IL28
Reunite
Karga pa rin niya ako hanggang sa nakarating kami sa may backdoor. Nagpababa naman na ako dahil okay na ang pakiramdama ko. Hindi naman na namin naabutan si Blyst. Nagtatampo talaga ata yung bakulaw na yun.
"Baka ingchismiss na tayo non" Bored niyang saad sa akin. Napakibit balikat na lang ako. Sanay na ako doon.
Siya na ang nagbukas ng pinto at pinauna akong pumasok. Bigla kong namiss ang Cafe. Ilang araw din akong hindi nakapasok dito. Namimiss ko ng magtrabaho.
"Uy, Devi!" Excited na tawag sa akin ni Ate Shye. Saka ako dinamba ng yakap. Nabigla naman ako sa ginawa niya. Sa lakas ng boses niya. Hindi lang siya ang dumamba sa akin.
Maging ang ilang kasamahan namin na nasa Shift break dinamba ako. Kita ko naman sa kanila ang pagkamiss sa akin.
Hindi naman ako kaagad nakagalaw. Kung hindi dumating si Kuya Jasthin nako baka tuluyan na akong hindi makahinga.
"Hoy!hoy!hoy!Bitiwan niyo na siya. Hindi na siya makahinga oh. Baka bumalik uli ng Hospital yan" Suway sa kanila ni Kuya Jasthin. Saka naman sila bumitaw. Nakahinga uli ako ng maluwag.
"Hehehe sorry" Nahihiya nilang saad. Napangiti na lang ako ng tipid.
"So, okay ka na?" Biglang seryosong tanong ni Kuya Jasthin. Napatango naman ako.
"Paanong hindi magiging okay kung binuhat yan magmula sa school hanggang dito" Parinig naman ni Blyst na kalabas lang sa C.R.
Napatingin naman lahat sa likod ko saka lang nila nakita si Marco sa likod ko. Mas naging wild sila sa pagdamba kay Marco. Halos matumbay silang mga lalaki. Ikaw ba naman halos isang buwan na wala diba?
Rinig ko naman ang reklamo at daing ni Marco pero tinawanan lang siya ng mga kasamahan naming mga lalaki. Habang kaming mga babae nanunuod lang sa kanila.
"Tara na Devi" Masaya nilang yaya sa akin. Napangiti naman ako.
"Hayaan mo na sila yan" Sabat naman ni Ate kheye. Napansin niya siguro ang paglingon ko sa gawi nila Marco na hanggang ngayon nasa sahig pa rin.
"Kaya nga, mga baliw yang mga yan" Parinig ni Ate Isabelline sa kanila. Natigilan naman ang mga lalaki sa narinig nila. Sabay-sabay silang lumingon kay Ate Isabelline.
"Oh, anong tinitingin-tingin niyo dyan?" Mataray niyang tanong sa mga lalaki. Bigla naman sila naging maamong tupa saka sabay-sabay na umiling. Napatawa naman ang ilan sa amin.
"Tara na nga" Umiling na yaya sa amin ni Ate Shye. Saka ako kinaladkad.
Nang nakarating na kami sa may staff room. Pinaupo naman nila ako kaagad. Nagkumpulan naman sila kaagad sa harap ko. Parang alam ko na kung bakit. Bwesit talagang Blyst yun.
"Totoo ba, na binuhat ka ni Marco mula sa school niyo hanggang dito?" Naeexcite na tanong ni Ate Cosima. Naiilang naman akong sagutin sila. Wala naman sa akin yun eh pero.
"Kaya nga totoo ba?" Segundang tanong ni Ate Shye. Napatango naman ako sa kanila. Ano pang magagawa ng pagsisinungaling sa kanila may nakakita. Hindi lang si Blyst, alam kung nakita din niya yun. Napatingin naman ako sa gawi ni Vannamei.
Halos kasabayan lang namin siya. Napahinto lang kaming dalawa ni Marco dahil kay Blyst. Magkakaibang hagikgik ang narinig ko sa kanila.
