IL20

Eurion's garden

Gaya ng pinayo sa akin ni Doc. Xab nagpahinga ako at kinagabihan lang non dinischarged din ako. Kaya nakauwe na ako sa amin. Still no news about my parents visit me in hospital. Sanay na ako.

Nalaman na din pala nila kung saan ako umuuwe minsan. They check like someone, sneak inside while I'm in the hospital.

Marami pa silang bilin, payo at paalala sa akin bago tuluyang umalis. Mas nastress pa ako sa kanila eh kisa sa pagkakahospital ko.

Kaloka parang mga magulang ko lang eh. Pati sila Nanay Ebang na stress din sa kanila eh. Buti na lang at nakaalis na sila.

"Ganoon ba talaga sila?" Loka na tanong ni Nanay Ebang. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman po, ngayon lang. Nakakagulat nga po eh" Totoong sagot ko. Actually naninibago ako sa kanila. Before naman walang nakakaalam na nahohospital ako kaya walang nagpapayo sa akin nang ganon.

"Hay, nako hayaan mo na Ebang at least may nag aalala din sa kanya na kaibigan niya. Hindi tulad nong magulang niya nako nakalabas na pero ni anino wala man lang" May galit na saad ni Aling Senayda.

"Tama ka dyan, nako kaya minsan mas naiisip kong dumito ka na muna kisa dyan sa bahay niyo na para ka naman multo kung ituring" Suhesiyon  sa akin ni Aling Dilya.

"Oo nga anak, dumini ka na bungat kisa naandoon ka pero hindi ka naman pinahahalagahan" Sang ayon ni Nanay Ebang. Minsan naiisip ko din yun. Pero mas nangingibabaw sa akin yung pagmamahal kahit na ganon.

"Kung pwede nga lang po eh" Malungkot kung sagot.

"Bakit hindi?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Alam niyo naman po diba?" Mapait na ngiting sagot ko sa kanila. Bigla naman silang natauhan sa nakitang reaksiyon ko. They already know what my reason is. At walang makakapagpabago non.

Alam kong nagmumukha akong tanga sa kasisige na manatili doon. Pero I made a promise and I'm not the kind of person breaking a promise we made.

Isa rin yun sa dahilan kung bakit gusto kong gumaling kaagad. Hindi dahil sa kanila. Kung hindi kay Kuya Eurion.

Iniwan naman nila akong mag isa dito sa kwarto ko para makapagpahinga na ako. Hay! nakakaboring na naman. Hindi ako sanay na nakahigalang buong maghapon. Pero ano bang magagawa ko kailangan kong magpahinga. Para makita ko muli ang escaped place namin ni Kuya.

Pati trabaho ko tuloy damay. Sayang holiday kahapon, malaki ang kita kaso nasa hospital naman ako. Tsk, laking tulong yun sa ipon ko pero anong mangyari nahospital pa ako. Nako, kung andito siguro siya nakakatakot na sermon ang inabot ko.

Umayos ako ng upo, saka tinabunan ng kumot ang kalahati ng katawan ko. Sa pag muni-muni ko, nahagip ng tingin ko ang bag ko.

Napangiti ako sa naisip ko. Dali-dali kong tinanggal ang nakatabon sa katawan ko at tumayo sa kama. Maingat naman akong naglakad papalapit sa study table ko.

Umupo ako sa upuan ko saka dinampot ang bag. Binuksan ko ito saka kinuha ang notebook ko kung saan nakalagay ang death list ko.

No. 7: Visit and repair the escaped tree house.

Muli akong napangiti sa nabasa ko. Nasa list ko pala ito. Pati ang Garden ni Kuya na kasunod nito.

No.8: Regardening Kuya'S Eurion garden.

Noted, as long na pwede na akong gumalaw-galaw ng maayos, magagawa ko na ito. So bali, Tatlo na sa forty ang magagawa ko. The rest sa ibang araw na lang, ang iba kasi dito kailangan ng iba para magawa. So baka sa ibang araw na magawa.

"Oh, andyan ka pala" Biglang saad ni Aling Senayda ng buksan ang pinto ng kwarto ko. Napatago naman ako ng notebook ko sa bag.

