IL19
Recover
Ilang oras na akong gising hindi ko alam kung anong oras na. Tulog pa sila eh. Baka nakailang araw na ako dito sana hindi naman.
Tahimik kung inaalala lahat ng magaganda at masasakit na alaala namin ni Kuya Eurion. Hanggang ngayon sariwa pa rin ang pag uusap namin. Ngayon na lang uli kami nagkausap sa pananginip.
Ang unang beses ay yung pangalawang araw pa lang ng binurol siya. Lagi ako non sa escaped tree house ko. Minsan sa sobrang kaiiyak ko doon na ako nakakatulog.
Naalala ko pa ang sinabi niya bago ako magising kinabukasan.
"I'm sorry my crying baby girl, I broke our promise", He said in sad voice. "But don't let your self drown in this problem. Don't blame yourself, maybe this is my fate. Lahat ng tao namamatay dahil tapos na ang kanilang mission kung bakit sila nabubuhay. Ang mission kong ipagtanggol ka ay tapos na kaya ang mission mo naman ang tuparin mo. Bago kita kunin, dapat masulit mo ang lahat ng bagay na gusto mo. Dahil ako sapat na ang buhay kong iyon. Kumpara sayo mas may kabuluhan" Pangangaral niya sa akin.
"Kuya!" Humihikbi kong tawag sa kanya.
"Don't be scared, let them judge you but don't make them feel they right. People words are nothing when you don't mind them. Its powerless if you just let it pass. But not everything cause sometimes you need to listen but never make it obvious that you listen. Silence is powerful than being talkative" Payo na siya akin.
"Promise me, hangga't hindi mo pa natatapos ang lahat ng gusto mo wag kang susuko. Andito lang ako sa tabi mo at puso mo. Nagbabantay sa iyo, maniwala ka sa akin. Ang lahat ng hirap na mapapagdaanan mo, walang wala yan kapag dumating ang araw na nakatakdang mangyari" Huling saad niya bago ako nagising sa panaginip kung yun.
Katulad ng sinabi ni Kuya naging matatag ako ng mga panahon na iyon. Pero hindi pa ganoon katatag dahil sa bawat pagdaan ng araw. Mas lalong humihirap, mahirap maging matatag kung unti-unti ka ng natitibag.
Ang pader na binuo ko, unti-unting gumuguho bawat pag daan ng araw. Ang pangako ko ay unti-unting napapako. Pero ang martilo may pang tanggal ng pako kaya, kaya ko itong bunutin kapag bumabaon na. Hindi ako susuko, alam ko na may maganda itong patutunguhan gaya ng sinasabi nila.
Kailangan ko ng magpahinga para makalabas na ako dito at makita ko na ang escaped place namin ni Kuya Eurion. Pagpikit na ako ng biglang bukas ang pinto. Sa boses pa lang kilala ko na kung sino ito.
Imbis na imukat ko ang mata ko, nagtulog tulugan ako. Narinig ko silang magbulungan sa loob ng kwarto ko. Nagising ata sila Nanay Ebang.
"Oh, mga bisita ba kayo ni Rean?" Inaantok na tanong ni Nanay Ebang
"Rean?" Takang tanong nila. Oo nga pala iba ang gamit kong pangalan kila Nanay Ebang baka magtaka sila.
"Siya!" Pagtutukoy nila sa akin.
"Ahhhh" Sabay sabay nilang saad.
"Opo, lola bisita po kami" Rinig kong sagot ni Blyst.
"Ay kung ganoon maiwan mo na namin kayo dito, Dilya at Senayda. Labas muna tayo ng masolo nila ang kwartong ito" Aya sa kanila ni Nanay Ebang. Inaantok naman silang sumunod kay Nanay Ebang palabas.
Sa wari ko ay kung hindi lima, anim sila.
I was faking my sleeping to heard what will they say. Ramdam ko ang pag upo nila sa paligid ko. Bumaba naman ang kanang bahagi ng hospital bed na hinihigaan ko.
"Hay nako itong babaeng ito nakapa careless sa sarili!" Inis na sisi ni Blyst sa akin.
