IL34
Finding
The next day, the same day. No change at all except to those Royalties that keep on eyeing on me. Jezz, ano bang problema nila sa akin.
Right now, nasa may field ako. Seating under my favorite manggo tree. They pass in front of me. Rolling her eyeball on me. Mahanginan ka sanang babae ka.
I just relaxing my mind from this terrific day. I never thought someday will be this chaos. Sana hindi na nila binanggit na anak nila ako sa publiko. Ang kilala bilang isa kahit hindi isapubliko ay ayos na ako.
Kung ano mang dahilan nila sana naman ay tama ang desisyon nila. Hindi ko pa rin makuha ang point nila. Why they need to spread it to public? Para iwasan ang issue na tiyak na makakasira sa kanila.
Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon. Kailan ba magiging ordinaryo ang buhay ko? Napatingin naman ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa ata. Makulimlim tila ba nakikisama sa akin ngayon.
Makaalis na nga dito baka maabutan pa ako ng ulan. Sa pagtayo ko, I see a person from afar. I think his/ her looking at me. Whose that? Bigla na lang itong tumalikod sa akin.
Susundan ko sana ng mamataan ko sila Airelle na papunta sa gawi ko. Ano na naman ba ang kailangan nila sa akin. Lumihis ako ng direksiyon sa kanila.
"Devina!" Tawag nila sa akin. Pero hindi ko sila pinapansin. You draw a line you should follow the rule. Kayo ang naggawa, matuto kayong sumunod.
"Devina" Humihingal na tawag nila kasabay ng pagpigil sa akin ng isang kamay sa aking braso. Napatingin naman ako doon bago maayos na kinalas.
"Bakit?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya. Kita ko naman ang marahan niyang paglunok.
"Ah, ano kasi- ah" Nauutal niyang sagot sa akin.
"Kung wala ka ng sasabihin mabuti pang lubayan niyo na ako" Saad ko bago tangkang umalis.
"Wag kang lalabas ng School, ng walang kasama" Babala sa akin ni Chayenne. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"Bakit?" Kabado kung tanong sa kanya. Tumingin sila sa direksyon na tinignan ko kanina.
"May babaeng naghahanap sa iyo kanina. Mukhang kahina-hinala eh. Pero mukhang nakita ka ata kanina. May nakita ka bang babae dyan kanina?" Tanong niya sabay turo sa direksyon na pinagkakitaan ko sa babae.
"Oo" Maikli kong sagot.
"Nakilala mo ba?" Si Lulline naman ang nagtanong sa akin. Napatingin ako sa kanya. Bakas din ang kaba at takot sa mukha nila. Sino nga ba ang hindi matatakot. Anak ako ng isang makapangyarihang tao, tapos may naghahanap sa akin. At ikaw pa na may koneksyon sa akin ang tatanong. Hindi ka ba matatakot?
"Alam ba ng parents niyo na may koneksyon kayo sa akin" Out of nowhere kung tanong sa kanila. Mas mabuti ng alam ko para kung sakali man. Sana hindi naman mangyari ay handa ako na masisi. Wala naman ibang dahilan kung hindi ako diba? At tsaka sanay na ako dyan. Na ako lagi ang nasisi kahit wala akong alam.
Napatingin silang lahat sa akin. Wala sa politikal ang mga magulang nila. Nasa Business industries ang mga ito. Kaya kung sakali man baka pati Business nila madadamay sa gulo na ito.
"Oo, alam nila Mommy at Daddy" Sure na sagot ni Lulline. Yung dalawa mukhang wala pang alam ang parents nila.
"Si Mom lang ang may alam. Si Dad wala pa, nasa abroad pa siya" Mahinang sagot ni Chayenne. Akala ko hindi alam ng Mama niya. Napatingin ako kay Airelle.
"Both of my parents know that I have a connection on you. And they never stop me from befriending with you so don't need to bother" Mahabang paliwanag niya sa akin.
"Okay" Wala na akong masabi na sagot maliban sa okay. I though their parents will told them to avoid me like what other did to me when I was a kid.
Masakit marinig na mismong parents ng mga bata nakakasalamuha ko ang magsasabi non sa kanila. They even scared them if they get close to me.
"Bakit mo pala na itanong?" Tanong sa akin ni Lulline.
"Wala lang, ang maipapayo ko lang sa inyo ngayon. Na layuan niyo na ako habang maaga pa. Kapag nalaman ng kalaban ni Dad na may koneksyon kayo sa akin baka pati kayo madamay. Ayokong may madamay na ibang tao sa laban ng pamilya ko" Sincere kung sagot sa kanya.
