IL2

Hurt

Another day the same routine, the same feeling. Kailan kaya magbabago ang buhay? Kapag wala na ko?

Ang hirap talaga sa buhay ng walang pumapansin sayo eh. May makikita pa kaya akong taong makakapansin sa akin o hanggang imagination ko nalang yun.


Buti pa yung mga bidang babae sa mga book stories na nababasa ko. Nakakakita sila ng mga prinsipe nila o di kaya night in shining amor nila. Ako kaya may ma-me-meet ba akong makakapagbigay sa akin ng halaga?

'Sus! naging asumera na narin pala Devi'

Arghh nevermind nalang nga. Makapasok na nga sa school. Gaya ng nakasanayan ko naglakad uli ako hanggang sa makarating ako sa school. Napatigil lang ako ng makita ko nasa may isang bench yung mga akala kong kaibigan ko.

I see them talking to each other, laughing, smiling and mocking. Mga bagay na gusto ko ring maranasan sa tanang buhay ko. Simula pagka bata ko, wala ng makikipag kaibigan sa akin. Kapag pumupunta kami sa park, ako lang yung natitira sa aming magkakapatid sa gilid kasi sila lahat may kalaro. Hindi ko alam kong may kung ano sa akin kung bakit ayaw nilang lumapit o baka ayaw lang nila talaga sa akin.


Matagal ko naman ng tanggap ang nangyayari sa akin eh. Wala akong sinisisi maliban sa sarili ko. Pero sa paglipas kasi ng panahon parang feeling ko may kulang sa akin, kaya hindi ko rin maiwasan na maingit na iba.


Napaiwas nalang ako ng tingin ng mapadako sa akin ang mga tingin nila. Nagmadali akong umalis sa pwesto ko at dumeretso na sa classroom namin.


Pagkapasok ko wala pa yung mga kaklase ko. Dumeretso ako sa upuan ko, pagkaupo ko nilibot ko ang tingin sa buong loob nito. Sa apat na sulok ng room, yung lamesa sa harap, blackboard, yung mga decoration sa taas at baba, floral na design ng kurtina at kahoy na upuan. Akalain mong aabot pa pala ako ng college.


6:30 pa lang ng umaga may isang oras pa bago mag start ang klase. Nakalumbaba naman ako sa desk ko, saka tulalang tinanaw ang eksena sa labas ng classroom namin.

Iba't-ibang klase ng tao ang natatanaw ko. Iba't- ibang grupo ang nakikita ko, may dalawa, tatlo o isang malaking grupo. Bawat nakikita kong tao may kinabibilangan, natanong ko na naman ang sarili ko.

Saan kaya ako kabilang? May kinabibilangan ba ako?

Isa lang naman ang sagot doon eh...wala!

"Arghhhh," mahinang daing ko ng biglang sumakit ang mga muscle ko sa paa. No! not now please. Bawat segundo mas lalong lumalala, mas sumasakit. Napasandal nalang ako desk ko para maibsan yung sakit. Mariin kong kinagat yung labi ko para walang kumawalang daing sa akin.

Hanggang sa dumating na ang first subject teacher namin. Kahit masakit pa rin yung paa ko. Gosh! Dahil to sa kalalakad ko eh minsan napapasobrahan na.

Nanatili pa rin ang sakit hanggang sa matapos ang pang umagang klase ko. Gez! Dahan dahan akong tumayo, habang pina pakiramdaman ang sarili kong paa, kong ayos ba. Nang makatayo ako at medyo ayos na, nagsimula na akong maglakad ng mabagal. Sa tambayan pa rin ako nanatili.

"Dito muna ako magpapalipas ng oras."

Inilagay ko sa harap ang aking paa saka nilapat ng kaunti. Tapos saka ko hinilot ng marahan.

Napapikit ako bigla ng may mataang masakit na parte ng paa ko, "Arghhh!".

Hinahabol ang hininga matapos kong hilutin paea maibsan ang sakit.

Saka ko humawak sa may puno para kumuha ng suporta para tumayo. Dahil malapit na ang time, kaya bago pa ako abutan ng time umalis na ko para bumalik sa room.

"Hay sa wakas nakarating na din."

Buti nalang wala pa yung mga abnormal kong mga kablock mate. Na dinaig pa ang highschool kung manggulo.

Ilan minuto lang ang lumipas, U ti unti ng bumabalik ang mga kaklase ko. Unti unti na ring umiingay ang loob ng room. Hanggang sa dumating na ang unang panghapon naming teacher.

