IL22

My side

Patuloy pa rin sila sa pagpapatahan sa akin. Pinapasok na nila kami sa kwarto ko. Kasama ko ilan sa mga nakakatanda sa amin dito.

Karamihan mga babae, naiwan naman sa labas ang ilan kasama doon si Vannamei.

Tumigil na ako sa pag iyak pero may hikbi pa rin na lumalabas. Tahimik lang naman sila sa tabi ko.

Marahan naman nilang sinusuklayan ang buhok ko. Tulala pa rin ako.

Kailangan ko na bang sabihin ngayon? Alam ko na malaki ang kasinungalingan ang nakatago sa buo kong pagkatao. Kung hindi lang sila magiging delikado baka matagal ko ng ginawa.

Tahimik lang kami sa loob hanggang sa pumasok na sila. Nauna sila Kuya Jasthin kasunod ng iba ang huli si Vanna.

Mas lalong bumigat ang tensyon dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko akalain na mangyayari kaagad ito. Hindi pa ganon ka buo ng sarili ko. May oras para dito pero bakit parang ang bilis.

"Vanna!" May pagbabantang tawag ni Kuya Jasthin kay Vannamei. Napayuko naman ako dahil mukhang napagalitan siya nila Kuya Jasthin sa katunayan naman. Ako ang puno't dulo kaya bakit siya?

"What? I'm not going to say it!" Galit na maarte niyang sagot kay Kuya Jasthin. Sasagot pa sana si Kuya Jasthin kaya lang pinigil ko na.

"Kuya Jas!" Sapat na para tumigil siya sa pag sesermon kay Vanna. Umirap naman sa akin si Vanna.

Napabuntong hininga naman ako. Maybe it is the right time to hear my side about what happen.

"Are you okay now?" Biglang tanong sa akin ni Blyst. His now back to his old self. Thanks! nakahinga na ako ng maluwag.

"Uhmm, I just wanna explain my side, kung hindi kayo maaabala, ayos lang ba?" Medyo nahihiya kong tanong sa kanila. Syempre kailangan kong tanuning para malaman kung pupwede sila ngayon.

"Of course ayos lang sa akin" Kaagad na sagot ni Blyst. Ganoon din ang iba.

"You know what? Umuwe na muna kaya tayo tsaka magpaalam sa mga magulang natin. Ano sleep over?" Suggestion ni Ate Avonlea. Napangiti naman sila Ate Shye.

"Oo nga no? Buti naman at naisip mo yun, A" Masayang tugon ni Ate Kheye.

"Kaya nga matagal na mula noong huli nating sleep over" Sang ayon naman ni Ate Briar. Tumingin naman sila kila Kuya Jasthin. Nanghihingi ng permission sa gusto nilang mangyari.

Napahawak siya sa noo niya para bang nag iisip kung anong magiging desisiyon niya.

"Kung ayos lang sa iba" Banayad niyang sagot kaya tumingin sa iba. Ang iba naman kita kong sang ayon ang iba naman mukhang magkakaroon ng problema.

Gayon din ako, mukhang magkakaroon ako ng problema. Sa 30 kami minus si Marco. So bali 29, ang tanong kakasya kaya kami dito sa bahay. My house has to room, fit for 3 to 5 person. Saan matutulog ang iba?

"May problema ba?" Takang tanong sa akin ni Ate Shye ng mapansin ang pagiging tulala ko ng ilang minuto.

"Ate kasi, dalawa lang room ko dito. Nasa 29 tayo, kakasya ba tayo dito sa bahay?" Nag aalanganin kong tanong sa kanya. Napahagikgik naman siya ng mahina.

"Ano ka ba hindi yun problema. Mas maliit pa dati dito yung pinag sleep over namin. Nasa 30+ kami non pero nagkasya kami kaya don't worry. Magagawan ito ng paraan. Kami na bahala" Confident niyang sagot sabay kindat sa akin.

30+? Neh tapos mas maliit pa dito sa bahay ko. Ghad, napaisip ako kung paano sila natulog. Mukha sila sigurong sardinas na pinagkasya sa isang lata. Napatingin naman ako sa kwarto ko. Hmm pwede namang babae dito at lalaki sa kabila. Kung hindi kasya pwede naman sa sala ko.