"Ano ka ba matagal ng may koneksyon ang pamilya natin. Kaya kahit anong pagtataboy mo damay kami dito. Kung alam mo lang" Makahulugang sagot sa akin ni Chayenne. May koneksyon kami sa kanila? What? Garcilla at Delgado may matagal ng koneksyon? How come?
"You don't know how powerful your Family is. I am sure if you find out, how powerful your family that you belong. I guess hindi ka maniniwala" Sigurado niyang sagot sa akin.
"Tama, siguro may dahilan kung bakit hindi ka nila inilabas dati pa. Kung bakit ka nila itinago. May dahilan ang lahat, Devina. Kapag nahanap mo na yun. Maintindihan mo sana" Payo sa akin ni Airelle.
"Tara na baka maabutan pa tayo ng ulan dito. Mahirap ng magkasakit sa panahon ngayon. Malapit na ang finals" Yaya sa amin ni Lulline ng biglang kumulog.
"Masama ito, tara na" Saad niya bago tumakbo papunta sa may silungan. Sinundan naman nila Chayenne at Airelle. Pati ako ay nakitakbo na rin.
Sa nagdaang maghapon din yun ay hindi na kami pa nagtagpo ng landas. Magkakaiba kami ng kurso na kinuha. Psychology sila Lulline at Chayenne, habang BSE naman si Airelle. Malayo din ang college building nila sa amin. Kaya bihira lang kami kung magkita.
Uwian na at naandito pa rin ako. Takot na lumabas baka may nakaabang sa akin. Saan ako dadaan? Mukhang kailangan ko ng ibang ruta palabas ng campus namin.
Malapit ako sa may parking lot ng may mamataan akong motor na papasok ng campus. Mukhang familiar sa akin ang motor na iyon. Saan ko nga ba iyon nakita?
Nagulat ako ng malaman kung sino ang sakay ng motor na iyon. Napatakip ako ng bibig saka nagtago sa mga halaman. Siya ba yung, siya ba yung muntik ng bumangga sa akin.
Paano? Bakit? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Pinagmasdan ko siyang umalis sa motor niya papasok sa campus. Mas lalo kung kinubli ang sarili ko sa damuhan. Kaya pala noong una pa lang ay iba na ang pakiramdam ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang boses lalaki malapit sa may tainga ko. Nanlaki ang mata ko saka mabilis na lumingon.
"Skay!" Kinapos na hininga kung banggit ng pangalan niya dahil sa kaba.
"Natakot ba kita?" Inosente niyang tanong sa akin. Akala ko ba siya ang takot sa akin.
"Oo"
"Paumanhin, ano ba kasing ginagawa mo dito?" Takang tanong niya sa akin.
"May tinitigan lang. Uhm Skay, kilala mo ba ang may ari ng motor na iyan?" Mahina tanong ko sa kanya. Total kunti na lang naman ang tao sa loob ng campus. Ang iba kasi ay uwian na.
"Ah yung, President ng isang club dito. Nakalimutan ko na kung ano yun. Pero kilala ko ang apelyido ng may ari nan" Sagot niya sa akin.
"Sino?" Takang tanong ko.
"Si Abellodes, Sa college of engineering. Bakit mo natanong?" Siya naman itong nagtatakang nagtanong sa akin. Uhmm, sasabihin ko ba? Makakapagkatiwalaan ko ba ang mokong na ito?
"Wala para kasing nakita ko na yung motor niya. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan" Ibang paliwanag ko sa totoong hangarin ko.
"Sigurado ka, ang alam ko galit ang mga Abellodes sa mga Garcilla" Pag bibigay niya ng information sa akin. Nakuha niya naman ang atensyon ko.
"Galit? Bakit?" Nakakunot na noong tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa relo niya.
"May gagawin ka pa? Mas maganda kung sa ibang lugar natin ito pag usapan. Baka may makarinig sa atin dito" Bored niyang tanong habang may kinukulikot sa callphone niya.
"Wala naman, mamaya pa ako papasok sa part time job ko" Sagot ko sa kanya. Napatigil naman siya sa sinabi ko. At lumingon sa akin ng hindi makapaniwala.