"Oh! ito pagkain mo, ubusin mo para lumakas ka na. Alam kong marami ka pang kailangan gawin" Nakangiti niyang sabi sa akin. Alam na alam talaga nila ang iba kong kilos. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hmm, Nay Senayda!" Malambing na saad ko sa kanya bago siya niyakap.

"Ikaw talagang bata ka, napakabusy mo. Kaya sana ang ibinilin ko sa iyo. Alagaan mo ang sarili mo. Kilala mo naman na ang kakayahan ng katawan mo diba? Ilang beses ka na ring pinaalalahanan ni Doc. Xab mo. Mukhang mauna pa sa aming tumanda ng husto yun kapag lagi mong simusuway" Bilin niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Opo" Magalang kong sagot sa kanya.

"Uy! anong drama yan!" Biglang singit ni Aling Dilya. Saka lumapit sa amin.

"Nako, ano yan!" Sabat din ni Nanay Ebang saka lumapit sa pwesto namin.

"Pasama naman kami" Parang bata na sabi ni Aling Dilya. Napatawa naman kami ni Nay Senayda.

"Group hug!" Open arms kong sigaw saka sila nagsiyakapan sa amin. I love this kind of feeling. I feel warm, care and safe. How I wish na nayakap ko din sila ng ganito.

"Oh umiiyak ka na naman" Sabi ni Nay Ebang ng makita ang luha sa mga mata ko. Napasimangot naman ako sa kanila.

"Nako, hindi ka pa rin nagbabago napaka iyakin mo pa rin tulad ng sabi ng Kuya mo Eurion" Pang aasar sa akin ni Aling Senayda. Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi niya. Talagang si Kuya napakadaldal pati pagiging iyakin ko nachismiss niya dito kila Nay Ebang.

"Kaya nga hay, kung andito lang sana yung Kuya mo no. May kakampi ka pa sa bahay niyo kaso mukhang kalaban mo ang panahon eh" Malungkot na inaalala ni Nay Dilya yung panahon na pinagtatangol ako ni Kuya kila Ate. Kilala nila si Kuya Eurion minsan daw kasing napapagawi yun dito nakikipaglaro sa mga apo nila dati. Lagi daw may nakukuwento na batang iyakin, at ako yun. Grabe si Kuya talaga eh.

Napayakap na lang ako sa kanila dahil miss na miss ko na siya. Naalala ko pa yung mga panahon na yun kahit saglit naramdaman kong may kakampi ako.

"Pwede ba Ate tigilan mo nga si Devi, wala siyang ginagawa sayo pero inaaway mo siya" Paghaharang niya sa akin saka sa Kay Ate Velvet.

Inaaway na naman ako kasi ni Ate Velvet. Tungkol sa nawawala niyang doll. Eh hindi nga ako nagagawi sa kwarto nila eh. Ako pa pagbibintangan, nakakainis.

"Pwede ba Eurion wag kang makialam dito baka gusto mong sabihin ko kay Daddy yung ginawa mo kahapon" Banta sa kanya ni Ate Velvet. Napatigil naman si Kuya sa paghaharang sa akin. Lumingon siya sa akin saka kumindat.

"Pakialam ko ba, edi magsumbong ka dyan ka naman magaling eh. Sumbongerang palaka kala mo.maganda. Hindi ka naman crush ni Kuya Kaito" Pagbabawing asar niya kay Ate. Bigla naman namula sa galit si Ate sa mga pinagsasabi ni Kuya Eurion. Lihim naman akong natatawa dito sa likod ni Kuya. Hindi ko alam marunong pala siyang mag away nong gawin. Ang alam ko mga babae lang gumagawa non.

"Anong sinabi mo!" Inis na sabi ni Ate Velvet na pulang pula na sa galit.

"I don't need to repeat my self Ate. Maglinis ka ng taenga mo puno na ata ng dumi kaya hindi mo marinig ng mabuti. Yuck!" Maarteng sagot niya kay Ate. Para nang turo si Ate dahil sa galit niya buti nalang dumating sa Ate Qwer.

