IL31
Bond
And that night I let my thoughs consume me until I fall asleep. And I wake up with little smile on my lips.
It different kind of morning for me. Unlike the other days that I feel exhausted. Agad ko naman naalala ang school. Pangatlong araw na akong absent, I don't know whats going on.
Kahit na bago ako umalis ay may issue at least naresolve pero malapit na kasi ang finals namin. Mahihirapan akong maghabol kung aabot pa ako ng isang linggo na absent. Lalo na two or three weeks na lang finals na, hell week.
Kailangan ko ng makausap si Senator Ortañeza about sa pag aaral ko. Hindi ko pwedeng ipagpaliban lalo na scholar pa ako. Hindi magandang idea na may absent ako ng matagal.
Kaagad akong lumabas sa kwartong pinagtuluyan ko. Bumungad naman ang dalawang bodyguard. Pati ba naman dito? Double security nga.
"Saan si Senator?" Ilang natanong ko sa nakatayong tuwid na tuwid na men in black sa harap ko. Nakashade pa, nasa loob naman ng bahay.
"Nasa may garden" Parang robot niyang sagot. Mas lalo ko siyang tinignan. Di battery kaya ito. Bakit ganito magsalita. Di bale na lang nga si Senator naman ang hinahanap ko.
Kagaya ng sinabi ng men in black na lalaki. Nasa garden si Senator pero sa laki ng bahay na ito. Saan kayo yung garden? Saan yung daan. Sa dami ng hallway, pasukan at pasikot-sikot, mukhang naliligaw na ako. Bakit kasi hindi mo tinanong kung saan yung daan patungo sa garden, Devi. Ingot ka rin eh no! Pangaral ko sa sarili ko.
Bumalik uli ako sa pinanggalingan ko buti na lang may nakita akong maid na pwedeng pagtanungan.
"Uhmm, excuse me, Miss" Pagtatawag pansin ko sa kanya habang nagwawalis siya ng sahig.Napalingon naman siya kaagad sa akin, sabay yuko sa harapan ko. Ay Señorita lang ang peg?
"Ah no need to vow, I just wanna ask. Where is the garden?" Mahinahon kung tanong sa kanya. Umangat naman na ang ulo niya bago siya nagsalita.
"Sumunod po kayo sa akin. Ituturo ko ang direksiyon" Magalang niyang tugon sa akin saka naunang naglakad. Sinundan ko lang naman siya hanggang sa makarating kami sa isang glass sliding door. Doon ko lang natanaw ang buong garden. Nagningning ang mata ko ng makita kung ano ang mga nakatanim sa garden.
Iba't-ibang uri pero mas nakatawag pansin sa akin ang favorito kung bulaklak, ang sunflower. Hindi pa tuluyan nabuksan ng maid ang pinto pero pinilit ko ang sarili ko hanggang sa makalabas na ako.
Masarap at fresh na hangin ang bumungad kaagad sa akin. Nakakarelax na kapaligiran ang bumati sa akin. Wow, naalala ko tuloy ang garden ni Kuya Eurion. Maybe pwede akong humingi ng mga buto para itanim ko sa garden ni Kuya.
Dahan-dahan akong naglakad sa pagitan ng mga bulaklak. Nakangiti at maingat silang hinahawakan. Hanggang sa napunta ako sa may mga sunflower. Doon na lumabas ang malawak na ngiti mula sa akin labi. I don't know why, feel ko may something sa bulaklak na ito. Na parang kadikit ng buhay ko.
Umupo ako saka sila pinagmasdan. How I wish, I was like a sunflower. Standing tall and bright even there a darkness.
"Ang ganda nila diba?" Tanong ng isang husky na boses sa likod ko. Kahit hindi ko lingonin kilala ko kaninong boses iyon.
"Yes, they are beautiful" Manghang sang ayon ko sa kanya.
"Parang siya, at ikaw" Pahina ng pahina niyang saad. Napalingon ako ng hindi ko marinig ang huling sinabi niya.
"Ano po yung last niyong sinabi?" Paulit kung tanong sa kanya.
Umiling naman siya kaagad. Mukhang ayaw ng ulitin pang sabihin iyon.
"First love" Hindi ko nakatingin sa kanyang tanong.
"Yes!" Feel ko nakangiti siya ng sabihin iyon. Pero nasesense ko din ang lungkot sa tono ng boses niya.
"Who?" Naiintriga kung tanong sa kanya habang namamangha pa ring nakatingin sa mga bulaklak.