"Yieee sana all may taga buhat diba?" Sabay siko ni Ate Shye kay Ate Kheye.
"Kaya nga" Madramang sang-ayon ni Veian. Napailing na lang ako sa kanila hay!
Mas lalong naging maingay ng dumating na ang mga lalaki. Natapos na sila sa hug floor scene nila. Kita ko naman na nagpapagpag siya ng damit niya. Gawa ng kanina siguro may dumi o buhangin na kumapit.
"Oh, malapit na pa lang magtime. Magpalit ka na" Paalala sa akin ni Kuya Jasthin. "Basta huwag kang gagawa ng mabibigat na gawain ha. Nainform ko na ang lahat dito don't worry. Bumawi ka na lang if your fully heal" Paalala sa akin ni Kuya Jasthin. Napatango naman ako bilang sagot saka kinuha na ang gamit ko sa locker ko. Nauna akong lumakad kay Marco papunta sa C.R. namin mga babae.
Pagkapasok ko sa C.R. namin napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit ganito, bakit ganito? Hindi ko maiwasang maluha. Sa tinagal-tagal ko sa mundo ngayon ko lang naranasan na may mag alala sa akin. Magpaalala ng bagay-bagay. Mag asikaso na dati naman hinihiling ko lang. Ganito pala ang feeling. Ang gaan sa pakiramdam. Sana ganito din sila sa akin pero alam ko naman na hindi mangyayari yun.
Pinunasan ko na ang mga luha ko saka madaling nagpalit. Malapit ng mga shift uli. Mas binilisan ko ang pagbibihis saka inayos ang sarili bago lumabas.
Halos magkasabay naman kaming lumabas ni Marco sa C.R. Ako ang unang nag iwas ng tingin saka kaagad na nagtungo sa locker ko. Bago pumunta sa pwesto nila.
Ilang minuto na lang palitan na. Hanggang sa unti-unti na silang pumasok sa staff room. Kaagad naman silang napangiti ng makita ako.
"Deviiiii!!!" Pasigaw nilang tawag saka sumugod ng yakap sa akin. Panibagong batch ng hug ito. Pero hindi katulad ng kanina maluwag ito. Sakto lang para makahinga ako.
"Okay ka na baby girl?" Nag aalalang tanong ni Ate Avonlea.
"Opo" Nahihiyang tugon ko.
"Mabuti naman kung ganoon. Pinag alala mo kami ng husto. Sa susunod magpahinga ha, huwag abusuhin ang sarili. Nako kapag may nangyari uli sayong ganyan. Babatukan na kita" Gigil na paalala sa akin ni Ate Briar.
"Grabe ka naman Bhe!" Suway sa kanya ni Ate Resonate.
"Bakit ba nagpapaalala lang ako" Tanggol ni Ate Briar sa sinabi niya sa akin.
"Nako, tama na yan. Magtatrabaho pa kami, tabi!" Mataray na pagtataboy ni Kuya Jasthin sa kanila.
Napataas kilay naman sila saka tumabi. Mayabang naman na dumaan si Kuya Jasthin na sinundan ng iba.
"Para kasi silang mga baliw kanina kung nakita niyo lang" Pagtsitsismiss ni Ate Shye kila Ate Resonate.
"Ah kaya pala" Tango-tango nilang saad. Ito na naman sila hay, makaalis na nga dito.
Lumabas na ako kaagad sa staff room saka pumuwesto sa may cashier total ayaw nila akong patrabahuhin ng mabigat. Kaya dito na lang ako, safe pa.
Kaagad naman akong nagsimula ng magsidatingin ang ibang customer. Nakangiti akong bumungad sa kanila bago kinuha ang mga order nila.
"Thank you po Ma'am. 5 minutes to serve po. Here your table number" Nakangiti kong saad sa kanila. Nagthank you naman sila bago kumuha ng pwesto nila.
Kaagad ko naman nilagay sa may bintana para sa order na direkta sa kusina.
