IL29

Hang out

Napahawak agad ako sa ulo ko ng magising ako. Hindi naman ako uminom bakit masakit ang ulo? Arghhh, nais ko sanang isipin na baka dala lang ng puyat pero.

"Arghhhh!" Daing ko ng mas lumala ito. Ngayon alam ko na kung saan ito nagsimula. Mabilis akong bumaba sa kama para takbuhin ang cabinet ko.

Kahit pasuray-suray pinilit kong makaabot doon. Pabagsak akong nakaabot sa may cabinet ko. Mabilis na binuksan ang isang lalagyan.

Kinalkal ko ito hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. Kaagad ko itong itong binuksan para mainom ko na.

Nanghihina akong umupo sa sahig ng nainom ko na ito. Mamaya pa ito magkakaroon ng bisa.

Mahigpit kong hinawakan ang ulo para pigilan ang sakit. Impit akong dumadaing baka may makarinig sa akin. Nahihirapan na din akong huminga. Kinakapos na ako.

No! no! please not now may quiz pa kami tsaka reporting. No! please, pakiusap ko sa sarili ko. Kailang mong lumaban self. Lumaban ka please. Mahinang pakiusap ko sa sarili ko.

Pipikit na sana ako para makapagpahinga ng kunti.  Ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Rinig ko ang yabag ng nagmamadaling tao papunta sa direksiyon ko. Nakayuko lang ako dahil hinang hina na ako. Unti-unti ng nagpaparamdam sa akin ng katotohanan.

Bakit ngayon pa, tanggap ko naman na pero parang may pumipigil sa akin. Sinasabing lumaban ka sa sakit na ito. Pero kung ito mismo walang lunas paano ako lalaban?

Marahan na haplos ang naramdaman ko sa buhok ko kasabay ng isang boses na hindi ko inaasahan.

"Mazikeen!" Isang baritone na boses ang tumawag sa pangalang hindi ko ginagamit. Isang pangalan ko na nilibing ko na kasabay ng pagkamatay ng kapatid kung si Eurion.

Nanlaki ang mata ko sa iniisip ko. Malabo naman mangyari ito pero hindi ako pwedeng magkamali. Sa presensiya pa lang niya. Unti-unti akong nag angat ng tingin.

"Mazikeen!" Tawag ul niya sa akin. Isang tawag na kailangan mong sumagot ng maayos.

Natutup ang bibig ko ng makita kong sino ang nasa harapan ko. Biglang nawala sa isip ko ang nararamdaman kong sakit. Bakit siya naandito? Bakit?

Nanlalaking mata akong nakatingin sa kanya. Deretso naman siyang nakatitig sa akin parang pinag aaralan ang bawat detalye ng istura ko. Epekto ba ito ng gamot? Tanong ko sa sarili ko? Sa sobrang desperada kong magawa lahat ng nasa death bucket list ko naiimagine ko na ang mga imposibleng mangyari?

Marahan akong umiling saka tinapik-tapuk ang pisngi ko. Sasampalin ko muli sana ang aking ng isang mabalahibong kamay ang pumigil dito.

Napatingin ako dito saka umangat uli ng tingin. Nagtatakang mukha niya ang bumungad sa akin. Napalunok ako ng ilang beses.

"Don't" Maikli ngunit mapag utos niyang saad. Hindi naman na ako pumalag. Nagtataka pa rin ako kung bakit? paano at saan niya ako nahanap?

Walang isang iglap buhat-buhat na niya ako. Ako ito walang reaksiyon sa nangyayari. Tahimik lang ako habang buhat-buhat niya. Akala ko ibabalik niya ako sa kama pero lumabas siya.

Ang mas pinagtataka kung bakit. Saka ko lang narealize kung bakit. Mas nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ba-bakit sila naandito? Nakaupo sila sa may sala. Tahimik, layo-layo.

Napaangat ng tingin sa amin si Ate Velvet saka umirap. Nakuha naman niya ang atensiyon ng iba ko pang kapatid. Bakit sila naandito? Ang malaki kong tanong sa sarili ko.

Nang makarating na kami sa sala sa mismong harap nila. Saka lang sila umayos saka humarap sa amin.