"Tsh, kailan pang hindi!" May maarteng boses na sumang ayon. Sino yun? imposibleng si Vannamei yun.
"Nako wag niyo na ngang sisihin kita niyong nakaratay na!" Rinig kung suway ni Kuya Jasthin sa kanila.
Tatlo na ang nagsalita kilala ko na ang dalawa sino yung tatlo pa.
"Alam na ba niya?" Tanong ng isa pang boses lalaki. Sa tono nito parang kilala ko na, halos gustong bumukas ng mata ko sa gulat.
"Hindi pa Kuya Land" Sagot ni Blyst. Fudgebar! totoo ba ito si Kuya Land kasama nila.
"Ako na ang magbabalita sa kanya mamaya" Pahabol ni Blyst. Sino ba yung tinutukoy niya. At paano nila nalaman na nasa hospital ako aber?
"Buti na lang, mabait si Kuya Xab. Nabalitaan tayo kaagad" Saad ng isa pang boses lalaki. Kilala nila si Kuya Xab?
"Buti na lang may contact tayo sa Kuya ni Cosima" Relief na saad ni Kuya Jasthin. Sabi ko na eh, kaya pala pamilyar sa akin yung surname niya.
Bat hindi ko naisip yun, so all along may alam sila sa akin?
"Oo nga pala saan na si Kuya Xab ng malaman natin kung ano bang dahilan lung bakit siya nag collapse" Takang saad ni Blyst. Rinig ko naman ang pagbukas ng pinto.
"Oh ito na pala siya" Saad nong boses ng isa pang lalaki, di ko mawari eh.
"Oh andito na pala kayo, kanina pa kayo?" Casual na tanong ni Kuya Xab sa kanila.
"Ah kanina lang kuya, ano pala ang lagay niya?" Nag aalalang tanong ni Kuya Jasthin.
"Based sa mga findings namin. Ayos lang naman siya. Over fatigue, stress and kulang sa pagkain ang naging cause ng pagcollapse niya" Sagot ni Kuya Doc. Xab.
"Kulang sa pagkain?" Takang tanong ni Kuya Land.
"Oo, isa yun sa nakitang cause mababa ang supplement ng mga nutrients sa buong katawan niya kaya humina ang ilang parte ng kawatan. Na naging cause ng pagcollapse niya" Paliwanag ni Kuya Xab.
"Paano naman siya magkukulang sa pagkain eh diba nasa mayamang angkan siya!" Curious na tanong ni Vannamei.
"Yun ang hindi ko alam, gusto ko din kausapin ang parents niya about her pero hindi sila macontact" Dissappointed na saad ni Kuya Xab.
"Bakit kung nasa mayamang pamilya siya. Sure ka bang nakakakain siya o pinapakain?" Tanong naman ni Kuya Jasthin kay Vanna.
Natahimik naman sila sa sinabi ni Kuya Jasthin. Bakit ba pa niya sinabi yun. Tsk sana hindi nila inisip yun.
"Wala naman akong sinabi eh" Depensa ni Vanna.
"Nako, wag na kayong magtalo ang mabuti pa. Antayin niyo na lang na magising siya tsaka niyo ako tawagin. Nasa may ward lang ako" Pag papaalam ni Kuya Xab.
"Sige po, Doc. Xab" May halong pang aasar na tugon ni Blyst.
Hindi naman siguro siya pinansin ni Kuya Xab dahil narinig ko ang pagbukas sara ng pinto. Marahil ay umalis na siya.
Matagal pa bago sila uli nag usap-usap. Nakilala ko na silang lahat na andito. Si Kuya Jasthin, Land, Tibor, Vannamei at Blyst. Lima lang pala silang naandito.
May iba silang pinag uusapan hindi ko gaano marinig dahil mahina ang pag uusap nila. Pero minsan naririnig ko pero hindi ganoon kalinaw.
Sa katutulog-tulugan ko, nakatulog nga ako. Nagising na lang ako ng nakatulog din sila sa kanya-kanya nilang pwesto maliban sa katabi ko na kakulitan.
