IL38
Depart
Jasthin'S POV
Pangalawang araw na simula ng makuha siya sa amin pero hanggang ngayon wala pa ring progress. Nababahala na kami kung ano ng lagay niya. Kung ayos lang ba siya! Kung nakakakain pa siya.
Halos hindi na rin kami makatrabaho ng maayos. Pinipilit na lang namin na umakto na okay sa harap ng mga customer namin. Hanggang sa hindi na namin natiis.
"Ano wala ba tayong gagawin?" Naiinip na tanong ni Osgood.
"Tinanong mo pa, eh yung dalawa niyang Ama walang magawa tayo pa na wala sa politika" Kontra sa kanya ni Avonlea.
"Tama siya!" Mahinang sang ayon ni Kheye. Napabuntong hininga naman ang ilan.
"Teka!" Biglang saad ni Blyst. Mukhang may naalalang maganda.
"Ano yun?" sabay-sabay namin tanong sa kanya. Tumayo siya saka nagpunta sa gitna naming lahat.
"Naalala niyo ba nong nahospital siya?" Pauna niyang tanong. Lahat naman kami tumango.
"Good" Masaya niyang sabi. Na kaagad na kinontra ni Shye.
"Anong good doon nahospital na nga eh" May bahid ng inis niyang kontra kay Blyst. Hindi naman siya natinag.
"Ate Shye hindi yun ang ibig kung sabihin" Mabagal niyang sagot kay Shye. " Ang point ko is, diba we did a meeting after you visit Devina?" Pagtatanong niya.
Napaayos kami ng upo, nakuha niya lahat ng atensyon. Naalala ko yun dito din namin ginawa ang meeting na yun.
"Oo, dito yun diba?" Tanong ni Tibor.
"Yas" Mabilis na sagot ni Blyst.
"So what about it?" Takang tanong ni Cosima. Ay oo nga pala kaming mga lalaki lang yun. Nagkatingin naman kaming mga lalaki. Mukhang iisa lang ang iniisip namin ngayon.
"We plan about planting tracking device on Devina. Since she doesn't often text us. And I notice na wala na yung phone niya. So we Man, has a meeting here to do the plan. And Doctor Xab is the one who gave the device that we plan for" Malinis na paliwanag ni Blyst sa lahat. Mukhang nagkakaroon naman na ng idea ang mga babae.
"Ahh, so may connection pa tayo kung nasaan si Devina" Kuhang sagot ni Resonate.
"Tama, ang kaso sino mag aactivate non. Hindi ako marunong doon. Kayo ba?" Tanong niya sa amin iilang lalaki. Lahat ay umiling, maging ako. Hindi ako mahilig sa mga ganon. Bumagsak uli ang mga balikat namin. Sayang chance na yun eh naging bato pa.
"Bakit hindi natin sabihin sa Dalawa niyang Daddy?" Suggest ni Synnove sa amin. Naging bright idea naman yun kaya nagpaalam kaming mga nakakatandang lalaki kay Ma'am Elle na pupunta kaming bahay nila Devina. Balita kasi namin andoon silang dalawa.
Walang pagdadalawang isip na pinayagan kaming lahat na makapunta doon. Maaga dimg sinara ang Cafe kaya free kaming lahat.
Nagdesisyon kaming pumunta doon. Gamit ang sasakyan namin nakaconvoy kaming nagtungo sa mansion ng Garcilla.
Buti na lang at kilala ako ng Guard maging ang ilan sa amin. Mabilis kaming makapasok sa village at nagtungo sa bahay nila.
Nakita naman kami kaagad ng Guard sa harap ng gate. Sinabi naman ang pakay namin kaya pinapasok kami. Naabutan naman namin sila sa sala nag uusap ng mga plano. Natigil lang sila ng makita kaming lahat.
"Anong ginagawa niyo ditong lahat?" Takang tanong ng tunay niyang Ama, Si Senator Broody. As their leader sa Cafe. Ako na ang representative nila.
"We had a good news how we find, Devina" Pag uumpisa ko. Nakuha naman namin ang atensyon ng iba pa niyang kasama. Mukhang naging interesado sila.