"Well, kompleto na tayo. Umalis na tayo nakakainip dito!" Maarteng saad ni Ate Velvet. Saka umirap habang nililibot ang tingin sa bahay ko.

"Will you please shut up for a while Velvet. Watch your mouth!" Banta sa kanya ni Ate Qwer. Napairap siya saka tamad na sumandal sa backrest ng sofa.

"Magbihis ka na Mazikeen, aalis tayo!" Madiing utos ni Ate Ridget. Saka kinuha ang cellphone bago lumabas ng bahay. Napamaang lang ako sa nangyayari?

Napatingin naman ako kay Kuya Connor. Nanghihingi ng sagot sa pangyayari.

"We're going out if that what you want to ask" Plain niyang sagot saka muli akong binalik sa loob ng kwarto.

Para saan naman kaya? Eh diba bawala akong makita na kasama nila dahil, Devina Mazikeen Garcilla is never exist in their world? What now?

Wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Nagkaroon naman na ng epekto sa akin yung gamot na ininom ko. Hindi ko na nararamdaman yung sakit kanina. Buti nalang talaga.

Teka, kung aalis kami paano ang sa school? Alah ayokong mag absent malaking kawalan ang pagkaabsent lalo na kung may quiz. Pero wala akong magagawa kapag sila na ang nagdesisyon. Kailangan kong bilisan baka magalit sila sa akin.

Napatigil ako sa paglabas ng nakita ko sa loob ng kwarto ko si Ate Qwer. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang nagsalita.

"Here" Sabay bato sa may kama ko ang isang box at paper bag. "Wear that, were waiting at the sala. Make faster, I hate waiting you know that" Walang emosyon niyang utos sa akin. Napatango-tango naman ako sa kanya bago siya lumabas sa kwarto ko.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng nakalabas na siya. Hooo lakas ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na sa dibdib ko.

Gosh, parang pilit lang ito ah. Pero hayaan mo na nga minsan lang ito ifeel ko na.

Binuksan ko naman ang box na tinapon niya kama ko. Isang pares ng sandals ang laman nito. Kulay grey ito at mukhang 1.5 inch na heels. Binaba ko ito saka sinukat. Infairness kasya. How about this paper bag.

Isang light grey short tube ang laman nito. Above the knee ang length niya. Tumayo ako saka humarap sa human size na mirror ko. Saka tinapat ito sa sarili ko. Mukhang kasya naman.

Isuot ko na nga baka mapagalitan pa ako. Nagsuuot muna ako ng undergarments ko saka ko sinuot ang dress na binigay sa akin. At wow dude, bagay na bagay sa akin.

Nakihulma ito sa akin katawan. Lumabas ang korte ng katawan ko. It looks like a fit dress pero maluwag sa bandang baba. Nice taste, paano nila nalaman ang favorite color ko?

Habang iniisip ko yun, bumalik ako sa may kama saka pinulot ang sandals saka pumunta sa may salamin ko na kung saan nakalagay lahat ng pang make up ko. Umupo ako sa upuan saka nilapat ito sa paa ko. So all grey ang tema ko ngayon. Humarap ako sa salamin doon ko nakita ang sarili kong reflection. Malayong-malayo sa dati kung malusog na mukha. Medyo pumayat ako dahil sa sakit ko. How I miss my chubby check.

Dumampot ako ng pang make up saka nagsimula ng ayusin ang sarili ko. Kahit papaano naman ay marunong akong mag ayos ng sarili ko. Nanunuod kasi ang ng video tutorial kung paano mag apply ng make up. So natuto naman ako kaya ito.

Light make up lang ang inapply ko dahil umaga. Tsaka mainit kaya kunti lang ang inapply ko. Inayos ko ang ginamit ko saka ito binalik sa pinaglagyan.

Kinuha ko ang sling bag ko saka nilagay ang mga kailangan ko na dapat dala-dala ko. Saka lumabas sa kwarto. Mukhang naiinip na sila ng lumabas ako sa kwarto. Mabilis akong naglakad papunta sa harap nila. Nabaling naman ang atensiyon nila sa akin. They look at me down to head.