"Oh hi sweetberry, ang cute mo kapag bagong gising ka!" Nakangiting bungad niya sa akin habang tumataas baba ang dalawa niyang kilay.
Napairap ako ng di oras. Hay nako.hanggang dito ba naman umaariba ang kalokohan niya.
"Don't me, Blyst. I'm still not feeling well" Medyo inaantok ko pang saad sa kanya saka humikab ng mahina.
"Mukha nga, you look sleepy pa. Matulog ka pa total madaling araw pa lang. Babantayan kita, yung mga taga bantay mo nga pala dito kanina. Umalis na bukas babalik sila dito" Nag aalala niyang saad saka hinaplos ang buhok ko. Nadala naman ako doon, actually inaantok pa ako.
"Hmmm" Tanging sagot ko saka gumilid paharap sa kanya. Papikit-pikit ako ng tumingin sa kanya. Hanggang sa nakatulog uli ako.
Blyst's POV
Napatakbo kami lahat kami sa office ni Ma'am ng pinatawag kaming lahat patungkol kay Vina. Hindi kasi siya nagpakita buong maghapon kaya nag alala kami sa kanya.
Pagkasabi na pagkasabi ni Kuya Jasthin, para kaming si The Flash. Kumaripas ng takbo papunta sa office ni Ma'am. May muntik pang madapa, madulas at mahulog sa hagdan sa pag uunahan namin.
"Teka! kumalma kayong lahat!" Malakas na paalala sa amin ni Kuya Jasthin ng tumakbo kami lahat paakyat. Naiwan siya sa tapat ng hagdan. Kanina pa kasi kami kinakabahan noong hindi pa siya nag papakita kaninang umaga.
"Si Vina?" Kaagad na tanong ko kila Martine na nag aayos ng gamit sa may locker niya. Monday ngayon at walang pasok, holiday kasi.
"Wala pa" Sabay nilang sagot. Nagtaka naman ako kasi kapag ganiting holiday, maaga pa lang naandito na siya. Malaki kasi ang sahod kapag holiday kaya bakit wala pa siya?
Baka na late ng gising tama! yun yun wag kang nega Blyst. Na late lang ng gising yun.
"Oh Blyst, andito ka na. Si Vina?" Tanong ni Kuya Tibor sa akin.
"Hindi ko kasama, wala pa nga eh" Sagot ko saka lumingon sa paligid.
Napakamot naman siya ng ulo niya.
"Huh? akala ko kasama mo, kanina pa wala dito eh. Tsaka anong oras na, kung malalate yun hanggang 9 lang hindi aabot ng ganitong oras" Pagtatakang sambit ni Kuya Tibor sabay tingin niya sa wall clock.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. What 11 na pala? Lah bat wala pa yung babae na yun? Dati rati naandito na yun.
"Baka may ginawa ngayon umaga, mamayang hapon papasok" Singit sa amin ni Kuya Osgood galing sa loob.
"Baka nga, ah mag bibihis muna ako" Paalam ko sa dalawang sa kuya namin dito. Sabay naman silang tumango.
Pagkapasok ko sa C.R namin mga lalaki nakita ko sa loob si Kuya Land. Mukhang seryoso, well lagi naman siyang seryoso. Pero gulat ko ng bigla siyang nagtanong sa akin.
"Hindi kayo sabay?" Tanong niya habang nag aayos ng chaliko niya.
"Ah hindi" Medyo ilang kung sagot. Napatigil naman siya sa ginagawa niya.
"Kinontact mo na ba?" Tanong niya sa akin pagkaharap niya. Nabigla ako sa ekspresiyon ng mga mata niya ngayon pero hindi ko pinahalata.
"Hindi eh, alam mo naman yun ayaw ng tinatawag tawagan" May inis na sagot ko sa kanya. Isa din yun sa problema sa babaeng yun eh. May cellphone ayaw magpacontact. Pero lately napansin ko wala siyang hawak na phone? Anyare nasaan na yung bago niyang cellphone?
"Okay" Tipid niyang sagot sa akin bago tumalikod uli saka pinagpatuloy ang ginagawa. Hmm, nakakapanibago si Kuya Land, dati naman hindi siya nagtatanong about kay Vina. Ano kayang meron?