"Seryoso? Part time job? Nagtatrabaho ka. Eh samantalang halos buong lugar na ito ay sa angkan mo nakapangalan? Pinagloloko mo ba ako, Devina Mazikeen Garcilla?" Madiin niyang banggit sa pangalan ko. Errrr, naiilang ako kapag binabanggit ang buo kong pangalan.
"Totoo, kung ayaw mong maniwala edi sumama ka sa Cafe kung saan ako nagtatrabaho. Doon natin pag usap ito. Total mas safe doon" Offend na sagot ko sa kanya saka tumayo na ng tuwid.
"Okay sabi mo eh, tara dito. Andito yung sasakyan ko" Sabag turo niya sa akin sa kabilang direksyon. Mukha naman katiwa-tiwala ang lalaking ito.
Isang black ford na hindi ko alam ang model. Will ano ba alam ko dyan, ni sarili kong luho wala ako. Imperness, gentlemen.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, sa may tabi ng driver seat.
"Seatbelt pakisuot, may pagkakaskasero ako. Just informing you" Paalala niya sa akin habang binubuhay ang makina ng sasakyan niya.
"Okay" Tangin sagot ko. Saka niya pinatakbo. Goshness, kaskasero nga putek. Nakahawak na ako sa may taas ng pinto yung may hawakan doon. Mabilis siyang magpatakbo.
"Where?" Chill niyang tanong.
"Sa. sa. sa ano. Sa Zena Cafe" Nauutal kong sagot dahil kinakabahan na ako. Jusko baka dito pa ako mabawian ng buhay.
"Okay" Tangin sagot niya. Nagfocus na siya sa pagdadrive hanggang sa safe naman kaming nakarating. Buti naman nakaabot kami.
"Breathe" Utos niya sa akin. Nakalimutan ko pa lang huminga sa buong byahe.
"Okay, tara na" Natauhan kong saad saka naunang bumaba. Mula dito tanaw ko sila kuya Jasthin na natigil sa ginagawa. Nagulat ata ng bumaba ako sa kotse nitong si Skay.
Saka ko lang naalala, magkapatid pala sila sa Tatay. I remember ng nag overnight kami he told his story of his life. Napatingin sa akin si Skay.
"So dito ka nagtatrabaho" Nakapamulsal niyang tanong. Nakita din ako ni Kuya Jasthin. Napatigil siya ng kunti bago bumalik sa akin ang tingin.
"You know?" Simpleng tanong niya sa akin.
"Uhmm, oo" Sagot ko saka naglakad na papasok ng Cafe.
"Good afternoon, welcome sa Zena Cafe" Maligaya nilang bati sa amin gaya ng nakagawian namin. Doon lang nila ako nakilala.
"Ahmm, may tao ba sa may staff room? May pag uusapan lang kaming importante?" Tanong ko sa kanila. Mukha namamg nagulat nila sa tanong.
"Ano ba yung pag uusapan niyo at doon pa kayo mag uusap?" Takang tanong ni Kuya Jasthin.
"Something that involve her safety Kuya" Bored na sagot ni Skay. Oh, buti kuya tawag nito dito. Nagstiff si Kuya Jasthin ng tawagin siyang kuya nito.
"Ohhhh, the Step-brother!" Manghang saad nila Kuya Tibor, Runyon, Osgood at maging si Kuya Land.
"Tsk" Hasik nitong katabi ko.
"Wala pang tao doon. Mamaya pa sila Kheye, may pinuntahan lang. Bilisan niyo at mamaya dadami ng tao doon. Malapit na rin ang uwian ng iba" Seryosong saad ni Kuya Jasthin saka nagpatuloy sa ginagawa niyang pag pupunas ng lamesa.
"Sige po" Magalang na balik sagot ko saka ginaya ni Skay papunta sa may Staff room.
"Dito" Sabay bukas ko ng pinto.
"Hoo, may ganito pala dito" Mangha niyang sagot. "Oo, pinagawa mismo ng may ari para may pagpahingahan kami" Nakangiti kong sagot.
"So, ano na uli yung tanong mo?" Balik niya sa topic kanina.
"Kung bakit galit ang Abellodes sa aming mga Garcilla?" Takang tanong ko sa kanya. Umayos naman siya ng upo bago ako sinagot sa tanong ko.
"Yung alam ko lang ang sasabihin ko sa iyo ha! May tao pa kasi mas nakakaalam ng tunay na nangyari. At mas maganda kung sa kanya mo itanong. Pero dahil mabait ako, isishare ko" May pagmamayabang ng saad.