"Okay, nakaayos na siya. Let's go" Maarteng yaya ni Ate Velvet saka naunang lumabas. Napatingin naman ako sa kanya. Napabalik ang tingin ko ng tumayo na silang tatlo.

"Tara na" Yaya ni Kuya Connor saka sinundan si Ate Velvet palabas. Pinauna ko naman sila saka nilock ang pinto ng bahay ko. Pagkalock ko kaagad akong humabol sa kanila.

Saan kaya kami pupunta? Nakakacurious pero nakakatakot din magtanong. Kaya mas pinili ko nalang na manahimik hanggang sa makarating kami sa sasakyan nila. Doon ko naman nakita sila Nanay Ebang nag aabang sa amin.

Wala naman bakas ng kaba sa kanila. Maaliwalas na mukha ang nakikita ko sa kanila. Bakit kaya?

"Aalis na kami Nay Ebang" Paalam ni Kuya sa Kanila. Ngumiti muna sila bago sumagot si Nanay Ebang.

"Mag iingat kayo, lalo ka na Devina" Paalala sa akin ni Nay Ebang.

"Opo" Magalang natugon ko.

"Oh siya mabuti pa'y umalis na kayo ng makarating kayo kaagad sa paparuuanan niyo" Saad ni Nay Dilya.
Tango lang ang sinagot sa kanya ng kapatid ko bago binuksan ang pinto.ng sasakyan. Saan kaya ako?

"Sa passenger seat ka" Saad ni Kuya bago umikot sa driver seat. Nakita ko naman na pumasok si Ate Qwer sa katabing upuan ng driver seat.

Binuksan ko namanang pinto ng passenger seat at hindi pwedeng hindi ko makita ang pag irap ng dalawang eyeballs ni Ate Velvet. Umayos ako ng upo bago sinara ito.

Kumaway ako sa labas bago tuluyang umandar ang sasakyan ni Kuya Connor. Tahimik ang naging unang byahe namin. Hanggang sa nag usap-usap na sila tungkol sa bagay na wala akong alam.

"So doon tayo dederetso o sa ano?" Tanong ni Ate Ridget kay Kuya Connor na busy magdrive.

"May dadaanan muna tayo bago dumeretso doon" Tipid niyang sagot saka binaling uli ang atensiyon sa harap ng daan. Sino naman kaya yung dadaanan namin.

Nakakatakot na katahimikan ang nangyari sa loob ng byahe. Hanggang sa nagkaroon ako ng hint kong sino ang bibisitahin namin. Biglang bumalik ang mga alaala niya sa aking memorya.

Sinikap kong hindi lumuha dahil kasama ko ang mga nakakatanda kong kapatid. Ilang buwan na rin mula noong bumisita ako dito. Oo nga pala yung pangako ko sa kanya.

Tumigil ang sasakyan namin malapit kung saan siya nakahimlay. Nauna silang bumaba bago ako sumunod. Nasa likod lang nila ako habang tahimik naming tinatahak ang sementeryo papunta sa puntod niya.

Binuksan ni Kuya Connor ang gate ng kanyan himlayan. Nakita ko na naman ang kanyang puntod. Kahit nanghihina pilit kong pumasok sa loob. Nakapalibot kami ngayon sa harap ng puntod niya. Doon ko lang namalayan na may dala pa lang bouquet si Ate Ridget na paborito ni Kuya Eurion.

Tahimik niya itong nilapag sa harap saka nagsindi ng kandila. Umupo naman sa gilid sila Ate Velvet at Ate Qwer. Kami lang ni Kuya Connor ang natitirang nakatayo.

Hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung bakit kasama nila ako. Nahihiwagaan pa rin ako sa kanila. Bagama't hindi nila ako kinakausap at least my dalawa na naman sa death bucket list ko ang macocross out.

Naka walo na ako sa forty na nasa list ko. Meron pa naman akong oras bago matapos yun so tiwala lang. Nabaling ang atensiyon ko sa kamay na humawak sa braso ko. Kamay ni Kuya Connor. Marahan akong hinila sa kabilang side kung saan nakaupo si Ate Ridget.

"Saan tayo pupunta after nito?" Tanong kaagad ni Ate Velvet kay Kuya Pagkaupo nito. Napatingin lang naman ako sa kanila. Saan nga ba?