"Anong nangyayari dito?" Mautoridad niyang tanong sa amin. Natigil namam silang dalawa sa sagutan sa tanong ni Ate Qwer.

Si Kuya Eurion ang naunang sumagot.

"Si Ate Vet po kasi, inaaway si Devina. Pinagbibintangan niyang kumuha ng doll niya eh buong maghapon kaming magkasama kaya hindi siya yung may kasalanan" Pangangatwiran ni Kuya Eurion kay Ate Qwer.

"Totoo ba yun, Vet?" Matigas na tono ng boses na tanong niya kay Ate Velvet na nanigas na sa kinatatayuan. Sa kanila kasi si Ate Qwer yung pinakamay authority sa amin. Si Kuya Connor naman may authority sa bahay if wala ang parents namin.

Hindi naman nakasagot kaagad si Ate.

"Vet!" Tonong babala ni Ate sa kanya ng hindi pa ito sumagot. Natauhan naman si Ate Velvet at utal na sumagot.

"O - o - po" Nauutal sa nginig niyang sagot habang nakayuko. Bawal kasi ang magsinungaling kapag si Ate Qwer ang kaharap mo. Kahit na magpalusot ka malalaman at malalaman din niyang nagsisinungaling ka lang.

Biglang naging nakakatakot ang istura ni Ate Qwer. Oh no! punishment. Ano kayang ipapagawa sa kanya ni Ate Qwer.

"Kayong dalawa bumalik na sa kwarto niyo. Velvet Mandize, sumunod ka sa akin" Madiin niyang utos. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa takot. Once kasi na tinawag ka na ni Ate Qwer sa buo mong pangalan asahan mo, galit na yan.

Sa aming magkakapatid si Ate Qwer ang dapat mong iwasan. Napakastrikto niya. Kapag sinabi niya kailangan mong sumunod. Kapag hindi si Kuya Connor naman ang makakabangga mo. Kung si Ate Strict, mas malala si Kuya. Kung si Ate may sariling rule, siya deretso kaagad kay Daddy.

Walang siyang pakialam sa paliwanag mo, mali ka man o tama once na nagsumbong na siya kay Dad. Asahan mo na ang punishment mo kaagad, grounded for a week. Light pa lang yan, kapag sinagad mo sila the whole year kang walang allowance.

Discipline rule over the house kapag ayaw mo sa patakaran nila. The door is open, you can leave. That our main rule. Kaya ingat na ingat ako na hindi makagawa ng ano mang ikakapahamak ko sa bahay na ito. Iba kasi ang patakaran sa akin. Iba din sa kanila.

Tumalikod naman kaagad kami ni Kuya Eurion para makabalik na sa kwarto namin. Pero bumulong siya sa akin na.

"In my escaped graden" Mahina niyang bulong sapat na para marinig ko. Kahit hindi kami nagkakatinginan tumango ako bilang sagot.

Nauna siyang lumiko dahil sa pang apat na hilira yung kwarto niya habang ako nasa taas. Bago ako makaakyat sa third floor. Tumingon ako sa likod, wala na sila. Siguro na sa Punishment room na, pasimple naman akong naglakad pagilid.

Sa mabilis na pumasok sa secret door namin ni Kuya. Nauna akong pumunta sa lugar dahil kukuha pa siya ng tyempo. Saka Dinner time na baka hanapin siya. Wala naman kaso sa akin yun, hindi naman ako hinahanap.

Mabilis akong dumeretso sa lugar niya. Hindi maiwasan mapatigil sa ganda nito. Tumungo naman ako sa usually spot namin.

Tahimik, nag iisa ko itong pinagmasdan. Sana bulaklak nalang ako. Itatanim, yayabong saka mamumulaklak kapag nakatakda na. At higit sa lahat yung inaalagaan at pinahahalagahan.

Tulad nitong mga bulaklak ni Kuya na andito. Tinanim niya, inalagaan at pinahahalagahan. San ako din, lihim kong panalangin.