Sa tanong kung yun, nasagot naman niya.
"Kinakabahan ako!" Totoong saad ni sa akin sabay hawak sa magkabilang bahagi ng lababo. Nakatingin sa baba para bang may pumapasok na mga iba't-ibang uri ng senaryo sa isip niya.
"Hindi ko alam kung bakit, pero nong huli akong kinabahan ng ganito. Yun yung gabing nawala si Ahyaa at nabalitaan na lang makaraan ang ilang araw patay na" Pahina nang pahina niyang saad. Bigla naman akong kinutuban sa sinabi niya. No! not Vina.
"Baka naman iba yan!" Kinakabahan kong saad sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Sana nga! mali ang pakiramdaman ko. Pero alam ko din sa sarili ko, once I felt something and the first person pop out in my mind. Thats the person might be in danger, once it vanish in my mind" Huli niyang sabi bago lumabas ng C.R
Napataas naman lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Kuya Land. Isa ba yun sa dahilan kung bakit siya ganyan ka cold sa iba. May tawag sa ganyan eh, nakalimutan ko lang. Hay! sana hindi totoo ang sinabi ni Kuya Land. Pero ang sarili ko din mismo traydor. Bigla akong kinabahan ng makalabas na ako ng cubicle.
Napailing na lang ako, mali! mali ang ganyan pag iisip. Hindi ko na lang pinatulan pa ang mga tumatakbo sa utak ko. Sakto pagkalabas ko sa C.R. nagtaka ako kung bakit sila nagmamadaling lumabas ng staff room.
"Anong nangyayari?"Takang tanong ko kay Bruce.
Napahinto siya saka ako sinagot.
"Pinatawag ang lahat ni Kuya Jasthin sa may tapat ng hagdan. Importante ata yung sasabihin niya" Sagot niya sa tanong ko. Napatango naman ako sa kanya. Nilagay ko muna ang gamit ko sa locker bago sumunod sa kanila.
Sakto naman pagkadating ko sa kompol nila, dumating si Kuya Jasthin galing sa itaas. Bakas sa mukha niya ang isang masamang balita. At mas lalo yung naganap ng ipaalam niya sa amin ang nakakatakot na balita.
"This is a bad news" Bungad ni Kuya Jasthin sabay hinga ng malalim. He look us around before continuing to tell us what Ma'am Elle told him.
"Tungkol kay Devina"Humugot siya ng hininga bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya.
"Pinapapunta tayo ni Ma'am lahat sa office niya. Doon niyo malalaman kung ano yun" Matapos niyang sabihin yun. Walang ano ano mabilis akong naglakad paakyat sa office ni Ma'am. Kaagad na sumunod sa akin ang iba. Pinaalalahanan naman kami ni Kuya Jasthin na magdahan-dahan at kumalma pero matigas kami at walang sumunod sa kanya.
Nagulat si Ma'am sa biglaang pagbukas ng pinto ng opisina niya. Sunod-sunod kaming pumasok sa office niya. Napatayo naman siya kaagad.
"Ohhh, you guys are here, all" Gulat na saad ni Ma'am ng makita kaming lahat.
"Oh yes Ma'am" Sagot ni Kuya Osgood.
"So since everyone is here, This is bad news" Simula ni Ma'am
"Devina is" Bitin na saad ni Ma'am
"What?" Atat kong tanong kay Ma'am. No! this is not happen.
"She is confined in hospital since yesterday" Mahinahon niyang pagpapaalam sa amin. Everyone gasp for a while.
"What, wait what happen, Ma'am?" Gulat na tanong ni Kuya Tibor.
"Her relatives told Doc. Xab. You know who is he, right? He called to inform us that Devina is in the hospital. She Collapse yesterday" Paliwanag ni Ma'am Elle sa amin.
"Oh my gosh!" React ng ilan sa amin.
"So, thats why she is not here" Huli niyang sabi.
"Why she collapse anyway Ma'am, did Kuya Xab told you the reason, Ma'am?" Tanong ni Kuya Jasthin ng nakarating siya.