"You know her" Saad niya na nagpabigla sa akin. Napalingon ako.kaagad sa kanya. Tipid naman na ngiti ang binungad niya sa akin. A calming smile I ever see.
"I-i kn-know her?" Nauutal kung tanong sa kanya. Napatango naman siya? Sino? Kilala ko?
Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Munting tawa ang kumawala sa kanyang bibig.
"In time you know her. Wag ka munang magmadali. Its takes time to reveal the unspoken truth with spoken words" Pagpapanatag niya sa akin.
Napatango naman ako. Nilahad naman niya sa akin ang kamay niya para makatayo ako. Biglang nanlaki ang mata ko ng mapayakap ako sa kanya ng muntik na akong madapa.
"Ayos ka lang?" kaagad niyang tanong sa akin habang sinusuri ako. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa gulat at bilis ng pangyayari.
"Ayos lang po ako" Mahinahon kong sagot saka napatingin sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik ng malamang okay lang ako.
"Ahmm, let's seat. May upuan doon" Nahihiya niyang turo sa akin sa bandang kaliwa namin. Natanaw ko naman ang sinasabi niya. Isang wooden parang sala set na nakaayos dito sa may gitna ng garden. Bakit hindi ko kaagad napansin yun.
"Tara" Sabay lahad niyang ng kamay sa harap na parang pinapauna akong maglakad. Tumango naman ako saka naunang naglakad sa kanya. Tahimik naman siya sa likod ko habang ako busy sa pagtingin sa iba't-ibang uri ng bulaklak na nakatanim dito.
Hanggang sa nakarating kami sa may upuan. Pinanghila pa niya ako ng upuan bago ako umupo. Saka siya umupo sa harap ko.
Kita ko naman dito ang kakaibang ngiti niya kisa kahapon. Mukhang okay naman na siya ngayon.
"Ahmm pwede pong magtanong?" Pang umpisa kung tanong sa kanya. Nakuha ko naman ang atensiyon niya. Naging mas atentatibo siya sa akin. Nakalumbaba siyang nakaharap sa akin ngayon. Bigla tuloy akong nahiya sa itatanong ko. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Gosh, I'm blushing for petty sake.
"Ano yun?" Naiinip niyang tanong sa akin. Gosh, itatanong ko ba! Ay bahala na nga.
"Uhm, I just ask if I can ask for some seeds of your flowers? I have garden also, I just need to plant again some flower" Nahihiya kung tanong sa kanya.
Napahalakhak naman siya. Napatingin naman ako sa kanya. Nakakagulat naman ang pagtawa niya.
"Oh sorry" Kaagad niyang paghingi ng paumanhin sa akin.
"Well, pwede naman I can give you as much you want. Ilan ba kadami?" Kaagad niyang tanong sa akin.
"Ah, may 1/4 of your garden?" Hindi ko sure na tanong medyo maliit lang naman kasi yung garden ni Kuya Eurion eh. Bigla naman siyang napaisip. Siguro marami akong hiningi?
"Sure, kailan mo ba gagamitin?" Excited niyang tanong sa kanya. Bakit parang excited na excited si Senator? Mahilig ba siya sa mga bulaklak?
"Ikaw po ba ang nagtanim ng mga bulaklak dito?" Curious kung tanong sa kanya. Napaayos naman siya ng upo bago sumagot.
"Yes, Almost half. Yung iba mga hardinero na ang nagtanim. Katulad ng mga sensitibong halaman na makikita mo dito" Paliwanag niya sa akin. Habang pinagmamasdan ang mga pananim niya.
Mas lalo ko tuloy na miss si kuya Eurion. Gawain din namin yun dati. Ang sabay na magtanim, nag alaga ng halaman.
"Gusto mo bang subukang magtanim. Mayroon akong bagong halaman na itatanim. If you want?" Pagyaya niya sa akin. Mukhang nakakatempt kaya.
"Sige po, matagal-tagal na rin po kasi noong huli akong nagtanim eh" Payag ko sa kanya. Saglit siyang napalingon sa akin ng marinig na nagtatanim din ako.
"Nagtatanim ka rin pala" Hindi makapaniwalang saad niya. Napangisi na lang ako sa kanya. Saka ako na mismo ang naunang tumayo.
"Mukhang excited ka naman so tara na. Dito!" Sabay turo sa kabilang direksiyon. Nagtungo kami sa West wings ng garden niya kung saan may bagong plant bed.
Tinuro naman niya ang mga itatanim na halaman. Hindi ako familiar sa halaman na ito. Baka galing pang ibang bansa.