Mabilis dumaan ang oras at uwian na uli. Nagdadalawang isip pa ako kung maglalakad ako o sasakay na. Sa dahilang magagastos ko ang perang idedeposito ko sa sabado.

Tinignan ko ang kalyeng lalakarin ko. Hindi ko matanaw ang dulo nito. Napabuntong hininga na lang ako, "Bahala na."

Wala pa ako sa kalahati ng unti uling bumalik ang sakit ng dalawang paa ko. Nagmumula sa hita pababa mula sa talampakan ko ang sakit.

Kung wala lang poste sa gilid ko malamang bumagsak na ako. Napakagat ako ng ibabang labi ko para pigilang mapadaing. Bigla namang nanubig ang magkabilang gilid ng mata ko. Maluha-luha na ako sa puntong ito.

"Ha! ha! ha!" hingal ang kapalit ng pag pipigil kung  mapadaing. Napasadal ako sa poste saka tumingala. Nang medyo nawala na, nagsimula uli akong maglakad.

"Kaya mo yan Devi!  Kailangan kayanin mo!"

Nabuhayan ako ng lakas ng makita ang sign ng Cafe kung saan ako nag pa-part time job, "Malapit na kunting tiis nalang." saka ako nagpatuloy.


'ZENA CAFE'


Deretso na ako sa likod, nang makapasok na sa may backdoor. Dumaan ako sa isang hallway, maliit lang ito bago ka lalabas sa may locker room. Sa left side ang babae, sa right side naman ang lalaki pero same room lang. Sa May bandang likuran ng pintuan bago ka pumasok dito ang cr kung saan kami nagbibihis. Ganoon din ang design kong saan ang locker namin.


Nang makarating na ko sa locker ko kaagad ko itong binuksan. Late na ko ng halos limang mimuto. Kaagad na may deduction iyon sa magiging sweldo ko sa sabado.

Napabuntong hininga na naman ako.

"Lalim ng iniisip natin ah," isang bored na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Si Blyst lang pala.

Tamad siyang nakasandan sa hamba ng pintuan patungo sa mismo loob ng cafe. He's wearing his cafe's uniform and well it suit to him. Paanong hindi he's tall, a fit body for his age, a half foreign, pointed nose, kissable lips and has dizzy hazel paired of eyes. Kung hindi ko lang kilala ugali nito malamang nagkagusto na ko dito. Pero eh, sa alam ko turn of ako sa kanya. Although kahit ganon lapitin pa rin siya ng mga babae.

Halos ng customer namin ay nahahakot niya eh. Kaya palaging maraming costumer lalo na kapag tuesday at thursday araw ng shift niya dito. Kapag uwian daming estudyante, naka hearthrob eh. Sa ibang school siya nag aaral kung saan din si Marco.

"Hey! tulala ka na dyan," nakangisi niyang saad sa akin. He lick his lips and tease me, "Want me?" then he wink at me, in flirlty way.

"Tss tigilan mo ko dyan... Mr. Flirt" irap ko sa kanya.

He just chuckled and smirk before leaving me here.

Hirap din ng ugali non kainis. Pero kahit ganon siya, isa siya sa kumakausap sa akin ng matagal kahit papaano, maasar lang ako.

Pagkaalis niya kaagad akong nagbihis, saka pumasok sa loob ng cafe. Mukhang maraming customer ngayon ah. Dali dali naman akong nagtungo sa may counter.

"Tsk late!" hasik sa akin ni Vanamei. Siya ang nasa naka aasign sa counter ngayon. Kita ko pa kung paano umikot ang mata niya para irapan ako.

Lihim akong napabuga ng hininga saka napayuko na lang sa sinabi niya. Laging mataray sa akin ito, ewan ko ba bakit parang ayaw na ayaw niya kung makita. Hindi ko naman siya inaano.

"Oh...," lapag niya sa isang tray sa counter top, "I-serve mo sa table number 5," pairap niyang utos sa akin. Kaagad ko naman itong kinuha saka tinungo ang table na sinasabi niya.

Maingat akong naglakad patungo doon. Nang makarating na ako sa table 5 kaagad ko itong nilapag.

"Here's your order, Sir!" nakangiti kong bungad sa customer na nakaupo dito. Hindi man lang ako tinapunan ng kahit saglit na tingin o magthank you man lang. Kadalasan kasi ganon yung ibang customer minsan tango lang tugon nila. Iba naman ang isang ito, hay bahala siya. Kaagad akong bumalik sa counter para magserve uli ng panibagong order.