"Sa dati" Tipid niyang sagot habang may katext sa cellphone probably si Dad yan o kaya Si Mom. Wala pa naman akong nababalitaan na girlfriend ni Kuya eh.

"Okay!" Tamad na saad ni Ate Velvet. Napakunot noo ako, sa dati? Napaisip ako saan yun? Ay oo nga pala ngayon lang ako nakasama sa kanila. Wag kang mag assume na alam mo kung saan yun Devi!

"By the way, don't worry about your school, napagpaalam ka namin!" Biglang saad ni Kuya ng hindi tumitingin sa akin.

Tahimik naman akong tumango. Okay, sana pwede pa akong mag make up quiz. Ang dami pa naman yun. Nasa 50+ item, anlakas ding humatak ng quizes sa grade eh. Hindi naman ako ganon ka grade concious pero scholar may certain grade ako na dapat hindi lumagpas. Kaya kailangan mag aral ng mabuti. Edi sa work din excuses na naman ako. Hay, gusto ko pa naman magtrabaho.

"Let's go!" Yaya ni Kuya saka binulsa ang cellphone. Tumayo naman na sila kaya tumayo na rin ako. As usual nasa likod uli ako. Mabilis kaming nakarating sa sasakyan.

"Deretso na ba tayo doon or may bibilhin pa kayo?" Tayong ni Kuya kila Ate Qwer habang nagseseatbelt.

"Deresto, naayos naman na lahat bago tayo umalis sa bahay kahapon" Seryosong sagot ni Ate Qwer. Tumango naman si Kuya saka nag umpisa ng magdrive.

Hindi ko alam kung saan kami patungo pero parang palayo kami sa syudad. Habang tumatagal dumadami ang puno na nadadaanan namin. Some how this setting is familiar to me but I cannot remember. Maybe Bata pa ako ng nakarating dito o guni-guni ko lang yun.

Mahabang byahe ang naganap bago kami tuluyang huminto sa isang resthouse na tago. Nasa pinakaliblib na lugar ito. Kusang bumukas ang saka pumasok ng tuluyan ang sasakyan namin. Huminto ito sa harap ng mismong bahay. Mukha itong mansion na sinaunag style ang tema.

Sa amin ba ito? Ngayon lang kasi ako nakakita ng property namin eh. Tagong anak kasi. Pagkababa namin, dalawang matandang babae at lalaki ang sumalubong sa amin. Sa wari ko ay mag asawa ito. Nakangiti itong sumalubong sa amin..

"Buti naman at bumalik kayo dito" Masayang bungad ng matandang lalaki sa amin. Ngunit napahinto ito ng mapunta sa akin ang tingin niya. Napawi ang ngiti nito ng makita ako. May kung anong kirot ang tumusok sa puso ko ng mapansin iyon.

Wala talagang may gusto sa akin sa angkan namin. Both side never wanted me as their grand daughter and that I don't understand. Hindi naman nila sinasabi ang dahilan. Kaya nakakainis.

"May kasama pala kayo" Plain niyang sabi mula sa tonong masaya kanina. I feel like my presence her is a mistake. Sana pala hindi na ako sumama.

"Matagal na rin pala ang lumipas" Striktong sabat ng matandang babae. Na gayon din ang tingin sa akin. Did I do something bad sa kanila? Bakit parang feeling ko na isang malaking pagkakamali na naandito ako sa mundo? Na maling nag eexist pa ako. Pero don't worry my end is near so don't bother self. Huwag mo na lang isipin yung mga iniisip nila sayo total malapit naman na rin akong mawala sa mundo. Magiging masaya na rin sila kapag wala na ako.

Hindi ko pinakita ang pagkalungkot ko sa tingin nila sa akin. Sa halip ay umiwas na lang ako ng tingin. Tumikhim ang matandang lalaki para kuhain ang atensiyon namin.

"Nakahanda na ang lahat, pwede na kayong mag pahinga" Magalang niyang tugon kila Kuya. Tumango naman sila bago pumasok sa loob. Na pinangunahan ng dalawang matanda. Habang ako ito nagdadalawang isip pa kong papasok ako. Hindi ko kasi alam kung welcome rin ba ako dito baka hindi eh.