"Oh! about that, He doesn't told me right away. He needs a medical test to find what it cause. Maybe Cosima know?" Pagtutukoy niya Kay Ate Cosy.
"Wala pa pong sinasabi si Kuya. But he told me where is Devina's confined" Sagot niya kay Ma'am
"Oh kung ganon lets visit her!" Aya ko sa kanila.
"You all can visit her but not in work.hour. Maybe right after work, understand guys? I know you all worried about her but you should do also your responsibility here, right?" Paliwanag ni Ma'am.
"Yes Ma'am" Sabay sabay naming sagot. Naintindihan namin ang point ni Ma'am and we all clear about that.
"So back to work now, para mabisita niyo na siya mamaya. Don't worry pwede ko kayong pauwiin ng maaga but make sure na may maiiwan dito para sa night shift" Balita ni Ma'am sa amin.
Nagkatingin naman kaming lahat. We need to decide who will left for the night shift and who will go to visit here. And in the end, they choose me, Kuya Land, Tibor, Jasthin, and Vannamei. They choose us because kami yung medyo close sa kanya and since Marco left kaya ayon.
Gaya ng pinangako ni Ma'am umalis kami sa Cafe ng Five ng hapon and nakarating kami sa Hospital na kinalalagyan ni Vina.
Tahimik lang kaming lima sa loob ng sasakyan ni Kuya Jasthin. Nervious and Afraid.
Mabilis kaming dumeretso sa kwarto nakaassign si Vina. Wala ng katok-katok pumasok kami kaagad. And Three old ladies sleeping at Vina's room.
Nagtaka kami ng sabihin niyang Rean? Whose Rean? And the lady who sleeping at the cough pointed out Vina. So they called Vina as Rean?
Why?
Nalaman na nga namin ang dahilan kung bakit siya nagcollapse. At nakakagulat ang huling dahilan. How come she lack in food? Is there something in their house?
Ito ang mahirap kay Vina, she doesn't share in her personal life. She is private person. We can feel the wall she build up. And we can't do anything to turn it down. Her wall is build so tight like something she protecting herself from others. Trust Issue, meron siya non. I can feel it.
Sino kaya ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng trust issue? Boyfriend? friend or family?
Hindi ako mapakali sa ilang oras na pananatili namin dito. Umuwe na ang mga taga bantay niya dito bukas sila babalik. Napaalam sila kanina. Tulog naman na ang mga kasama ko.
Napatingin naman ako kay Kuya Land. His prediction, its right. How could he feel its gonna happen?
Tinignan ko naman ang tulog na si Vina. She look like an angel sent form heaven to sate us.
Another hour she wake up but sleepy.
"Don't me Blyst. I'm still not feeling well" Inaantok niyang saad sa akin saka tuluyang humarap sa akin. She feel like exhausted.
Naalala ko tuloy ang mga pinagsasabi sa akin ni Marco. Nakatikim tuloy ako sa kanya ng pangaral ng todo-todo.
"Dude, Bad news; Vina is in hospital right now" Pagbabalita ko sa kanya.
"What?" Sigaw niyang tanong sa akin. Napalayo ko tuloy yung phone sa taenga ko.
"Dude, calm down" Pagpapahinahon ko sa kanya.
"How I can calm down, nasa hospital siya" Inis niyang sagot sa akin.
"Dude, biglaan to. We don't know na nasa hospital na siya kahapon pa. Kababalita lang sa amin ni Ma'am kanina. You know naman na hindi macontact si Vina. And napansin ko yung phone ni Vina, hindi na niya dala" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Napabuntong hiniga naman siya. I think she calming himself.
"Yeah, I notice that but I didn't give some care about it. I know this is not any one fault. But I can't tell myself to blame me. Ako dapat yung naandyan nagbabantay sa kanya" Paninisi niya sa sarili niya.
"No, dude! We also had same reason to blame ourselves. This is an lesson to us. We make sure to keep safe her" Pangako ko sa kanya.