Wala sa sarili naman akong napahiga sa damuhan. Napayakap sa sarili dahil sa lamig. Mag se-seven na siguro. I mentally look at the sky, hoping na may dumaan falling star. Para makapagwish na someday papansinin nila ako.

Pero nagdaan ang mga oras wala pa rin si Kuya Eurion kaya nagtaka ako. Napag pasiyahan kong bumalik muna sa mansion. Sa pagbalik ko may mga tao akong nakita, mga nakakulay itim.
Bigla akong kinabahan nakabantay sila sa may butas. Paatras na sana ako ng may biglang humila at nagtakip ng bibig ko.

Nagpupumiglas ako sa nakahawak sa akin. Pilit naman niya akong hinahawakan ng mahigpit.

"Kumalma ka ako ito" Bulong nito sa may taenga ko. Boses ni Kuya Eurion, napalingon ako kaagad sa kanya.

"Kuya!" Natatakot kong tawag sa kanya.

"Shhhh, wag kang mag alala andito si Kuya" Pag aalo niya sa akin. Napatingin uli ako sa gawi kung nasaan yung mga lalaking naka itim.

Mas lalo naman akong hinila ni Kuya malapit sa kanya. Nakakubli kami sa malalaking damo sa gilid ng Harden niya. Kanina pa siguro si Kuya dito.

"Kanina ka pa ba dito Kuya?" Mahinang bulong kung tanong sa kanya.

"Oo" Mabilis niya tugon habang nakabantay sa galaw ng mga lalaking nakaitim.

"Sino ba sila Kuya?" Kuryuso kong tanong sa kanya. Rinig ko naman ang lalim ng hinga niya.

"Kuya?" Tanong ko uli sa kanya. Napalingon naman ako sa gawi niya. Kita ko siyang nakasandal na sa may batong malaki sa likod niya.

"Kuya? anong nangyayari sa iyo?" Naiiyak kung tanong habang nakakapit sa braso niya. Marahan naman niyang pinahid ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

"Iyakin" Asar niya sa akin habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi.

Doon ko lang napansin ang dugo sa kamay niya. Pinigilan ko ito sa pagbaba at tinitigan para makasiguro na tama ang nakita ko. Nanlalaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi! hindi! Sigaw ko sa isip ko. Napatingin naman ako sa katawan niya kung saan galing ang kamay niya.

"Kuya!" Umiiyak ko na namang tawag sa kanya. Nag quite sign naman siya sa akin. Pinigilan kong humikbi ng malakas para hindi kami marinig. Mahigpit kong tinakpan ang bibig ko para walang ingay na kumawala.

Patuloy ako sa pag iyak habang umiiling sa naiisip kong mangyari. No! not my Kuya Eurion please! Pakiusap ko sa itaas.

Marahan naman akong hinila ni Kuya para mapasandal sa kanya. Maingat ko naman siyang niyakap saka tinignan ko kung saan banda siya natamaan. Nakita ko ang bahid ng dugo sa may tagirilan niya. Puno iyon ng dugo, maingat ko naman tinakip ang kamay ko sa parteng iyon.

Matagal niyang hinalikan ang ulo ko para hinaplos ang buhok ko. Isang uri ng paglalambing niya sa akin. Nanatili kami ng ilang oras sa ganong position. Pero dahil palapit na sila ng palapit sa pwesto namin, kailangan na namin umalis. Pero nahihirapan si Kuya sa tama niya.

"Ayos lang ako" Pagsisigurado niya sa akin. kahit hindi sang ayon nanahimik nalang ako.

Kahit masakit pinilit niyang tumayo uli. Inakbay ko naman sa kanya ang kamay ko para tulungan makatayo ng maayos.

"Anong gagawin Kuya?" Tanong ko sa kanya ng marinig ang mga yabag nila.

"Sa kabila tayo" Sagot niya saka kami pumihit sa kabila ng bato. Pagkaikot namin, napaupo kami dahil sa may tao din malapit sa kinatatayuan namin.

Inantay namin na makaalis ito bago uli maglakad. Maingat at walang ingay kaming naglakad pabalik sa mansion. Malapit na kami sa butas ng makarinig kami ng sigaw.

