IL4
Weird?
Maaga akong umalis sa bahay dahil may trabaho uli tsaka kuhaan ng sahod ngayon. May ipangdadagdag na naman ako sa ipon ko.
Tulog na sila ng umalis ako, mga 3 am ng madaling araw ako umalis. Pero laking pagtataka ko ng nakita kong bukas na ang ilaw sa sala. Nagtaka ako 5 pa ang gising ng mga taga-silbi namin. Pero bakit bukas na ang ilaw dito? ◐.̃◐
Dahan-dahan tuloy akong bumaba na parang isang kawatan na nag iingat baka marinig. Pagkarating ko sa pinakadulong bahagi ng hagdan, mabilis ngunit walang ingay akong tumakbo palapit sa pinto. Pero napatigil ako ng makarinig ako ng isang malalim na boses.
Bigla akong natulos sa kinatayuan ko. Hindi ako kaagad nakalingon dahil sa gulat. Bakit gising na siya ng ganitong oras? Maaga pa ah! Takang tanong ko sa isip ko bago humarap sa kanya.
Litong lito ko siyang tinitigan parang sinasabi na bakit? Blanko ang tingin na iginagawad niya sa akin. Ang hirap tuloy basahin ang iniisip niya. ~_~
Hindi parin siya nagsalita kaya minabuti ko ng umalis na. Baka may makakita pa sa amin dito. Hindi naman sa ayaw kong makita kami na para bang may tinatago. Ang sa akin lang ay baka maiba ang kwento masabihan pa akong sipsip. At nanghihingi ng awa sa kanya tsk!
Yun ang naging laman ng utak ko habang naglalakad na ako papunta sa Cafe na pinagtatrabahuhan ko. Naging absent minded ako kaya huli ko ng mapansin na nasa tabi ko na pala si Marco.
Gulat akong napatitig sa kanya, diretso naman ang kanyang tingin. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kagabi.
Napatitig tuloy ako sa kanya ng taimtim. Iniisip kong bakit niya ginawa yun. Nakakapagtaka lang talaga! Napaitlag ako ng makita kong mariin niyang pagtingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanga at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Shaks nakakahiya baka isipin nito. Napailing naman ako dahil sa dami ng iniisip ko. Nakita ko naman sa side ng mata ko na napasulyap siya sa akin kaya umayos ako ng paglalakad.
Ang tahimik naman! ano bang magandang topic? Arghh why so hirap kong mag start ng conversation with person? Hay, dati naman hindi ako ganito, maybe dahil nasanay na ako?
"Maayos ka bang nakarating sa inyo?"Biglang tanong niya sa akin. Napalingon tuloy ako sa kanya ng di oras.
Ako ba yung tinatanong niya? Baka nga ako, ako lang naman kasama niyang naglalakad.
"Ahm Oo" Maikli at nahihiya kong sagot sa kanya. Napatango naman siya sa sinagot ko at natahimik na din.
Nasaan na ba kami? Lah nasa pang apat na kanto pa lang kami!. Bat ang bagal? Kanina pa kami ng lalakad ah!
BROOMMMM!!!
Nagulat ako ng bigla niya akong hablotin. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa nangyari.
"Mag busina ka naman, muntik ka ng makabangga!" Galit na sigaw ni Marco sa driver ng motor na muntik ng makabangga sa akin kung hindi niya ako nahila papunta sa side niya.
Tulala parin ako sa nangyari, kahit nong tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Tangin tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Napabuntong hinga lang naman siya at hinawakan ako sa wrist ko bago nagsimula uling maglakad. Nakalagpas na kami sa pang apat na kanto, may nakita siyang tindahan. Piso-piso store ang pangalan.
Tumigil muna kami doon, pinaupo niya ako sa mahabang upuan na andoon. Napatulala naman ako sa harap kung saan katapat nitong store ang billiard. Napatulala ako sa mga taong naglalaro doon. The smile on their lips while playing hit hard on me. When I saw myself smile like that with some important people around me?
"Here!" Rinig kong saad niya sa gilid ko, saka ko lang napansin ang plastic na may lamang coke sa harap ko. Ang aga naman ng softdrinks nito.
"Thank you" Saad ko pagkakuha nito. Naupo naman siya sa gilid ko, saka napabuntong hininga.
Napatingin naman ako sa kanya? May problema ba ito?