So solve na problema ko. Ang problema na lang ang magiging explanation ko sa kanila. Mamaya ko na isipin yun. Matatapos din yun, kung anong dapat sabihin. Yun na lang total about sa pagiging hindi ko pag papaalam ang ieexplain ko kaya hindi damay ang iba pang problema ko.

So yun napagkasunduan na uuwe muna sila para makapag paalam ng maayos sa magulang nila. Bago babalik sila dito with there things na baon. Bumalik kami sa sala para pagplanohan ang iba pang gagawin bago sila umalis.

"Yung iba magdala ng snack ha!" Parinig ni Kuya Osgood.

"Vailey ang gitara huwag kalimutan" Paalala ni Kuya Runyon sa kanya. Nagthumb ups naman siya parang kuha ko.

Uhmm, hindi lang ata magiging sleep over ang mangyayari dito. Bonding din ata. Hindi ko alam pero naging excited ako sa mangyayari at the same time kinakabahan. Sana maintindihan nila ako sa sasabihin ko.

"Basta walang alak, yung same ng ruta pauwe magsama-sama pauwe at pabalik dito. Basta ang call time before 10 andito na para may oras pa tayo pagkatapos mag explain ni Devina" Paalala muli ni Kuya Jasthin.

Lahat naman naging sang ayon sa sinabi niya. Isa-isa na silang nagpaalam na aalis sila. Hanggang sa naiwan si Blyst. Nagtaka naman ako.kasi hindi siya sumabay sa mga kasabayan niya.

"Hindi ka sumabay sa kanila?" Takang tanong ko. Nakatayo lang siya sa may tapat ng pintuan nakatanaw sa kanila.

"Hindi naman na kailangan, ready ako?" Nakangisi niyang sagot sabay taas ng bag niya. Napatingin naman ako doon. Wag mong sabihin na damit yan?

"I'm always prepared so don't worry. About nga pala kanina" Biglang saad niya. Tinignan pa niya ako ng mabuti. Tinitimbang ang reaksiyon ko.

Tahimik siyang umupo sa sofa kung kahoy sa sala. Tinapik niya ang space sa tabi niya. Para bang sinasabi na dito ka umupo.

Umupo naman ako sa tabi niya. Huminga muna siya ng malalim nago uli nagsalita.

"I'm sorry about earlier, I'm just too worried. Nadala ako ng emosyon ko. Hindi ko naman nakontrol ang sarili ko" Paliwanag niya sa akin habang nakayuko.

"Huwag kang mag sorry! I was the one who blame here" Pagpapanatag ko sa loob niya. Napalungin naman siya kaagad sa akin ng sabihin ko yun.

"What are you saying?" Takang tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Salubong na kilay at nagtatanong na mga mata.

"I decide to work when I'm just get discharge not so long. I was reckless about my decision and the result, you guys are all worried about me. I just can't stand seing you guys look at that kind of state. Hindi ako sanay na may nag aalala sa akin kaya hindi ko na kinonsidera ang mga sarili niyang damdamin. I being selfish protected about my self again from hurt" Malungkot at nagsisisi kong paliwanag sa kanya.

"I already experience being ignore. Kaya kapag may pupuntahan ako hindi na ako nagpapaalam. No one care anyway. Ngayon lang kaya hindi ko ganoon inaasahan na may mag aalala sa akin ng ganito" Pagpapatuloy ko habang nakatanaw sa labas ng bahay.

"I always no one priority. Thats why I don't count my self as important people to worried for" Huling paliwanag ko sa kanya bago maramdaman ang pagbabadya ng.luha ko sa mata.

Agad ko itong pinunasan para hindi na tumulo pa. Napalingon ako sa gawi niya. Nakatulala lang siyang nakatingin sa akin. Natauhan lang siya ng mag snap ako malapit sa mukha niya.