"How?" Maikling tanong sa akin ni Senator Brady ang kinikilalang Tatay ni Devina.
"We plant a tracking device on her" Maayos na sagot ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang lahat saka napatayo sa sinabi ko.
"What?" Gulat na tanong ni Senator Broody.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Tanong naman ni Senator Brady. Napatingin naman ako kay Blyst. Nagulat pa siya noong una pero kaagad din nakuha ang ibig kung sabihin.
"Ah, kanina lang po kasi namin naalala. Dahil na rin sa sobrang pag aalala nakalimutan na po namin.Pasensya na!" Mahinahon na saad ni Blyst. Mukhang naging kalmado naman silang dalawa.
"Kailan niyo pa nilagay sa kanya yun?" Tanong ng isang kambal na katabi ni Senator Broody. Yung mukhang seryoso ang nagtanong.
"Ahm, we don't know the exact day. But we know what happen on that day!" Unsure kung sagot sa kanila.
"So what happened on that day?" Curious na tanong ng biogical Dad niya. Nagpakawala muna ang ng malalim na hininga bago siya sinagot.
"She got hospitalized, and we gave the device after she discharged" Napatahimik naman ang parents ni Devina. Sa Tatlong araw na kasing yun ni Anino nila wala kaming nakita.
"Hospitalized!" Mariin niyang saad saka nagtatanong na tinignan ang magulang ni Devina.
Kapwa sila nag iwas ng tingin. Nahihiya siguro dahil hindi nila binibigyan ng halaga si Devina. Ramdam ko yun noong nag overnight kami sa kanila. She share something on her life story. Kaya meron kaming sapat na background knowledge sa parents nito.
"Nasaan kayo ng mga panahon na iyon?" Makahulugan na tanong nito sa mag asawang katabi ng upuan lang nila.
"Andito sa bahay!" Mahinang sagot ni Tita Solandis ng nakayuko. Guilty sa nangyari.
"What? Wala man lang kayong ginawa? Inalam kung bakit nahospital o baka naman wala kayong pakialam sa kanya? Katulad ng pagabandona niyo sa kanya after Eurion's death? Pinalagpas ko yun dahil may daughter share the blame on what happen. But leaving him alone in the middle of your rest house in the forest. Inintindi ko yun dahil na rin sa kaligtasan niya pero mukhang sa bahay pa ito. Mukhang delikado ang buhay niya!" May hinanakit niyang sumbat sa dalawa. Wala naman silang imik. Maging ang mga anak nito.
Totoo naman iyon dahil nabanggit din ni Devina yun ng nagshare siya ng story. We can feel his hatred from them. Pero hindi makakatulong sa ngayon ang panunumbat niya. Kailangan munang mailigtas si Devina.
"Ah, Tito hehehehe pwede pong pabalik sa topic about kay Devi?" Sambat ni Blyst. Para maiba ang topic masyado kasing mabigat ang naging atmosphere dito eh.
"Paano natin siya matatrack?" Medyo mahinahon na tanong niya kay Blyst. Napakamot naman kami ng kanya-kanya naming batok.
"Ahh wala po kasing may alam sa amin kaya po pumunta kami dito para magpatulong" Maayos na pagsagot ni Shye kay Senator.
"Anong klaseng device ba ang kinabit niyo sa kanya?" Takang tanong naman ng lalaking nakatayo sa likod ng kambal na katabi ni Senator Broody.
"Maliit na device po siya na pwedeng i-connect sa phone. Pero kailang nakabukas ang location mo para maactivate siya" Paliwanag ni Land. Siya kasi ang bumili non galing pa sa pinsan niya abroad.
Pinasama naman siya ni Senator kay Hence at Luweis para mas lalo nilang maintindihan paano gumagana yung tracking device na nasa hikaw niya.
Bago siya lumabas ng Hospital binigay na namin yun kay Doc. Xab, para siya na lang ang magbigay. Mas malaki ang tyansa na tanggapin niya ito kisa kami ang nagbigay. Siya kasi yung tipo ng tao na hindi tumatanggap ng bigay ng iba kapag alam niyang mahal iyon. Hindi kasi siya materialistic na gusto ng mga luxury na gamit. Small things will make her heart flatter.