Wala sana akong balak na papasok pero lumingon sa akin si Ate Qwer kaya napapasok ako ng di oras sa loob. Umabot lang ako hanggang sala habang sila umakyat na sa second floor siguro pupunta sa mga kani-kanilang kwarto. Habang ako ito nagtatalo pa kung uupo ba o hindi.

Nagdesisyon na lang ako na hindi na umupo baka magalit yung dalawang matanda. Hindi pa naman nila ako gusto halata naman sa tingin nila sa akin. Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong bahay. Maganda ang interior design na ginawa at ginamit dito. Gusto ko sanang lapitan pa ang ilang mga kagamitan pero natatakot akong may mabasag.

Kaya nagstay na lang muna ako sa kinatatayuan ko. Tamang tingin nalang sa mga painting at iba pang antik na nasa paligid. Nabaling ang atensyon ko ng may marinig akong hambalos ng alon. Mukhang malapit lang kami sa dagat. Paunti-unting lakad ang ginawa ko nag iingat na walang masagi sa loob ng bahay.

Sinundan ko ang tunog ng alon hanggang sa makarating ako sa likod ng bahay. Tama nga ang hula ko. Malapit kami sa dalampasigan. Gusto kong pumunta malapit sa dagat. Kaya luminga-linga muna ako bago tuluyang lumabas sa bahay. Wala naman sigurong maghahanap sa akin total hindi naman ako ganon ka-importante sa kanila.

Tinanggal ko muna ang sandals ko bago muling maglakad sa buhangin. Bumabaon kasi kaya hirap humakbang. Bagama't mainit ang buhangin hindi ko yun ininda. Total sanay naman na akong masaktan eh.

Mabilis naman akong nakarating sa may gilid ng dagat. Pumuwesto kung saan abot ng alon. Hinayaan kong mabasa ang paano ko ng tubig. Malayong nakatanaw sa malawak na karagatan. Iniisip kung anong meron sa kabilang bahagi nito. O meron bang katapusan itong dagat na ito.

Nanatili ako sa may tabing dagat kahit na mainit na. Hindi ko ito pinasin sapagkat kaya naman itong punan ng hangin na ang sarap sa pakiramdaman. May nakita akong kahoy sa gilid, kinuha ko ito saka nagsulat-sulat. Hanggang sa nasulat ko ang katagang " I'm lost". Mapait akong napangiti. Matagal ko na itong nararamdaman. I feel like lost for so long. I don't know what within in me that feeling me I'm lost. Parang may kulang kasi sa pagkatao ko na gusto kong malaman pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Hay, Devi nagdadrama ka na naman!" Parang baliw na kausap ko sa sarili ko. Hanggang sa naglakad-lakad na ako sa gilid ng dagat. Hindi alam kung saan patungo. Hindi naman nila ako siguro hahanapin. Kaya naglakad pa ako ng naglakad. Hanggang sa malayo na ang narating ko. Tangin maliit na lang na imahe ang nakikita ko sa rest house na pinanggalingan ko.

Bumaling uli ako sa harap saka nagbalak na maglakad. Napahinto ako ng may mapansin sa medyo makahoy na bahagi. Pilit ko itong sinisilip hanggang sa hindi ko namalayan nakarating na pala ako doon. Napatingala ako sa taas saka napangiti.

"Tree house!" Mangha kong saad saka walang sabi-sabi na inakyat ito. Kahit na matarik at delikado dahil wala na itong mga hawakan ay pinilit kong umakyat.

Gasgas at sugat ang natamo ng makarating ako sa taas. Pero lahat ng yun nabaliwala ng makita ko ang tanawin mula dito. Napanganga ako sa nakikita ko. Isang buong tanawin ng lugar. Sino kayang nagtayo ng tree house dito ang lupet naman niya. Papalapit sana ako sa may balkon ng may masangga ako ng paa ko.

Napatingin ako dito saka tiningan ito. Isang picture frame, malabo na ito ng pagpagan ko. Ngunit naaaninag mo naman ang picture ng dalawang bata isang babae at lalaki. Sino kaya ito? Tanong ko sa isip ko saka nilapag ito sa may lamesa sa gilid. Doon ko lang namalayan na may ilang kagamitan pa pala dito sa tree house. Nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid saka humakbang patungo sa balkonahe nito.