"Galing abroad to?" Curious kung tanong sa kanya.
"Yes, kadadating ng noong isang araw" Mabilis niyang sagot sa akin habang pumuwesto na sa harap ng plant bed.
"Tara" Sabay turo niya sa tabi niya. Kahit walang gloves ay nagtatanim pa rin siya. Nakakapanibagong malaman na mahilig din pala siya sa halaman.
Nilinisan muna namin ang paligid bago nagtanim. Hindi naman ganoon katirik ang araw dahil palabas pa lang si haring araw. Naghati kami sa itatanim na halaman. Magkaharap kaming nagtatanim ngayon. Kapwa tahimik at focus sa ginagawa.
Pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti lalo na ng maalala ko ang mga masasayang araw na buhay pa si Kuya Eurion. Sabay kaming tatakas saka pupunta sa secret garden para magtanim at tumambay.
"Remembering someone?" Curious niyang tanong sa akin nakahinto na pala siya sa pagtatanim.
"Yes, my older deceased brother. We use to plant flowers in his garden before until one night. My precious brother died" Malungkot kung kwento sa kanya.
"I'm sorry to heard that" Kaagad niyang saad. Ngumiti ako ng tipid saka muling nagsalita.
"No need to say sorry. Pagpatuloy na lang po natin tumataas na ang araw. Baka malanta po sila" Magalang na saad ko sa kanya. Tumango naman siya saka muli kaming nagtanim pero this time with simple chitchat.
Marami akong nalaman sa kanya, like his favorate food, sport and drinks. Somehow, nakakaintriga dahil parehas kami pero napakanega ko naman kung kukwestyunin ko pa yun.
"And finish, maghugas na tayo ng kamay natin" Masigla niyang yaya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya papunta sa lalabo na nasa labas.
Pinauna niya akong maghugas ng kamay dahil kinausap siya ni Kuya Hence. Mukhang seryosong usapan dahil biglang nag iba ang templa ng mukha ni Senator. Ano kaya yun?
Sakto naman patapos na ako ng bumalik siya sa pwesto ko. Ganoon pa rin ang reaksiyon niya mukhang sensitibong usapin yun.
"Ayos lang po ba kayo?" Nag aalala tanong ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa akin gamit ang nakakunot na noo niya. Bigla naman akong naconcious sa paraan ng pagtitig niya.
"May dumi po ba ako sa mukha?" Takang tanong ko sa kanya.
Bigla naman niyang tinuro ang leeg ko. Bigla akong kinabahan? Humarap ako kaagad sa may glass window sa likod ko. Naaninag ko naman ang sarili ko dito kaya tinignan ko ang parteng tinuro niya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ito. Napatakip ako dito ng di oras. Nahihiyang tumingin sa kanya. What the fuck! Marco!
"Ahhh allergy lang po" Naiilang kung sagot sa kanya habang hindi makatingin ng maayos. Bakit feeling ko may kasalanan ako sa kanya. Waeyo?
Nakataas kilay naman siya at nakahalikipkip na tumingin sa akin. Waiting for my explanation. Parang tatay na gusto marinig ang paliwanag ng kanyang anak.
"Ahh, hmm kissmark" Nakayukong pag aamin ko. Wala din naman akong magagawa kung itatangi ko nakita na niya at wala akong alam na meron ako nito sa leeg. Hindi ko alam kung kailan nag karoon.
"Ahh, pero hindi ko naman po alam na meron ako nito. Actually po ngayon ko lang nakita" Depensa ko sa sarili ko. Huhuhu feeling ko nakakatakot itong magalit.
"Dad!" Isang baritone voice ang sumingit sa amin. Bigla akong nasilyaban ng galit. Inantay ko muna siyang makalapit saka.
"Walang hiya ka, bakit mo ko nilagyan" Nagagalit kong saad habang pinaghahampas siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko hindi niya nasalag ang mga hampas.
"Ha?" Parang aning niyang tanong.
"Wag ko kung ma ha! Ha! Dyan. Tignan mo ang ginawa mo!" Naiinis kung saad sa kanya sabay turo ng ginawa niyang kissmark. Bigla naman siyang natauhan.
"Ah, nakita mo na pala" Casual niyang saad parang walang ginawang kahalayan. Aba!
"Ako po may gawa nan, Dad. Its her fault hindi ako nakapagpigil. Nakagat ko tuloy" Pag aamin niya sa harap ni Senator. Namula naman ako sa hiya. Bwesit na ungas ito. Ang lakas pa ng loob na umamin at tsaka ano? Ako pa ang may kasalanan?