Naiwan naman kami sa sala kasama nila. Nag aabang kung may naging progress sa pagtatrack kay Devi. Pero another video sent to Senator Broody.
Kinonekta nila sa T.V para makita ng lahat. Habang nagloloading ang video, lahat kami kinakabahan. Iba ang pakiramdam ko sa video na ito.
"Teka, parang kulang tayo!" Biglang saad ni Blyst saka nagheadcount kami.
"Oo nga nasaan si Marco?" Takang tanong ko ng hindi ko siya makita dito. Lumingon ako kay Senator Broody baka kasama nila, pero umiling lang siya.
"Hindi namin siya kasama buong araw simula kahapon" Saad ng kakambal ni Kuya Hence. Kahapon? Hindi rin siya nagpakita sa Cafe! Nasaan siya?
Lahat kami napatingin sa T.V ng marinig namin ang familiar na boses. Lahat gulat ng makita kung sino ang nasa video.
"Hello? Kumusta kayo? Hahahaha humihinga pa ba kayo? Mukhang hindi na ah?" Nakangisi niyang tanong habang nasa harap ng camera. Sa gilid niya ang walang malay na si Devina. Maraming paso may hiwa sa braso at may punit na ang damit ma suot niya.
Bigla ko naman naalala ang araw na nagpasundo siya sa akin. Hindi ko pa rin maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari. Isang tapik sa balikat ang naramdaman ko.
"Don't blame yourself" Mahinang bulong niya sa akin habang nag aantay kung anong next nilang gagawin.
Bigla itong nawala sa video at may pumalit na babae. May hawak siyang kutsilyo, anong binabalak niya. Mukhang masama ang kutob sa kutsilyo na yan.
"Hindi!" Halos hindi namin makahingang saad ng isang iglap sinaksak niya ito sa kanan hita ni Devina. Walang reaksyon si Devina dahil wala siyang malay. Pero masakit yun. Pumalakpak ang babae after niyang gawin yun.
Kaagad naman tumulo ang dugo ni Devina sa may hita. Umalis ito sa video at napalitan muli ng isang lalaki pero nakamaskara ito. Hindi namin mamukhaan kung sino.
"Parang familiar yung katawan, tayo at galaw niya!" Bulas ni Blyst. Napatingin kami lahat sa kanya. Naconcious naman siya saka mahina nalang natawa saka sinabing huwag ng pansinin ang sinabi.
May hawak itong latigo na may parang tinik. Halos maghina ako sa nakikita no. No, not my love please. Pakiusap ko. Napuno ng iyakan ang sala matapos ang video na yun.
Kanya-kanya kami ng pinapatahan para mahimasmasan sila. A sound of crying people you would only hear. Lahat kami dito hindi makapaniwala sa nangyari. How Devina suffer from the People who taking revenge on them. She is innocence, bakit siya pa? Bakit yung taong mahal ko pa.
Bakit sa lahat na lang ng minamahal ko laging nakakaranas ng sakit at dahas? Sumpa ba ito?
"Senator!" May pag asang tawag ni Luwies kay Senator Broody. Habang hawak niya ang laptop niya.
Nilapag niya ito sa lamesita. Parang google map ang nakita namin. Pero ang iba dito may nakikita kaming green dot na nagbiblink.
"Anong ibig sabihin nong green dot na nabiblink?" Takang tanong naming lahat. May ano pang pinipindot si Luwies bago siya sumagot.
"Ang exact location kung nasaan siya" Nakangiti niyang sagot. Saka may pinindot bago mas lalong naging malinaw kung nasaan siya.
"Nasa San Parandox siya" Saad ni Luvier. Napatingin naman lahat kay Senator Broody ng magsalita siya.
"Lugar kung saan kontrolado ng mga Lopes!" Mahinang saad niya. Kung kontrolado ng mga Lopes kung ganon.
"Mahihirapan tayo nan, kontrolado nila lahat maging ang mga Politiko doon. Paano tayo makakalusot kung maging mga tao doon suportado sa kanila!" Nanghihinayang na saad ni Hence.
"May kakilala kami doon"Sabat ni Blyst.