Napaiwas siya ng tingin saka nanahimik. Kinain kami ng katahimikan. Sadyang takot na magsalita. Alam ko sa amin hindi lang ako ang may problema. Maging itong katabi ko meron din. Hindi ko lang binabanggit sa kanya na kahit papaano may alam ako sa kanya. I never intended to intruded to someone's problem. Lalo na hindi kailangan ng opinion ko. Naalala ko huling ginawa ko yun. Napagalitan lang ako.

"Your explaining yourself later?" Biglang tanong niya.

"Hmm"

"Just explain your thought, hindi mo kailangan mag suot ng maskara mamaya. Mas maganda kong sincere ka sa pag eexplain. I'm sure maiintindihan ka nila" Pagpapalakas niya sa loob ko.

"Thank you!" Sincere kung pasasalamat sa kanya. Lihim naman siyang napangiti.

"Nga pala, kasama ka ba dati sa sleep over nila?" Curious kung tanong hindi ko talaga maimagine yung sitwasyon ng pagtulog nila eh.

"Nope, pero si Marco Oo" Sagot niya. Speaking of Marco.

"Kamusta na daw pala si Marco?" Tanong ko sa lalaking yun. Never akong kinontact.

"Yun bakulaw na yun, ayos lang. Buti nga siya may pa bakasyon pang nalalaman eh" May inis niyang sagot sa akin. Napatawa naman ako ng mahina.

"Sus! bakit ikaw hindi ka magbakasyon?" Biro kung tanong sa kanya. Bigla naman siyang naging seryoso.

"Hindi pwede, need kong magtrabaho. You know financial problem" Bagot niyang sagot sa akin.

"Okay" Naniniwala kong sagot sa kanya.

"Ikaw?" Balik tanong niya sa akin.

"Same thought!" Bored kung sagot.

"Uy, destiny" Biro niyang pang aasar sa akin. Inirapan ko lang siya saka tumayo. Kaagad naman siyang nabahala.

"Oh saan ka pupunta?" Nataranta niyang tanong.

"Sa kusina lang, titignan ko kung may stock pa ako ng pagkain. Baka kasi wala na, nakakahiya naman sa inyo" Sagot ko sa kanya habang sinusundan niya ako ng tingin.

"Sama ako, huwag mo kong iwan baka may momo dito!" Natatakot niyang saad.

"Tsk, buti pinaalala mo. May white lady dyan sa labas ng bahay naglalakad kapag hating gabi na" Pananakot ko sa kanya. Kaagad naman siyang tumakbo palapit sa akin. Saka yumakap sa braso ko.

"Ano ka ba huwag ka ngang kumapit sa braso ko!" Inis kong reklamo sa kanya. Piliy kong tinatanggal pero mas lalong humihigpit.

"Eh kasi takot ako sa multo no" Natatakot niyang katwiran. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

"What? Takot ka sa multo? Maniwala" Hindi ko pag sang ayon sa kanya. Inis naman siyang napatingin sa akin. Saka bumitaw.

"Sa tingin mo nagbibiro ako?" Medyo galit niyang tanong sa akin. Sasagot sana ako ng biglang may umalolong na mga aso sa kabilang compound.

Napakapit uli siya sa akin. Duwag!
Bulong ko sa sarili ko. Hindi na siya kumalas sa akin hanggang sa nakaabot kami sa kusina.

Kaagad ko naman chineck kung may supply pa ako ng pagkain. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong may laman pa ito. Siguro nilalagyan nila Nanay Ebang.

Dumako naman ako sa mga kabinet ko sa tapat ng may lutuan ko.Tinignan ko kong may stock pa ako ng finger foods  at breads. Meron pa, sa kabila naman mga jams.

Ghad, buti meron pa akong stock ng pagkain dito. I can stay here until next week. Mukhang dinamihan nila Nanay Ebang ang paglalagay ng stock dito sa bahay.

"Ano man?"Natatakot pa rin na tanong ni Blyst sa akin. Na ngayon nasa likod ko lang.

"Meron pa" Nakangiti kong saad. Kumuha naman ako ng Piatos at Patatas. Saka ko siya inutusan na kumuha ng dalawang bottle softdrinks sa ref.