"Hoy, anong kasalanan ko?" Naiinis ko uling tanong sa kanya.
"Kagabi, you told me not to leave. I stay, and then you kiss me, there" Sabay baba ng kwelyo niya. Napanganga naman ako sa pinakita niya. Gosh, mas malala pa kisa sa akin.
"So tell me, is not your fault?" Makahulugan niyang tanong. Saka siya humarap kay Senator. "Here, I have evidence, if you get anger on me, Dad. I understand" Magalan niyang paliwanag kay Senator.
Hindi pa rin mawala ang kakaibang reaksiyon ni Senator. Tila na ninimbang ang tingin niya sa akin saka siya malalim na huminga.
"You," Sabay turo kay Marco. " In my office now. And you young lady, back to your room. We will talk after I talk to this man" Seryoso niyang utos sa amin. Saka tumalikod at walang lingon-lingon na lumakad palayo sa amin.
Kaagad naman humarap sa akin si Marco saka sinabing," Sundin na lang natin si Senator. Bumalik ka na, ituturo sayo ni Yaya ang daan pabalik. We also need to talk after you talk to Senator Dad." Bilin niya sa akin bago nagsimulang humakbang. Pero bago pa tuluyang makalayo ay bumalik uli siya.
"May nakalimutan ako" Nakangisi niyang saad bago ako hinigit saka yumuko para sa akin leeg. Doon ko lang narealize kung anong ginawa niya.
"I like your neck, sarap sipsipin" Maloko niyang saad bago kumindat saka tuluyan ng umalis. Ako naman itong naiwang tulala. What just happened a while ago? Takang tanong ko sa sarili ko.
"Ahmm, Ma'am? Tara na po?" Rinig kung yaya sa akin.Tumango nalang ako kahit medyo lutang.
Kaagad naman akong lumapit human size na mirror sa kwarto saka tinignan ang ginawa niya sa akin. Medyo malaki ang ginawa niya. Mapula-pula pa, walang hiya talagang lalaking yun. Akala ko matino, mas malala pala kay Blyst na sinto-sinto.
Marahan ko itong trinace saka inalala ang mga sandaling nangyari ito. Bumalik sa alaala ko kung paano ko siya kinagat sa leeg, saka sinipsip. Gulat na gulat pa siya non. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko non.
Napaayos naman ako ng biglang bumukas ang pinto na kwarto ko. Si Senator pala nakakaintimidate din pala siya kapag badtrip.
Napaupo naman ako sa may edge ng kama. Mukhang seryosong usapan ang magaganap ah. Inantay ko siyang magsalita ng lumapit siya sa akin. Inangat niya ang mukha ko saka hinwakan sa leeg. Ramdam ko naman ang maingat niyang paghawak sa leeg ko.
Muli siyang napahinga ng malalim. Saka tumabi sa akin.
"I know your not child anymore. Your in a legal age but please be responsible in your decision" Sabay tingin sa leeg ko. " Hindi sa pinagbabawalan kita pero nag aaral ka pa. No to sex please. Yun lang ang gusto ko. Aside for your safety, please" Pakiusap niya sa akin. Bakit parang nasasaktan ako sa sinasabi niya. Hindi dahil sa pangaral niya kung hindi sa way niya ng pagsasalita.
Nahihiwagaan pa rin akong nakatingin sa kanya habang nakatanaw naman siya sa labas ng bintana. May kung ano sa kanya na nag uudyok sa akin na gawin kung ano yung binilin niya. Well total nabanggit na rin niya ang pag aaral.
"Tungkol nga po pala sa studies to, ilang araw na po akong absent and scholar po ako. Baka makaapekto ang pag aabsent ko sa grades at scholarship ko" Maingat na talastas ko sa kanya.
"Alam ko, kaya pinakuha ko kay Herschel ang mga kailangan mo. Take home quizes and modules na kakailangin mo sa finals. Wala pa rin balita na safe ka sa" Mapabuntong hininga muna siya bago niya binanggit ang salitang" Daddy mo". Sa naiingit na tono.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko na poproblemahin yun. Shaks akala ko mawawalan na ako ng scholarship.
"Maraming salamat po, Senator" Masayang pasasalamat ko saka siya niyakap. Nabigla siya noong una pero kalaunan ay yumakap din siya.