"Kakilala?" Takang tanong ko. Bigla naman siyang naging seryoso.
"Oo, doon kami nakatira dati bago nagtungo dito. Isa kami sa malakas na angkan doon ngunit naghati dahil sa mga Lopes. Ang ilan kay Daviz at ang ilan na kasama naming lumipat dito, sa inyo kami nakasuporta!" Seryoso niyang lingon kay Senator Broody.
"Mali ka sinasabi mo kontrolado nila ang buong San Paradox. Meron pa rin ayaw sa pamamahala ng Lopes ang ilan nasa iyo pa rin ang tiwala. Takot lang sila na kumalas dahil kilala mo sila kong paano magtrabaho, diba?" Pagtatanong niya kay Senator Broody. Mukhang nabigyan naman siya ng pag asa.
"Kung ganoon may tiwala pa pala ang Devallo clan sa akin sa kabila ng pag iiwan ko sa San Paradox!" Hindi siya makapaniwalang sambit. Mukhang isa yung sign na may pag asang makapasok kami doon.
"Kung ganoon nga mas mabuting mag plano na tayo. Sino ang mga pamilya na pwedeng makakuntsaba?" Pagtatanong ni Clover kay Blyst. Isa-isa naman niyang binanggit niya iyon.
Lahat naman ngayon ay naging successful. Nakapasok kami ng hindi nila nalalaman. Hanggang sa umabot kami sa lumang warehouse kung saan pinamamahala dati ni Senator Broody. Hindi nila kami napigilan na sumama. Pwera lang ang mga babae naiwan sila sa bahay nila Senator para sa update kung anong ipapadala nila. Binigyan nila kami ng tig iisang baril for self defense.
Nakatago kami ngayon sa isang pader ng sirang bahay ilang kilometro ang layo sa warehouse. Nilabas nila ang blueprint ng warehouse.
"Ito ang mga entrance ng warehouse. Posibleng meron mga banta doon. Sa Harap, backdoor at exit door. Ang maaari lang natin madaanan ay ang secret pasage na nasa gilid nitong water tank. Doon sa lugar na iyon" Sumilip siya para ituro sa amin ang sinasabi niya. Nakita naman namin ang water tank na tinutukoy niya.
"Kita niyo ang hagdan sa gilid non? Papunta yun sa rooftop. Doon may passage papunta dito!" Balik na turo naman niya sa Blue print.
"Kapag nakapasok na tayo doon. Ito ang una niyang pababagsakin. Ang harang sa may exit door. Doon papasok ang lahat. Matapos mapabagsak ang lahat sa ibaba ng tahimik, maghihiwalay-hiwalay para lipunin ang lahat. Maghahati tayo sa limang grupo. Ang unang grupo ang papasok sa taas" Seryosong paliwanag sa amin ni Clever.
"Kami na nila Hence ang gagawa. Kayo" Sabay tingin sa akin. " Kayo ng grupo niyo maghanda kayo. Hindi ito.basta larong baril-barilan. Maghati kayo sa dalawang grupo" Utos niya sa amin. Ginawa naman namin ang utos.niya. Kami ni Osgood ang magkasama habang sila Land, Runyon at Tibor ang magkasama. Naghati na lang kami sa iba pa naming kasama.
"Kulang tayo ng isa" Pansin ni Geff. Si Marco na naman ang wala sa amin.
"Hayaan niyo na baka may iba pang pinagkakaabalahan" Saad ni Kuya Hency. Naghanda na kaming lahat sa pagpasok. Binigyan din kami ng mga silencer. Para maging tahimik ang pagpapabagsak sa kanila.
"1, 2, 3, Go!" Senyas sa kanila bago mabilis na nagtungo sa may water tank. Pahinto-hinto sila dahil sa ilaw na umiikot yung ganon sa light house. Pati kami napapatago dahil umaabot sa amin.
"Hello, nakaabot na ba kayo?" Mahinang tanong niya sa wireless device na connector sa tainga namin.
"Wala pa kami sa mismong tanke, Roger!" Sagot sa kabilang linya.