Same routine tulad ng dati, mangunguha ng order, dadalhin sa counter, iseserve then maglilinis ng lamesa pagkatapos umalis ng mga customer.

Patuloy yun hanggang sa magsara na kami. Doon ko lang naramdaman ang pagod at sakit. Bigla muling bumalik ang sakit ng paa ko.

Mabagal akong naglakad pauwe. Halos hating gabi na ko ng makauwe sa amin. Kita ko ang pag aalala sa mukha ng gwardya pero nanatili itong tahimik tulad ng dati.

Nang marating ko na ang gate ng bahay namin saka lang ako nakahinga ng maluwag. Finally, nakakapagpahinga na ako.

Binuksan ko ang gate saka diretso sa loob ng bahay namin. Dahil sa layo ng nilakad ko saka pagod, nagpasya akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Papasok palang sana ako sa kusina ng bigla akong mapatigil. May naririnig akong mga taong nag uusap sa loob ng kusina. Sa wari ko ay dalawa sila. Mahina ngunit sapat na para marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Ano ng gagawin mo dyan sa isang mong anak?" mahinang tanong ni Mama kay Papa. Isang malutong na mura muna ang narinig ko bago siya sumagot.

"Anak?" tanong ng isang di makapaniwalang boses. I bet it is, Dad. Napalaki ang mata ko ng may marinig na nabasag, "Hindi ko yan anak, at hinding hindi ko yan magiging anak tandaan mo yan!"

Natigilan ako sa tono ng boses ni Papa. Galit na galit. Biglang sumisikit ang dibdib ko. Bumagal ang hininga ko.

Natahimik din sila ng ilang minuto. Hindi ko din namalayan na umiiyak na pala ako. Kaya pala hindi niya ako inalagaan, kasi hindi niya ako tanggap. Bakit? Bakit ayaw niya sa akin? Bunga ba ako ng isang pagkakamali?


Dahil sa sakit ng nararamdaman ko, dahil din hindi ko na kaya pa, umikot na ko paalis sa kusina. Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang. Parang sinaksak ng ilang libong patalim ang puso't isipan ko sa sinabi ni Papa.

"Magkamali ako ng binuhay ko pa siya," punong puno ng pagsisisi niyang saad, pero mas napahinto ako sa kasunod na sinabi niya, "Sana hinayaan ko nalang siyang mamatay."

Tumigil ang pag galaw ng paligil ko. Isang pagkakamali na nabuhay pa ako? Bakit hindi nalang nila ginawa noong una pa, sana hindi sila nahihirapan. At sana hindi na rin ako nahihirapan na lumugar, sa lugar na wala din pala akong pwesto.

Mabilis kong tinuyo ang mga luha ko, saka nagtago sa malapit na pwedeng pagtaguan. Mula sa tinataguan ko kita ko ang inis, galit at pagkadismaya sa mukha ng aking Ama. Ganon nalang siguro ang pag kaayaw niya sa akin.

Mabuti nalang siguro kung namatay ako! Baka kapag ganon magiging madali nasa kanila.

Nanatili pa ako ng ilang minuto bago umakyat sa kwarto ko. Halos bumagsak na ko ng makarating ako sa kwarto ko. Pagapang na kong pumunta sa kama ko.

Pikit mata ako ng umakyat sa kama ko. Mas damang dama ko ang sakit ng katawan ko. I'm crying in pain causing of my sick.


Laking pasalamat ko ng makahiga na ko sa higaan ko. Sanay na akong masaktan mula ng bata pa ako pero hindi ang ganitong kasakit.


Hindi ko inaasahan na sa kanya ko pa maririnig ang mga salitang iyon. Kadalasan, mga katapid ko lang naririnig ang mga ganoon kasakit na salita.

His word are too much from what I expect. It's always the cold treatment that he always giving on me. But...This time it's different hearing those words.

Nag pa-play iyon paulit ulit sa isip ko.

"Hindi ko yan anak, at hinding hindi ko yan magiging anak."

"Sana hinayaan ko na lang siyang mamatay."


Those words ang like sword. Bleeds me into the deepest of my heart.

My past hurt me, as I person I am now. My sick hurt me slowly, and the most my family always hurting me not physically but emotionally.

This day cause me so much pain, I need to rest. To erase this kind of feeling. That drowning me over and over. Nakakasawa na, lagi na lang.

Hanggang sa unti-unti na kong hinihila ng antok at pagod. Then everything is black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top