"Okay, So bakit nga ba Galit ang Abellodes sa Garcilla. Ito, dahil sa isang pangyayari noong nakaraan. Ang Tatay niya at ang Mommy mo. Ay dating magkasintahan. Ayon sa bali-balita. Pero sa isang iglap biglang naglaho si Franz, pangalan ng Tatay niya. Ang sabi, pinaalis ng Tatay mo dito sa lugar natin. Pinagbantaan kung hindi aalis pababagsakin ang kompanya nila. Pero ang nakakapagtaka, sabi kasi ng Mama ko. Hindi daw sila ang magkasintahan, Si Franz ang tinutukoy ko. Kung hindi iba pang tao. Sabi nila ginawang panakip butas si Franz para mapagtakpan pa ang isa. At iyon ang ikinagalit niya sa inyo. Yung tao na pinagtatakpan yun talaga ang tunay na kasintahan ng Mama mo. At dahil nga makapangyarihan ang Daddy mo. Gamit ang kapangyarihan, nakuha niya ang Mommy mo. Hanggang doon lang ang nalalamang ko.Kung gusto mong malaman pa ang ibang parte ng kwento. Hanapin mo si Costacia Salbadol. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ng Mommy mo maliban kay Mama" Pagkukuwento niya sa akin.
Natulala naman ako matapos niyang ikuwento ang lahat ng nalalaman niya. What? may iba pang mahal si Mom? Sino?
"Saan siya mahahanap?" Desidido kong tanong sa kanya. Napakamot siya ng batok niya.
"Hindi ko alam, matapos kasi ang gulo dati. Umalis sila kasama ng pamilya niya sa lugar na ito. Pumunta sa ibang lugar para makapamuhay ng tahimik" Kibit balikat niyang sagot sa kanya.
Bumagsak ang balikat ko sa sagot niya. Wala akong ideya kung sino siya. Kung nasaan siya. Paano ko siya mahahanap kung tangin pangalan lang niya ang alam ko.
Napatingala ako sa kanya ng bigla siyang tumayo sa harap ko. Hinawakan niya ako sa balikat ko.
"Magtiwala ka lang makikita mo siya" Nakangiti niyang saad sa akin. Bago umalis sa harap ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita siya sa may kabilang pinto. Kanina pa siya dyan?
"Kanina ka pa dyan?" Gulat kung tanong saka napatayo.
"Oo, tsk" Mataray niyang sagot sa akin.
"Oh, Devi andito ka na pala" Gulat na saad ni Geff na kapapasok lang sa may staff.
"Ah oo may pinag usapan lang kami nong kasama ko kanina dito" Sagot ko sa kanya.
"Ah sa may locker lang ako, Magbibihis" Paalam ko sa kanila saka mabilis na umalis. Hay, bakit kinakabahan ako kay Vannamei?
"Oh, nauna ka pa sa amin" Gulat na saad no Blyst pagkapasok sa back door. Kasunod si Marco na gulat din dahil na ako dito.
"Ah, maaga kasing natapos ang klase namin" Sagot ko habang binubuksan ang locker ko.
"Okay" Sagot niya saka binuksan na rin ang locker niya. Hindi ko na sila pinansin saka mabilis na pumasok sa C.R.
"Costacia Salbadol, saan kita makikita?" Tanong ko sa sarili habang nagbibihis. Should I go in the comshop?
Pero gabi na baka delikado. Paano ko malalaman kung nasaan siya. Sino ang pwede kung pagsabihan? Arghhh, Marco? Blyst or Kuya Jasthin?
Hay, mamaya ko na lang isipin yun. May time pa naman ako kung paano ko siya mahahanap. Maybe theirs something na ayaw niyang mainvolve kaya umalis na lang siya dito sa lugar namin.
Ganoon ba talaga kalawak ang kapangyarihan ni Dad. To the point that he can sue people out of our town? Bakit niya pinaalis kung hindi naman pala yon ang tunay na kasintahan ni Mom. At sino ba itong Kasintahan ni Mommy.
Feeling ko may kinalaman ito kung bakit gusto akong patayin ng anak niya. He even know that I am a daugther of Brady? His Dad enemy? O baka inutusan siya?
Ang gulo, hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko. Masyadong magulo ang buhay ko.
Napahawak ako sa may lababo dahil sa frustation. Where I can find her? Where do I begin? After finals na lang siguro para hindi hassle.