"Copy, updates us kapag nasa loob na kayo maghihintay kami dito"Huling saad niya bago hinayaan na sila na mismo ang gumawa ng plano nila.
"Copy!" Sagot nila bago nawala ang contact.
"Kinakabahan ako!" Out of nowhere na saad ni Blyst. Napatingin naman kaming lahat sa kanila.
"Bakit?" Takang tanong ko. Nakayuko siya ng tinanong ko.
"Parang may kutob ako kay Marco" Bakas sa mukha niya ang kabang nararamdaman. Marco? anong meron sa kanya.
"Bakit?" Mabilis na tanong ni Clever. Naunahan niya ako sa pagtatanong.
"This past few days parang may something sa kanya. Lagi siya may kausap sa phone na lagi siyang galit. Hindi ko na rin maintindihan ang mga ginagawa" Naguguluhang paliwanag niya sa amin.
"At tsaka wala din siya dito. Hindi sa inaakusahan ko siya pero iyon ang nararamdaman ko sa kanya!" Pahina ng pahina niyang saad.
Napaisip kaming lahat doon. Pero naandoon siya sa Cafe at mismong araw na nakuha si Devina paanong?
"Baka naman natetense ka lang dyan Blyst" Patawa na saad ni Loucas. Hindi naman na sumagot si Blyst at nanahimik na lang.
"Were in" Biglang saad ng nasa kabilang linya. Kaya naghanda na kami. By group kaming pinapunta doon. Nauna sila Land.
" Isa, Dalawa, Tatlo, Go-" Senyas sa kanila ni Clever saka sila nagsitakbuhan papunta sa may exit door.
"Ow shit!" Kinabahan naming saad ng muntik silang mahagip ng ilaw. Buti naman nakadapa silang lahat.
"Gosh, muntik na yun!" Nakahinga namin saad.
"Next group!" Pahayag ni Kuya Clever habang nakasilip sa labas.
Naghanda naman kami ni Osgood dahil kami na ang susunod.
"Ready na kayo?" Pagtatanong ko sa kagrupo ko.
"Yes Sir!" Handa nilang saad.
"Jasthin!" Tawag sa akin ni Kuya Clever. Pumuwesto naman na kami.
"In count of three" Naghanda naman na kaming tatakbo." Three" Kaagad niyang saad kaya nagulat kaming tumakbo papalapit sa may exit door.
Napada pa si Forth dahil sa gulat bumalik kami para itayo siya. Nauna naman na ang iba.
"Sorry!" Paghingi niya ng tawad sa amin.
"Wag ka ng mag sorry, pare-parehas tayong nagulat!" Naiinis na saad ni Clion.
"Dapa!" Saad ko ng may mamataang tao sa may kabilang dako. Nang umalis siya saka kami uli mabilis na tumayo para makapunta sa may exit door.
"Pasok!" Utos ko sa nauna sa amin. Kumatok sila saka pumasok.
Mabilis naman kaming sumunod sa kanila bago pa uli mahagip ng ilaw.
"Hoo, muntik na yun!" Sabay-sabay naming saad habang hinihingal.
"Anong nangyari?" Takang tanong ni Land
"Nakakainis yung Clever in count of three daw tatakbo kami. Nag antay kaming magbilang siya ng one to three pero nagthree kaagad siya. Kaya nagkagulo kami sa pagtakbo. Muntik pa kaming mahuli ng tauhan nila" May halos inis at galit na saad ni Forth.
May mahinang napatawa naman sa likod nila Land. Sila Kuya Hence pala.
"Tsk, may nabiktima na naman pala siya" Natatawang saad ni Hency. Umiiling lang naman ang kasama nila.
"Andito na sila next" Saad ni Kuya Hence.
Narinig naman namin ang pagsagot niya. Umalis kami sa may tapat ng pinto at lumipat malapit sa may hagdan.
"Masanay na kayo sa kanya. Ganyan talaga yang lalaki na yan. Hindi lang kayo ang nakaranas nan. Mas malala ang sa amin" Seryosong saad ni Kuya Hence. Tumahimik na lang kami saka nag antay sa kasunod na grupo.
Mabilis silang nakarating sa may exit door. Hinihingal din sila, napasabak sa takbuhan.