"Order" Sabay lapag ko doon. Saka bumalik sa may cashier. Another customer to handle. Katulad ng routine ganon uli ang ginawa ko hanggang sa umunti ang dumating. Nakapagpahinga naman ako ng wala pang pumapasok sa loob.
"Water" Sabay abot sa akin ni Marco ng bottled water.
"Thanks" sagot ko saka ito kinuha. Pagkabukas ko nito siya naman pagkakita ko kay Blyst. Inirapan lang ako nito. Hala siya hanggang ngayon nagtatampo pa rin.
Nako kung hindi ko siya kilala akalain kong bakla siya. Kaso hindi eh, normal lang sa kanya yun.
Napailing na lang ako saka inunom ang tubig na binigay sa akin ni Marco. Ilang saglit lang din saka may pumasok na customer pero kakaiba sila.
Napatigil ang ilan sa amin. Naging ako, halos hindi ko sila makilala. Lumaki ang ngiti ko ng lumapit sila sa counter.
"Good afternoon Sir's" Nakangiti kong bati sa kanila.
"Masyado namang pormal" Reklamo niya kaagad na nagpatawa sa akin. Nako hindi pa rin nagbabago. Mahangin pa rin.
"Kaya nga, ilang taon lang nawala dito ganyan na bumati" Parinig naman ng nasa tabi niya.
"Tama ka dyan, kala mo naman hindi galing ng Hospital" Parinig din ng nasa likod nila. Doon ako natauhan. Paano nila nalaman?
"We have a realiable source" Kaagad na tugon ng nasa left side ng nasa unahan.
"By the way, are you good? Hindi ba nakakasama sa kalusugan mo ang pagtrabaho mo uli dito?" Nag aalala niyang tanong sa akin.
"Nako Kuya, Wells ayos lang ako. Ako ko pa! Matibay ko!" Mayabang ko ding saad sa kanya.
"Nako nahawaan mo na sa kayabangan" Parinig sa kanya ni Kuya Cathan na tumitingin ng desert sa mga nakadisplay. Saka siya ngumiti sa akin bago nagorder. "Gaya pa rin ng dati" Simple saad niya. Kaagad ko naman nilista ang order niya.
"Ako din same pa rin" Habol ni Ate Klaritine na kumulawit sa balikat ni Kuya Cathan. Dinagdag ko naman yung sa kanya.
"Kayo?" Tanong ko kila Kuya Kannon, Clive, Esmond. Na nasa likod lang nila Kuya Wells.
"As usual" Tangin sagot nila. Napatango naman ako saka nilista uli. Napakunot noo naman ako ng mapansin may kulang. Napaangat ako ng tingin saka sila binilang.
"Kulang kayo!" Kunot noo kung saad sa kanila. Napatingin naman sila sa kasama nila. Sakto naman tumunog ang bell sa may pintuan tanda na may pumasok.
"Ako ba hanap mo?" Tanong ng isang babaeng naka itim na shade. Fitted na black one strap dress abovr the knee with pairs of black sandals. Wavevy na buhok kulay brown ang huminto sa gilid nila Kuya Wells.
"Jadiel, Saan ka ba galing?" Takang tanong ni Kuya Wells sa kanya.
"Dyan lang sa may tabi-tabi" Nakangisi niyang sagot. Napailing na lang silang anim. Hindi pa rin nagbabago.
"By the way nakaorder na kayo?" Tanong niya sa kanila. Na sabay-sabay naman nilang sinagot.
"Yup" They said in union.
"Okay so ako na naman pala ang naiwan. So black sugar free coffe and my favorite cake" Order niya sabay kindat sa akin saka binalik ang shade niya.
"Tanggalin mo nga yan" Sabay hablot ni Kuya Cathan sa shade na suot ni Ate Jadiel. Halos mahilo na ako sa kaiiling sa kanila hay.
"Wag mo na silang pansinin. Ilan ang babayaran namin?" Tanong naman ni Kuya Clive habang hindi nila pinapansin yung aso't pusa sa likod nila.
