat sa papel.
"Kung ganoon we can trace her even we don't track her. Sa phone man lang niya. Eh mukhang bumigay na yung cellphone niya last month!" Seryosong saad ni Loucas.
"Track? Nasa kanya pa ba ang ginawa nating tracking device" Pagtatanong nila sa akin.
"Ata" Hindi ko sure na sagot.
"Sabihin mo kay Kuya Land baka sakaling ma trace natin siya true that device" Positive kong utos sa kanila.
Just wait up us Devina. Makikita ka din namin. Hold on! Sweetbery.
"Ano sabi ni Kuya Land?" Hindi mapalagay na tanong ko kay Loucas.
Biglang nanlumo ang mukha niya sa reply ni Kuya land.
"Inalis na raw niya yun. Baka isa sa list ang ginagawa niya. At mukhang ayaw niya tayong matrace siya." Malungkot nitong pagbabalita sa amin.
Bigla naman kaming nanlumo. Tinanggal niya yung tracking device na nakakabit sa kanya.
"So how we can trace her now?" Hindi makapaniwalang saad ko sa kanila.
"Just give a least little hope. We will can trace her. Sa dami natin naghahanap sa kanya. Imposible atang hindi na tin siya manahap" Positive na sagot ni Jamyr.
Natahimik naman ako doon. Yah, hindi dapat kami magpatalo sa lungkot. Tiwala lang ang kailangan namin ngayon.
Matetrace ka rin namin. And we will help you to finish your death bucket list. For now, dapat masatisfy na kami dahil nakagawa na siya ng apat sa lahat ng death bucket list. Kunti na lang ang natitira. You will not be go hard with finishing all you task.
Tutulungan ka namin. As we lead you to your last breath. Just wait up us, Devina. Where erelong to your place right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top