"May problema ka ba?" Alinlangan kong tanong sa kanya. Napailing naman siya sa akin. Napatango naman ako ng paulit ulit. Saka natahimik uli.
"Tara na" Yaya niya sa akin ng maubos niya ang inumin niya. Habang sa akin naman ay hindi ko pa nakakalahatian. Ang bilis naman niya?Baka nauuhaw na din siya.
Wala sa sarili akong sumunod sa kanya. Gaya kanina tahimik uli kami hanggang sa nakarating sa Zena Cafe.
"Oh look whose here?" Mapang asar na bungad sa amin ni Blyst. Tinitigan naman siya ng masama ni Marco. Nag taas lang ng dalawang kamay si Blyst bilang tanda ng pagsuko.
Bago tuluyang umalis si Blyst nakita ko pa ang pag ngisi niya. May something ata itong dalawa. Hindi ko na pinansin iyon at dumeretso na sa C.R. para magpalit ng uniform.
Habang nagpapalit ako ng uniform hindi ko maiwasang naisip uli yung kaninang umaga. Ang daming tanong sa isip ko. Bakit ang aga niyang gumising? Bakit inantay niya ko kagabi? At bakit parang concern na siya sa akin na dati naman hindi. Hays nakakaloka naman.
Pagkalabas ko ng C.R. saktong lumabas din Si Marco. Napaiwas naman siya kaagad ng tingin sa akin. Yung mga mata parang may gustong sabihin. Ang daming emosyon na nakikita ko eh.
Utro din siya ay, sa tagal naming magkatrabaho kagabi ko lang siyang nakitang ganon. Why is that? Bakit ang daming kakaiba ngayon?
Aish nako kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip mo, Devina. Magtrabaho ka nalang! Kausap ko sa sarili ko.
Wala sa sariling napailing bago sinara ang locker ko. Nagulat naman ako ng makitang nakatitig sa akin si Marco, bago biglang umiwas at nagmadaling pumasok sa loob ng Cafe. Napatanga naman ako sa kinilos niya.
Sumunod naman na ako sa kanya. Pagkapasok ko sa loob bumungad sa akin ang madaming costumer. Hindi man kasing dami kahapon pero sapat ng mapuno ang loob ng Cafe.
Mabilis naman akong kumilos ng may nagbell na sign for the waiter na may iseserve na. Madali akong pumanta sa counter para kunin ang order na yun.
"Table #6" Informa sa akin ni Ate Kheye, isa sa regular cashier ng Cafe. Ningitian ko muna siya bago umalis. Pero biglang napawi yun ng makita kong sino ang nasa table na pang 6.
Pilit ang ngiting pinakita ko sa kanila ng marating ko na ang table nila. Kita ko ang gulat sa kanilang mata ng makita nila ako, pero hindi ko na yun binigyan ng pansin.
"Here' s your order, enjoy!" Pilit na ngiti kong saad bago nagmadaling umalis sa lugar nila. Bumalatay sa akin ang lungkot at inis ng maalala yung mga araw na pinagsamahan namin. I thought that was the start for me to gaining some friend. But sad reality it was not. They just befriend me because I was smart and the same time tanga. Para hindi makita kung anong tunay nilang pakay sa akin.
Napailing nalang ako saka nagtrabaho uli. Ganyan talaga ang buhay, you cannot justify a person easily by looking at them. Sabi nga nila look can deceive. Meron at meron talagang taong lalapit sayo dahil meron silang nakitang kailangan sa iyo. Hindi mo mapipigil yan dahil kasama na yan sa buhay.
Isinet a side ko muna ang mga inisip kong problema at pinag igihan ang trabaho ko. Kapansin pansin din ang pasulyap-sulyap nila sa akin. Hanggang ngayon hindi parin sila umaalis. And I don't know why?
Oh baka na naman may kailangan sila sa akin. Aish mga social climber nga naman at gold diger. Ayaw ko naman silang husgahan pero sa ginawa nila sa akin. Hindi ko maiwasan, may feeling din ako nasasaktan kaya sorry not sorry. I group them at that kind of people in the society.
Hanggang sa lunch break na at nagshift na ng mga staff. Nahagip ko parin ng mata ko ang pananatili nila. Napailing nalang ako, may kailangan na naman siguro.
********
Hanggang ngayon tangin tingin lang ang nagagawa namin. As much as we want to approach her. We can't do that lalo na ngayon may work siya.