"Bali, 1590 lahat" Sagot ko sa kanya. Naglabas naman siya ng pera saka inabot sa akin.
"I received 2000" Saad ko bago sila sinuklian.
"Ito yung sukli niyo. 5 minutes to serve the order. Ito yung table number niyo" Sabay ako ko sa wooden table number namin. Ngumiti sila saka umalis sa harap ko.
Napalingon naman ako sa gawi nila Kuya Jasthin saka ngumiti. Alam na niya ibig kung sabihin. Hindi ko sila inaasahan ngayon. Sabi kasi nila dati bibisita sila dito pero walang exact date kung kailan. Kaya naman nakakasuprise ang pagdalaw nila. Bihira lang ito dahil busy na rin sila sa mga kanya-kanya nilang trabaho.
Kaagad na lumapit sa akin si Ate Isabelline. Saka bumulong.
"Si Cathan ba yun?" Sabay turo niya sa lalaking nakaleather jacket fit pants at nakaglasses na lalaki.
"Yup" Agaran kung sagot. Para naman siyang uod na binihusan ng asin sa sobrang kilig niya. Super crush niya talaga si Kuya Cathan.
"Hoy, babae umayos-ayos ka dyan may iba pa tayong customer uy. Nakakahiya ka, pinagtitinginan ka ng iba" Suway sa kanya ni Ate Avonlea. Kaagad naman na umayos si Ate Isabelline saka naglakad palayo na parang walang nangyari.
"Hay nako, pagpasensyahan mo na siya, Devi" Paghingi ng tawad ni Ate Avonlea sa akin.
"Sanay na po ako" Saad ko sa kanya bago siya umalis. Tinignan ko naman silang pito sa pwesto nila saka ko uli naalala kung paano yung nakaraan na andito pa sila. Masaya kaso kailangan nilang umalis eh.
"Sino sila?" Biglang tanong sa likuran ko. Si Blyst lang pala.
"Ah sila Kuya Wells, dati silang nagtatrabaho dito. Mga kasabayan namin nila Kuya Jasthin" Sagot ko sa kanya. Napataas kilay naman siya.
"Naabutan mo sila?" Curious niyang tanong.
"Yup, actually mas nauna pa ako sa kanila dito. Pero hindi pa Cafe ang business. Something nasa souviner, bigla lang binago tsaka naging cafe. Hindi ako nag apply kaagad dahil busy pa ako sa pag aaral. Ng naging stable na ako saka ako nag apply. Sila yung kasabayan ko. Actually hindi pa sila kompleto. May Iba pa na mas nauna sa kanila. Kaso hindi na sila dito sa Pilipinas nagtatrabaho kaya malabong bumisita yun. Sila lang talaga ang pupwede pa dahil dito lang sa Pilipinas yung work nila" Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Ah so, ilan kayo dati dito?" Sunod niyang tanong.
"Uhmm, wala pa ata sa bente. Maliit pa lang kasi ang Zena Cafe non. Sila Kuya Jasthin mga regular dito, Ako, Tapos sila. Uhm, 21 ata kami" Hindi ko sure na sagot.
"Hmm, kaya pala ganon ang reaksiyon ni Ate Isabelline" Tumatango-tango niyang saad habang nakahawak ang kamay niya sa baba niya. Nakita pala niya yun.
"May tanong ka pa?" Tanong ko muli sa kanya. Napailing ito bago tumalikod sa akin.
"Nga pala ang sweet niyo ni Marco, nakakaingit" Nagtatampo niyang sabi bago kumaripas ang lakad. Bwesit na lalaki nang asar pa talaga.
Anong sweet doon, binuhat lang sweet kaagad.
"Ay kabayo!" Gulat kong utas ng bumungad sa harap ko si Marco. Nakakunot ang noo niya.
"Bakit?" Nakahawak ang kamay ko sa.dibdib.