Gawa sa kahoy ang balkon pero mukhang matibay naman. Umupo ako saka nilaglag ang paa sa pagitan ng harang ng balkon. Dinama ko lang ang hangin at ganda ng tanaw dito.

Nagising na lang ako sa isang masamang pakiramdam. Saka ko lang narealize na gabi na pala. Hala anong oras na! Aligaga kong saad sarili ko baka hinahanap na nila ako. Mabilis  akong nag ayos ng sarili ko bago bumaba. Pagkababa ko, bigla akong kinalibutan ng hindi ko nalalaman..May kung ano na bumubulong sa akin na huwag umalis sa tree house.

Pero dahil sadyang matigas ang ulo ko pinili kong umalis sa tree house. Habang papalapit ako sa rest house mas lumalala ang tindi ng kabang nararamdaman ko. Kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Nagtaka ako dahil ang daming sasakyan doon saka may tunog ng pulis. Mas lalo akong kinabahan kaya patakbo na akong bumalik sa rest house hanggang sa makarating ako malapit dito. Doon ko lang nakita kong anong nangyari.

Maraming nagkalat na katawan ng lalaking nakaitim. Duguan at wala ng buhay. Mukhang nagkaroon ng engkwentro dito. Muli ko na naman naalala ang nangyari sa amin ni Kuya Eurion. Biglang nanginig ang buo kong katawan sa takot at kaba.

Muntik na akong napasigaw ng may humawak sa paa ko. Buhay pa ang isang lalaki sa may likuran ko. Pilit kong bawiin ang paa ko sa lalaking ito ngunit mahigpit ang hawak niya dito kaya nahirapan akong bawiin ang paa ko.

"Bitiwan mo ako!"Madiin kong saad sa kanya habang nakikipaghilahan sa kanya. Buti nalang may dumating na pulis para tulungan ako.

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Concern na tanong nito sa akin. Tumango naman ako dahil sa kaba.

"Bakit po kayo naandito? Kaano-ano niyo yung nakatira sa bahay na ito?" Curious na tanong ng puli sa akin habang nagtatakang tumitingin sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka magalit sila kapag may nakaalam na ito. Anong sasabihin ko?

"Ma'am?" Pagtatawag niya sa akin.

"Ah, katulong po nila ako" Bigla kong saad total yun ang laging pakilala sa akin ni Papa sa ibang taong nakakakita sa akin.

Tumango-tango naman ang pulis saka muling nagsalita. "Buti na lang at nakaalis ka bago nagkaroon ng barilan dito!" Saad niya sa akin.

"Anong oras po naganap ang barilan?" Pag iintriga ko.

"Kanina pang hapon ngayon lang natigil. Mabuti na lang at walang nagalusan sa mga nakatira dyan. Maliban na lang doon sa matandang lalaki. Dead on arrival na ng dumating sa hospital na malapit dito" Paglukuwento niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. What? Patay na siya parang kanina lang. omygosh! hindi makapaniwalang saad ko sa sarili ko.

"Nasaan na po sila ngayon?" Nag aalala kong saad.

"Nasa hospital silang lahat" Saad niya saka kinausap ang iba pang pulis na dumating na. Natulala na lang ako sa nangyari.

Ano ba yan sadyang malas ka talaga Devi. Kung saan yung minsan na lang kayo nagsama-samang magkakapatid. Nauwe pa sa ganito. Mali atang sumama ako sa hang out nila. Iba ang nagyari feeling ko kasalanan ko na naman ito.

Masama atang maghangad na makahang out ko sila. Panganib lang ang dala ko sa kanila katulad ng kay Kuya Eurion.

Tahimik naman akong tumingala para pigilan ang nagbabadyang luha ko. Hoo, lagi na lang ganito. Gumilid na lang ako ng makitang kinukuha na nila ang mga bangkay ng namatay. Nakatulala akong namunuod sa kanila. Ano nang gagawin ko?

****

Nahihiwagaan na ako sa nangyayari sa story na ito hahaha. Stay tune  na lang hahaha marami pa itong pakulo.

PrincessNalics

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top