Bumalik uli kami sa sala. Tamang kain lang ng chichirya habang inaantay silang bumalik. Lumipas ang Alas nuebe ng gabi, isa isa na silang nagsisidatingan. Nauna ang grupo nila Bruce. Sumunod sila Kynn.

Ilang minuto lang din sila Ate Resonate naman na ang dumating. Seryoso sleep over ba ang magaganap o camping? Sa dami ata ng dala nila balak nilang dumito ng ilang araw ah.

"Kayo pa lang?" Kaagad na tanong ni Ate Cosima ng makarating na siya sa may sala.

"Yep, wala pa rin yung iba. Baka bumili din ng dagdag na pagkain, you know" Bubbly na sagot ni Geff.

"Kaya nga" Sang ayon ni Loucas.

"Saan nakalagay gamit niyo?"Tanong ni Ate Briar ng mapansin wala sa kanila yung mga gamit nila.

"Nasa loob ng kwarto. Sa kabilang kwarto sa tapat ng kwarto ni Devina nakalagay yung sa mga lalaki. Sa kwarto ni Devina yung sa mga babae" Paliwanag ni Luie.

"Okay, ilalagay na muna namin ito doon, tsaka babalik din kami kaagad" Paalam ni Ate Cosima  saka sila sabay sabay na umalis.

Habang papalalim na ang gabi unti-unti na kaming nakukumplete. Lumalala na rin ang kabang nararamdaman ko.

"Kumpleto na ba tayo?" Pagchecheck sa amin ni Kuya Jasthin sa may sala.

"Yes!" May excitement na sagot nila.

So this is it.

"Devina" Pagbibigay sa akin ni Kuya Jasthin ng cue para mag simula na.

Huminga muna ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob na magsalita. Hindi ako sanay sa ganito kaya I need to orient myself.

"You can do it!" Pagchecheer up aa akin ni Blyst na nasa side ko.

"So, Alam niyo naman na andito tayong lahat para makinig sa sasabihin ko." Pagsisimula ko habang nilalaro ang kamay. Habbit ko na ito lalo na kapag nagpapaliwanag ako.

Tahimik naman silang nakikinig sa akin. Yun din ang isa sa kinatatakutan ko kapag nagpapaliwanag ako. Walang nakikinig kaya minsan hindi ko na pinagpapatuloy ang pagpapaliwanag kong wala naman nakikinig sa akin.

"Uhmm, I'm just explain my side. Regarding sa issue na hindi ko pagpapaalam sa inyo na umalis ako sa Cafe kanina"

"The main reason is, I grow up no one of my family member notice my presence when I'm taking consent about going somewhere" Malungkot kong pagbubunyad.

"What make it different from us?" Takang tanong ni Ate Shye.

I look at her with sad eyes.

"It makes different because, kahit anong pagkakataon na ginagawa ko yun. Lagi akong mababaliwala. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti kong narerealized na kahit anong gawin kong pag papaalam. Kahit na gabihin akong umuwe. Kahit na mapahamak.ako. Isa lang ang natatanggap ko sa kanila" Pagpapaliwanag ko ng medyo may hinanakit na.

"Ano?" Tahimik na tanong nila.

"Nakakasakit na titig, sinasabing pakialam ko sa iyo" Masakit kong sagot.

"Dati kahit ganon, nagpapaalam pa rin ako. Pero habang tumatagal pinipili ko na lang na huwag dahil kahit pagbaliktarin mo ang lahat lahat. Isa lang ang gusto nilang iparamdam sa akin. Na kahit ganon, wala pa rin silang paki sa akin. Kahit siguro mamatay ako, imbis na magdusa sila. Baka magcelebrate pa sila. Dahil finally, wala na ako sa buhay nila. The black sheep Devina is gone. Nice to hear in ear, right?" Sacratic na tanong ko sa kanila. Ramdam ko naman ang pagbabago ng atmosphere dito sa may sala pero wala na akong paki doon.