"Anong sinabi ni Blyst?" Curious niyang tanong. Bakit naman niya sa akin tinatanong.
"Ha? Tungkol saan?" Nalilito kung tanong.
"Sa atin" Diretso niyang sagot. Napalunok naman ako sa sagot niya.
"Ah, nakakaingit daw" Maiklu kung sagot. Para naman hindi siya nasatisfy sa sagot ko.
"Uy totoo yun, hanggang ngayon nagtatampo pa rin. Kausapin mo na nga" Suggest ko sa kanya saka tumalikod para kumuha ng panibagong ididisplay dahil ubos na yung choco mocha cake.
"Okay" Tipid niya sagot saka umalis. Napabuga na lang ako ng hangin sa mga nangyayari. Tinapos na muna namin ang shift namin bago kami nag ayos. Hindi naman umalis sila Kuya Wells nasa Office lang sila ni Ma'am Elle. For sure namiss din niya ang first batch na partimer dito.
Nalaman na rin nila Ate Resonate ang pagdating nila Ate Klaritine dito. Kaya ito sila nakaabang sa may baba ng hagdan papunta sa office ni Ma'am Elle.
Tilian naman ang umalingawngaw ng bumaba na sila. Pinangunahan iyon ng boses ni Ate Cosima saka Ate Resonate. Na ngayon yakap- yakap sila Ate Klaritine at Jadiel.
Habang yung boys naman tamang high five tsaka yakap lalaki. Miss na miss nila ang isa't- isa. Napatingin naman sila lahat sa akin.
"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan sumama ka dito" Yaya sa akin ni Kuya Osgood. Bago patakbo na nagtungo sa kanila. Nagpicture taking naman kaming lahat ng unang batch bago sumama ang lahat pati na ang bago.
Kapwa sila nakangiti. It's a long night to began again. Pinayagan kami ni Ma'am Elle na gamitin itong Cafe basta walang mababasag. As usual may pawelcome back party kami. Pero keme-keme lang.
Pinakilala naman ni Kuya Jasthin sila Kuya Wells sa ibang medyo bago pa lang dito saka naman niya pinakilala sila Ate Wells. Kaagad naman nagkaintindhinan bago nagsimula sa party-party.
Kalmadong welcome party ang naganap. Habang ako nakaupo lang dito sa sulok nagpapahinga. Baka kasi sumakit uli katawan ko kaya hindi ako masyado nakikijoin.
"Bakit andito ka?" Takang tanong ni Kuya Jasthin sa akin. Napatingalan naman ako sa kanya.
"Pagod, nagpapahinga lang Kuya. Pupunta ako doon kapag maayos na pakiramdam ko" Mahina kung sagot sa kanya. Lumalamlam niya akong tinignan. Saka ako pinat sa ulo.
"Sige basta kapag okay ka na pumunta ka kaagad sa pwesto" Paalala niya da akin. Nagpahinga ako saglit saka tumayo. Pinagmasdan ko uli sa kanila. Hindi talaga mapupunan ng gap ang bawat isa.
Namiss ko din sila ang mga Ate't Kuya ko dito dati. Ang mga tagabantay ko.before. Kaya nagmadali akong makabalik sa kanila.
Masayang kwentuhan ang naganap. Asaran na pinangungunahan ni Kuya Cathan na sinundan ng apprentice niyang si Blyst. Parehas sila ng Characteristic pero mas angat ang kabaliwan ni Kya Cathan. Vetirano na si Kuya Cathan dyan, beginner pa lang si Blyst. Habang girls talks naman ang naganap sa aming mga babae.
Kung anu-ano ang pinagtatanong nila kila Ate Klaritine saka Ate Jadiel. Masaya naman nilang sinagot iyon. Hanggang sa natapos na ang niluto nilang paboritong merienda namin dati dito. Ang babana que, Toron at camote que. Paramihan kaming makaubos nito may premyo kay Ma'am Elle.
Ewan ko nga bat nawala yun eh. Dapat tulot-tuloy kaso medyo lumaki na ang Cafe kaya naging busy na rin.