"Oh siya, ayusin mo na ang mga yun. Ipapadala ko dito kay Herschel ang mga yun. Pati na ang mga gamit mo" Saad niya saka kumalas sa yakap. Napatango na lang ako sa tuwa.
Tipid na ngiti ang sinagot niya sa akin bago tumayo at lumabas ng kwarto ko. Doon ko lang din naalala ang Cafe. Paktay nakaabsent na naman ako doon. Wala pa naman akong phone. Nasira na yung dati kong phone. Bumigay na siya hindi na niya kinaya. Paano ko ngayon sila kokontakin? Hindi ko pa man din alam ang number nila.
Napatigil ako sa kaiisip ng biglang bumukas ang pinto. Ang akala ko si Ate Herschel pero ang lalaking nakangisi ang pumasok. Biglang nagsibalikan ang mga aalalang hindi na dapat pang balikan.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas kilay kung tanong sa kanya. Tinaas naman niya ang mga gamit ko na dala niya. Wala akong masabi kundi ang sumimangot.
"Ito na mga gamit mo" Sabay lapag sa kama sa tabi ko. Nanatili naman siyang nakatayo sa harap ko.
"Oh!" Maikling siga kung saad sa kanya. Nagtaka naman siya kung bakit ako nag oh!
"Ano?" Naguguluhan niyang tanong. Napairap ako ng di oras.
"Diba sabi mo mag uusap din tayo?" Masungit na sagot ko sa kanya. Saka naman niya naalala.
"About that," Pauna niya saka umupo.sa tabi ko" Tumawag sa akin si Blyst, asking if you're okay. I told him na you're okay. So don't bother sa mga taga Cafe. Alam na nila ang nangyari, lalo na may namataan din silang kahinahinalang lalaking nagpunta doon para tanungin ka." Seryoso niyang pagsasalaysay sa akin.
"Lalaki? Paano nila nasabi na kahinala-hinala siya? May ginawa ba o something?" curious kung tanong sa kanya.
"No, wala siyang ginawa pero. Nagulat sila mg tanungin nila kung may kilala ba daw silang Devina Mazikeen Garcilla. No one know about your second name but Ma'am elle and kuya Jasthin. Kaya sinabi nilang hindi ka nila kilala. Buti na lang din hindi alam ng iba, kaya you're identity still safe." Paliwanag niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. How did that man know may full name? Hindi ko na ginagamit yun kahit saan dahil pingsabihin na ako ni Dad na "don't use you're name with mazikeen, understand". Doon ko lang narealize kung bakit.
"They just protecting me" Mahinang banggit ko sa sarili ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko.
"Everyone is protecting you. You're too precious to get hurt" Pag papahinahon niya sa akin. All this time yun pala ang ginagawa nila. Bakit? Bakit hindi nila sinabi sa akin?
"For mean time malalaman mo din ang lahat kapag natapos na ang mga problema" Mahinahon niyang saad sa akin.
Napatahimik ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang dahilan sa lahat ng ito. Naguguluhan na kasi ako. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan.
"Ang mabuti pa ay sagutan mo na lang ito. Kisa sumakit ang ulo mo sa kaiisip ng ibang bagay" Pagsasaad niya sa akin. Mabuti pa nga pagtuunan ko muna ng pansin ang pag aaral ko.
Kaagad ko naman silang kinuha saka inumpisahan ng sagutan. Mula short quizes to very long na mukhang exam na. Tapos nagbasa-basa na rin ako. Nanatili naman siya sa tabi ko. Pinapanuod ang mga ginagawa ko. Minsan nga naiilang na ako pero deadma ko na lang siya.
"Ho! natapos din" Masigla kong saad ng matapos ko ang mga dapat na gawin. Kita ko naman sa side view ng mata ko kung paano ngumisi ang loko. May binabalak na naman ito.
Pero gulat ako ng lumabas ito. Napatagilid ako ng ulo sabay tanong, anong nangyari?
Binalewala ko na lang yun at inayos ang mga gamit ko. Total maaga pa naman baka pwedeng magpaalam na lumabas. Naririnig ko din kasi ang tunog ng alon. Feeling ko malapit lang din kami sa dagat. Sakto naman pagtayo ko ang pagbalik niya. Napabalikwas ako ng may imbato siya sa akin na paper bag.
"Ano ito?" Kaagad na tanong ko.
"Open mo ng makita mo" Utos niya sa akin habang nakangiti. Binuksan ko naman, tumambad sa akin ang isang pares ng two piece na kulay light grey. Napatingin naman ako sa kanya. Kaya pala nakangiti eh.