Hanggang sa sila Kuya Clever na ang sumunod na pumasok. Hindi namin kasama sila Senator. Nasa ibang lugar sila ng San Paradox. Humahanap ng mga kakampi ng patago. Sana marami silang mahakot.
"Okay, Alpha team sa may front door. Bravo sa may bandang kaliwa. Charlie sa kanan bahagi. Delta sa may backdoor. At kami sa may gitna kami, copy?" Pagtatalaga ni Kuya Clever sa amin.
"Yes sir!" Sagot namin saka nag umpisa ng magsialisan.
"Ako sa unahan, Clion at Forth sa gilid, Martine at Bruce sa likod. At kayo Jamyr at Vailey sa gitna kayo" Utos ko sa kanila na mabilis nilang ginawa. Tahimik at sama-sama kaming nagtungo sa tinalaga sa amin.
"Kalaban!" Sigaw ni Clion. Napatingin kami sa pwesto niya saka pinaulanan ng bala ang kalaban sa kaliwang bahagi.
"Good job" Puri ko sa kanila. Saka nasundan pa ang ilan na ingkwentro. Nagkaroon pa kami ng close battle fight.
"Ayos lang kayo?" Hinihingal kung tanong sa kanila.
"Ayos lang hindi malala ang tama namin" Sagot nila sa akin. Nagpahinga kami saglit ng maabot namin ang kanang bahagi ng unang palapag ng warehouse. Napakalaki nito aabot sa limang palapag ang taas nito.
"Alpha team, Sa second floor. Sa Bravo team, sumunod kayo sa kanila sa Third floor kayo. Charlie, Forth floor katulad sa Bravo sumunod din kayo sa kanila. Delta, Fifth floor. Magkita kita kayo sa may back stair malapit sa Charlie team. Protect each one, Copy?" Utos sa amin ni Clever.
"Yes sir" Sabay-sabay naming sagot sa kanya sa wireless earphone device.
"Kami dito sa baba to secure everything down here na papasok!" Seryoso niyang saad. Hinanap naman kaagad namin ang hagdan na tinutukoy niya na malapit sa amin.
"Ayon!" Turo ni Martine. Mabilis kaming nagtungo doon. Kasunod naman namin ang Alpha team.
Nagsenyasan namin kami. Sumunod na dumating ang Delta huli ang Bravo. Sumenyas naman na si Kuya Hence kaya nagready na kami. Habang paakyat may nakasalubong kami ng kalaban na kaagad din napabagsak.
Iniwan na namin sila sa Second floor. Kami naman ang naging front team. Nang makarating kami sa Third floor naiwan na kami dito.
Kaagad kaming napasabak ng paputukan kami kaagad ng kalaban. Nagkahiwalay-hiwalay kami. Saka nakipagbarilan na.
"East side, secure!" Saad sa akin ni Bruce.
"West side, secure" Saad naman ni Jamyr.
"North side, secure" Saad ni Martine.
"Okay, secure na rin sa amin. Balik na dito, aakayat na tayo sa taas!" Utos ko sa kanila saka sila inabangan sa may hagdan. Napatutok kami ng baril sa may banda ng hagdan ng makarinig kami ng mga yabag. Sila Kuya Hence lang pala.
"Clear?" Tanong nila. Tumango naman ako.
"Good" Sagot nila saka nauna sa pagakyat. Sakto naman na dumating yung mga kasama namin saka sumunod na sa kanila.
"Anong lagay niyo Delta?" Tanong nila sa kanila.
"Back up" Tangin sagot. Mukhang andito ata halos ng tauhan nila. Hindi ganon karami ang nakalaban namin sa baba eh.
"Move!" Utos sa amin ni Kuya Hence kaya kaagad kaming naghiwalay-hiwalay.
Napunta kami sa may lugar ng mga kwarto. Sumenyas ako na huminto. Saka kami gumilid.
Nang matapos silang magpaputok kami ang pumalit. Nang gigigil na ang kasama ko. Pero isang imahe ang naaninag ko na tumatakbo palayo.
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Clion. Napatingin ako sa kanya bago sumagot.