"Kaya minsan mas gugustuhin ko na mawala na lang kisa maranasan itong ganitong buhay. Buhay na para kang multo. Yes, I exist pero ako lang ang nakakaalam"

"Thats why, ni minsan hindi ako nagpaalam sa inyo. O mag sabi man lang ng information kung aalis ba ako o kung saan ako pupunta" Matapang kong sinabi yun habang isa isa silang tinignan.

"Dahil natatakot akong, baliwalain katulad ng pamilya ko." Manghihina kong sagot.

"Sa tingin mo sapat na dahilan yun para gawin din sa amin?"Medyo galit na tono ng tanong ni Kuya Osgood.

"Yes, you know why? Hindi ko ito gagawin kung buo pa ang tiwala ko sa ibang tao. Sorry! kung sa tingin niyo mababaw lang na rason ito. Sorry kasi napakasensitive ko na dahil lang hindi pinapansin ang pag papaalam ko. Sorry ha! Kasi hindi ko na alam yun pakiramdam na may nag aalala pa sa akin" May hinanakit ko ng sagot sa kanya. Oo sa tingin nila masyado itong mababaw pero hindi nila alam.

Tumatak na ito ng malalim sa pagkatao. Yung pagkatao na pilit kong binubuo pero mas lalo akong masusugatan kapag pinagpipilitan ko.

Hindi ko na napigilan humagugol sa sakit na naramdaman ko. Alam ko hindi lang ako ang nakakaranas nito. Pero kasi mula pagkabata ko ito na ang nararanasan ko. Hindi na mababago non ang katotohanan. Wasak na ang pagkatao sa usapang pagtitiwala.

"Pero andito na kami hindi pa ba sapat yung pinaparamdam namin?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Ate Kheye.

"Hindi!" Matigas kung sagot.

"Bakit?" Nanghihina niyang tanong sa akin.

"Dahil hindi ko na rin alam kung paano mag alala sa sarili ko. Hindi ko matatanggap ang pag aalala ng iba para sa akin kung ako mismo. Manhid na para pakiramdaman yun" Tulala kong sagot sa kanila.

"Masyado ng malaki ang sugat na binigay nila sa akin. Na ultimo mismo ako hindi ko na masagip ang sarili ko sa sarili kong problema. Sorry pero sa ngayon baliwala pa ang pag aalala niyo sa akin. Sana maintindihan niyo. Mahirap din sa akin na paniwalaan ang pinapakita niyo. Matagal nang nagdududa ang sarili ko sa ibang tao. Sa dami ng nakasalamuha ko, pare-parehas ang nakukuha kong treatment. Either cold or none, Alam ko nasasaktan ko na kayo. Sorry for that pero mas nasasaktan ko ang sarili ko kung aasa uli ako na finally their's a certain person or people worried for me" Mahabang paliwanag ko.

"I hope na maintidihan niyo ko. Kung hindi man ayos lang sanay na ako" Pagtatapos ko ng pagpapaliwanag ko.

Tahimik akong tumingin sa ibaba. Sanay na ako sa feeling na kapag nagkukuwento ako tungkol sa sarili ko. Wala pa ako sa pinakatotoong rason. Iba na ang topic, wala nang may paki.

Kaya I never push myself for the others kung hindi naman sila interesado.Wala ding silbi.

"Hindi ka din naman namin pinipilit na papasukin kami sa buhay mo. Pero ang nais lang namin na malaman mo ay. Where here, kakampi mo kami. Lagi mo sanang tandaan yun. We're one Family here, not through blood but by heart" Madamdaming saad ni Kuya Jasthin na sinang ayonan naman ng iba.

I smile that I realized mayroon pa rin pa lang tao na andyan para sayo. Masyado lang ako mabulag ng mga kanarasan ko sa buhay.

Life is full of non extraordinary challenges but also full of something you don't expected.

And this kind of unexpected that life experience for me. To found a group called, Family.

Masaya na ako mayroon akong nakilala tulad nila. Pero hindi pa rin yun sapat para tuluyan ko itong maramdaman ng buo.

Hindi ko alam kung bakit. Ito nakakita na ako ng mga taong magpapahalaga sa akin pero parang may kulang. Parang may puwang pa rin na kailangan punuan.