"Ayon!" Malakas na sigaw ng isa sa kanila. Tinulak naman ako kaagad ni Kuya Eurion ng magpaputok sila ng baril. Sakto naman napadapa ako bago tuluyang lumapit sa amin ang mga bala. Napatakip ako ng taenga dahil sa takot.

Natapos ang putukan, mabilis akong lumingon kay Kuya Eurion.

"KUYA!!!"Malakas kung sigaw ng makita siyang nakatayo pa rin pero may dugo na sa gilid ng labi niya. Dahan-dahan naman siyang bumaksag paharap.

No! Kuya! Sigaw ko sa isip ko saka mabilis na tumayo para saluhin niya.

Ngunit isang malaking braso ang pumigil sa aking makalapit sa pwesto niya.

"Kuya!" Umiiyak kong sigaw sa kanya habang sinusubukang makaalis sa pagkakahawak sa akin.

"NOOO!!!"

"Tumahimik ka!" Banta sa akin nong lalaking may hawak sa akin. Saka pilit akong hinihila.

"Kuya! Ano ba bitawan mo ko!" Nagpupumiglas kong sigaw sa may hawak sa akin.

"Tumahimik ka sabi!" Inis niyang banta sa akin. Saka ako binuhat para makuha ng tuluyan. Pilit din akong nagpupumiglas para makaalis sa pagkakahawak niya.

Ngunit hindi ako nakawala. Kitang kita ko naman kung paanong tuluyan na bumagsak si Kuya sa lupa.

"KUYA!!!" Malakas kong sigaw. Unti unti naman kaming lumalayo sa pwesto niya. Kasabay ng pagtakip ng panyo sa ilong ko. Pilit kong nilalayo yun sa ilong ko mismo pero malakas siya. Wala akong nagawa.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Kasabay ng paglayo namin kay Kuya Eurion.

"Kuya!" Huling sabi ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Bigla naman akong napabangon sa napaginipan ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nakaidlip pala ako. Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko ng mapaginipan muli iyon.

"Kuya!" Maluha-luha kong bulong. Isang pangyayaring nagpalala ng buhay ko. Sana ako na lang yun. Hindi siya.

Napatakip ako ng mata ko para hindi tuluyang bumigay ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Dalawang araw matapos mangyari yun, nagising ako sa isang purong puting kwarto. Walang katao-tao kung hindi ako. Mahihirapan pa rin akong huminga dahil sa pangyayari. Kita ko naman ang mga tubong nakakabit sa akin. Ang nakatakip sa ilong ko.

Nahihilo pa rin ako. Nasaan ako? Tanong ko sa sarili ko. Igagalaw ko sana ang kamay at paa ko ng biglang sumakit ang puso ko.

"Arghhh!" Masakit kong daing. May narinig naman akong tumutunog sa gilid ko. Habang patagal ng patagal mas lalong sumasakit.

"Arghhh!" Daing ko pa rin. Napalingon ako sa gilid ng makita ko sa labas ng kwarto ang isang babae. Tulong! sigaw ko sa isip ko. Patuloy ang pagsakit ng puso ko, sumisikip ito ng sumisikip. Nahihirapan na rin akong huminga. Patuloy naman sa pag tunog ang monitor sa gilid ko.

Tulong Ate Ridget!! Sigaw ko sa isip ko bago ako tuluyang bumigay.

Napapikit uli ako ng pumasok yun sa isip ko. Sana hindi na lang ginawa ni Ate Ridget yun. Sana hinayaan na lang niya ako na mamatay. Sana! sana! para kasama ko siya ngayon. Pero malupet talaga ang tadhana eh. Hinayaan pa akong makabalik para pagdusahan ang pagkakamaling nagawa ko.

"Bangungot?" Biglang tanong ng taong nakasilip sa may pinto ng kwarto ko. Saka ko lang namalayan na ang bilis-bilis ng paghinga ko.

Tuluyan naman siyang pumasok sa loob para tabihan ako.

"Siya ba?" Maingat niyang tanong. Tuluyan na akong umiyak sa tanong niya.