Napabuntong hininga kaming tatlo. Why we can't be friend with her kahit na gustong gusto namin.
"I miss her" Mahinang usal ni Airelle. Napatitig naman ako sa mukha niyang malungkot na malungkot. Halata mong miss na miss na niya si Devi.
"Me too!" Mahinang sang ayon ni Chayenne. Saka sumulyap kay Devi na nagseserve sa di kalayuang table.
"I also miss her!" Malungkot kong sang ayon. Alam kong kanina pa niya napapansin ang patingin tingin namin sa kanya. Kahit kanina pa kami andito at ubos na ang inorder namin hindi parin kami umaalis.
"Sa tingin niyo galit siya sa atin?" Kinakabahang tanong ni Airelle sa amin ni Chayenne.
"Yep" Sagot ko,bigla naman nanglumo ang mukha ni Airelle napaiwas naman si Chayenne. Sino mga ba ang hindi magagalit sa amin. Matapos ang mga kabutihang ginawa niya, iniwan at pinaasa namin siya. And sa tingin ko talaga galit siya kahit ba na napakabait niya. She still a person nakakaramdam ng galit at inis.
Kahit na gusto namin siyang lapitan at mag sorry. Hindi pwede at nakakainis isipin kong bakit. Sa ngayon ang tangin magagawa lang namin ay ang panuorin siya mula sa malayo.
Nanatili pa kami ng ilang minuto bago tuluyang nagdesisyon na umalis na.
"Lets go" Yaya ko sa kanila dahil dumadami ang costumer, nawawalan na rin ng space kaya kahit labag sa kalooban kailangan na naming umalis.
*******
Habang kumakain kaming mga nag lunch break, biglang nagtanong si Blyst sa akin.
"Mga kaibigan mo ba yung nasa table 6?" Takang tanong niya sa akin. Napatigil naman ako sa pag subo dahil sa tanong niya.
"Paano mo naman nasabi?" Balik kong tanong sa kanya. Napakunot noo naman siya sa sagot kong tanong din.
"Simple lang kanina pa sila tingin ng tingin sayo eh. Gusto ka atang kausapin" Kibit balikat niyang sagot.
"Bakit hindi ba?" Habol niyang tanong habang sumubo ng baon niyang pagkain.
Nagshrug lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Napatanga naman siya at nagpatuloy naman siya sa pagkain.
Bakit nga ba tingin ng tingin sa akin yung tatlong yun? Samantalang dati ilag na ilag. Eh? Is there something wrong? or misery?
Inalis ko na yun sa isip ko saka nagpatuloy nalang sa pagkain. After that nagpahinga kami bago bumalik sa loob. Yung kanina naman ang pumalit sa amin sa staff room. Pagkatingin ko sa table nila iba na ang nakapwesto. Umalis na ata.
Umikot na uli ang cycle ng work place namin. Nasa may kitchen ako ngayon, taga ligpit. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat eh. Every minute kasi may hugasin at hindi nauubos. Padami nang padami bawat oras. Sa lahat uri ng trabaho dito ito yung pinakanakakapagod.
"Oh ito pa" Maarteng abot ni Vannamei sa panibagong hugasin na dala niya. Kinuha ko yun saka pairap siyang umalis. Isa din yun, napakaweird ng ugali. Hindi ko naman inaano pero inis na inis sa akin.
Nagpatuloy ang pagdating ng ilang hugasin hanggang sa naghuling huhugasin. Tuwing linggo kasi hanggang 5 lang kami. Bigayan din kasi ng sweldo ngayon para sa part timer ang sa regular kinsinas. Tinapos muna namin ang natirang trabaho bago kami pinaakyat sa office ni Ma'am Elly.
Andoon na ang iba ng nakarating na ako, nag uumpisa narin si Ma'am sa pagbibigay ng sweldo. By alphabetical ang pagbibigay niya ng sweldo sa amin. 50 per hour ang rate namin. Plus 30 per over time namin.
Sa weekday maximum na ang 16 hours tapos kahapon na may 8 hours tapos 6 hours na ot. Malaki-laki rin ang makukuha ko ngayon.
"Dial"
"Dencio"
"Delvallo"
"Depoliko"
"Ebuen"
"Franziz"
"Franklin"
"Gabrielle"
G na malapit na ako.
"Garcilla" Tawag ni Ma'am sa Apelyido ko. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya.