"Kainan na!" Sigaw nila saka kami kumuha ng mga pagkain. Kanya-kanya ng kuha, dami at lagay sa pinggan. Saka bumalik sa upuan para kumain.
Diretso ang kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa. Hanggang sa umabot ang usupan sa akin.
"Ikaw babae, hindi ka na naman nag iingat. Kaya kung anu-anong nangyayari sa iyo" Double meaning na patama sa akin ni Ate Klaritine. Alam nila kung sino talaga ako. Sila ang unang nakaalam kaya feel ko isa din yun sa dahilan kung bakit sila umalis.
Pero kapag tinanong ko naman, sabihin nila ginusto daw nilang umalis, para mas mapractice ang trabaho na dapat na kukunin nila dahil yung ang tinapos nila.
"Kaya nga dapat talag may gwardiya ka. Baka mangyari uli yung nangyati sayo dati" Nag aalalang sabat ni Kuya Clive sa akin. Napatingin naman ang ilan kung kasama na medyo bago pa.
Oh ohh, pinaalala pa niya yun. Kaya yan tuloy iba tingin nila sa akin. Parang may kung ano akong tinatago. Wala naman eh.
"Ano kaba Kuya Clive malabong mangyari yun no. I've learn my lesson kaya alam ko na ang gagawin ko" Pag aasure ko naman sa kanya.
"Siguraduhin mo lang" Paninigurado niya. Napatango naman ako saka continue muli ang kwentuhan hanggang sa sumali na si Ma'am Elle. At nagkaroon ng medyo wild dance
Napuno ng tawanan, halakhak, asaran, kantyawan ang Cafe dahil sa lakas ng mga amats nila. Sana ganito lagi ang sitwasyon. Hindi yung naghihilahan pabababa eh.
Sa wakas nagkasama-sama uli kami. The original, Ang unang bumuo sa Staff ng Zena Cafe. Ang isa sa dahilan kung bakit nagkabuhay ito. Nainspired kasi sa amin ni Ma'am Elle kaya tinuloy niya itong Cafe. At hindi naman siya nabigo look it now.
Isa na sa mga sikat na business interpresie sa lugar namin. I hope this is not the end that we will reunite again. Sana naman kasama na yung iba na mas nauna sa amin.
Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang umabot ng halos maghating gabi na. Kanya-kanya buhat ng kasama ito. Hindi naman kami uminom pero hilo.pa rin dahil sa pagod na rin. Gaya din kanina, binuhat niya uli ako.
Pagod again kaya hindi na ako pumalag. Hinatid niya ako hanggang sa bahay. Magpapababa na sana ako ng nasa tapat na kami ng pinto ng bahay pero ayaw paawat kaya hanggang kwarto buhat niya ako.
Hindi naman na ako mapakali sa nangyayari. Marahan niya akong binaba sa kama. Saka inayos, napalunok naman ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya.
"Goodnight!" Mahina niyang saad saka ako hinalikan sa noo pababa sa ilong ko hanggang sa tumigil ito sa tapat ng labi ko.
"Magiging snatcher muna ako" Saad niya bago ako hinalikan sa labi. Hindi mabilis hindi rin mabagal sakto lang.
"Mauna na ako" Paalam niya bago diretsong lumabas sa kwarto ko. Napahawak naman ako sa labi ko nang nakaalis na siya. Ghad hindi ko expected yun ah.
Bat andaming unexpected ngayon.Yung pagbalik niya, instant reunite namin ng unang batch tapos itong kiss putek yan. Nanaginip ata ako. Hay pagod lang ito makatulog na nga. Nakakapagod ang naging Reunite naming 20 tapos sinamahan na ng second batch. Hindi rin nagtagal tinawag na ako ng antok.
***
Goodness nawala ako sa sarili walang gantong eksina. Hahaha wala sa plano pero arghhh andyan na enjoy reading.
PrincessNalics
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top