"Parang nakita ko si Marco!" Nalilito kung kasama. Napatingin kami sa likod saka tinutukan ang paparating.
"Woah chill kami ito!" Saad ni Tibor. Binaba naman namin ang baril namin.
"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Sort of, may galos" Sagot ni Blyst.
"Tara na!" Yaya sa amin ni Land. Saka kami naghiwalay-hiwalay para pasukin ang mga pinto.
Nagtungo kami sa pinakadulo ng hallway. Bigla akong kinabahan ng papalapit kami sa kwartong iyon.
"Mauna ka na sa dulo, susundan ka namin pagkatapos namin dito" Pagtataboy sa akin ni Land. Tumango naman ako saka dumeretso doon.
Pagkabukas ko bumungad sa akin ang walang laban na si Devina. Halos hindi ako makagalaw sa nakita ko. Umiiling siya sa akin.
Pero nakontrol ako ng emosyon ko kaya sumugod ako papasok. Hindi ko inaasahan na may nakabantay sa may pinto. Kaagad akong bumagsak ng paluin ako sa ulo.
Hindi pa ako nakakarecover kaagad na sinundan ng sipa. Dalawang beses bago ako napatingin sa lalaking sumisipa sa akin.
"Ikaw!" Gulat kung saad sa kanya. Wala siyang sagot sa akin kundi ang sipa. Natauhan ako doon kaya agad na tumayo.
Naririnig ko naman ang pagsigaw ni Devina para tumigil kami pero walang nakapagpigil sa amin na maglaban.
Hanggang sa may dumating. Lumapit ako kay Devina. May pinagawa siya sa akin na ayaw kung gawin pero kailangan. Bumagsak siya kaagad ng tumarak sa kanya ang kutsilyo. Kami naman ang nagharap ni Marco.
Hanggang sa isang putok ng baril ang nagpatigil sa amin. Napalingon ako kay Devina ng makita doon nakatutok ang baril.
Kita ko ang pagsuka niya ng dugo. Napatingin ako sa bandang tyan niya. Kita ko ang pagdugo nito.
"Devina!" Sigaw nila Land sa labas papasok sa loob. Ako naman ang bumaling kay Marco saka sinugod siya.
"Walang hiya ka!" Galit na sigaw ko saka nakipag agawan ng baril sa kanya.
"Hindi kita mapapatawad!" Nangigigil kung saad sa kanya. Wala naman siyang emosyon na tumingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin mas pinag igihan ko na agawin sa kanya ang baril. Hanggang sa isang putok na naman ng baril ang nagpatigil sa amin.
Napahinto kami saka siya kumalas sa akin habang hawak-hawak ang tagiliran niya. Siya ang naputukan sa akin. Unti-unti siyang umatras saka tuluyang bumagsak.
Nagulat naman ang bagong dating na grupo. Sa nasaksihan nila.
"Jasthin si Devina!" Tawag nila sa akin kaagad naman akong lumapit sa kanila. Kita ko ang pagpikit niya.
Binuhat ko siya saka humarap sa kanila. Takot at kaba ang bumalot sa kanila. Kita ko naman ang paglapit nila Kuya Hence sa katawan ni Marco. Saka tumingin sa amin ni Devina na palabas na.
"Tara!" Yaya ko sa kanila saka kami kinover palabas.
"We need to Depart as soon as posible may paparating na iba pang grupo na kasamahan nila!" Saad ni Kuya Clever na nasa first floor. Kaya nagmadali kaming bumaba.
"Kumapit ka Devina!" Mahinang bulong ko sa kanya. "Kaya mo yan, please don't go away!" Mahinang pakiusap ko sa kanya.
"Move, move!" Nagmamadaling saad ni Kuya Clever habang nag aantay sa baba ng hagdan. Mabilis kaming nagtungo sa may exit door. Saka sa likuran na kami ng warehouse dumaan kung nasaan ang kakahuyan. Nasa dulo nito ang sasakyan namin. Sabi ni Kuya Clever.
Napatingin ako kay Devina na namumutla na. Kailangan naming bilisan. God, please guide us to arrive safety and please huwag niyong pabayaan si Devina. Pakiusap ko sa taas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top