"Wear that, we're going to tha beach side. And cover it with any kind of top. I don't want you to see walking in this house with that two piece only. I tell you, I can break promises" Bantay niya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Napalunok naman ako ng ilang beses bago tinignan muli ang two piece na binigay niya. Okay, hindi ko na pala kailangan magpaalam. Pupunta rin pala kami doon.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Sakto na sakto ang two piece na binigay niya sa akin. Lumabas ang hubog ng katawan ko na tinatago dahil lubos itong kinaiingitan ng mga ate ko.
Kumuha ang ng isang oversize ba tshirt saka sinuot. Naalala ko ang pagbabanta niya sa akin. Alam kung kaya niyang gawin yun. Nilagyan nga ako ng kissmark ang angkinin pa kaya. Ghad, Devi kung anu-anong pumapasok sa utak mo.
"Tapos ka na?" Tanong ng isang masiglang boses sa likod ko. Buti na lang naisuot ko na ang tshirt bago pa siya pumasok.
"Yup" Maikling sagot ko.
"Okay" Tangin sagot niya saka ako pinagbuksan ng pinto at pinauna. Pagkalabas ay nauna na siyang naglakad sa akin. Leading our way.
Taliwas sa nangin daan namin papunta sa harap. Papunta kami sa likuran bahagi ng mansion. Doon ko lang narealize kung bakit. Nasa likod lang pala ng mansion ang dagat. Pero mas nakakagulat eh maraming tao. I think this is not a privat property of him. Maraming iba't -ibang klase ng tao ang nakikita ko.
"Doon tayo" turo niya sa isang cottage. Sinundan ko naman siya at doon nakita ang Senator at ang iba pa niyang tauhan. Nakapang beach, o mas kilala sa tawag na hawaiian na suot.
"Andito ka na pala" Pagbungad nila sa akin. Tahimik lang naman ako.
"Have a seat young milady" Magalang na pag aalok sa akin ng upuan ni Kuya Hency.
Umupo naman ako saka kaagad na dinama ang simon ng hangin. Hindi gaanon kasangsang sa init ang hangin dito. Malinis din ang dagat na sinamahan ng puting buhangin. Kita ko namam ang saya ng ilang tao na andito.
"Don't worry you're safe here. Sa akin ang lugar na ito. Walang makakapanakit sayo" Pagpapanatag sa akin ng loob ni Senator. Tangin tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Napabaling naman ang atensyon ng lahat sa kambal dahil sa kaingan nila.
"Tara na Kuya, Let's swim" Makulit na yaya ni Hency kay Kuya Hence na tila hindi na natutuwa sa ginagawa niya.
Napailing na lang ako sa kanila. Ang kulit nila, sana all.
Isang kamay naman ang lumantad sa harap ko. Pagkatingin ko si Senator pala. Walang pagtangi ko itong tinanggap. Kaagad naman niya iyong nilipat sa braso niya.
Kahit hindi niya sabihin ang ko ang nais niyang mangyari. Tahimik kaming naglakad papunta sa may gilid ng dagat. Saka tinanaw ang dulo nito na hindi matapos-tapos.
"You know what? Life is just this sea, You never see tha ending but only the beginning. Alam mo kung bakit?" Tanong niya sa akin. Napailing lang ako bilang pagtugon.
"Cause we don't know how we end up. We don't know our ending, how we die or anything else. Cause we only care about how we begin. We forgot to end the other story for us to start again. Thats a life cycle that we forgot to remember" Mahabang niyang paliwanag. Naintindihan ko naman ang sinabi niya. Paano nga naman tayo magsisimula kung hindi natin puputulin kung ano mang nakatali sa atin sa nakaraan.
Paano tayo uusad kung patuloy tayong kumakapit sa bagay na alam natin na dapat sa tapos na.
After non, naglakad na lang kami sa gilid ng dagat. Chershing the moment. Feeling the breeze of the sea. The wave of the sea. Taking this bond silently but memorable.
I was thankful cause this is one of the best day for me. Tahimik at masaya even we don't need to talk to much we feel each other. Our connection has a strong bond. Bond that I wish i have with my parents, as well in my so called, Family.
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa nagdedisyon na kaming bumalik para manghalian.
-------
A long update hahahaha. Hope you enjoy. 10 chapters to goooo. Yiee and we say goodbye to this heavy drama story. Thank you for supporting, keep it up until the end. Mwuah.
-PrincessNalics
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top