Now, I should work. Bibisitahin ko pa pala si Doc bukas after work ko. Naitext ko na rin siya. Buti na lang narevive ko.
Lumabas ako sa C.R. nakabihis na rin sila. Sabay na kaming pumasok sa staff room para antayin ang first batch. Mag gagabi na pala. Padami na rin kami dumadating na yung iba.
Parang makokompleto kami ah. Bihira lang itong mangyari. Magkakaiba kasi yung time out namin. Lalo ma schedule sa school. Meron gabi na umuuwe kaya sa ibang araw na pumapasok. Pero this time mukhang magkakaisa ang schedule namin.
"Oh, kompleto ah" Gulat na saad nila Kuya Jasthin. Napansin din pala niya.
"Buti naman at nako daming customer. Marami nang magbabakasyon eh" Pagod na saad ni Kuya Runyon.
"Bakasyon na ng mga highschool" Balita ni Veian.
"Ahhh kaya pala, oh siya pasok na kayo doon" Utos sa amin ni Kuya Jasthin saka ako tinignan.
"Talk to you after work" Bulong niya sa akin bago ako nilagpasan.
"Okay" Sagot ko. Siguro tungkol kay Skay kanina kung anong pinag usapan namin kanina.
"Ano yung sinabi ni Kuya Jasthin?" Paguusisa sa akin ni Blyst. Kahit kailan napakatsismoso talaga nito.
"Wala, tsismoso ka talaga eh" Nang gigil kong amba sa kanyang hahampasin siya. Kumaripas naman siya ng takbo.
"Ginugulo ka na naman ba?" Natatawang tanong ni Loucas sa akin.
"Kailan pa ako tinantanan non" Naiinis kung saad sa kanya.
"Tsk, ang cute niyo pagmasdan. Yieee, baka may gusto sayo yun" Pang aasar niya sa akin sabay sundot sa tagiliran ko. Aba, isa rin ito.
"Tigilan mo ako Loucas, baka gusto mong isigaw ko kay Chessell na gusto mo siya" Pagbabanta ko sa kanya.
"Shhhhh" Sabay takip niya sa bibig ko.
"Ano ka ba wag ka ngang maingay, titigil na ako" Bulong niya sa akin habang tinatakpan pa rin ang bibig ko.
"Hmm, hmmm" Saad ko. Binitawan naman niya na ang bibig ko.
"Buti naman" Nakangisi kung saad. Inis naman niya akong tinignan.
"Hoy, anong pinag uusapan niyo" Akbay sa amin ni Chessell. Pinandilatan naman ako ng mata ni Loucas. Nagbabanta siya na huwag kung sabihin.
"Ha? Pinag uusapan lang namin yung crush niya" Sabay turo ko kay Loucas. Napatingin naman si Chessell kay Loucas. At ang loko nagbablush hahahaha.
"Sino?" Pangungulit niya sa akin.
"Hehehe, secret. Baka mamatay ako kapag sinabi ko" Nakangisi kong sagot habang inaasar ng tingin si Loucas.
"Hay nako tumigil na kayo dyan at baka mapagalitan pa tayo" Pagsusuway sa amin ni Vailey. Ang Kuya Jasthin be like, bansag nila sa kanya.
"Yes, master!" Asar na sagot nila may pasaludo pa. At ang loko, mukhang gustong gusto pa.
Hay nako ang mga kulokoy nga. Totoo nga ang sabi nila Kuya Jasthin. Sobrang daming customer. Bakasyon na talaga ng iba. Habang kaming college student finals pa lang. Mapapasana all ka talaga.
Dagsa ang naging customer kaya kahit mamaya pa sila. Bumalik na sila sa loob para alalayan kami sa dami ng customer. Meron din sa labas. May nagtatake out pa.
Rotating pa rin kami kahit kompleto na kami. Serve, ligpit at taga kuha ng order. Salitan kami kung sino available siya ang gagawa.
Gosh, nakakapagod ang araw na ito. Nasa may cashier na ako. Napatingin ako sa may labas, may naaninag akong imahe ng babae. Yung babae kanina sa may school.
Kung hindi pa ako kalabitin ni Vailey hindi pa ako kikilos muli.
"Sorry may nakita lang sa labas" Natauhan kong sagot sa kanya. Saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Hanggang sa natapos ang trabaho namin pasado alas onse ng gabi. Kanya-kanya kami ng reklamo tungkol sa araw na ito. Gosh, nakakapagod.