Pero hindi ko alam kung bakit ko pa ito nararamdaman. Siguro mayroon pang tao na dadating sa buhay ko na kukumpleto nito. Kung sino man yun sana mabuo niya ako. Para matapos na ako sa paghahanap ko sa sarili ko.

My half self is missing. Kung nakakino man ito, sana mabalik na niya sa akin ito.

Naging maayos naman ang lahat matapos kong ipaliwanag sa kanila ang side ko. Masaya naman nila akong tinanggap sa kabila ng mga nagawa ko sa kanila. I was thankful na may tao pang katulad nila.

Yung tatanggapin ka ng buo. Nang walang pagdududa.

Yung balik nila matapos kung magconfess tinuloy nila sa kabila ng dramahang naganap. Para ngang walang mangyari eh.

Ito sila masaya habang nagkukuwentuhan sa iba ibang topic. Nagjajamming sa mga kantahang pinapatugtog ng gitara ni Vailey.

Everyone is happy singing to one song. A wide smile look vivid on their faces. But I know behind of that is the our own struggle to fight in this world full of challenges.

Saglit akong bumalik sa kusina para kumuha uli ng iba pang pagkain. Habang kumukuha ako sa kabinet sa taas ng lutuan ko. Naramdaman ko ang isang titig na nasa likod ko.

Pagkalingon ko si Vannamei ang seryosong nakatingin sa akin. She is standing straight behind of me. Looking me with her common mataray look.

"May kailangan ka?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Bigla siyang umirap sa akin.

Umalis siya mula sa pagkakatayo niya sa may bukana ng pintuan ng kusina. Lumapit malapit sa pwesto ko. Napahawak naman ako ng mahigpit sa mga pagkain na hawak ko.

"Tsk...hindi ka pa rin nagbabago. The same old Devina. A fragile one, sige sa pagkakataon na ito. Papakinggan ko muna ang paliwanag mo pero hindi pa rin magbabago ang trato ko sayo. Maybe you explain your side to them at naniniwala sila doon. Pwes ako hindi, dahil alam ko sa sarili ko kung sino ka talaga. You can't change my idea about you. Hindi ko alam kung nagpapanggap ka lang o hindi. Pero sa oras na malaman kung nagpapanggap ka lang. You'll see, Eve" Mahabang pagtataray at may kasama pang pagbabantay.

Umalis siya ng tuluyan sa harap ko. Iniwan akong naguguluhan sa mga sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na alam niya kung sino ako?

At bakit niya ako tinawag na Eve! That name was familiar to me. Sino ka ba talaga Vannamei. Natauhan lang ako ng may kumaway sa tapat ng.mukha ko.

"Blyst!" Saad ko ng mabalik ako sa sarili ko.

"Tulala ka ah" Puna niya sa akin.

"Ah may naalala lang" Sagot ko saka umiwas ng tingin.

"Tungkol ba sa sinabi ni Vannamei?" Parang sigurado niyang sagot. Napatingin naman ako sa kanya.

"I saw her palabas ng kusina kaya pinuntahan kita dito. Did something between you and Vanna?" Tanong niya sa akin.

"Wala may sinabi lang siya sa akin" Sagot ko saka nag umpisang maglakad pabalik sa may sala.

"Nag aalala ka pa rin ba tungkol sa ginawa mo kanina?" Tanong niya na nagpatigil sa akin.

"Nope, It not about explaining my side earlier. Something that I can't understand" Nalilito kong sagot sa kanya.

"Kung ano man yan masasagot din. Tara na baka hinahanap na nila tayo" Yaya niya sa akin pabalik sa may sala.

And the rest of night was so unbelievable. Napuno ng tawanan, kantahan at kwentuhan ang bahay ko na hindi ko iniexpect na mangyayari sa tanang ng buhay ko. But who I am to deny it. I love it. Another list of me cross out of it. Two down for tonight.

12: Hang out with my friends or co-staff.

15: Share my story to other.

Macrocross out ko na rin yun. Lima na, unti-unti nang nababawasan ang mga bagay na gusto kong gawin bago ako mawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top