"Shhh, tahan na" Pag aalo sa akin ni Nanay Ebang habang yakap yakap niya ako.

"May dahilan ang lahat, apo. Wag mong kakalimutan kong para saan itong ginawang pagsasakripisyo ng kapatid mo. Huwag mo sanang hayaan na mabaliwala iyon" Habilin niya sa akin habang yakap yakap pa rin ako.

"Alam kong masakit mawalan. Mahirap magpatuloy pero isa lang yang pagsubok lang yan. Malalagpasan mo din, yan ang pakatandaan mo" Huling payo niya bago tuluyan akong iniwan para makapagpahinga na.

Kinabukasan, pumasok muna ako sa school. Buti na lang at holiday kahapon kung hindi nako, mahirap magbahol sa klase. Mag absent ka lang ng isang araw parang buong isang linggo kang absent, sa dami mong mamimiss na discussion.

After school, umuwe muna ako para makapagpalit ng damit. Maaga kaming dinismiss kaya deretso ako sa mansion namin. Tinanong ko muna ang Guard kung andyan sila. At ang sagot naman niya ay...

"Opo Ma'am, ang kaso may bisita po sila nong isang araw pa po andyan" Pagbabalita sa akin ni Manong Guard. Napatango naman ako sa sagot niya at hindi na nagpumilit na pumasok sa loob. Hirap na baka may makakita na naman sa akin mayari na naman ako.

Naglakad ako palayo sa bahay papunta sa ibang ruta patungo doon. May nadiskubre kasi akong ibang labasan. Doon sila dumaan yung mga lalaking nakaitim na yun.

Lagpas isang kilometro ang layo mula sa mansion ang sekretong lagusan. Malapit sa masukal na parte na ng village kung saan bihira na ang bahay. Pumasok ako sa isang makitid na daan. Saka lumusot sa bakod na metal.

Medyo masukal itong ibang ruta pero keri naman. Ilang saglit pa ay nakaabot na ako sa may lagusan mula naman sa bahay. Tinanaw ko ito mula dito. Hindi naman ako kaagad mapapansin dito eh kaya ayos lang.

Tumalikod na ako saka pumunta na sa Escaped place ni Kuya, ang Garden niya. Pagkarating ko doon, nakakalungkot isiping hindi na ito maayos. Hindi tulad ng dati, maraming klaseng bulaklak ngayon mga damo na lang ang natitira. Kailangan ko itong ayusin muli.

Ito na lang ang tangin alaala niya sa akin. Kaya wala akong sinayang na oras. Nilinis ko ito, tinangal ang dumi, binunot ang damo at saka inayos ang ibang bulaklak na buhay pa.

Tatamnam ko ito muli ng mga halamang bulaklak. Matapos kong linisang mabuti, kinuha ko ang isang isang plywood. Na may nakasulat na...

'EURION'S GARDEN'

Inayos ko ito saka tinusok ang kahoy na hawakan nito sa lupa. Para magsilbing sign kung anong lugar nito tulad ng escaped tree house ko.

Nang maisipan ko yun dali-dali akong naglakad patungo doon. Naabutan ko naman sira-sira na ang bubong, dingding at ilang hagdan paitaas mula dito.

Andoon pa kaya ang ilang mga gamit namin? Sana andoon pa! Panalangin ko. Dyan ko kasi nilagay ang ibang gamit namin bago pa nila itapon.

Pati ito aayusin ko hindi nga lang ngayon. Dahil ilang oras na lang ay part time work ko naman. Kailangan ko tuloy na mas magtrabaho. Nabawasan yung ipon ko takte talaga.

Muli akong lumingon sa escaped place ni Kuya nag iwan ng katagang.

"Bubuuin kita muli, mag antay ka lang. Sarili ko muna ang uunahin ko"

--------

So sabaw Updated hahahaha. Mas magiging matumal ang pag updateko lalo na at mag i-start na kami ng klase sa August 5. So expect na baka once or twice per week ang pag uupdate ko. Yiieeee antabay lang kayo marami pang pasabog. And thank you samga abangers ng ud nito. Salamat ng marami.

~PrincessNalics~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top