Isa-isa na silang nagpaalam para makauwe na at makapagpahinga na rin. Jusko, gusto ko na rin umuwe kaso.
"Devina!" Tawag sa akin ni Kuya Jasthin. Alam ko na ito, naalala ko yung sinabi niya kanina.
"Mauna kayo, Marco. Ako na ang maghahatid sa kanya" Pagtataboy niya kila Marco at Blyst. Sa una ayaw pa nilang umalis. Pero dahil pinanlakihan ko sila ng mata. Umalis din sila kahit labag sa loob nila.
"Ano nga pala ang pag uusapan natin, Kuya Jasthin?"Kaagad na tanong ko sa kanya pagkalabas namin.
Tumigil siya saglit bago nilibot ang paningin bago ibinalik sa akin.
"Tungkol sa inyo ni Skay. Bakit kasama mo siya? Anong pinag usapan niyo sa loob ng staff room?" Paulan na tanong niya sa akin.
"Ah, hindi naman kami close, magkaklase lang kami. Yung pinag usapan namin about doon sa lalaking balak akong bungguin" Sagot ko sa mga tanong niya.
"Bungguin?" Pag uulit niya sa huli kung sinabi.
"Hmm, noong nakaraang buwan lang yun. Magkasama kami ni Marco. Ng muntik na akong mabangga" Pagkukuwento ko. Napatigil naman siya kaya tumigil din ako. Napatingin naman ako sa kamao niyang biglang tumiklop. Galit ata siya.
"Bakit?" Mahina kung tanong, parang natauhan namin siya at mabilis na naglakad palapit sa akin.
"Wala, so anong meron sa lalaking yun?" Parang naiinis niyang tanong sa akin.
"I found out through your step-brother. That guy Family has a not so good relationship with my parents. And I think alam niya kung sino ako. Then balak niyang maghigante. School mate ko lang siya. Malapit sa akin, kaya medyo natatakot ako ng malaman kong siya yung balak na sumasagasa sa akin" Kinakabahan kung kwento sa kanya saka niyakap ang sarili sa takot.
"May iba ka pang pinagsabihan nito?" Tanong niya sa akin.
"Wala ikaw pa lang" Medyo tulala kung sagot.
"So, anong gagawin mo ngayon? Hindi mo pwedeng isiwalat na pinagtangkaan niya ang buhay mo. Mas malala ang magiging kinalabasan. Magiging agresibo ang iba. Baka mas lalo kang mapahamak. You know people can turn the table at baka ikaw pa ang madehado" Frustated na paalala niya sa akin.
"Yun din ang naiisip ko. Kaya imbis na sa kanya ako magfocus. Mas uunahin ko ang paghahanap sa babaeng may alam sa mga nangyari sa nakaraan ng parents ko" Desidido kung saad.
"Babae? Who you gonna find? For what?" Takang tanong niya.
"For me to know what really the reason behind of this issue" Seryoso kung sagot.
"Okay then, We will find that woman if she can solve tha other loop hole of this issue. Finding that woman may answer your question" Seryoso din niyang sagot. Sakto nasa tapat na kami sa compound namin.
"Yeah, if we find her maybe, I can understand where this issue root. But Where I can find her? If I don't have any gadgets to use? Where I start finding her?" Nahehestirical kung saad sa kanya.
"Don't worry ako na bahala doon. Ano ba pangalan niya?" Pagtatanong njya sa akin.
"Costacia Salbadol" Banggit ko sa pangalan na sinabi ng step-brother niya.
"Salbadol?" Gulat niyang saad.
"Bakit?"
"Sure ka ba dyan. Ang balita ko sa Pamilya na yan eh may pagkabaliw. Kaya walang gusto makipagkaibigan sa kanila. How come na isang Salbadol ang ipinahahanap sa iyo?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Yung ang hindi ko alam" Nahihiya kung sagot sa kanya.
"Its okay ako na bahala na magtrace sa kanila. Just rest, focus on your study. Goodnight!" Payo niya sa akin bago ako hinalikan sa noo.
"Thank you, Kuya Jast" Paalam ko bago tumalikod sa kanya. Its a tiring day. I should rest talaga. Buti na lang Friday na bukas 12:30 ang pasok ko. Makakapagpahinga pa ako.
----
Author's Note:
Marami pa palang chapter hahahaha. Feel ko kasi bitin kapag hanggang chapter 40 lang kaya I add 5 more chapter hahahaha. So marami pang mangyayari. Enjoy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top