"Good job miss Garcilla pagbutihan mo pa" Nakakingiting puri sa akin ni Ma' habang inabot sa alin yung sobreng may lamang sweldo ko.
"Thank you Ma'am, makakaasa po kayo" Nakangiti kong sagot sa kanya bago tumalikod at nagtawag na naman siya ng kasunod ko.
Hanggang sa natapos na ang lahat. Bago kami umalis nag bigay ng kunting mensahe si Ma'am sa amin.
"Good job everyone, malaki ang kita natin sa linggong ito. Pagbutihan niyo pa ang pagtatrabaho niyo. Pati narin sa pag aaral niyo. Alam kong pagod na din kayo kaya, I call this day. Makakauwe na kayo, get rest everyone" Nakangiting saad ni Ma'am
"Yes Ma'am, thank you po" Sabay sabay namin sabi bago isa isang umalis.
Maingay ngayon ang staff room dahil sa ibang nagpapalakihan ng nakuhang sweldo. Tsk pati ba naman dito may ganyan?
Kami nalang mga staff ang natira dito dahil yung mga regular na staff kanina pa nakauwe.
Isa-isa narin nag paalam ang iba sa amin para umuwe. 6 na pala ng gabi hindi ko namalayan yun ah.
"Bye guys!" Paalam nila Kynn, Clion, Vailey. Saka kumaway habang palabas na ng mini hall.
"Mauna na rin kami" Paalam nila Chessell, Immy, Veian.
"Sige" Sagot naming nag aayos ng gamit namin.
"Uy" Kuwit sa akin ni Blyst
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"Mauna na kami ni Forth" Sabay turo kay Forth nasa bukana na ng hall way.
"Sige paalis naman din ako mamaya" Sagot ko. Tumango naman siya bago tinapik sa balikat si Marco.
Nang natapos ko nang ayusin yung mga gamit ko nagpaalam narin ako sa natitirang kasamahan.
"Uy mauna na ako" Paalam ko kila Martine, Bruce, Geff, Luie,Loucas at Jamyr.
"Sige ingat ka"Bilin nila sa akin.
"Okay bye" Sagot ko saka kumaway. Napansin ko naman ang pagtitig nila sa likod ko. Napatingin naman ako doon. Si Marco pala yung tinignan nila. Kapansin-pansin din ang tanguan nila.
Napatitig tuloy ako kay Marco, parang mag pinagkasunduan silang na sila din lang ang nagkakaintindihan.
Napansin naman niya ang pagtitig ko kaya ako naman ang nag iwas tingin. Nauna na akong naglakad palabas sa hallway, naramdaman ko naman ang pagsunod niya.
Ano naman kaya yung tanguan na yun? As much as I wanted to ask him, what was that? Hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Baka isipin nitong nakikialam ako sa gawain nila. Kaya nanatili nalang akong tahimik.
Gaya kagabi hinatid niya ako sa may labas ng gate ng Village namin. Umalis kapag nakapasok na ko sa may gate.
Mabagal ang naging paglakad ko simula ng makapasok ako sa Village namin. Takang taka sa mga nangyayari. What a kind of day. Napakaweird, ang daming tao at pangyayari ang naganap ngayon na parang hindi naman kadalasan nangyayari before.
Gaya nito, Kahit na hindi niya ako nakikita. Alam kong inaabangan ako nito na dati naman hindi. Ni wala ngang paki yan kung halos madaling araw na kong umuwe. Pero bakit kahapon eh concern siya? Is there something up?
Hindi ko nalang siya pinansin, hindi din naman niya ako pinasin so it's a tie. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko. Pabagsak akong umupo sa kama ko.
Na pinagsisihan ko dahil may narinig akong parang nabili. Saka ko lang naalala luma na pala ito.
"Tskk...bakit ganon ang mga tao ngayon ang weird, weird nila?" Takang tanong ko sa sarili.
Mula dito sa bahay hanggang sa Cafe. Praning lang ba ako o sadyang totoo itong nangyayari? Litong tanong ko sa sarili ko.
Lalo na kanina sa Cafe sa pagitan nila Marco at Nila Geff. Yung gesture na yun parang may tinatago.
Aishhh ang weird ng araw ko ngayon, bakit ba kasi binig deal mo, Devi?
Ay magpahinga nalang nga nababaliw na ako sa kaiisip ng weird na nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top