"Make that true. This is not the end of the struggle she face off. Bantayan niyo siya ng mabuti ngayon. Ask her about her phone. Kung kailangan siyang lagyan ng tracking device plantahan niyo. Gawin niyo ang lahat just to make sure she is safe. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari uli sa kanya. She is important person for me to keep for. Sana maintindihan mo, this is not to make you feel useless. I just want you to know how she important not just for me, but to the person who must need her. Hindi ko man lang nasabi sa iyo ng malinaw but I just give up some clue. Someone important to her life wants her to keep her safe whatever happen. So I that what I do. And You guys doing not because of the past. I know some of our staff know her. They just riding to keep her safe. I hope you too. Naniniwala ako sa iyo na kaya mo siyang panatilihing ligtas. Pero wag niyo ding kalimutan ang sarili niyo. Keeping someone is keeping yourself also. Do not promise me, make sure off it. I don't need promises, action is all I want to you to do. Get it, don't pressure yourself. May mundo ka rin, I know whats happening to you too. Always be brave. I need to hang it, ibabalita ko pa sa kanya ito." Pangaral niya sa akin. Natamaan naman ako sa mga sinabi niya. Ghad, this is really mess. That Marco guys is really something I need too.
Napag usapan na rin namin yan nila Kuya Jasthin. Sinuggest ko na sa kanila yung sinabi ni Marco. And tgey willing to do it so.
"I know someone doing tracking device" Balita ni Kuya Tibor.
"Good, make sure na hindi niya malalaman ito" Paninigurado ni Kuya Jasthin.
"Yup" Sagot namin.
"So what about her phone?" Maarteng tanong ni Vanna.
"We can't do about it" Saad ni Kuya Land.
"Desisyon niya ang tungkol doon. Alam niyo naman na kung bakit" Paliwanag niya. Natahimik kami sa nais niyang ipahiwatig.
"So tracking device ang kailangan nating pagtuunan ng pansin lalo na may threat sa buhay niya" Final kong saad.
"Hmm" Sang ayon nila.
So nagkaroon na kami ng final na desisyon. I hope na gumana.
Devina'S POV
Umaga na ng magising ako. Maging sila ay gising na. Hindi ba sila umuwe?
"Oh gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Concern na tanong ni Kuya Jasthin sa akin. Habang sila Kuya Land and Vannamei ay tahimik lang.
"Ayos lang" Mahina kong sagot.
"Mabuti naman, wala na bang masakit sa iyo?" Tanong naman ni Kuya Tibor. Umiling ako bilang sagot.
"Good pinag alala mo kami ng husto" Parinig ni Vanna. Lihim naman akong napangiti kahit hanggang ngayon mataray pa rin siya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya. Parang may something sa mga mata niya. Napaiwas naman siya ng mapansin na makatingin din ako sa kanya.
"Oh gising ka na pala, hows your feeling? Good?" Kaagad na tanong sa akin ni Doc. Xab.
"Yes Doc." Sincern kung sagot.
"Okay good, kung ganon. Just rest para makarecover ka kaagad at ng madischarge ka na dito" Paalala niya sa akin.
Napatango naman ako, no need to remind me Doc. gagawin ko yun. May importante pa akong gagawin kaya mas pagbubutihan ko ang pagpapahinga para makaalis na ako dito. Nagiging suki na ako ng hospital. Nakakasawa na din feeeling ko kasi napakalala na ng sakit ko kapag ganito.
Kahit alam ko naman na lumalala na pero iba pa rin kapag nasa mismong hospital ka eh. Feeling mo kukunin ka na ng liwanag any time.
Ilang check up lang ang ginawa sa akin ni Doc. Xab saka umalis. May binulong pa siya kila Kuya Jasthin kaya nasa labas silang lahat. Naiwan naman ako dito sa loob. Kung ano man yun sana hindi konektado sa akin.
Do the 2R. Rest, and Recover. Yun ang pinaremind ko sa isip ko. Bago ako umidlip para makapagpahinga na ng maayos.
*****
Matagal na update hahaha busy this past week. Enrollment day kasi eh hahaha but before magpasukan surely makakapag update pa ako ng ilang chapter.
~PrincessNalics~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top